31 – Resolve Damian’s Point of View Dinig ko ang mahihinang hilik ni Arabella habang nakasandal siya sa balikat ko. Kanina lang ay sinabi niyang hindi siya sasandal dahil hindi rin naman daw siya matutulog, but look at her now. Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatingin sa kanya. She’s sleeping peacefully. And I’m glad to see that. Pansin ko kasi nitong mga nagdaang araw na apektado siya sa nangyari noong nakaraan. The truth is, that person was hired to scare us. Spade and Club did their best to interrogate him and know who was his employer, pero matigas talaga ito at hindi nagsalita kaya ang ginawa nila ay pinatahimik na lang nila panghabambuhay. Later on, we found out he had no backgrounds at all—life, job, education, family—wala. Sinubukan pa naming i-trace ang pinagmulan niya m