24 – Conflicted Damian’s Point of View Nakatitig lang ako sa screen ng cellphone ko at hinihintay ang reply sa akin ni Arabella. I texted her an hour ago, and based sa schedule niya sa klase, bakanteng oras niya ngayon. Pero wala akong natatanggap na reply sa kanya. Hindi niya rin sinasagot ang tawag ko. And that really made me so frustrated. Hindi ko na natiis ang sarili ko at t-in-ext ko na si Diamond na i-check si Arabella sa university. I can’t rest easy knowing that there’s danger lurking around her, lalo na ngayon na palapit na nang palapit ang eleksyon. Bumubuo na ng line-ups ang mga politiko. “Gov, confirmed na talaga na si Mayor Lucas ang makakatapat mo sa susunod na eleksyon,” sambit sa akin ni Vice Governor Ricky. “Kasali siya sa line up nila Congressman Teodoro.” “I see...