Chapter 11

1490 Words
Chapter 11 "Bruha ka talaga Jela kakalbuhin kita eh!Bakit mo naman ako hinayaan sa puder ng Vince na yon matulog kagabi?" "Ilang rounds beshie? Malaki ba ah? Dali mag kwento ka naman!" Imbis na magseryoso ito sa panenermon ko ay nakuha pa nitong maging malisyosa "Anong rounds ka diyan? Anong malaki? Kung sakalin kaya kita ngayon diyan?" Tumawa lamang si Jela sa patuloy kong panenermon sakanya. Narito kami ngayon sa paborito naming fast food restaurant sa labas mismo ng opisina nila Jela. "Asus! Kunwari ka pa beshie eh! Halatang nadiligan ka kagabi eh--" "Tumigil ka beshie nakakahiya yang pinagsasabi mo at tigilan mo ang pagsundot sa bewang ko! Anu ba Jela?" Panay ang hagikgik niya habang sinusundot sundot ang aking bewang. Kilig na kilig ang bruha! Iniisip siguro nitong may namagitan samin ng unicorn na yon? Never! Ayoko nga! Kahit sobrang hot niya hinding hindi ko papatulan yun! Never ko ng ibibigay ulit ang puso ko sa lalakeng dumurog nito. "Kaya mo ba ako nilibre ngayon beshie? Kasi may pera kana? Sugar daddy mo na ba si Sir? Ayyy kinikilig ako--Aray ko naman!" Natigil lamang ang kilig ni Jela nang hilahin ko ng kaunti ang buhok niya. "Eh ang kulit mo kasi. Sinabi ko na nga sayong walang namagitan samin eh." Napanguso siya habang hinahaplos ang sariling anit niya. Napalakas yata ang paghila ko eh. Nakakainis naman kasi yung pang-aasar niya sakin. Hindi ako kinikilig eh. Sino bang kikiligin sa lalakeng yun? Hays "Akala ko kasi may past kayong dalawa? Impossibleng hindi kayo nag-plok-plokan no! Siyempre binembang ka non!" Napaikot sa ere ang mga mata ko. Naloloka ako sa mga words na naririnig ko mula sa bibig nitong kaibigan ko e "Gosh Jela anu ba namang mga words yan? Plok-plokan? Bembangan? Pasaway ka talaga! Yan ba mga natutunan mo kay Sir Rap ah?" Nawala naman ang mapang-asar nitong ngiti at unti unti nalungkot ang mga mata. "O edi natahimik ka diyan?" "K-Kill joy mo naman beshie" Tipid lang itong ngumiti bago ito sumipsip ng softdrinks sa straw. Mukhang malalim parin ang kalungkutan nito sa tuwing naaalala nito ang ex-boyfriend Huminga ako ng malalim. Nahurt ko yata ang beshie ko? "Sorry. Kamusta na ba kayo ni Sir Rap ha? Parang naalala ko kagabi gusto ka niyang kausapin? Nag-usap ba kayo ha?" Ilang segundo itong hindi kumibo. Pinaglaruan lang nito ang french fries na dinudutdot nito sa ketsup na nasa tissue paper. "Wala ng kami beshie. Hindi ko siya kinausap kagabi. Wala ng dapat pang pag-usapan. Kung ano man ang meron samin noon, tapos na iyon. Makikipag date na nga ako ulit sa iba eh para makalimutan ko siya. Hays. Mahal ko talaga si Sir Rap pero alam kong walang patutunguhan yung pagmamahal ko sakanya. Pareho lang kaming masasaktan at makakasakit ng iba. Kaya mas mabuti pang lumayo at manahimik. Nagresign na nga ako sa work ko. Need ko lang tapusin ang 30days ko sa kumpanya. Tapos magpapakalayo-layo na ako dahil iyon ang tama" Ako naman ang napabuntong hininga. Mahirap talaga magmahal ng taong hindi mo pwedeng mahalin kahit baliktarin mo pa ang mundo. "Mabuti naman kung ganoon. May makikilala ka rin Jela na magmamahal sayo. Yung walang sabit beshie." Napanguso ito. "Bakit napunta sakin ang topic? Bakit ba bad mood ka ngayon beshie?" Tanong nalang ni Jela sakin dahil tila ayaw na niyang pag-usapan ang puso niya "Sorry. Medyo masama kasi ang mood ko ngayon Jela. Paano ba naman." Kinuwento ko sakanya ang buong detalye nang nangyari samin ni Vince kagabi. "Really? Oh my God! Ibig sabihin pretend girlfriend kana ngayon ni Sir Vince?" "Shhhhh!" Sinenyasan ko si Jela na hinaan niya ang boses niya. Baka kasi may makarinig eh. Tinakpan niya agad ang sarili niyang bibig at lumingon lingon sa paligid. Mabuti nalang wala siyang katrabaho sa mga kumakain ngayon sa jolibee. Kaunti lang rin ang tao sa mga oras na ito dahil alas-dos na ng tanghali. Tapos ng mag-lunch ang iba. Tumango ako sa tanong ni Jela. "Oo. Kaya heto pinapapunta niya ako diyan sa opisina niya mamayang 6pm. Ibibigay niya daw susi ng bagong condo ko mamaya." Namilog ang mga mata ni Jela. Parang nasabik pa ang bruha. "Ang taray mo beshie! I'm so happy for you! Grabe may instant 1M kana nga may pa-bahay pa!" "Ewan ko kung sasaya ako eh. Parang kinakabahan ako" "Saan ka kinakabahan?" Huminga akong malalim. "Kinakabahan ako baka bumalik yung feelings ko sa bwisit na lalakeng yun. Nang-iiwan pa naman yun sa ere!" Napangiwi nalang si Jela dahil kahit ito hindi maunawaan si Vince sa biglaan nitong paghinto sa panliligaw sakin noon. Nakwento ko na rin kasi kay Jela ang nakaraan namin ni Vince 5years ago Pagkatapos namin magmiryenda ni Jela, dumiretso muna ako sa banko upang ideposito ang 950,000 pesos sa aking bank account. Siyempre iniwanan ko sa wallet ko ang 50k. Upang may pang-gastos ako at panimula ng bagong small business. Susubukan kong mag bake ng yema cake. Napanuod ko kasi sa social media na medyo patok daw ang business na iyon. Samantalang si Jela naman ay bumalik na sa kumpanya nila. Nag-break time lang kasi siya para samahan ako sa jolibee kanina. Tinignan ko ang orasan sa aking cellphone. Mag-aalas kwatro palang ng hapon. "Anu ba yan? Dalawang oras pa hihintayin ko? Saan ako pupunta? Kung mag-mall naman ako medyo malayo pa iyon rito at panigurado trapik!" Ayokong magalit si unicorn. Baka pag-nalate kasi ako sa 6pm na napag-usapan namin. Baka mamula na nanaman sa galit ang isang iyon. "Pero kung puntahan ko na kaya siya ngayon? Kung hindi naman siya busy eh. Para hindi nako mag-hintay ng dalawang oras." Ilang kanto lang kasi ang layo nitong banko sa mismong opisina nila Vince. Kaya naman napagdesisyonan ko ng maglakad papunta sa opisina ni Vince Habang naglalakad ako may narinig akong busina. Isang itim na kotse ang huminto sa gilid ko. Tinted ang mga bintana ng kotse kaya hindi ko alam kung sino ang tao sa loob. Kunot nuo akong tumingin sa luxury car na iyon bago dahan dahan bumaba ang bintana sa passenger side Napa-awang ang bibig ko nang makilala ko ang magandang babae sa loob ng kotse. Yung secretary ni Vince! Tipid itong ngumiti sakin. "Miss Arlanie, sumabay ka na raw sa amin" Sambit ng secretary ni Vince "H-Ha?" Bahagya kong tinignan ang driver side. Nakita kong nakakunot ang nuo ni Vince at nakatingin ito sa kalsada. Hindi man lang ako sinusulyapan. "Papunta sa office" Maiksing paliwanag ng secretary ni Vince Medyo naunawaan ko na ang gustong mangyari ni Vince. Isasabay na nila ako papunta sa office nila. Upang ibigay na siguro sakin ang susi ng condo ko. "Ah okay" Ngumiti ako. Hindi parin tumitingin si Vince sa gawi ko habang nakakunot parin ang nuo niya. Ang laki talaga ng problema sakin ng lalakeng ito? Sumakay agad ako sa likod ng kotse. Nahiya ako dahil sobrang bango sa loob. Napalunok nalang ako ng maramdaman kong magsimula ng mag drive si Vince patungo sa opisina nila Nahihiya ako dahil baka nag-amoy araw ako? Baka mangamoy sa loob ng kotse? Pasimple kong inamoy ang sarili ko. Mabango parin naman ako. Naamoy ko pa ang baby cologne na palagi kong ginagamit. Tahimik kaming tatlo sa loob ng kotse ni Vince. Napanguso ako ng kaunti. Bakit kaya sila magkasama? At bakit kaya wala sila sa opisina nila? Saan sila galing? Ano kayang ginawa nila? Pasimple kong tinitignan yung secretary ni Vince. Maganda talaga siya kahit side view pa lang. Yung hita niya ang kinis kinis. May relasyon kaya silang dalawa? Napatingin naman ako kay Vince at napalunok ako nang makita kong masama ang tingin niya sakin sa rear view mirror ng kotse niya. Nag-iwas agad ako ng tingin. Nahuli niya akong tinititigan ko yung legs ng secretary niya eh. Baka isipin niya pa insecure ako. Bahagya kong inayos ang buhok ko. Bakit pa kasi nila ako sinabay eh? Hindi pa nga ako nakakapag retouch man lang. Balak ko pa naman mag retouch muna sa restroom. Pagdating namin sa opisina nila Vince para akong tanga na sumusunod lang sa likod nilang dalawa. Ganito ba yung girlfriend daw? Mabuti pretend girlfriend lang. Dahil kung ganito ang boyfriend ko baka unang araw palang ng relasyon namin binreak ko na! Hmp napakasungit. Sumakay kaming tatlo sa loob ng elevator. Halos magkasaking tangkad silang dalawa. Lalo tuloy akong nanliit sa sarili ko. Sakto lang naman yung height ko pero pag kasama ko ang dalawang ito parang ang liit liit ko Bakit kaya hindi nalang itong secretary niya ang ginawa niyang pretend girlfriend? Hindi ko maiwasan mapatingin sa secretary ni Vince. Totoo kaya yung pilik mata niya? Ang kapal eh. Pakiramdam ko may nakatingin sakin kaya napatingin ako kay Vince. Nakatingin nga siya sakin sa mismong repleksyon namin sa salamin ng elevator. This time walang expresyon yung gwapong mukha niya. Ay Erase erase! Yung mukha niya lang pala! Hindi ko sinabing gwapo siya! Tinaasan ko siya ng kilay bago ko siya inirapan. Ano bang tinitingin tingin niya ah?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD