Chapter 9

1652 Words
"Letting you go felt like tearing out a part of myself I was never allowed to claim, because you were never mine to begin with, just a silent longing I carried like a secret, knowing that no matter how much I loved you, you were always meant to belong to someone else." Chapter 9 VINCE MOM POV Maaga palang ay nakatangap na ako ng tawag mula sa kaibigan kong security guard ng mismong building kung saan naninirahan ang anak kong si Vince. "Ano kamo?" "May dinala hong babae si boss Vince kagabi. Nako lasing na lasing yung babae nay" Nay ang tawag sakin ng security guard. Kinaibigan ko talaga ito upang mamonitor nito ang mga ganap sa buhay ng anak ko. Madalas ko lang naman itanong sakanya kung anong oras na nakauwi ang anak ko or kung nakauwi na ba. Hindi ko naman pinapaki-alaman ang buhay niya. Lalo na ngayong sobrang laki na ng responsibilidad niya sa negosyo ng kanyang tunay na pamilya. 5 years ago nahanap muli si Vince ng kanyang tunay na magulang. Dinala nila kami sa America. Doon kami nanirahan ng ilang taon at doon na rin namayapa ang asawa ko. Kaya heto biyuda na ako ngayon. Bumalik lamang kami sa Pilipinas dahil ibinigay na ng daddy ni Vince ang pamamahala ng negosyo nito kay Vince "Sigurado ka?" Habang kausap ko ang security guard nagmamadali na akong magbihis ng damit. Kailangan kong maabutan kung sino mang babae ang dinala ng anak ko sa condo niya. Baka ito na ang pagkakataon na magkaroon na ako ng mamanugangin! Gustong gusto ko na kasing magkaroon ng asawa ang anak ko. Kaya minsan gusto ko rin maki-alam sa buhay niya. "Oho nay! Hindi pa ho lumalabas ng condo unit si boss Vince. Mukha nga hong hindi papasok sa trabaho eh" Napangiti ako. Mukhang may babae na rin sa wakas ang anak ko! Hindi pala bakla! Simula kasi ng magpunta kami sa America, hindi pa iyon nagkakanobya kahit isa man lang! Pero noon may niligawan siya, Isang magandang dilag. Anak ng amo kong mayor noon. Kamusta na kaya ang batang iyon? Hindi ko rin mawari kung bakit ba hindi sila nagkatuluyan ng anak ko eh. "Berting ihatid mo ako sa condo ni Vince" Utos ko sa driver ko. Nagtaka pa ito dahil masyado pang maaga para lumarga ako. Madalas kasi sa gabi ako namamasyal kapag hindi na tirik ang araw. "Okay po nay" Nay rin ang tawag sakin ni Berting kahit mas mukha pa naman siyang matanda sakin. Kung hindi lang ako nadiagnose ng breast cancer four months ago, baka hindi ako kalbo ngayon at mas mukha pa talaga akong bata kaysa kay berting. May sakit ako. Kaya nga heto nagmamadali akong ayusin ang buhay ni Vince bago man lang ako mawala sa mundo. Bago ako makipaghoney moon sa asawa ko doon sa langit. Gusto kong masiguradong may mag-aalaga at magmamahal sa anak ko. Gusto ko pa muna makita ang apo ko sakanya Pagdating ko sa condo unit ni Vince. Pipindutin ko sana ang doorbell pero napansin kong naka-bukas ang pintuan. "Grabe hindi man lang nila naisarado ang pinto kagabi sa sobrang sabik ano?" Napahagikgik ako sa naisip ko pero agad ko rin inayos ang mukha ko. Kailangan kong magmukhang strikto. Dahan dahan akong pumasok sa loob at namilog agad ang mga mata ko ng makita ko ang isang pares ng sapatos na pangbabae. "Aba hindi nagkamali ang source ko." Pinulot ko agad ang sapatos sa sahig. "Mom?" Agad akong napatingin sa anak ko. Muntik nako mapangiti ng makita kong nakaboxer short lamang ang anak ko. Mukhang matutupad na talaga ang hiling ko sa birheng maria na sana'y bigyan ng asawa ang anak ko. Sa tingin ko hindi talaga bakla ang anak ko! Baka pihikan lang kaya sa tagal ng panahon ngayon lang nagkaroon ng nobya? Wala naman akong problema kung bakla ang anak ko pero siyempre mas masaya ako kung babae ang gugustuhin niya upang magkaroon siya ng pamilya "Ano to anak? May kasama ka bang babae rito?" Kunwari mataray kong tanong sa anak ko Lumapit agad siya sakin upang magmano at humalik sa pisngi ko "Mom what are you doing here?" Imbis na sagutin ang tanong ko ay tinanong rin niya ako pabalik "Nasaan ang babae mo anak?" Nakita kong napalunok siya saglit bago niya ako inalalayan sa siko ko "Hindi ko po babae ang babaeng may-ari ng sapatos na yan. Dito ko lang siya pinatulog--Mom saan ka pupunta?" Hindi ko na pinatapos pa ang pagsasalita ng anak ko. Nagmadali na akong maglakad papunta sa kwarto niya Siyempre doon niya dadalhin ang babae diba? Mabilis kong binuksan ang pinto ng kwarto at naabutan ko ang isang babaeng nagbibihis yata habang nakatalikod "Jusmiyo!" Bulalas ko "Mom!" Hinabol ako ng anak kong si Vince at kapwa namin tinitignan ang magandang hubog ng katawan ng babae Sariwang sariwa pa ang katawan ng dalaga. Kutis palang nito masasabi ko ng maganda ang babae. Napatingin agad sa gawi namin ang babaeng nakasuot lamang ng bra at panty! Success! Sa tingin ko may naganap na talaga sakanila ng anak ko kagabi. Salamat sa poon at nagkakaroon na ng liwanag ang pagiging lola ko soon! Aba maganda nga ang mukha ng babaeng ito ah? Wala pang makeup pero maganda na! Malaki rin ang hinaharap nito na halos nag-uumapaw sa suot nitong bra Ganito pala ang tipong babae ng anak ko? Malaki ang dibdib! At may kurba ang bewang. Hindi ito mataba ngunit hindi rin ito payat. Sakto lamang ang katawan nito at masasabi kong sexy pala ang tipong babae ni Vince "Sino ka?! Anong ginagawa mo rito sa kwarto ng anak ko? Teka? Pamilyar ang mukha mo. Jusmiyo! Ikaw ba yan Arlanie?!" Nanlaki ang mga mata ko ng unti unti kong makilala ang pamilyar na mukha nito! Si Arlanie! Yung batang babaeng niligawan noon ng anak ko! May igaganda pa pala ang araw na ito! Hindi ko akalain na isang babae lang talaga ang mamahalin nitong anak ko. Kaya naman pala hindi ito nagka-nobya noon kahit isa man lang eh! Kahit sobrang daming babaeng nagkakagusto sakanya hindi man lang nanligaw kahit isang babae roon. Ibig sabihin hindi talaga bakla ang anak ko! May hinihintay lang palang babae. Naiwan pala nito ang puso nito sa anak ng dating amo ko? Kung alam ko lang sana! Siguro matagal ko ng pinahanap ang batang ito. "H-Hello po manang! Long time no see" Napangiti ako at mabilis akong lumakad palapit sakanya. Sobrang saya ng puso ko. Niyakap ko agad si Arlanie. Medyo amoy maasim ang batang ito? Hindi ko alam kung bakit maasim ang buhok niya? Pero hindi ko na iyon binigyan pa ng pansin, mas importante sakin mayakap ko siya ng mahigpit "Ikaw nga iyan Arlanie! Kamusta ka na hija? Hindi ko akalain na ikaw pala ang nobya ng anak ko!" "P-Po?" Parang na-estatwa naman ito at halatang hiyang hiya sakin. Naka-bra at panty parin kasi siya sa harap namin ng anak ko Ayos lang naman siguro iyon dahil may milagro na nga silang ginawa kagabi? Naiiyak tuloy ako sa kaligayahan. Salamat sa diyos makikita ko pa ang apo ko bago man lang manghina ng tuluyan ang katawan ko. Makarga ko pa sana ang apo ko. Marinig ko pa sana ang munting tinig ng apo ko kapag binigkas niya ang pangalan ko bilang lola niya "Mom nagkakamali--" Humarap ako kay Vince at natigilan siya ng makita niyang umiiyak ako sa kaligayahan. Hindi ko kasi napigilan mapaiyak sa galak. "Salamat anak. Salamat nagkaroon ka rin ng nobya bago man lang ako manghina ng tuluyan." Kapwa natigilan ang dalawa. Napalunok ang anak ko at kitang kita ko yung awa sa mga mata niya. Seryoso ang mukha niya ng lumapit siya sakin. "Mom hindi ko po--" "Manang masaya rin po ako nagkita na tayo. Ito po kasing fiancè baby ko eh hindi agad sinabi sainyo na ikakasal na kami. Nakakahiya po nakita niyo pa ako sa ganitong sitwasyon" Napakunot agad ang nuo ng anak ko dahil sa sinabi ni Arlanie. Hindi ko napansin ang reaksyon niya sapagkat nasurpresa ako sa ibinalita ni Arlanie "Fiancè? Ibig sabihin nagpropose na ang anak ko sayo? Ikakasal na kayo?" Namimilog ang mga matang tanong ko "Opo manang!" Todo ngisi namang sagot ni Arlanie "What the--" Lalo akong napaiyak sa tuwa at napa-palakpak pa ako sa harap nilang dalawa. Halos lumundag ako sa kaligayahan. "Salamat sa diyos! Salamat sa diyos! Sobrang saya ko mga anak! Sobrang saya ko!" Para akong batang tuwang tuwa sa anunsyo nila Napatitig sakin ang anak kong si Vince. Unti unting nawala ang kunot sa nuo niya at napalitan iyon ng kakaibang emosyon. "M-Mom" Malungkot nitong sambit Yumakap ako sa anak ko "Salamat anak. Sobrang saya ko dahil sa bandang huli kayo rin pala ang magkakatuluyan nitong si Arlanie." Tumingin muna ng masama si Vince kay Arlanie. Nakangisi lamang ang batang babae. Hindi ko sila nakikitang nagbabangayan ng pasimple dahil pinupunasan ko ang luha ko. "Kailan ang kasal niyo anak?" "Sa susunod na buwan na po manang!" Halatang masayang masaya si Arlanie. Tila nakalimutan na nga nitong naka-bra at panty lamang ito eh "What the--" Mahinang mura ulit ni Vince at binigyan nito ng babalang tingin ang pilyang dalaga "Alam na ba ito ng parents mo anak?" Tanong ko kay Vince. Umiling lamang ang anak ko "W-Wala pa po akong napag-sasabihan mom. Hindi pa alam nila mommy at daddy. Hindi pa rin alam ng mga kapatid ko" Tinutukoy ni Vince ang tunay niyang mga magulang at mga kapatid "Kung ganoon ako palang ang nakaka-alam ng magandang balitang ito?" "Opo manang!" Sagot ni Arlanie "Ohh salamat sainyo mga anak! Bakit pala biglaan ang pagpapakasal niyo?" "Buntis po kasi ako!" Todo ngising sagot ni Arlanie Nanlaki naman ang mga mata naming dalawa ng anak ko! "B-Buntis ka?! Magkaka-apo na ako?!" "Opo manang! Pero one month palang po---" Natigil sa pagsasalita si Arlanie nang takpan agad ni Vince ang bibig nito "N-Nagbibiro lang siya mom! She's not yet pregnant!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD