48 - Hero Gigil na pinagbababáril ni Damian ang mga tauhan ni Hector na sumasalubong sa kanya. Kasama sina Spade, Club, Diamond, Heart, at iba pang miyembro ng organisasyong binuo niya nang mahigit isang dekada ay pinalibutan nila ang mansyon ng lalaki. “Kill everyone who points a gún at you,” matigas niyang utos sa mga tauhan. “But spare those who begs for their lives,” dagdag niya saka sinenyasan ang mga ito na gumalaw na. Dala-dala niya ang dalawang 45 kalibreng armas. Sa bawat gilid ng kanyang mga binti ay ang mga reserbang bala. Hindi niya lubos akalaing mapapaaga ang pagbalik niya sa ganitong gawain. He has been trained to be an agent. He has been trained to kill without any mercy, without batting an eye. But there was always this guilt inside him whenever he ends someone’s life.