Chapter 12

1218 Words
Chapter 12 "Rules?" Kunot nuong tanong ko kay Vince nang iabot sakin ng magandang secretary niya ang isang pirasong bond paper na may kaunting nakasulat. Mukhang sulat kamay iyon ni Vince dahil natatandaan ko pa ang penmanship ng lalakeng yan noong nag-aaral pa kami Bahagya kong sinulyapan ang secretary ni Vince na nakatayo sa likuran ko. Habang ako heto nakaupo na sa isang office chair sa loob mismo ng private office ni Vince Ano pa bang tinatayo tayo ng babaeng ito rito? Akala ko ba may pag-uusapan kaming mahalaga ni Vince? "Marunong ka naman sigurong magbasa?" Walang kasing lamig ang tono ng boses ni Vince nang magsalita siya Napaismid tuloy ako at napilitang basahin ang nakasulat sa papel na iyon. Kunot nuo ko iyon binabasa dahil naiirita ako sa mga nakasulat doon Rules 1. Holding hands only. No hugs and kisses. 2. Don't call me if it's not important 3. We can date other people. Just make sure my mom doesn't find out or else you have to pay me back 1M pesos and this is all over 4. Do not disclose this sh*t to anyone 5. You will get the condo and another 1M pesos after our successful contract. Here's my number : 0936********* Your condo address : 11floor room 1144 Golden Valley Makati City Sign here: Napanganga ako sa mga nababasa ko. May limang rules si Vince tungkol sa gagawin naming pagpapangap. "Ano to? Kalokohan! Rule number one? No hugs and kisses? Ikaw pa talaga magsasabi niyan sakin ha? Excuse me?! Feel mo naman gusto kitang yakapin at halikan? My gosh! At teka sino namang may sabi sayo na tatawagan kita? Ayoko nga makita yang pagmumukha mo at marinig pa yang boses mo eh. Kung hindi nga lang ako naipit sa sitwasyon na yan." Napatayo pa ako habang pulang pula ang aking mukha sa sobrang inis sa mga nakasulat sa papel. Samantalang nakatingin lang sakin si Vince na para bang walang emosyon na mababasa sa kanyang pagmumukha. Bwisit! Lalo tuloy akong nainis! "At teka ano tong rule number four? Bawal sabihin kahit kanino pero bakit nandito pa itong si ate girl? Edi alam na niya ang sitwasyon natin?" "Except her. She needs to know everything about my business" Napatawa ako ng pagak. Kaya naman pala narito pa ang secretary niya dahil exempted pala to sa rules namin? Edi okay may magagawa pa ba ako? Tumingin muna ako sa secretary niya. Seryoso lang itong nakatayo sa likuran ko. Medyo tumingala pa nga ako dahil matangkad siya sa akin. Muli kong binaling ang pangingin ko kay Vince. Sumandal siya sa presidential chair niya na para bang nababagot sa pagrereklamo ko "Wow ayos ah? Business pala to? So ano ako business partner mo? Napilitan lang naman ako rito ah? Sino bang matinong babae ang gugustuhin kang maging fiancè? Suicidal siguro ang babaeng papayag magpakasal sa unicorn na katulad mo eh" Imbis na pansinin ni Vince ang pagdadaldal ko sa harapan niya ay inilabas na lamang niya ang isang susi mula sa drawer niya tapos ipinatong niya sa table "Here. Susi yan ng condo mo. Pirmahan mo na yan at makakaalis kana" Napa-awang nalang ang bibig ko. Kung itaboy ako ng lalakeng to para bang wala kaming pinagsamahan noon? "This way Miss--" Gagabayan sana ako ng secretary ni Vince palabas ng private office pero tinaasan ko siya agad ng kilay ko. Aba hindi purkit mas matangkad siya sa akin ay babastusin niya rin ako? Pareho sila ng amo niya! Mga walang modo. "Marunong akong lumabas mag-isa miss secretary. Hindi ko na kailangan ng tulong mo." Iritable kong tinitigan ng masama ang secretary ni Vince bago ko kinuha sa bandang dibdib niya ang isang ballpen na naka-ipit doon Kung makapag-labas ng cleavage ang babaeng ito halatang inaakit ang amo niya eh! Siguro may ginagawa silang kalokohan dito sa private office ni Vince kapag silang dalawa lang? Impossibleng hindi papatulan ni Vince ang ganyang kaganda at kasexy na babae Bahagya siyang nagulat sa ginawa ko pero wala akong pake sa reaksyon niya. Kailangan ko ng ballpen eh. Para mapirmahan ko na ang walang kwentang rules ni Vince. Nakatingin lang sakin si Vince habang pinipirmahan ko yung papel. Tumingin ako sakanya pagkatapos kong pirmahan. Hindi niya siguro inaasahan na titingin ako sakanya kasi napalunok siya at bahagyang napalunok. Nagulat pa yata. "O ayan napirmahan ko na. I'm officially yours now baby!" Sarkastimong sambit ko bago ko kinuha ang susi ng bagong condo ko Hindi siya nagsalita. Kumunot lang ang nuo niya at bahagyang inayos ang kanyang kurbata. "Pupunta ako sa condo mo. Kukunin ko ang mga damit ko bago ako lumipat sa bagong condo ko. Baka pwede mo naman akong pasamahan sa isang driver dito sa company niyo? Para makalibre ako ng pamasahe. Ang mahal mahal na mga taxi ngayon. Luging lugi ako--" "Katabi ng condo unit ko ang condo mo." "Ha?" "Read that address again" Tinuro ni Vince ang papel na hawak ko Muli kong binasa ang address ng bagong condo unit ko. Aba! Katabi nga ng unit ni unicorn to ha?! "Bakit doon ako titira? Ayokong maging kapitbahay ka!" Iyon ang bumulalas agad sa bibig ko "Iyon lang ang available unit. Mas madali rin kung doon lang kita hahanapin kapag biglang dumalaw ang mom ko sa condo ko hindi ko na kailangan magpunta sa malayo" Paliwanag ni Vince sa akin kaya napataas ang kilay ko "Sus? Maniwala ako sayo? Baka naman gusto mo lang akong makita araw araw? Don't tell me crush na crush mo parin ako hangang ngayon?" Dinaan ko nalang sa biro ang inis na nararamdaman ko. Saglit na natigilan si Vince. Tinitigan niya ang mukha ko pababa sa buong katawan ko. Medyo nailang ako sa paraan ng pagtingin niya eh. Para kasing nang-aasar? Tumawa ng pagak si Vince na para bang iniinsulto ang itsura ko. "What? Have you seen yourself now? Hindi ka na yata nagsasalamin? Ibang iba kana sa dati eh." Mahina pa siyang tumawa ng mapang-asar Namula tuloy sa hiya ang mukha ko dahil nakitawa rin ang secretary ni Vince Napalunok ako at nanliit sa sarili ko. Bakit ko ba kasi nasabi yon? Pinasadahan ko ng tingin ang kabuoan ko. Oo nga pala hindi na ako kasing ganda ng isang Arlanie dati. Yung Arlanie na nasusunod lahat ng skin care sa katawan? Eh ngayon? Wala na lahat ng skincare ko eh. Hindi na rin maganda ang mga damit ko "B-Bakit sa itsura mo lang ba ako nagustuhan dati ha? Baka nga pagnakikita mo tong mga mata ko nang-hihinayang ka eh!" Nilakasan ko nalang ang loob ko at hindi nagpahalatang nainsulto sakanya. Nag-twingkle eyes pa ako na para bang nagpapacute katulad noon Siya naman ang unti unti nawala ang pagngisi. Naging seryoso yung mukha niya na para bang nainis sa sinabi ko Ilang segundo siyang hindi nagsalita. Nakita ko pang gumalaw ang panga niya. Halatang nabadtrip ko siya. "Makakaalis kana" Inirapan ko siya. Bago ako nagmartsa palabas. Totoo naman kasing nainlove siya dati sa mga mata ko eh. Siya pa nga mismo nagsabi nun sakin dati eh. Sabi niya kapag nakikita niya daw ang mga mata ko nabubuo na ang araw niya Bwisit! Pinakasinungaling na manliligaw sa buong mundo! Tubuan sana siya ng pigsa sa pwet niya! Inirapan ko rin yung secretary ni Vince pero para bang napapangiti pa siya sakin ng kaunti. Inaasar niya ba ako??
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD