"Faster, Sunny." Bagot na sabi ni Zander. Magpapacheck-up na kasi kami kay Dra. Galvez. "Sandali lang naman," Inis na sabi ko. Andito ako sa CR, nagbibihis ako. Nagsuot lang ako ng dress at flats pagkatapos ay lumabas na ako. "Tara," Sabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na ako pababa sa hagdan. "Oh? Saan ang punta niyo, 'nak?" Tanong ni Tita Francine. "Magpapacheck-up kami, Mom." Ani Zander. "Ganun ba? Mag-ingat kayo ha?" Bilin ni Tita Francine. Humalik muna ako sa pisngi ni Tita bago kami lumabas. Nakaparada na ang kotse sa harap ng pinto ng mansyon. Pinagbuksan ako ng pinto ni Zander sa back seat at pumasok naman siya sa kabila. "Manong, sa St. Lucas Hospital," Sabi ni Zander. Sinimulan ng paandarin ni Manong ang sasakyan kaya tumingin ako sa labas ng bintana. Mala