29 – A Little Change Arabella’s Point of View “Ara, okay ka lang?” tanong sa akin ni Amber. Nandito kami ngayon sa cafeteria at kumakain ng lunch. “Kanina ko pa napapansin na parang tulala ka,” dagdag niya pa at marahang iwinagwag ang palad sa harapan ko. “May problema ka ba? Pwede mong sabihin sa akin.” “I’m fine, Amber. May mga bagay lang akong iniisip,” tugon ko at pilit na ngumiti sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka-move on sa nangyari kagabi at sa sinabi ni Club sa akin. I don’t want to overthink, but I just can’t help it. Ayokong maniwala kay Club. I refuse to. Pero hindi ko talaga kaya. Naiisip at naiisip ko talaga ang posibleng mangyari sa akin kung totoo mang nasa panganib ang buhay ko. “You’re not fine,” punto niya saka tinitigan ang mukha ko. “Look at you, y