Chapter 5

1697 Words
( "The day after that painful message, She never disturbed him again." 😔 ) . . Chapter 5 "Ayokong mag serve sa vip table number seven! May impakto doon eh. Pwede bang ikaw nalang?" Nakisuyo si Arlanie sa kapwa niya waitress na ito muna ang mag serve ng mga inumin sa table number seven. Kahit bayaran pa siya ng double pay ngayong gabi hinding hindi siya lalapit sa table nila Vince May dalawang lalakeng kasama si Vince sa table nito, at pareparehong may mga magagandang babaeng nakaupo sa tabi nila. Alam ni Arlanie na nakita na siya ni Vince kanina nang di sinasadyang magkasalubong ang kanilang paningin, bahagya itong nagulat pero kumunot lamang ang nuo nito at nag-iwas agad ng tingin sakanya Impakto talaga! Gaano ba kalaki ang galit nito sakanya noon? Bakit nag-iba nalang bigla ang pakitungo nito sakanya? Simula ng magdesisyon ito noon na ititigil na raw nito ang panliligaw sakanya, nagsimula na rin itong magbago. Naalala pa nga ni Arlanie ang huling text message na pinadala sakanya ni Vince noon eh! Hinding hindi niya makakalimutan. Isang masakit na mensahe na dumurog ng husto sa kanyang puso. ( His Text message 5 yrs ago : Huwag mo nako imessage para matapos na to. Stop following me. ) Sobra siyang nasaktan nang mabasa niya ang text message ni Vince sakanya noon. Palagi niya kasi itong sinusundan sa school nila at nagpapansin siya ng todo simula ng itigil nito ang panliligaw. Umaasa kasi siya noon na babalik ang pagsinta nito sakanya pero nagkamali siya Nairita na pala ito sakanya. "Huy Arlanie? Nakikinig ka ba?" Kung hindi pa niyugyog ng isang waitress si Arlanie ay hindi pa babalik ang huwisyo niya. "Ha?" "Sabi ko ikaw na ang magserve sa vip table number seven dahil nirequest ka raw ng isang vip doon" Napakunot ng husto ang nuo niya. Siya? Nirequest? Aba! Hindi naman siya isa sa mga babaeng bayaran roon ah? Namula agad ang pisngi ni Arlanie. Uminit rin bigla ang ulo niya. Napagkamalan pa yata siyang pokpok ni Vince ah? "Excuse me? Anong nirequest ako? Aba! Waitress lang ako rito ah--" "Si Sir Hero ang nagsabi sakin eh." Tinutukoy nito ang masungit na boss nila sa night bar na ito. Napasulyap pa ito sa kinaroroonan ni Sir Hero. Nakasimangot na ang boss nila nang tignan rin ni Arlanie ang kinaroroonan nito. Napalunok siya. Mukhang galit na ang baklitang amo niya. Ayaw niyang mawalan ng trabaho dahil sa lansangan na talaga siya pupulutin kapag nagkataon "Hays! Nakakainis. Hindi naman kasi ako entertainer dito eh. Kailan pa tayo umupo sa mga vips?" Iritableng tanong ni Arlanie sa kapwa waitress Nagkibit balikat lang ito "Ewan ko? First time rin may naging interesado sayo rito eh. Try mo na, iinom ka lang naman sa table kasama ang mga gwapong business man na iyon oh?" Napasimangot lalo si Arlanie. Gwapo? Tss. Baka nga sakalin niya pa ang Vince na iyon eh Kinuha na ni Arlanie ang mga alak na iseserve niya sa table nila Vince. Wala siyang choice kundi sundin ang utos ng kanyang amo. Kung hindi lang talaga siya natatakot mawalan ng trabaho eh! Nakasimangot siyang lumapit sa table nila Vince. Hindi niya maiwasan mapasimangot pa ng husto dahil tila nakakaloko ang pagkakangisi ni Vince habang nakatingin ito sakanya "Mga inumin niyo ho!" Padabog niyang inilapag sa glass table ng mga ito ang mga inumin. Mamahalin ang mga alak na inorder nila Vince pero wala siyang pake kahit kung sakaling mabasag pa ang mga iyon sa pagdadabog niya Iritable kasi siya kay Vince eh! Pagkamalan daw ba siyang pokpok? "Galit ka ba miss?" Tila nagulat rin ang mga kasama ni Vince sa inakto niya Nakasimangot lang siya at hindi niya pinansin ang tanong nito. "Small world. I never thought na ganitong trabaho pala ang papasukin mo" Nakangisi parin si Vince pero may kakaiba sa talim ng mga mata nito habang nakatingin sakanya Para bang galit? Galit na galit? Basta nakakakilabot e! Nakangisi ito pero mapanganib. "Hindi ako--" Sasabihin na sana ni Arlanie na hindi siya bayarang babae sa night bar na iyon at isa lamang siyang hamak na waitress pero hindi pa man niya nasasabi ang nais niyang sabihin ay mabilis na siyang hinila ni Vince sa kandungan nito! Napatili tuloy siya at nanlaki ang kanyang mata! "Come here! Pleasure me" Masakit ang pagkakahila ni Vince sa kanyang braso kaya't halos sumubsob siya sa katawan nito. Napakandong tuloy siya sa kandungan ng binata at mas lalo pang nanlaki ang mata ni Arlanie ng walang sabi sabi'y hawakan ng mainit na palad ni Vince ang kanyang hita! Umakyat talaga ang lahat ng kanyang dugo sa kanyang ulo dahil sa kalapastangan nito! "A-Anak ng siraulong demonyo ka! Manyak!" Mabilis naman ang naging pagkilos niya. Hindi na siya nagdalawang isip hablutin ang mamahaling alak na nasa lamesa at pinukpok agad niya iyon sa ulo ni Vince "Holy sh!t!" Napatili tuloy ang mga babaeng nasa table nila. Naagaw rin niya ang atensyon ng lahat ng tao sa loob ng night bar pero wala siyang pake! Nabasag ang bote ng alak sa ulo ni Vince kaya't nagdugo agad ang nuo nito. "God! Jesus!" Napatayo naman ang mga lalakeng kasama ni Vince at napatakbo palayo ang mga babae sa table na "Damn it! Why did you do that?!" Galit na singhal ni Vince sakanya ng makatayo na rin ito. "Putragis kang manyak ka! Nararapat lang sayo yan! Pasalamat ka nga hindi kita napuruhan!" "What the f^ck?! Bakit ka nagtrabaho sa ganitong lugar kung ayaw mong bastusin ka?!" Tumutulo pa ang dugo sa nuo ni Vince habang sinisigawan siya nito. Ngunit hindi nagpapigil si Arlanie. Nasampal nanaman niya ito dahil sa kabastusan ng bibig nito "Hindi ako pokpok! Waitress lang ako rito!" Mas malakas ang sigaw niya sa pagmumukha nito. Kahit maliit na babae siya hindi siya natatakot sa lalakeng ito! Tila natigilan ito sa sinabi niya dahil hindi agad ito nakasagot. Napahawak lang ito sa nasaktang pisngi nito. "Pasalamat ka nga hindi kita pinuruhan!--" "Arlanie?! What have you done?!" Isang sigaw ang nagpatigil sa pakikipagbangayan ni Arlanie kay Vince. Walang iba kundi ang baklitang boss niya! Nais mapapikit sa inis ni Arlanie dahil nasisigurado niyang tangal na siya sa trabaho! "You're fired--" "Oo na! Talagang aalis ako rito! Waitress lang naman kasi ang trabaho ko rito bakit mo ako inutusan umupo sa table ng mga manyakis na lalakeng yan?! Ireklamo ko kaya kayo sa dole ha? Magsama sama kayooo!" Iyan sana ang gustong isigaw ni Arlanie sa pagmumukha ng boss niya. Pero nanatili siyang nakatayo roon habang sinisigawan siya ng boss niya Kung ano anong masasakit na salita ang sinabi nito sakanya. Pakiramdam ni Arlanie nabingi siya at nawalan ng ganang makinig sa lahat ng ingay sa paligid niya Wala na siyang pake sa mga taong naroon. She just wanted to run away from them. Muli nanaman kasi niyang naramdaman na nag-iisa siya sa mundo. Nag-iisa niyang ipagtatangol ang sarili niya sa mga taong nakapaligid sakanya. Nakakasawa ang ganoong senaryo. All her life ganoon nalang palagi ang nangyayari. "Huwag ka ng babalik rito! You're fired!" Iyan lang ang huling narinig ni Arlanie sa lahat ng mga sinabi ng boss niya kaya naman hinubad na niya ang maliit na apron na nakapalibot sa kanyang bewang. Masama niyang tinignan si Vince bago siya walang salita at derederetsong nagmartsa palabas ng night bar na iyon She tried her best not to cry. Ayaw niyang pagtawanan siya ng mga tao sa loob ng bar na iyon. Kahit pa gustong gusto na niyang humagulgol ng iyak ay hinding hindi niya gagawin Kinuha niya ang kanyang bag sa employees drawer upang makauwi na siya. Napakabigat ng loob niya dahil wala na siyang trabaho simula ngayon "Wait!" Napatigil sa paglalakad si Arlanie nang makarinig siya ng boses mula sa likuran niya. Hindi pa man siya nakakalayo sa night bar. Balak niya sanang maglakad nalang pauwi dahil kailangan niyang magtipid ng pera. Lalo na ngayong jobless na siya Kunot nuo niyang nilingon ang lalakeng tumawag sakaya Isa iyon sa mga lalakeng kasama ni Vince sa table nito kanina Napansin niyang nag-aalala ang mga mata nito habang nakatingin sakanya. Lumapit ito sakanya at may inabot na pera. Makapal iyon at sa tancha ni Arlanie ay lagpas isang daang libo iyon. Napataas tuloy ang kilay ni Arlanie. Para saan ang perang iniaabot ng binatang ito sakanya? "Here.." "Hindi ko kailangan niyan--" "Natangal ka sa trabaho dahil sa pagkakamali ng kaibigan ko. I'm really sorry Miss. Sorry talaga. Please accept this money. Kahit papaano makabawi man lang kami sayo. Makakatulong ito para sa paghahanap mo ng bagong trabaho." Nakita niya ang sensiridad sa mga mata nito. Hindi tuloy maiwasang unti-unting mapaiyak ni Arlanie. "M-Miss huwag kang umiyak." Tila nataranta naman ang lalake nang umiyak siya sa harap nito. Ngayon lang napansin ni Arlanie na medyo mahinhin ang lalake. Para bang may puso itong babae? Ewan ba niya pero malakas ang pakiramdam niya eh. Lalo na ng hawakan nito ang balikat niya. Pakiramdam niya kino-comfort siya ng kapwa niya babae eh Pero impossible namang baklita ito? May ka-table nga itong isang babae kanina eh? "Please miss huwag kang umiyak. Baka isipin ng mga tao ako ang nag-paiyak sayo ng ganiyan" "Bakla ka ba? Naiiyak ako eh di ko mapigilan" Napangiwi ito sa tanong niya. Para bang naweirdohan ito dahil umiiyak na nga siya nakuha niya pang itanong kung bakla ba ito? "Sa tingin ko magiging kaibigan yata kita miss" Nakangiwing sagot nito habang napapakamot sa ulo. Tila nagets naman agad ni Arlanie na kumpirmado ngang bakla ito. "Salamat rito ha? Sana dagdagan mo pa kasi gipit na gipit talaga ako eh." Kinuha na ni Arlanie ang perang iniaabot nito kanina. "Ha?" "Joke lang" Biro niya kahit panay parin ang pagtulo ng luha niya. Inilagay na agad niya sa bag niya ang perang iniabot nito sakanya Napangiti ito. "You're weird." Napapailing na sambit nito "So bakla ka nga?" Tumango ito at napatawa na. Lumabas na rin ang tunay na kulay nito. Hindi kasi nito maiwasan mapantastikuhan sa ugali ni Arlanie. "Halata ba miss?" "Medyo?" Lalong lumawak ang pagkakangisi nito. "Bruha ka. Napabilib mo kasi ako sa ginawa mo kay Vince kanina eh! Para kang si darna sa mga moves mo eh."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD