"Yung love na yon? Satingin ko, It will always haunt me forever"
.
.
.
Chapter 6
JELA POV
.
.
"Simula ng mag-krus ulit ang landas namin ni Vince sunod sunod na ang kamalasan ko!"
Napangiwi si Jela nang tungain ni Arlanie ang isang bote ng beer na ika-apat na nitong nauubos.
"Dahan dahan lang beshie sa pag-inom. Last beer na natin yan eh. Wala pa akong budget sa akinse pa ang sahod ko"
"Ikaw nag-aya sakin dito para uminom kaya wala kang magagawa kung ubusin ko lahat ng to Jela. Alam mo bang napakamalas ko?" Halos umiyak na si Arlanie habang sinasabunutan ang sariling buhok.
"Ano ba kasing nangyare sayo?" Napapakamot nalang si Jela sa sariling kilay nito.
Ang buong akala pa naman ni Jela ay makakapag-labas siya ng sama ng loob sa kanyang kaibigan at dadamayan siya nito sa kanyang pagiging heart broken. Ngunit tila mas problemado pa si Arlanie ngayon kaysa sakanya.
Jela texted Arlanie earlier, kung pwede bang samahan siya nitong mag-walwal sa isang night bar na malapit lamang sa opisina nito. Agad naman itong pumayag, sinabihan niya pa nga ito na mag-absent muna ito sa night bar na pinagtatrabahuhan nito, ngunit wala na pala itong trabaho. Natangal daw ito noong isang gabi dahil raw sa isang impakto.
Hindi na natanong ni Jela ang buong detalye kung ano mang nangyari sa trabaho ni Arlanie basta't malinaw lamang sakanya na jobless na ang kaibigan.
"Yang Vince na yan? Kapag nakita ko ulit ang pagmumukha niya gagawin kong tatlo ang butas ng ilong niya!"
"Shh hinaan mo ang boses mo beshie. Nakakahiya sa ibang tao" saway ni Jela nang mapatingin sakanila ang nasa kabilang table. Ang lakas naman kasi ng boses ni Arlanie, para bang tinamaan na talaga ito ng apat na bote ng beer na nainom nito.
"Paki ko sa mga yan? Mababawasan ba nila ang kamalasan ko? Waaaa saan na ako pupulutin ngayon? May pera na sana ako pansimula ulit eh kaso nahold-up naman ako nung isang gabi! May kamalasan talagang taglay yung Vince na yon eh!"
Bahagyang nabigla si Jela sa sinabi ni Arlanie. Napakunot agad ang nuo nito
"Na-holdup ka beshie? Bakit hindi mo sinabi agad sakin? Anong nangyari? Napano ka? Sinaktan ka ba ng mga hold-uper?"
Sunod sunod ang mga tanong ni Jela sa labis na pag-aalala sa sinapit ng kanyang kaibigan
"Buong bus nahold-up. Lintik na mga bus yan papuntang ayala! Lahat kaming pasahero walang nagawa eh. Kinuha nila ang bag na dala ko. Mabuti nalang naitago ko yung cellphone ko sa pwet ko eh!"
"Magkano ba ang laman ng bag mo? Dala mo ba lahat ng pera mo beshie?"
"Binayaran ako ni bakla. Basta mahabang kwento eh! Pera na sana naging bato paaaa! Ang malas malas ko simula ng makita ko ulit ang impaktong Vince na yan!"
Napalunok si Jela nang eksaktong pag-bangit ni Arlanie sa pangalan ng boss niya ay di sinasadyang napalingon siya sa ika-second floor ng night bar. Kung saan naroon ang mga VIP's ng bar na iyon. Pakiramdam niya kasi may nakatingin sakanilang dalawa ni Arlanie.
Tumayo yata ang lahat ng balahibo sa katawan ni Jela nang mapag-sino niya ang lalakeng nakatingin sakanila mula sa second floor habang magkasalubong ang mga kilay nito. Sunod sunod siyang napalunok at nanlalaki ang kanyang mga mata ng makita niya ang boss niya! Walang iba kundi si Sir Vince!
Nako po! Napaka-liit naman ng mundo oh? Anong ginagawa ng boss niya rito? Mukhang totoo nga ang kasabihan, kapag palaging bukambibig ng isang tao ang isang tao ay may posibilidad na magkrus ang landas nila.
Sa tingin ni Jela, dahil sa pag-bangit palagi ni Arlanie sa pangalan ni Sir Vince ay lumiliit tuloy ang mundo ng mga ito
Mabilis na iniwasan ni Jela ng tingin si Vince nang mapansin niyang hindi ito nag-iisa! Kasama nito si Sir Rap! Ang lalakeng pilit niyang kinakalimutan. Parehong nakatingin ang magkapatid sa table nilang dalawa ni Arlanie
Napayuko agad si Jela. Kinuha agad niya ang kanyang hand bag upang umalis na agad sa night bar na iyon. Nag-sisisi tuloy siya kung bakit doon pa sila nag-walwal ni Arlanie sa bar na iyon. Bukod sa sobrang mahal ng mga alak ay napakalapit lang nito sa opisina nila. Kaya possible talagang narito ngayon ang magkapatid na iyon eh!
"B-Beshie sa tingin ko kailangan na nating umuwi--"
Tinaboy ni Arlanie ang kamay niya nang akmang hihilahin na niya ito patayo
"No! Ang aga aga pa ah! Gusto ko pang uminom. May apat na bote pa tayo oh?"
Nais niyang kutusan ang kaibigan dahil muli na naman nitong tinunga ang isang bote ng beer. Pang limang beer na nito ang iniinom eh!
"Uuwi nako bahala ka diyan--"
"Pati ba naman ikaw iiwan ako?" May pag-hugot nitong tanong sakanya kaya natigil siya sa pag-tayo mula sa kanyang inuupuan
Ngayon pa yata mag-dadrama si Arlanie sakanya! Tinamaan na yata talaga ng alak ang babaita.
"Ehhh beshie hindi mo kasi naiintindihan. Need na nating umuwi. Nandito--"
"Bahala ka kung iiwan mo ako. Ganyan naman kayo diba? Sa bandang huli iiwan rin ako. Lahat kayo ganyan kayo sakin."
Napalunok si Jela nang mapansin niyang nanunubig na ang mga mata ni Arlanie. At mukhang sa pagkakataon na iyon tunay na emosyon ang nakikita niya sa mukha nito
Para bang ang lungkot lungkot nito. Kaya naman unti unti siyang napaupo muli sa kanyang upuan habang nakatitig siya sa malungkot na mukha ni Arlanie
"Lahat kayo iniiwan niyo lang ako. Sila mommy at daddy iniwan lang rin ako. Yung Vince na yon? Iniwan lang rin ako sa ere pagkatapos akong ligawan noon. Bakit ba parang ang dali-dali sainyong lahat na iwanan akong mag-isa?"
Napa-awang ang bibig ni Jela sa mga nalaman niya tungkol sa nakaraan ng kanyang amo at ng kanyang kaibigan
"Niligawan ka ni Sir Vince noon?"
Pinunasan ni Arlanie ang sariling luha na dumaloy na ng tuluyan sa pisngi nito. Hindi na nito napigilan maging emosyonal
"Niligawan niya ako pero tumigil rin siya nung mapagod na siya eh. Bigla nalang nawalan siya ng ganang ituloy ang pang-liligaw niya sakin. Sa isang pitik lang ng daliri"
Pumitik pa sa ere si Arlanie bago ito tumawa ng pagak. Kung makikipagsabayan ito sa pag-iyak ng mga sikat na artista na sila Bea Alonzo at kathryn Bernardo ay masasabi niyang pang-best actress rin ang pag-luha nito ngayon. Pakiramdam tuloy ni Jela ay nasa isang teleserye siya at ang kaibigan niyang si Arlanie ang bida
Pati tuloy siya ay parang naluluha na rin.
Nakakarelate kasi siya sa naging relasyon nila ni Rap. Maiksing panahon lang ang naging relasyon nila pero para kay Jela panghabang buhay na niya iyong hindi makakalimutan. Pinili rin kasi nitong iwanan siya at bitawan. Well para sakanya iyon naman talaga ang nararapat gawin nito.
"Beshie hindi ko alam na nanligaw sayo si Sir Vince. Sure ka ba?"
Napangiwi siya nang titigan siya ng masama ni Arlanie.
"Diskompyado ka pa yata sa beauty ko eh? Bakit mukha bang hindi ako papasa sa taste ng boss mong iyon? Alam mo bang patay na patay yun sakin noong kabataan ko?"
"Hindi naman sa ganoon beshie. Pero--"
Natigil sa pagsasalita si Jela nang makarinig sila ng pagtawa sa kanilang likuran
Tila ba nang-aasar ang paraan ng pagtawa nito.
Sabay silang napalingon ni Arlanie sa lalakeng nakatayo sa likuran nila.
Nanlaki ang kaniyang mga mata ng makilala kung sino iyon! Walang iba kundi si Sir Vince!
Kumunot naman agad ang nuo ni Arlanie.
"Anong tinatawa tawa mo diyan?" mataray na tanong nito kay Sir Vince
Napapalunok tuloy si Jela. Napadoble yata ang katarayan ng kaibigan niya dahil sa espirito ng alak na nilaklak nito
"Nakakatawa eh. Patay na patay my ass"
"Totoo naman ah! Anong ginagawa mo rito ha? Sinusundan mo ba ako?" Tumayo na si Arlanie kahit bahagyang gumewang pa ito.
Mabilis naman ang naging pagkilos ni Jela, inalalayan niya agad ang kanyang kaibigan
"Bakit ko naman gagawin iyon?"
"Eh bakit ka narito? Bakit ka nakikinig sa usapan--"
"Jela can we talk?"
Tila ngayon palang napansin ni Arlanie ang lalakeng katabi ni Sir Vince.
Kumabog naman ng mabilis ang puso ni Jela dahil sa sinabi ni Sir Rap. Seryoso ang gwapong mukha nito habang nakatingin sakanya. Nabitawan niya tuloy si Arlanie kaya't napaupo ito sa sahig.
"Aray kuuu.." Daing agad ni Arlanie ng mapasalampak ito sa sahig
Isang mapang-asar na ngiti ang sumilay sa labi ni Sir Vince dahil sa sinapit ng kanyang kaibigan sa sahig
"S-Sorry beshie!" Nagmadali agad siyang tulungan si Arlanie upang makatayo ito.
"Inom pa" Mapang-asar na sambit ni Vince habang nakatingin lang ito sakanilang dalawa
Tinulungan naman siya ni Sir Rap na itayo si Arlanie. Nagkakatinginan sila ni Rap pero nag-iiwas siya ng tingin.
"Bakit mo ako binitawan Jela?" Reklamo ni Arlanie at halatang hilong hilo na ito
"Vince ihatid mo si Miss Arlanie. Ako ng bahala maghatid kay Jela" Utos ni Sir Rap kay Sir Vince
Unti-unti naman nawala ang mapang-asar na ngisi ni Sir Vince at napakunot agad ang nuo nito. Halatang hindi nito nagustuhan ang inuutos ng kapatid
"No f*cking way"