"Some doors are better left closed."
Chapter 7
VINCE POV
Halos magsalubong ang dalawang kilay ni Vince while driving his brand new 2025 Bentley Continental GT car.
"Parang masusuka ako beshie.."
Napapreno agad siya nang marinig niya ang sinabi ng babaeng nasa likuran ng kanyang kotse. Walang iba kundi si Arlanie. His nightmare.
Kasama nito ang empleyado niyang si Jela sa likuran ng kotse niya. Kung hindi lang pinaki-usapan ng kanyang kapatid na ihatid ang mga ito, hinding hindi niya pasasakayin ni isang hibla ng buhok ng babaeng yun sa loob ng kotse niya
Never.
"Ayy anu ba yan dahan dahan naman! Lalo akong nahihilo niyan eh!" Reklamo pa ni Arlanie nang mag-preno siya ng biglaan. Mabuti nalang naka-seat belt naman ang mga ito
"Damn. Don't you dare little monkey" Iritableng sita niya habang nakalingon siya sa mga ito.
She looked f*cking wasted.
Halatang lasing na lasing talaga.
"Sir bakit po kayo nagpreno?" Magalang na tanong naman ni Jela sakanya
"Pasukahin mo muna yang kaibigan mo sa labas---Oh damn!"
Hindi pa man natatapos ang sinasabi ni Vince ay bigla nalang sumuka si Arlanie sa loob mismo ng kanyang kotse!
Umakyat yata sa ulo ni Vince ang lahat ng dugo ng kanyang katawan at halos mapamura siya ng malakas lalo na't nangamoy suka ang loob ng kotse niya. Sabay silang napatakip ng ilong ni Jela habang hinahagod nito ang likuran ng kaibigan
"Bwaaaaaaksss" May sound pa ang bawat pagsuka ni Arlanie at para bang balewala lang rito ang ginagawa
"What the?!" Walang magawa si Vince kundi mapasapo nalang sa sarili niyang nuo.
"Pasensya na Sir Vince. Lilinisin ko nalang po ang kotse niyo bukas" Nahihiyang paghingi ng pasensya ni Jela sakanya. Mukhang kinakabahan ito na mawalan ng trabaho.
Pinigilan nalang mapamura muli ni Vince at binuksan nalang niya ang bintana ng dalawang pintuan ng kanyang luxury car.
Alam kaya ng babaeng yun kung gaano kamahal ipalinis ang kotse na ito?
Huminga lamang ng malalim si Vince dahil wala na siyang magagawa. Feel na feel na ni Arlanie ang pagsuka sa loob ng kotse niya eh. Maaawat niya pa ba ito?
"Kasalanan mo kung bakit ako nasuka! Bigla bigla ka nalang nagpepreno kita mong may lasing kang kasama rito!"
"Unbelievable!" bulalas niya. May gana pa talaga itong manisi? Saan kaya kumukuha ng kakapalan ng mukha ang babaeng ito?
"N-Naku beshie tumahimik kana please. Baka mawalan nako ng work niyan eh"
Narinig niyang sinasaway ni Jela ang kaibigan nitong lasengera.
Pigil na pigil lamang ni Vince ang inis niya sa mga oras na ito pero halos pumutok na ang ugat sa leeg niya sa sobrang gigil.
Gusto sana niyang pabababain ang mga ito pero hindi naman kaya ng konsensya niya kung ano mang mangyari sa dalawa. Lumalalim na rin kasi ang gabi kahit papaano, mag-aalas diyes na ng gabi kaya't delikado na para sa mga babaeng ito kung pasasakayin niya sa taxi.
Isa pa, responsibilidad na rin niya ngayon ang kaligtasan ng dalawa dahil siya ang huling kasama ng mga ito.
"Dammit." Panay nalang ang mahinang pagmumura ni Vince dahil sa sitwasyon
"Arte arte. Akala mo naman gusto kong magpahatid sayo!"
Hindi nalang pinansin ni Vince ang magaspang na pag-uugali ni Arlanie. Ayaw niyang pumatol sa isang babaeng lasing
"Saan ba ang bahay niyang kaibigan mo Jela?" May halong gigil ang tanong niya kay Jela bago niya sinimulan muli ang pag-mamaneho.
Sinabi naman sakanya ni Jela ang lugar kung saan nakatira si Arlanie. Ngunit pagdating nila roon sa mismong tinitirahan ni Arlanie may mga gamit na nasa labas ng pinto
Mukhang mga kagamitan iyon ni Arlanie ayon na rin sa kulay ng mga bag at damit. Mahilig kasi sa kulay pink ang babaeng iyon kaya naisip agad ni Vince na marahil pagmamay-ari nito ang mga nakakalat na gamit sa labas ng pintuan
"N-Naku beshie mukhang pinatalsik kana sa appartment niyo! Nilabas yata ng landlord mo mga gamit mo oh?"
Ngunit hilik lamang ang isinagot ni Arlanie dahil nakatulog na pala ito sa labis na kalasingan.
"Sir mukhang pinalayas na si Arlanie ng may ari ng tinitirahan niya. Lahat po ng mga gamit na yan kay Arlanie po yan eh. Mukhang tinuluyan na ng landlord niya ang banta nitong papalayasin siya"
Napasabunot nalang sa sariling buhok si Vince. Akala pa naman niya matatapos na ang pag-aabala sakanya ng babaeng yun pagkatapos niya itong maihatid doon
"Gisingin mo yan. Siya makipag-usap sa landlord niya. Wala akong panahon para--"
"Boss sa bahay ko nalang muna papatuluyin si Arlanie. Pwede niyo po ba kunin mga gamit niya?"
Kunot nuo siyang lumingon kay Jela. Inuutusan ba siya nito??
Napangiwi ito ng makita nitong iritable ang kanyang mukha.
Parang gusto niyang kutusan ang babaeng lasing na lasing na natutulog sa balikat mismo ni Jela. Nakanganga pa ito. Samantalang inaabala na sila nito ng husto.
"Hays!" Walang nagawa si Vince kundi lumabas ng kanyang kotse upang kunin ang mga gamit ni Arlanie. Kaunti lang naman ang mga iyon at parang mga damit lamang at dalawang bag na malaki
Napahinto siya sa pagpulot ng mahawakan niya ang isang malambot na piraso ng damit.
Isang red bra iyon!
Saglit siyang natigilan. Tinitigan niya ang bra ni Arlanie at tatlong segundo yata niyang pinagmasdan iyon bago unti unti nanlaki ang kanyang mga mata nang marealize niya kung ano nga ba ang hawak hawak niya
"Geez!" Agad niyang naibato sa malayo ng maisip niyang bra iyon ni Arlanie
Namula agad ang magkabilang pisngi niya. Hindi niya maipaliwanag ang naramdaman. Pakiramdam niya kasi nakita naimagine niyang suot iyon ni Arlanie.
"Ang malas ko naman!" Nagmadali ng pulutin ni Vince ang mga damit ni Arlanie at inilagay niya iyon sa loob ng kotse niya. Wala siyang pake kahit malagyan ng suka ang ibang damit nito. Kasalanan naman nito kung bakit panay suka sa loob ng kotse eh
Ang huling damit nito ay sinadya niyang ihagis sa mukha ni Arlanie. Sumakto iyon sa mukha ng babaeng masarap ang pagkakatulog dahil naghihilik pa! Natawa ng kaunti si Jela ngunit sumeryoso rin nang mapansin nitong iritable siya. Ito nalang ang nagtangal ng damit sa mukha ng kaibigan nito.
Tahimik nalang siyang nagmaneho ulit. Naiinis parin kasi siya sa napulot niyang bra ni Arlanie!
Sinabi ni Jela sakanya ang address kung saan ito nakatira. Natutuwa nga siya kay Jela kanina dahil hindi ito nakipag-usap sa kapatid niyang si Ralph. Mas pinili nitong huwag kausapin ang kapatid niya dahil pamilyadong tao na at wala na raw dahilan para mag-usap pa ang mga ito. Kaya ang ending siya tuloy ang naghatid sa dalawang babae pauwi.
"Bubuhatin ko ba yang babaeng yan papasok sa bahay niyo?" Kunot nuong tanong ni Vince nang makarating sila sa tapat ng bahay nila Jela
Umiling agad si Jela
"Mga kuya ko nalang po. Itetext ko po sila"
Lalong kumunot ang nuo ni Vince.
"Mga kuya? Sino ba kasama mo diyan sa bahay niyo?"
Napaisip agad si Vince na delikado yata para kay Arlanie ang makitulog sa ibang bahay na lasing na lasing.
Kahit papaano naman may itsura parin ito at baka pagtiyagaan pa ng iba?
Tss. The hell i care?
Kinokontra niya ang sariling isip dahil parang hindi niya gustong iwanan si Arlanie sa puder ni Jela kung marami pala itong kapatid na lalake
"Apat po--"
"Don't text them. Ako nalang bahala diyan sa kaibigan mo. Doon ko muna siya patutulugin sa bahay ko"
"H-Ho?"
"You can trust me. Hindi ko type yan" Umasim pa ng kaunti ang mukha ni Vince para ipakita kay Jela na hindi niya type si Arlanie
Hindi na nga ba?-- Tukso ng kabilang bahagi ng utak niya
Nagpapalit-palit ang tingin ni Jela kay Vince at sa kaibigan nitong natutulog. Bigla nalang itong ngumiti ng matamis. Tila naging masaya pa ito sa naisip na plano ni Vince
"Ay siyempre Sir Vince hindi ako nagdududa sayo no! Kung gusto mo buntisin mo na tong kaibigan ko kahit kambal pa o triplets eh! Sayong sayo na to!"
Napangiwi nalang siya.