Chapter 13

1641 Words
Chapter 13 "Wow beshie ang ganda mo pala?" Umikot ikot ako sa harapan ni Jela na para bang isang modelo. Kitang kita ko sa mga mata ng kaibigan ko na nagagandahan siya sakin sa mga oras na iyon. Paano ba namang hindi ako gaganda? Buong araw akong tumambay sa salon! Halos walong oras ako doon. Lahat ng pagpapaganda sa buhok at mukha pinagawa ko. Pero siyempre yung budget friendly lang na salon. Doon lang sa malapit sa palengke? May kaibigan kasi akong parlorista doon eh. Nirebond niya ang buhok ko. Pina-facial ko rin sakanya ang face ko. Sa sobrang inis ko kasi kay Vince nung isang araw. Ininsulto ba naman nila ng secretary niya ang kagandahan ko? Samantalang patay na patay nga siya noon sakin eh. "Bumagay sayo yang straight hair mo beshie!" Dagdag puri pa ni Jela sa akin. "Thank you besh. How about my new outfit?" Maarte kong sambit. Pinahinhin ko pa ng kaunti ang aking boses Nakasuot ako ngayon ng paldang maiksi. Isang tuwad ko lang siguro makikita na ang pink panty ko. Tinernohan ko iyon ng white baby top. "Perfect! Saan mo nabili yan?" Pumalakpak pa siya habang pinagmamasdan ako "Edi saan pa? Sa divi!" Nabili ko ang outfit ko sa divisoria "Wow grabe mukhang mamahalin beshie! Sana binilihan mo rin ako--" "Ofcourse! Binilihan rin kita. Ikaw lang naman kuripot satin dalawa eh." Kinindatan ko pa si Jela kaya lalo siyang natuwa. Kinuha ko sa kabilang side ng kwarto ko ang dalawang paper bags. Mga pinamili ko iyon para kay Jela kahapon kasi namasyal akong mag-isa sa divisoria. Gusto ko kasi maging presentable sa tuwing magkikita kami ni Vince. Ayoko ng makarinig ng panlalait mula sa lalakeng yon. Bumili ako ng mga damit ko pero siyempre hindi ko nakalimutan bilihan si Jela. Pareho lang kasi kami halos ng sukat ng katawan. Kaya ko nga siya pinapunta ngayon dito sa bagong condo unit ko eh para ibigay ang mga damit na ito "Wow beshie! Ang galante mo naman! Super super super!" Hindi niya napigilan yakapin ako Masaya ako kapag masaya ang babaeng to. Kahit loka-loka siya madalas, siya parin ang pinakamabait na naging kaibigan ko. "Oo na. Teka nagugusot mo ang hair ko" Reklamo ko kunwari dahil nata-touch na ako sa pagyakap niya sakin. Pansin ko kasi mula ng magkaproblema si Jela sa buhay pag-ibig niya naging malungkutin na siya "Ay sorry sorry besh." Inayos niya ang buhok ko kaya nagkangitian kami "Ano maganda na ba ako? Or dagdagan ko pa ang blush on ko?" "Maganda kana besh! Huwag mo na dagdagan. Magaling pala ang parlorista na nag-makeup sayo eh. Pero mas maganda ka parin kapag wala kang makeup. Mas inosente kasi ang atake ng face mo" Natawa ako dahil kung titigan ako ni Jela para bang gusto niyang burahin ang makeup sa mukha ko "Minsan lang naman ako mag-papamakeup ng ganito. Kapag may dinner date lang kami ni unicorn" Katulad ngayong gabi. Mag dinner daw kaming dalawa kasama ang mama niya. Kaya heto nagpaganda ako sa salon buong araw. Nakatangap ako ng text message mula sakanya eh Tutal alas otso pa naman ang dinner namin. "Grabe ka naman besh? Sa sobrang gwapo ni Sir Vince papangalanan mo lang unicorn? Wala namang sungay si Sir Vince ah?" Napanguso ako "Anong wala? Meron kaya!" Nanlaki ang mata ni Jela. Tapos tumawa siya ng tumawa. Hindi ko naman maintindihan kung bakit siya tawa ng tawa. "Anung nangyari sayo? Bakit tawang tawa ka riyan?" Nagtatakang tanong ko habang pinapanuod ko lang humagalpak sa tawa ang baliw kong kaibigan "Gosh grabe ka besh! Hindi ko akalain na bastos ka! Kaya mo ba tinawag na unicorn si Sir Vince dahil may sungay siya?" Tumango ako "Anong bastos don? May sungay naman talaga siya" Tumawa siya ulit tapos hinampas niya pa ang braso ko "Aray ko. Ano ba kasing nakakatawa?" "Sungay sa gitna ng dalawang legs niya? Yung tumitigas kapag nagagalit?!" Halos hindi niya matapos ang sinasabi niyang kapilyahan dahil sa paghagalpak niya ng tawa Namula ang buong mukha ko nang magets ko kung ano ang tinutukoy ni Jela Bigla kong naisip si Vince na may sungay sa gitna ng dalawang legs niya! Umiling agad ako ng maraming beses upang maalis sa isip ko ang kabastusan Nanay ko po! Ang bastos kasi ng utak ng kaibigan ko! "H-Hoy gaga tumahimik ka nga diyan! Hindi no! Ang bastos mo! Hindi yun ang sungay na tinutukoy ko!" Habang pinapatigil ko sa pagtawa si Jela bigla nalang siyang natigilan nang mapatingin siya sa pintuan. Nanlaki ang mata ni Jela nang makita nitong nakatayo si Vince sa pintuan habang nakapamulsa ang mga kamay. Mukhang kanina pa ito nakatayo roon. "Ay si unicorn mo!" Napatingin rin tuloy ako sa tinitignan ni Jela. Halos lumubog ako sa kinatatayuan ko ng makita ko si Vince. Sinalubong ng paningin niya ang mga mata ko. Pakiramdam ko nanlamig ang buong katawan ko sa kahihiyan. Narinig niya kaya ang kapilyahan ni Jela?! Hay naku naman oh! "V-Vince" Agad akong napatuwid ng tayo. Napansin kong napatingin siya sa kabuoan ko. Mukhang pinagmasdan niya ang outfit ko at ang bagong hairstyle ko. Walang reaksyon yung mukha niya kaya hindi ko alam kung nagustuhan ba niya ang itsura ko o hindi "Bakit ganyan suot mo?" Kunot nuong tanong ni Vince Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Jela. Bago ko muling tinignan si Vince "B-Bakit? Anong masama sa suot ko?" "We will eat at a fine dining restaurant. Atleast wear some decent clothes. Hindi ganyan para kang magbibilad ng katawan mo" Pareho kaming napanganga ni Jela. "Ganon ba? Sige magpapalit nalang ako ng damit--" Iritableng tumingin si Vince sa relo niya "Huwag na. Baka nandoon na ang mom ko. Let's go." "E-Eh teka akala ko ba--" "It's your fault." Napanguso ako dahil sobrang sungit ni Vince. Wala na akong nagawa kundi sumunod sakanya nang tumalikod na siya palabas ng condo unit ko Samantalang si Jela naman nakasunod rin samin upang umuwi na. Si Jela na rin ang nag lock ng condo ko dahil nagmamadali na akong sundan si Vince patungo sa elevator Bakit ba kasi ang bilis maglakad ng lalakeng to? Halos tumakbo tuloy ako. "Hoy saglit lang naman! Para kang walang kasama eh?" Nakasimangot siya nang lumingon siya sakin. Pero binagalan na rin niya ang paglalakad hangang sa nakasakay na kaming dalawa sa elevator Nakasimangot akong tumingin sakanya. Naiinis kasi ako sa ugali niya "Bakit ba ang sungit mo sakin? Wala naman akong natatandaan na ginawa ko sayo noon para tratuhin mo ako ng ganyan ngayon ah?" Nakita kong gumalaw yung panga niya. Pero hindi niya ako tinignan at hindi rin niya pinansin ang mga sinasabi ko Hangang sa makababa kami ng elevator hindi niya ako kinausap. Hindi man lang niya ako tinitignan eh. "Bwisit na lalakeng to!" Reklamo ko habang nakasunod ako sakanya Napapatingin tuloy samin ang mga receptionist ng building. Kung makatingin sila sakin parang iniisip nilang katulong lang ako ni Vince. Pretend girlfriend ba talaga ako o katulong? Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya kaya medyo nagulat ako. Hindi ko naman kasi inaasahan na gagawin niya yun sakin. May natitira parin palang pagiging maginoo ang bwisit na ito no? Siguro 1% nalang! Dahil nakasimangot siya habang hawak niya yung pinto ng kotse niya. Hindi muna ako sumakay sa kotse niya kasi nakatingin siya ngayon sa mukha ko. Pagkakataon ko ng kausapin siya Tumigil ako sa harap niya. Nakasimangot kaming dalawa sa isat-isa. "Sana pinagbihis mo man lang ako para hindi ako magmukhang tanga sa resto na pupuntahan natin" "Sakay" Iritableng utos niya Kaya naman napasakay na agad ako imbis na magreklamo. Nakakatakot kasi ang pagiging masungit niya eh! "Eto na nga eh! Sasakay na!" Sumakay agad ako sa loob ng maganda niyang kotse. Grabe ang bango bango sa loob. Pagkatapos kong sumakay sa kotse niya sinarado na niya ang pinto. Pero napalakas yata ang pagsarado niya dahil natamaan ang legs ko! "Awww!" Narinig niyang may tumunog mula sa pintuan kaya muli niyang binuksan. "Damn! Bakit nandiyan yang paa mo?" Nawala yung pagka-aburido ng face niya at para bang biglang nag-alala Napayuko pa agad siya upang tignan yung legs kong pulang pula na ngayon. Parang sinampal ng sampung demonyo ang legs ko! Ang sakit! "Bakit kasi nagdadabog ka?! Ang sakit!" Reklamo ko "s**t! I'm sorry" Para bang nataranta si Vince kaya nahaplos niya ang legs ko nang wala sa oras. Nanlaki tuloy ang mga mata ko. Hinaplos haplos yung yung part ng legs ko na namumula. Pati tuloy buong mukha ko pulang pula na ngayon habang nakatingin lang ako sa paghaplos ni Vince sa legs ko Walang malisya yung paraan ng paghaplos niya doon pero para sakin kakaibang pakiramdam ang dulot ng mainit niyang palad! Gosh ang laki pala ng kamay ni Vince? Ang init init pa! Pero teka? Bakit niya hinahaplos ang legs ko?!!!! Noooo way! "M-Manyak!" Nilakasan ko loob kong tapikin ang kamay niya Tila doon lang rin niya narealize ang ginagawa niya. Bahagya kasi nanlaki ang mata niya at namula pa ang mga tenga niya "H-Hell no! I was just trying to ease the redness and t-the pain! Damn it! Don't think stupid things!" Napalayo siya sakin na para bang napaso siya sa legs ko "O-Okay na yan! Mawawala rin yan! Bwisit ka kasi eh." Dinaan ko nalang sa galit-galitan ang kakaibang init na naramdaman ko Anu yun bakit parang nagkamalisya ako? Bwisit talaga tong lalakeng to! "Are you sure? Pwede naman kitang dalhin sa hospital--" "Okay na nga eh. Nasampal lang to ng pintuan hindi naman naputol eh! Tara na baka naghihintay na si mama mo" Hindi na halos ako makatingin kay Vince Hiyang hiya kasi ako eh. Nasarapan kasi ako sa mainit na palad niya sa legs ko. Mga ilang segundo ko rin hinayaang haplusin niya ang makinis kong hita eh! Inenjoy ko talaga muna bago ko siya sinita kaya nahiya ako sa sarili ko! Grrrr! Malandi kaaaa self!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD