Chapter 14

1093 Words

"Mahal mo na ba si Zander?" Naka-ngiting tanong sa akin ni Eugene. Kinagat ko ang pangibabang labi ko at dahan dahang tumango. "Ay! Ang buntis na-inlove na sa Zander KO!" Sabi ni Eugene. Talagang diniinan niya yung salitang 'KO'. Tinaasan ko siya ng kilay at kinurot ang kanyang tagiliran. "Wag kang assumera. Walang sayo," Sabi ko. Ngumiti naman ito ng nakakaloko sa akin at sinundot sundot ang tagiliran ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin at pinalis ang kamay niyang sumusundot sa tagiliran ko. "Tsk! K-kilala mo ba yung babae sa picture frame?" Tanong ko sa kaniya. Agad na nangunot ang noo niya at nilagay ang hintuturong daliri sa sintido na kala mo nag-iisip. Wala si Zander ngayon sa bahay. Nasa opisina siya. It's been 1 week nung nagpa-check up kami. Pinakita namin ang photocopy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD