25 – Waiting Arabella’s Point of View “Goodbye, everyone.” “Goodbye, sir!” Napatitig na lang ako kay Lucas nang lumabas siya ng classroom. Kakatapos lang ng klase niya. And all throughout his class ay wala siyang ibang ginawa kundi ang pasimpleng tumingin sa akin. He’s not even trying to hide it. Mabuti na lang talaga at katabi ko si Amber na siyang nag-a-assume na siya ang tinitingnan ni Lucas. “Ara, feel mo ba bet ako ni Sir?” kinikilig niyang tanong at may pakagat pa ng labi. “Kasi kanina pa talaga siya tumitingin sa akin.” “Siguro?” pagsakay ko sa delusyon niya. “Pero pwede ring hindi. It’s better to wait for a sign or for him to approach you,” dagdag ko bago iniligpit ang mga gamit ko. “But you know what’s best to do right now?” “Ano?” “Ang kumain. Gutom na ako, Amber,” sagot