"Meant to meet, but not meant for each other.."
Chapter 8
"Damn! Ang bigat ng babaeng to. Ang liit liit pero ang bigat!"
Mapungay ang mga mata ko nang maaninag ko ang gwapong mukha ni Vince. Napangiti ako. Ngunit agad rin siyang nagkaroon ng sungay sa gitna ng kanyang nuo.
"Mukha kang unicorn.." Humagikgik pa ako dahil iyon talaga ang itsura ni Vince sa paningin ko
Pakiramdam ko lumulutang ako sa ere. Umiikot ang paningin ko. Siguro panaginip lang ito?
Tumalim ang tingin ni Vince sa akin.
"Mabuti naman at gising kana. Makakapaglakad ka ba ha?" Iritableng tanong niya sakin
Muli akong humagikgik.
Naging dalawa kasi ang sungay na tumutubo sa kanyang nuo.
"Nakakatakot ka naman. Ang pangit mo Vince. Para kang may sungay--Ayy!"
Napahiyaw ako nang bigla nalang niya akong bitawan. Sinalo niya rin naman agad ako kaya hindi ako tuluyan nahulog sa sahig
"Ihuhulog talaga kita kapag hindi ka pa tumigil sa pagsasalita ng kung ano ano. Tumayo ka nga! Mukhang okay ka naman na eh"
Pilit niya akong pinatatayo ng tuwid ngunit anong magagawa ko? Parang umiikot parin ang paningin ko. Malalambot parin ang mga tuhod ko.
"Di ako makatayo eh! May paa pa ba ako?" Wala sa sariling tanong ko habang mapungay ang mga mata kong nakatingin kay Vince
Samantalang inis na inis naman itong inaalalayan ako
Napahagikgik akong muli. Kumapit ako sa kurbata niya kaya naman napayuko siya sa akin
Bahagya kong naamoy ang perfume na ginamit niya. Grabe ang bango! May pang-amoy pala sa panaginip?
"Ang bango mo ah?" Nakangiting sambit ko. Hindi ko na napigilan amuyin ang leeg niya
"Hays! Ano ba?!" Inilayo niya agad ako na para bang diring diri siya sa akin. Kaya natawa ako sa reaksyon niya. Inilayo niya ako gamit ang palad niya sa nuo ko para itulak ako palayo.
Naging tatlo na rin ang sungay niya sa umiikot kong paningin. Grabe ilang sungay ba ang tinatago ng lalakeng ito?
Napahagikgik ako.
"Stop giggling!"
Umupo ako sa sahig. Pakiramdam ko kasi inaantok pa ako. Bakit parang hilong hilo ako?
"Masungit ka parin hangang panaginip ko. Bwisit kang lalake ka"
May narinig akong sound. Tunog pala iyon ng elevator. Dumating na pala kami sa floor ng condo unit ni Vince. Wala akong kamalay malay na doon niya ako dinala at kasalukuyan pala kaming nasa loob ng elevator.
"Stand up! Nandito na tayo"
Hindi ako kumilos sa pagkakalugmok ko sa sahig kaya naman napilitan na siyang kargahin ako muli.
"Darn!" Reklamo niya
"Heaven.." Napangiti ako nang maramdaman kong kargahin niya ako na para kaming bagong kasal. Ngunit mas lalo lamang akong nahihilo dahil sa mga ilaw ng hall way na nakikita ko kaya naman ipinikit ko ang mga mata ko. Para kasing umiikot na rin ang tiyan ko eh.
Naramdaman ko nalang na lumapat ang aking likuran sa isang malambot na bagay. Sobrang bango ng bedsheet amoy fabric conditioner! Hindi ko na tuloy napigilan ang pag-baliktad ng sikmura ko. Kahit mabango naman yung naamoy ko parang di tinangap ng sikmura ko
"You sleep here--Damn! Bakit mo sinukahan yung bed?!"
"Bwaaaa.." Inilabas ko na yata lahat ng laman ng tiyan ko. Naririnig kong nagrereklamo si unicorn pero hindi ko na siya pinapansin.
Anong magagawa ko? Nasusuka na ako eh.
"Geez! Woman!" Napahagod nalang sa sariling buhok nito si Vince habang nakatingin sa akin.
Ngumiti ako ng matamis dahil lumalaki pa ang mga sungay niya at nagiging unicorn na yata talaga siya.
Inom pa Arlanie! Sigaw ng kabilang bahagi ng utak ko.
"Painom naman tubig--"
"Damn!"
Lumabas si Vince ng kwarto upang ikuha ako ng tubig. Wala siyang nagawa kundi alalayan akong makaupo sa kama.
Naamoy naming dalawa yung maasim na sinuka ko kaya halos hindi na maipinta yung mukha niya.
"Bilisan mo namang uminom ng tubig! Nasusuka na rin ako" Reklamo niyang muli dahil hindi ko halos mainom ng deretso ang tubig
Nabasa tuloy ang suot kong damit. Napatingin siya sa bandang dibdib ko. Ngunit nag-iwas rin agad siya ng tingin mula doon.
"Bilisan mo sabi eh!"
"Oo eto na. Arte mo naman unicorn.." Napapangiti kong sambit kaya naman binitawan na niya ako. Nainis na yata ng tuluyan sakin. Naiirita siguro siya sa paghagikgik ko. Hindi ko rin mapigilan eh. Para bang ang sarap sarap humagikgik ngayon.
Dinala niya na palabas yung baso ng tubig na iniinom ko.
"Hindi pa nga ako tapos uminom eh?" Reklamo ko. Napapahawak ako sa nuo ko dahil sobrang nahihilo na talaga ako
Hangang sa nakatulog na yata ako ulit?
Kinabukasan pakiramdam ko binugbog ako ng sampung demonyo sa sobrang bigat ng ulo ko.
Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar.
Dahan dahan akong bumangon.
"Nasan ako?"
Para bang nasa isang exclusive hotel ako? Ang ganda ganda ng kwartong namulatan ko.
Mataas yung dingding, sobrang lalaki at mahahaba ang mga kurtina. Sobrang laki ng kama! Mukhang kwarto ito ng mayamang tao.
Napahawak ako sa ulo ko. Wala akong maalala. Ang huli kong natatandaan kasama ko si Jela sa isang bar habang nag-iinom kami
Nanlaki agad ang mga mata ko at bigla rin akong kinabahan.
"Oh my God!"
Tinignan ko agad ang katawan ko. Kinapa ko agad ang pagkababa3 ko yung masakit ba iyon. Nawala ang kaba ko dahil wala namang kakaiba sa pakiramdam ko. Hindi rin masakit kiffy ko.
Makakahinga na sana ako ng maluwag pero napansin kong nakapanty lang ako at damit ng ibang tao ang suot ko!
Isang plain white large tshirt ang suot ko!
Hindi naman ito ang suot ko kagabi eh!
"Ahhhhhhhhhhhhhhh!" Napatili tuloy ako nang marealize kong may nagbihis sakin kagabi! Kinapa ko ang buong katawan ko! Nakasuot pa naman ako ng bra at panty ko sa loob nitong tshirt pero bakit ibang damit na ang suot ko?!
Narape ba ako? Bakit parang wala naman masakit sa katawan ko kundi ang ulo ko? May hang-over lang ako pero kung ano ano parin ang tumatakbo sa isip ko
"What the?! Ang aga aga pa nagsisisigaw kana?!"
Isang gwapong lalake ang pumasok sa loob ng kwarto. Nanlaki ang mata ko nang makilala ko siya. Magulo kasi ang buhok niya at parang kakagising lang niya eh. Nakapikit pa nga ang isang mata niya.
"V-Vince?! Anong ginagawa ko dito?! Nirape mo ba ako?! Ahhhh tuloooongan niyooo akooo--"
"Geeez! Can you shut up kahit ngayon lang?!" Inis na inis niyang sigaw dahil nagsusumigaw ako.
Natahimik tuloy ako kasi halatang inis na inis na siya.
"Wala ka bang maalala kagabi ha?!"
Napalunok ako ng sunod sunod. Kagabi? Ano bang nangyari kagabi? Ngayon ko lang rin napansin na naka-boxer shorts lang siya at napakaganda ng katawan niya. Ilan yon? Six? Seven? Eight? Ayy ano ba yan bakit ko ba binibilang ang abs ng lalakeng ito? Imbis na iniisip kong mabuti kung ano bang nangyari kagabi?!
"W-Wala akong maalala! Ang naaalala ko lang nasa bar kami ni Jela--"
"Dinala kita dito dahil lasing na lasing ka kagabi. Pinalayas kana ng landlord mo." Itinuro ni Vince ang mga gamit na nasa sahig. Mga damit ko iyon. Parang inilagay lang doon na parang mga basura sa gilid. Hindi man lang inayos nitong impakto na ito!
"Ha?" Napaawang ang bibig ko
"Ano may naalala kana ba ah?"
"B-Bakit dito mo pa ako dinala ha? Hangang ngayon ba patay na patay ka pa sakin? Sinasabi ko na nga ba eh!"
"Dream on. Tulog ka pa yata eh?"
Tumaas ang kilay ko nang mabasa ko ang pandidiri sa gwapong mukha niya
Bwisit! Bakit ba kanina pa ako sabi ng sabi na gwapong mukha nito?! Binabawi ko na!
"Nasa laundry ang damit mo. Sinukahan mo ba naman eh"
Bigla kong naalala ang mukha ni Vince na tinubuan ng sungay kagabi. Unti-unti na rin naging malinaw sakin ang mga pangyayari kagabi.
Napatuptop ako sa sarili kong bibig.
"Oh my god"
"You remember now? Tss. Umalis kana at bitbitin mo na lahat ng gamit mo"
Tumalikod na si Vince sakin pero napatigil siya sa paglabas ng kwarto nang marinig niya ang hirit ko
"Wala ka bang pa-breakfast diyan?"
"Wala!" Padabog niyang sinarado ang pintuan ng kwarto kaya napangiwi nalang ako
Nais kong kutusan ang sarili ko dahil sobrang laki ng abala na nagawa ko dahil lamang sa espiritu ng alak!
Minabuti ko nang bumangon upang makaalis na ako rito sa magandang bahay ni Vince. Hindi ko mapigilan pagmasdan ang kabuoan ng kwarto.
"Grabe yumaman na talaga si unicorn ah?"
Kasalukuyan akong naghuhubad ng tshirt upang magpalit ng damit nang bigla nalang akong makarinig ng isang tili ng matandang babae
"Jusmiyo!"
Agad akong napalingon sa nakabukas ng pintuan. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko kung sino ang matandang babaeng naka tingin sakin ngayon
.
"Mom!" Nasa likuran nito si Vince dahil hinabol nito ang mama nito at kapwa sila napatingin sa buong katawan ko
Naka-bra at panty nalang ako ngayon sa harap nila! Nang marealize ko iyon ay agad kong pinulot ang large tshirt sa sahig na kakahubad ko palang!
Samantalang hawak hawak ng mama ni Vince ang sapatos ko. Nakita siguro ng mama ni Vince ang sapatos ko sa labas kaya sumugod ito sa kwarto ni Vince upang tignan kung may babaeng kasama ang anak nito
"Sino ka?! Anong ginagawa mo rito sa kwarto ng anak ko? Teka? Pamilyar ang mukha mo. Jusmiyo! Ikaw ba yan Arlanie?!"
Nanlaki pa lalo ang mata ng mama ni Vince nang tuluyan na niya akong makilala
"H-Hello po manang! Long time no see" Halos maging ngiwi ang pagbati ko sa mama ni Vince!
Hiyang hiya talaga ako!