"Mga gago, akala niyo ba matutuwa 'yon kapag may gasgas 'yan? Lagot tayo, huhu," ayon ang nakapagpa-gising sa akin. Nag-mulat ako ng mata at agad na tumambad sa akin ang nakakasilaw na ilaw, pumikit ako at tumingin sa ibang direksyon para hindi masilaw. Kumunot ang aking noo sa pagtataka, asan ako? Diba, may nang-kidnap-- s**t! Agad akong napa-ayos at napatingin sa paligid. Nasa sasakyan ako at nakita ko sila Edward na nag-uusap. Tumikhim ako kaya napatingin sila sa akin. Nanlaki ang mata ni Edward at akmang lalapit sa akin at ilalapat na naman ang panyo sa aking ilong. "Subukan mo, susuntukin kita," sabi ko at tinignan siya ng masama. Ngumuso ito at parang naiiyak na tumingin sa akin, "Sunny, huhu. Parang awa mo na, 'wag mo ko isumbong kay Kuya na may gasgas ka," aniya at yumakap sa