30 – Alone With You Arabella’s Point of View It’s okay. There’s always a next time. Let’s just reschedule our date. Nakatitig lang ako sa screen ng cellphone ko at muling binasa ang reply sa akin ni Lucas matapos kong sabihin sa kanya noong nakaraang araw na hindi kami matutuloy sa napag-usapan naming date dahil may lakad kami sa weekend. And this was his last message. Hindi na rin ako nag-abala pang mag-text sa kanya dahil baka busy siya. “Miss Ara...” Ibinaba ko ang cellphone ko nang marinig ko ang boses ni Spade kasunod ng pagkatok niya sa pinto. “Tapos na po ba kayong mag-impake? Pinapatawag na po kayo ni Gov.” “Yes, I’m coming,” sagot ko saka hinila ang maliit kong maleta. Bago ako tuluyang lumabas ay sinilip ko muna ang sarili ko sa salamin para mag-ayos. Medyo nagusot ang suo