Kinabukasan nang magising ako ay namamaga ang aking mga mata. Ngumuso ako at umupo saka sumadal sa head board ng kama. Ayokong lumabas baka kapag nakita ko si Zander ay maiyak ako na naman ako at masapok ko lang siya. Bumukas ang pinto ng guest room kaya napatingin ako doon, si Suzy. Umupo siya sa gilid ng kama. Mababasa mo ang guilt at lungkot sa kanyang mga mata. "Ate, I'm sorry. Dahil sakin nag-away kayo ni Kuya," Naluluhang sabi niya. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. "Ano ka ba? Hindi naman ikaw ang may kasalanan eh. Ako ang may kasalanan dahil masyado akong pakialamera," Naka-ngusong sabi ko. "Ate, sorry talaga." Nagui-guilty na sabi ni Suzy. Pabiro ko siyang hinampas sa braso kaya natawa kami. "It's not your fault. It's mine, okay? Nangingialam kasi ako," Nakatungong sa