Chapter 10
Arlanie POV
"What have you done?! Bakit mo sinabi sa mom ko na fiancè kita?! Are you out of your mind?!"
Kinusot ko ang magkabilang tenga ko dahil nabinge yata ako sa sobrang lakas ng sigaw ni Vince sa akin.
Kakalabas ko lang ng banyo at kakatapos ko lamang maligo.
"Aray ko naman. Bakit ka ba naninigaw? Nakabalik kana pala"
Iniwan niya kasi ako sa condo unit niya nang ihatid niya si manang sa bahay nila. Binalaan pa ako nito kanina na huwag daw ako umalis sa condo niya. Kaya naman nang makaalis sila ni manang kanina ay nagtungo na agad ako sa kusina ng condo niya upang maghanap ng pagkain. Mabuti nalang meron akong nakitang bread doon. Iyon nalang ang pinagtiyagaan at inalmusal ko. Kumukulo na kasi ang sikmura ko eh!
Ang yaman yaman pero wala man lang pagkain yung two doors ref niya! Ano yun pang design lang? Wala man lang laman! Hindi ba nagluluto si Vince?
Pagkatapos kong mag-almusal sa kusina napagpasyahan kong maligo muna. Amoy maasim na kasi ang buhok ko. Nasukahan ko pala yung kama ni Vince kagabi sa sobrang kalasingan ko. Kaya doon siya sa sofa natulog at hinayaan lang ako ng ungoy na iyon na matulog sa pinagsukahan ko. Napakabait diba? Pero salamat na rin sakanya dahil naisipan niya akong palitan ng damit kagabi.
Manyak kasi eh!
"Sa tingin mo ano yung ginawa mo ha?" Hinawakan ni Vince yung braso ko. Parang inis na inis siya sakin.
Well, wala namang bago don eh? Araw araw naman siyang inis na inis sakin eh simula nang magkita kami muli.
"Aray ko naman!" Reklamo ko kahit hindi naman masakit ang pagkakahawak niya sa braso ko. Gusto ko lang umarte.
Binitawan naman niya ako at napahagod siya sa buhok niya.
"Bakit mo kasi sinabi sa mom ko na magpapakasal tayo? Nababaliw ka na ba?!"
"Masyado ka naman stress! Relax lang! Edi sabihin mo kay manang nagbibiro lang ako. It's a prank ganon lang kasimple! Sige na babush. Aalis nako. Salamat sa pagpapatuloy mo sakin dito sa condo mo. Nabusog ako sa matigas na bread sa kusina mo ha? Bukas may amag na siguro yon eh. Anyway iiwanan ko muna ang ibang mga damit ko dito ha? Makikipag-usap lang ako sa landlord ko baka mapaki-usapan ko pa."
Nakatingin lang siya sakin habang derederetso akong nagsasalita. Pero namumula na sa inis ang pagmumukha niya. Sayang ang gwapo gwapo pa naman niya pero sobrang sungit!
"Okay lang ba ha? Babalikan ko rin agad yang mga gamit ko. Huwag kang mag-alala--"
"Itatapon ko yan. Damn it.."
Lumabas siya ng kwarto. Tapos binalibag niya yung pintuan.
"Tignan mo tong lalakeng to? Palagi akong binabalibagan ng pinto. Ang laki laki ng galit sakin ah?" Napapanguso nalang ako.
Sinundan ko siya palabas ng kwarto niya. Nakapagpalit na nga pala ako ng damit ko kanina sa banyo ha? Baka iniisip niyo kasi naka-bra at panty parin ako. Medyo maharot lang ako pero hindi naman sagad sa buto.
Naisip kong magbihis na sa loob ng banyo kanina dahil baka nakabalik na sa condo si Vince eh. Ayokong isipin niyang inaakit ko siya. Kahit sobrang gwapo niya hinding hindi ko pag-aaksayahan ng panahon akitin ang isang tulad niyang malaki ang galit sa mundo no!
Naabutan ko siyang umiinom ng tubig sa kusina. Mukhang naiirita talaga siya sakin dahil magkasalubong parin ang kilay niya sa sobrang inis.
"Aalis na ako ha? Babalikan ko mga gamit ko. Huwag mo naman itapon please? Babye Vince" Nagpaalam parin ako sakanya kahit alam kong wala siyang pake sakin
Nakakatakot kasi baka itapon niya ang mga damit ko. Sayang naman yun eh.
"My mom is sick."
Napahinto ako sa paghakbang ng marinig ko ang seryosong boses niya
Napanguso ako. Ano raw?
"Ha?"
"May sakit ang mom ko. Bingi ka ba?" Iritableng ulit niya
Napa-ikot tuloy sa ere ang mga mata ko. Napakasungit talaga!
"Gosh ang sungit mo naman? Teka ano kamo, may sakit si manang?"
Medyo seryoso na rin ang tanong ko.
"She have breast cancer. Kaya wala kang magagawa kundi ituloy ang kalokohan na inumpisahan mo"
Napalunok ako. Tila hindi ko agad maunawaan mga sinasabi niya. Naguguluhan pa ako eh.
"H-Ha?"
"You need to prentend as my f*cking fiancè infront of my mom"
Inilapag niya ng malakas sa lamesa ang walang lamang baso. Ang lakas ng tunog kaya medyo napatalon ako. Magugulatin ako eh!
"P-Pretend? N-Naku nagbibiro lang naman ako. Inaasar lang naman kita kanina eh. Hindi ko naman akalain na may sakit si mama mo--"
"See? Panay ka kasi kalokohan hangang ngayon ginagawa mong laro lahat ng tao sa paligid mo. Well, you don't have a choice anymore. Sa ayaw at sa gusto mo mag-papangap kang fiance ko."
"P-Pero"
"I don't want to take away my mother's happiness. Did you see how happy she was earlier? Sa tingin mo ba bakit ko ito gagawin? Don't flatter yourself little monkey. I don't like you either. Pero ikaw ang naglagay satin dalawa sa sitwasyon na yan. Gusto ko lang pasayahin ang mom ko kung ito ang ikakasaya niya"
Muli akong napalunok. Naalala ko kasi kanina kung gaano nga kasaya ang mama ni Vince nang malaman nitong ikakasal na kami.
"Pero--"
"No but's! Wala kang choice kundi pumayag. Don't worry babayaran kita. Sa loob ng anim na buwan"
Unti unti nawala ang kunot ng nuo ko. Magrereklamo pa sana ako eh. Pero nang marinig kong babayaran niya ako parang umawit ang mga anghel sa kalangitan.
"Ibig sabihin may trabaho nako? Babayaran mo ko? Magkano naman?"
"Tss. Magkano ba gusto mo?" mayabang nitong tanong na tila kayang kaya niyang ibigay kahit anong presyong hilingin ko
Napa-twinkle twingkle tuloy agad ang mga mata ko sa tuwa at napangiti ako ng matamis.
Naiimagine ko na ang sarili kong humihiga sa maraming pera! Charing!
"Kahit magkano. Basta ba bigyan mo ako ng matitirahan ko. Libreng pabahay, libreng pagkain sa araw araw, dapat kumpleto groceries ko ha? Ayoko ng ref na walang laman eh."
Napangiwi ako ng tumingin siya sa ref niya. Nahulaan na niya siguro na binuksan ko yun. Kaya nag peace sign ako sakanya.
"Fine. I'll pay one million pesos for your service. Bibigyan rin kita ng titirahan mo. Ikaw na bahalang mag grocery sa sarili mo, ayokong problemahin ko pa yun."
Napapahilot pa si Vince sa sarili niyang nuo. Sumasakit siguro ang ulo niya dahil sakin ano?
Namilog ang mga mata ko dahil instant milyonarya na ako! Dahil lamang sa pagbibiro ko.
"O-One million pesos?!"
"Parang gulat na gulat ka? Impossible namang di ka binibigyan ng parents mo ng ganyang pera? Maybe naglayas ka sa inyo kaya nandito ka sa manila para gumawa ng kung ano anong trip mo"
Hindi ko na pinansin pa ang mga sinasabi ni Vince. Lumulutang na kasi sa alapaap ang utak ko. Instant money!
"Sa loob ng six months magpapangap kang fiancè ko or hangat buhay ang mom ko"
Dahil sa sinabi ni Vince nawala ang ngiti ko. Medyo kinilabutan rin ako sa sinabi niya
"H-Huy grabe ka naman. Hindi naman siguro mamamatay si manang!"
Seryoso niya akong tinignan. Bahagya rin gumalaw ang panga niya. Para bang hindi niya kayang sabihin ang kanyang sasabihin
Kapwa kami natahimik ng ilang segundo.
"May taning na ang buhay ng mom ko.. Binigyan lang siya ng anim na buwan para mabuhay. Only six months to fight for her life. Kaya kung sa tingin mo biro lang ang gagawin natin, ngayon palang mag-isip kana. Sa susunod huwag mong ginagawang laro ang lahat"
Naiwan ako sa kusina na mabigat ang loob. Nagtungo si Vince sa kwarto niya. Ramdam ko yung kalungkutan sa boses niya. Napakasakit mawalan ng magulang at alam kong mas masakit kung alam mong malapit ng mawala ang magulang mo.
Ako kasi, nawala ang magulang ko ng biglaan. Pero sa tingin ko doble ang sakit kapag alam mong mawawala na ang magulang mo sa loob ng ilang buwan. Yung hindi mo na sila muling makikita? mayayakap? O makakasama.
Napabuntong hininga ako.
Nang lumabas muli si Vince sa kwarto niya naabutan niya akong nakatayo parin sa kinatatayuan ko
Napakunot ang nuo niya nang mapansin niyang malungkot at seryoso ako. Hindi siguro siya sanay na ganito ang expresyon ng pagmumukha ko eh.
"Bayad ko sayo" Nang lumapit siya sakin inabutan niya ako ng ilang libong piso. Naka-envelope iyon. Sampung bundle ng one hundred thousand at tila bago at malutong pa ang mga iyon.
Namilog tuloy ang mga mata ko sa kabiglaan. Hindi ko akalain na magbabayad agad siya sakin!
"C-Cash talaga? Grabe may banko ba sa loob ng kwarto mo?!"
Papalit palit ang tingin ko sa envelope at sa gwapong mukha niya.
Inirapan niya lang ako. Ang sungit talaga!
"Ayaw mo ba?"
Akamang babawiin na niya yung envelope pero ngumiti lang ako ng matamis.
"Hindi ah. Gustong gusto ko nga baby eh.." Kinindatan ko pa siya bago ko binawi ang envelope. Halos yakapin ko pa nga eh. Baka kasi magbago isip niya eh
"Baby mo mukha mo. Don't call me that. Hindi ka ba kinikilabutan?" Pagkatapos niyang sabihin yon tinalikuran niya nako
Napanguso ako.
"Edi unicorn nalang. Arte mo ah" Pabulong bulong na sambit ko pero napapangiti ako dahil ang dami ko ng pera!
Sino ba namang hindi diba?
"Thank you baby ah!" Pahabol kong pang-aasar kay Vince bago siya bumalik sa kwarto niya