( "I know dreams are beautiful, but it hurts to meet and remember you in my dreams" )
.
.
.
Chapter 4
"Anak ng! Bakit sa dami rami ng pwedeng mapanaginipan ko yung bwisit pa na lalakeng yon?" Sambit ni Arlanie habang sinasabunutan ang kanyang sariling buhok
Hindi pa man tumitilaok ang alagang manok ng kapitbahay nila ay heto na siya't nagrereklamo sa naging panaginip niya kagabi o baka naman bangungot iyon?
Napanaginipan niya kasi si Vince. Naroon daw silang dalawa sa likod ng kanilang dating eskwelahan habang kinakantahan siya nito gamit ang isang gitara.
Nang-akmang hahalikan siya nito ay doon naman siya nagising. Nairita siya dahil kinilig na kilig pa siya sa loob ng panaginip niya! Hindi man lang niya naalala na ibang ugali na ang taglay ni Vince ngayon.
Sana man lang sinakal niya ito habang kumakanta ito sa panaginip niya diba? Para naman nakabawi siya kahit papano sa ginawa nito sakanya!
Aburido siyang bumangon sa kanyang marupok na kama. Sa sobrang rupok ng pinagpapatungan ng kutson niyon ay baka hindi kayanin kung dalawang tao ang mahihiga. Mabuti nalang nga't hindi siya katabaan o kabigatan. Kaya naman hangang ngayon napag-tiyagaan niya pa ang lumang kama niya
"Nakakainis napakahaba pa ng nguso ng walanya!" Mabilis siyang uminom ng isang basong tubig nang makarating siya sa kusina. Pilit niyang inaalis sa kanyang isipan ang naging laman ng panaginip niya
Isang linggo na simula nang magkrus muli ang kanilang landas ni Vince. Pinagbawalan siya nitong magbenta ng empanada dahil recipe iyon ng mama nito.
Akala niya hindi ito seryoso sa pagbabawal sakanya, sinubukan niya kasing magbenta sa ibang building pero laking gulat niya nang hindi na siya papasukin sa mga suking building na pinagrarasyunan niya ng empanada dahil pinagbawal na raw iyon
Nang isearch niya sa internet kung meron ngang empanada sa menu ng restaurant nila Vince, nanlumo siya dahil naroon nga sa menu ang empanada at hindi ito nagsisinungaling.
Kaya naman naisipan niyang gumawa nalang ng bagong i-aalok sa mga suki niya.
Gumawa siya ng chocolate banana muffin. Paborito niyang almusal iyon kaya iyon nalang ang naisip niyang ipalit sa kanyang empanada
Ngunit napaka-demonyito talaga ni Vince dahil hindi na siya pinahintulutang makapagtinda kahit ano pa mang ititinda niya! Totally banned siya sa lahat ng mga suki niyang building!
Lalo pang nainis si Arlanie nang makita niya sa lamesa ang mga sobre ng kanyang mga bayarin. Isa sa meralco, sa tubig at sa renta ng bahay.
Paano niya pa mababayaran ang mga susunod na bills payment niya kung wala na ang empanada business niya? Daig pa naman niya ang chinese businessman sa lakas ng benta niya noon eh!
"Kapag nakita ko talagang muli yung lalakeng yun?, sasakalin ko talaga siya!"
Napagpasyahan nalang niyang maagang maligo. Tutal mag-aalasais na rin naman ng umaga eh. Ayaw na niyang bumalik sa kanyang higaan dahil baka makatulog nanaman siya. Baka mapanaginipan nanaman niya ang asungot na lalakeng iyon
May early interview siya sa isang fastfood restaurant. Nag-apply siya bilang waitress. Para waitress siya sa umaga at waitress parin siya sa gabi.
Ngunit hindi siya natangap sa trabaho dahil kulang daw ang experience niya.
Uuwi na sana siya ngunit nakatangap siya ng text mula kay Jela. Magkita raw sila sa isang fastfood dahil may problema ito.
( JELA : Bessy nasan ka? I need you. May problema ako ngayon. I don't know what to do. Magkita tayo sa jolibee sa tapat ng office namin. Ililibre kita ng lunch. )
Iyan ang text message ni Jela sakanya.
Ayaw niya sanang makipagkita muna kay Jela dahil naaalala niya lang ang bwisit na Vince na iyon eh. Pero dahil ililibre daw siya nito ng lunch kaya oramismo siyang pumayag makipagkita rito
Pagdating niya sa jolibee nakita niya agad si Jela na nakaupo sa bandang dulo. Nakatulala ito habang may mga pag-kain na sa lamesa. Mukhang naka-order na ito para sakanilang dalawa. Medyo natrapik kasi siya eh.
"Huy tulala ka diyan?" Tinapik niya ang balikat ni Jela bago siya umupo sa tabi nito. Kumuha agad siya ng ilang pirasong french fries at sinubo niya agad iyon
Gutom na gutom na siya eh. Hindi pa siya nag breakfast. Nagtitipid kasi siya ngayon eh.
"B-Bessy" Tila nagulat pa si Jela ng kaunti. Mukhang malalim talaga ang iniisip nito
"Anong problema mo?" Tanong ni Lanie habang sinisimulan na niyang kumain ng spagetti. Alam talaga ni Jela kung anong paborito niyang orderin sa jollibee eh
"M-Mamaya ko na sasabihin. Kumain muna tayo. Saan ka ba galing? Bakit ang tagal mo lumamig na tuloy yang pagkain mo"
Napansin niyang problemado nga ang kaibigan niya pero food is life kaya inuna muna niyang ubusin ang kinakain niya
"Kasalanan talaga to ng boss mo eh! Hirap na hirap tuloy ako ngayon maghanap ng trabaho! Galing ako sa interview, ang ganda ng mga sagot ko ha? Pero di parin ako natangap eh"
Parang hindi nakikinig si Jela dahil lumilipad ang isipan nito.
"Huy?"
"H-Ha ano nga ulit?"
"Wala wala. Teka ano bang bumabagabag sayo bessy? Para kang may mabigat na problema eh"
Ngayon niya lang nakitang nagkaganito ang kanyang kaibigan.
"M-May hindi kasi ako sinasabi sayo. K-Kaso ano kasi. N-Nagkaproblema"
"Ano yon?" Medyo kinabahan rin si Lanie dahil ngayon lang naging seryoso ng ganito si Jela.
"H-Huwag kang magagalit sakin ha? Huwag mo akong sabunutan. I mean sige sabunutan mo nalang ako pero huwag mo akong itatakwil bilang kaibigan---"
"Ang drama mo naman. Ano ngang nangyari?"
Unti unting namula ang mga mata ni Jela. Nagyuko ito ng ulo at unti-unting napahikbi
"I-I hate myself for falling in love with him.."
Nais sana matawa ni Arlanie dahil napa-english pa ang kaibigan niya dahil lamang sa tindi ng problema nito. Ngunit hindi ito ang oras para magbiruan.
Nararamdaman ni Arlanie na may mabigat na dinadala ang kaibigan niya.
Hindi naman ito iiyak sa harap niya kung hindi mabigat ang nararamdaman nito.
"Kanino?" Clueless niyang tanong dahil wala naman siya nababalitaang nobyo nito
"K-Kay Sir Rap. Yung kapatid ni Boss Vince"
Napakunot ang nuo ni Arlanie. May kapatid pala si Vince? Kailan pa?
"O eh ano naman ngayon kung nainlove ka? Edi push mo--"
"M-May asawa pala siya"
Natigil ang pagsasalita ni Arlanie nang marinig niya ang sinabi ni Jela
Natahimik silang dalawa ng ilang segundo. Pinapakiramdaman niya kung ano pa bang idadagdag nitong salita pero umiyak lang ito
"Kung ganyan ang sitwasyon, iwasan mo na. Ikakasira ng buhay mo yan at makakasira ka ng pamilya ng iba.." Maiksi pero makabuluhang pagpayo niya sa kanyang kaibigan
Sunod sunod tumango si Jela. Hinayaan niya lang itong umiyak.
"M-Masaya ako kapag kausap ko--"
"Tigilan mo yan. Hindi purkit masaya ka sa ibang bagay kakalimutan mo ng maging tama?"
Niyakap niya ito dahil pakiramdam niya hindi lang talaga nito nakontrol ang sarili na mahulog sa boss nito.
Madalas nitong bukambibig ang mga boss nitong pogi daw. Napataas kilay niya ng maalala niya ang mukha ni Vince.
Siguro kamukha nito yung Rap na yun? Pareho nga sigurong gwapo.
Kwago! Hindi gwapo! - Iritableng sigaw at kontra ng utak ni Lanie
"Bessy di ko alam paano ako iiwas kay Sir Rap. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita. Ayoko naman siyang ichat o itext dahil pakiramdam ko reaching out to him is a crime--"
"Gaga ka talaga. May pa-ganyan ganyan ka pa ano? Crime talaga yon! Sa mata ng diyos at sa mata ng tao. Huwag mo ng ilubog sarili mo diyan"
Hindi na niya napigilan sabunutan bahagya ang kanyang kaibigan.
"Aray ko. Sabi mo di mo ako sasabunutan?"
"Gaga kailangan mo yan. Dapat sayo magising sa katotohanan. Napakaraming lalake sa mundo huwag mo ng agawin yung pagmamay-ari ng iba"
Napasinghot si Jela bago ito tahimik na umiyak. Pagkatapos nitong magkwento ng problema nito sa love life ay hinatid na niya ito sa tapat ng building nito
"Mag-isip kang mabuti ha? Huwag mong gawin pag alam mong may ibang tao kang masasaktan"
Tumango si Jela bago siya niyakap ng mahigpit. Pero naramdaman niyang nataranta ito bigla
"Oh my gosh. Yung asawa ni Sir Rap papunta dito kasama si Sir Vince!" Bulong ni Jela sa kanya at bakas sa tono ng boses nito ang takot at pangamba
Pagharap ni Arlanie sa mga ito, isang magandang babae ang sumalubong sakanya. Hindi niya napaghandaan ang pag dapo ng kamay nito sa kanyang pisngi
Halos maalog ang utak ni Arlanie sa tindi at lakas ng sampal ng babae sakanya
"Home wrecker b***h!" Sigaw ng babae at akmang sasabunutan pa siya
"Damn! Stop it Shiela!" Pigil naman ni Vince sa babaeng nanampal sakanya
"Bessy!" Agad naman siyang tinulungan ni Jela makatayo dahil napasubsob talaga siya sa semento sa lakas ba naman ng sampal sakanya nung babae
Tila hilo pa si Arlanie
"Mang-aagaw ka! Napakalandi--"
"She's not Jela!" Sigaw ni Vince sa babaeng kasama nito na galit na galit parin habang nag-eeskandalo
Tila natigilan naman ito. Tumatakbo naman papalapit sa kanila ang isang gwapong lalake rin. Mukhang hingal na hingal ito. Kamukha ito ni Vince kaya't sa palagay ni Arlanie ito ang tinutukoy ni Jela
"Sheila!" Sigaw nung lalake habang papalapit ito
"Hindi ka man lang nagtanong girl? Bakit mo ko sinampal agad?" Hilong tanong ni Arlanie sa babae habang papatayo siya at inaalalayan siya ni Jela. Hawak hawak niya ang namumulang pisngi
"H-Ha? But the guard said--Oh I'm sorry miss. So itong isang babae yung Jela?!" Tinignan nito ng masama si Jela habang nanlilisik ang mga mata.
"Damn Ralph! Ipagpapalit mo talaga ako sa ganyan kapangit na babae? Itong isa maganda at katangap-tangap pa! But this b***h?! Hindi ko yata matangap Ralph na isang pangit ang sisira ng pamilya natin!" Gigil na gigil nitong sambit at tila nawala ang pagiging classy nito
Nakayuko lamang si Jela.
"You're making a scene! Damn it! Let's go home!" Galit na sigaw nung Ralph sa babaeng nanampal sakanya
"I'm gonna kill that b***h--"
Nakatakas sa pagkakahawak ni Vince ang babaeng asawa ni Ralph kaya mabilis itong lumapit kay Jela.
Akmang sasabunutan nito si Jela pero humarang agad si Arlanie. Siya nanaman tuloy ang nasabunutan ng asawa ni Ralph!
"Aray ko ang anit ko matatangal na yata! Bwisit ka Jela bakit ka ba gumawa ng bagay na ikakapahamak mo pati katawang lupa ko nadadamay!" Sigaw ni Arlanie habang sinasabunutan siya ng asawa ni Ralph
Nakatingin naman si Vince sakanya. Nakita nito ang kabayanihan niya para sa kanyang kaibigan
"Tss hangang ngayon taga salo ka parin ng mali ng iba." Bulong ni Vince bago ito nakapamulsang umalis na parang walang nakitang kaguluhan at sabunutan. Naalala kasi nito ang batang Arlanie. Madalas itong nadadamay dahil sa gulo ng mga kaibigan nito noon
Inawat naman ni Ralph ang asawa nito. At inilayo sakanilang dalawa.
"Sorry bessy. Masakit ba?" Tanong ni Jela kay Arlanie habang inaayos nito ang buhok ng kaibigan
"Bwisit ka nagtanong ka pa."
Nilingon ni Arlanie ang papalayong bulto ni Vince. Di niya maiwasan makaramdam ng kirot sa puso niya. Dati kasi sa tuwing napapa-away siya, ito ang palaging tumatakbo para tulungan siya.
But this time, he's just walking away from her. Para bang wala na itong paki-alam kahit pa man matangal ang anit niya.
Malungkot siyang nakatanaw sa papalayong bulto ni Vince
"Hindi na nga ikaw ang Vince na nakilala ko noon.." Mahinang bulong niya
Hindi niya mawari kung anong mas masakit? Ang puso niya ba o ang kanyang anit?
"Ililibre nalang kita ulit--"
Tinignan niya ng masama si Jela ngunit nag peace sign lang ito sakanya
Kinagabihan masakit tuloy ang anit ni Arlanie at namamaga pa ng kaunti ang pingi niya nang pumasok siya sa kanyang trabaho bilang waitress sa isang night bar
"Kapag minamalas ka nga naman oh?" Hindi mapigilan bulalas ni Arlanie nang makita niya si Vince sa loob mismo ng night bar.