47 - Saved Gustong magdiwang ni Arabella pero hindi niya magawa dahil alam niyang hindi pa tapos ang lahat. May dumating man para sagipin siya, ngunit hindi ibig sabihin nito na ligtas na siya. She’s still in danger. They are still in danger. Hingal na hingal na bumaling sa kanya ang lalaki. “Are you okay?” tanong nito. Bakas sa mukha nito ang pagod at labis na pag-aalala. “Are you hurt?” “L-Lucas...” Gusto niyang lumapit sa lalaki. Gusto niyang yumakap dito at magpasalamat, pero imposible dahil hawak pa rin siya ni Hector. Dama niya ang paghigpit ng pagkakahawak nito sa kanya. “Lucas...” Natigilan si Arabella nang banggitin ni Hector ang pangalan ng lalaki na para bang kilalang-kilala niya ito. “What can I do for you?” dagdag nito. At kahit hindi ito tingnan ni Arabella ay alam niyan