Humikab ako at tinignan ang orasan, alas tres pa lang ng madaling araw at binubulabog na agad ako ni Misis. Kinuha ko ang aking t-shirt at sinuot 'yon. Pagtapos ay bumaba ako papunta sa kusina. Gusto niya kasi ng sandwich. Naglilihi e. Nang makagawa ako ay gumawa na din ako ng gatas bago umakyat sa taas. "Here you go," sabi ko at binaba ang tray sa kaniyang harapan. Ngumiti ito sa akin at hinalikan ang aking pisngi, "Thank you, hubby," ngumiti lang ako at nahiga na uli para makatulog. Kinabukasan ay tanghali na ako nagising. Rinig na rinig ko na ang pag-aaway ng kambal sa labas pati ni Keian. Tumayo ako at binuksan ang pintuan, "Kiddos," bati ko. Tumayo silang tatlo at agad akong dinamba ng yakap kaya natawa ako, "Good morning, Daddy!" they said in chorus. Ngumiti ako, "Good m