ILANG araw nang cold at hindi pinapansin ni Hannah ang asawa. Magkasama sila sa bahay, ngunit tila may pader na nakaharang sa kanilang dalawa. Kahit anong paglalambing ang gawin ni Renz sa kanya ay hindi pa rin ito tumatalab. Hanggang hindi niya nalalaman ang totoo mula rito ay hindi sila magkakaayos nito. It's easy for her to give her trust. Kahit hindi niya alam kung worth it ba na pagkatiwalaan ang ibang tao ay nagagawa pa rin niyang pagkatiwalaan ito. But it's hard to gain her trust again. Kung paano mabilis niyang naibigay ang tiwala ay kabaliktaran iyon kapag ito ay nasira na. Kaya't iyon ang ikinagagalit niya kay Renz. She will try to understand whatever his reasons, she just need his honesty. Of all people, tanging si Renz ang una niyang pinagkatiwalaan noong nawalan siya ng me