Chapter 13

4936 Words
“Anak, pag dinidisiplina ka ni LORD, tanggapin mo yun, wag sasama ang loob mo pag kino-correct ka nya. Kino-correct ni LORD ang mga mahal nya, gaya ng ginagawa ng isang tatay sa mahal nyang anak.” – Proverbs 3:11-12 -- Chapter 13 Aynna Naapula naman ang apoy, hindi kailangang umabot sa ikatlong alarma. Iniimbestigahan na rin kung saan posibleng nagsimula ang sunog. The fire fighter who went inside the store initial findings was faulty electrical connection. Pero may sariling main switch ang kuryente sa tindahan, tulad ng gusto ni Lola Olimpia para hindi masyadong mabigat ang daloy ng kuryente. Sunog na sunog ang outlet na pinagsasaksakan ng refrigerator. They let me know of what it looked like inside. Kahit kita ko nang bahagya ang loob nito mula sa labas. Pero dahil kabado pa rin at hindi makapaniwala, hindi ako umaapak. Pero kailangan ko pa ring attend-an ang mga report nila at sagutin ang mga tanong. “Hindi niyo ba ito pinatinggan sa technician, Miss? Kung matagal na hindi nagamit ang kwartong ito, maaaring hindi niyo napansin kung nakagat ng daga o nabasa ang mga kable,” “Ako lang po ang naglinis d’yan. Wala akong nakitang ngat-ngat sa outlet at mga kable. Kaya… buong akala ko ay okay pa…” Kita ang pagkapagod, na dinagdagan ng disappointment ang leader ng mga bumberong rumesponde sa sunog. “Nako, dapat pinacheck niyo lahat bago nagbukas ng tindahan. Mabuti may nakapansin agad sa sunog. Kayo pa naman ang pinakamalapit dito. Kung hindi naagapan at tulog na tuloy kayo, pati bahay niyo damay. Tsk.” he wrote something on that mini notebook. Wala akong nagawa kundi ang tingnan ang nasunog na tindahan. Usok na lang ang lumalabas galing sa sunog. Basang basa ang paligid. Nang maapula, unti unti na ring nagsiuwian ang mga kapitbahay namin. Madaling araw pa lang. Kung tutuusin, masyado pang maaga para pagchismisan ang nangyari. Tinawag na rin ako ni Aling Corazon sa bahay. Kahit si Liza na buhat si Xavier ay pumasok na rin doon. Nagsisimula nang ligpitin ang mga hose, ang truck ng tubig pumuporma nang umalis. “Magpahinga ka na sa inyo, Aynna…” Ramdam kong may taong lumalapit at kinakausap ako. Sa sobrang kaba ko habang nasusunog ang tindahan, hindi ako makausap nang matino. Kaya nang marinig ulit ang pagsasalita sa gilid, saka ko lang napansin si Adrian. Na nakasuot pa ng uniform niya at sapatos. “Adrian…” I was disoriented that he’s with us. Tinuro niya ang gate namin. “Magpahinga na kayo. Naapula na ang sunog. Tiniyak na nilang hindi na ito magsisindi. Pahinga ka na...” Bumuntonghininga ako. “Mayamaya na siguro… checheckin ko kung may maisasalba ako sa tindahan ko…” Pero ang tanging nagawa ko lang, pagmasdan ang natira. Umaagos pa ang putik na tubig galing sa loob papunta sa kalsada. Maswerteng walang nadamay na ibang bahay, at hindi rin ang sa amin. And I doubt kung may makukuha pa ako sa loob. Lalo na karamihan sa laman ng sari sari store ko ay pagkain. “I suggest, bukas mo na gawin. Pagod at puyat ka na. Ipagpabukas mo na lang.” Umiling ako. “Hindi yata ako makakatulog nito… after this tragedy…” Sabi ng ilang kapitbahay ko, sayang at kawawa raw ako. Bagong bukas na negosyo, nasunog agad. Pinarinig pa nila, hindi bale nang manakawan, huwag lang masunugan. Which is for one moment, naisip kong sana nanakawan na lang kami. Kaysa ang masunugan. Dahil kung ganitong nauwi sa abo ang pinundar ko, hindi ko maisip kung paano at saan magsisimula. My savings were depleted because I took a risk. Ganoon daw kapag papasukin ang larangan ng Entrepreneurship. Risk. But I never imagine that fire can deplete me. Luging lugi at talagang walang tinira sa isang gabi lang. Lahat ng pinundar ko, naging abo. Kung hindi man, basang basa. “Don’t worry too much, Aynna. Rest first. May trauma ka pa sa nangyari and you won’t be able to think clearly if your mind is fogged by this. Kung ako tatanungin mo, mas makakabuti sa ‘yong magpahinga at harapin ito bukas.” Mahinahon na sabi ni Adrian. Tiningnan ko siya. Nawaglit na sa isip na tanungin siya kung papasok pa lang ito o kauuwi pa lang. I was so fed up with the incident. Kaya nang tinawag ako ni Liza, nagpatianod ako. Nagpalaam kay Adrian at kahit papaano ay napasalamatan ko sa moral support niya. Tatlong oras ako nakatulog. Nagliliwanag na nang bumaba ako at puntahan ang tindahan. Bago ako bumaba, pumasok sa isip kong hindi ito nangyari. Na panaginip lang ang sunog. Nagha-hallucinate lang ako. Pero pagtayo sa harap ng nagkulay itim at mala swimming pool na tubig sa loob ng maliit na kwartong ito, napaupo ako at tahimik na umiyak. Kanina, habang binubomba ng tubig ang apoy, hindi ko naramdaman ang pag agos ng luha. I was so shocked and very scared. At ang mga tao sa paligid ko, sumisigaw na may takot. But now… that I only got myself to witness all of this and the aftermath… ang gumuho kong mundo, dumausdos na ang mga tipak tipak na bato at nag uunahang makawala sa pinag ipunan nito. Sunud-sunod na umagos ang luha ko, parang balong walang ampat. Humulas ang takot, napalitan na ng sakit sa dibdib. Wala akong suot na bota, o kahit anong proteksyon, basta tsinek ko ang pwede kong maisalba. Tuklap na ang yero at butas ang kisame. Ang beam nito ay nakalabas at putol. Ang mga sako ng bigas, sobrang hindi na maisasalba. Ang isang sako ng asukal, hindi na rin mapapakinabangan. Lahat ng pagkain pati mga canned goods were all washed off. Ebidensya ang itim na markang iniwan ng nagalit na apoy. Ang ilaw, refrigerator at isang electric fan, itatapon na. Ni hindi yata ito mapapakinabangan sa junkshop. Ultimo ang kinita ko sa maghapon na iniwan kong sa ilalim ng mesa, nasunog din. Tiningnan ko ang sinabi ng fire fighter na outlet. Itim na itim iyon. Wala nang takip at tunaw. Pinutol na nila ang kuryente rito kagabi. Para makasigurong walang mag spark. At para rin ligtas kong macheck. Iningat ako ang isang plywood sa sahig. Putik at mga basura ang nasa ilalim. Linis na lang ang makakaayos dito. Ni isang bagay, walang natira. Bumalik ako sa bahay, natulala na lang sa sala. Umaga rin ng araw na iyon, pinuntahan kami ng ilang kawani ng barangay para mag offer ng tulong. Nagpasalamat ako pati sina Liza. Pati ang ilang kapitbahay namin ay nag alok din ng tulong sa pagliligpit sa kalat gawa ng sunog. “Kayo lang ba ang tao dito?” Tumulong din ako sa pagliligpit. Nagpahiram ako walis tingting, pero ang mga kapitbahay namin ay nagdala na ng sarili nilang walis. “Opo…” Pila pila ang mga sakong laman ay mga paninda ko. Malaki ang panghihinayang ko pero, anong magagawa ko. I am trying my best to be stoic but sometimes it slips away from my mind. Naluluha na lang ako. What if… hindi kami nakalabas? Paano kung nakulong kami ni Xavier, Liza at Aling Corazon? Paulit ulit kong tinatak sa isip na mas matimbang ang buhay kaysa mga gamit. In that sense, nakakausap ako nang maayos ng ilang mga tao. “Puro babae pa yata kayo d’yan? Wala ka bang asawa?” Umiling ako. Pinagpatuloy ang pagwawalis at dakot ng basura, sabay tapon sa sako. “Wala po…” Madaldal at matanong si Aling Rowena. Isa siya sa mga nag volunteer sa pagtulong. Napagbilhan ko na rin siya noong bagong bukas ako. Siya rin ang madalas na nagtatagal sa tindahan dahil kinakausap niya ako. “Edi walang lalaki sa inyo?” “Wala rin po…” Bahagya akong tumalikod para maiwasan ko ang mga tanong niya. Pakiramdam ko, mas dadami ang alam niya sa personal kong buhay kapag nagpatuloy ang ganoon niyang pagtatanong. Lumipat si Aling Rowena ng pwesto at nagwalis sa harapan ko. I side-eyed her. “Hindi ka pa pala nag aasawa? Eh, saan ka tumira noong namatay si Lola Olimpia mo? Nangibang bansa ka ba o nasa probinsya ka lang?” mas determinado niyang mga tanong. Narinig at napalingon sa amin ang isang kawani ng barangay. Nagkatinginan kami. Umiling iling ito at tinuro ng dustpan si Aling Rowena. “Hoy, Wenggay! Walis ang ginagamit panglinis at hindi bibig!” Dahil sa sinabi, nakatunog ang ibang naglilinis at sabay baling sa akin. Napalunok ako. Nawala na ang anxiety ko nang kusa silang lumapit para tumulong sa paglilinis ng tindahan. Ang concern ko ay ang bumalik sa dating ayos ang bahay. At ang mga taong ito ay nagpakita ng concern din. Pero sa pagdaan ng mga minuto, ang ibang concern ay nalihis sa ibang dereksyon. Kinabahan na naman ako. Alam ko. Iyong eskandalo ko sa mga de Silva ang naiisip nila. “Tse! Nakikipagkaibigan lang ako rito sa apo ni Aling Olimpia, saka suki niya ako, ‘no!” umirap si Aling Rowena, pinagpatuloy niya ang pagwawalis. Tumawa ang ibang ale. At may nagsuggest na, huwag na raw akong lapitan para hindi ako ma-stress. “Paawat ka naman sa pagiging marites mo, Weng. Nasunugan na nga ‘yung tao…” ani ng matandang babae. Nilingon ko siya, bahagya niya akong nginitian. Napayuko ako sa hiya. “Aynna…” galing sa bahay si Aling Corazon. Siya ang nag aasikaso ng pangmeryenda sa mga kasamang naglilinis. Nilapitan niya ako, hawak ang cellphone ko. “Kanina pa ring nang ring ito…” Binaba ko muna ang walis tingting, at kinuha ang cellphone. Si Anton ang tumatawag. I looked at her. “Ilang beses na po?” Mula nang iabot ko kay Liza ang cellphone ko kagabi, ngayon ko lang ulit nahawakan. Nagkamot ng ulo si Aling Corazon. “Marami na, e. Nagluluto ako nang ituro sa akin ni Xavier ang cellphone mo. Kamuntik na niyang mahila,” Tumango ako. Busy din si Liza, nakahalubilo sa paglilinis. Ang sabi niya, bukas na lang niya dadalawin ang sarili niyang tindahan. “Sige po. Ah… gawa na po ba ang mga sandwich para sa mga nag volunteer?” tanong ko, habang nagwawala sa pag ring ang cellphone sa kamay. “Oo. Juice na lang ang titimplahin…” Tumango ako. “Ako na lang po ang gagawa, Aling Corazon. Sagutin ko lang din itong tawag…” “Siya, sige. Palitan kita rito. Mukhang malapit nang matapos,” Tinanguan ko si Aling Corazon. Naabutan ko ang pagpulot niya sa walis tingting ko at naghanap ng malilinis. Dumeretso ako sa kusina. Si Xavier ay nasa sala, nakaupo sa sahig. Bukas ang TV at may mga laruan siyang nakalatag sa sahig. Kapag ganyang marami siyang nakikita makukulay, hindi na ito umaalis sa pwesto. Sa kusina, natatanaw ko naman siya kaya hinarap ko ang tawag at pagtitimpla ng juice. “Hello…” “Bakit ang tagal mong sumagot?” Sinalubong ako ng mainit na ulong boses ni Anton. Bumuntonghininga na lang ako. Wala akong lakas para harapin ang galit niya dahil sa maliit na bagay. Nasunugan ako. Gusto ko sanang isumbulat sa kanya pero nagdalawang isip ako. His breathing was heavy. Parang naipon ang inis niya. Damang dama ko sa bawat buga ng kanyang hininga sa linya. Pinagsama sama ko sa mesa ang pitsel, tubig at juice na titimplahin. Kalmado naman ako sa rant niya. “Busy ako.” “Kahit isang text, wala? Aynna...” “Hindi ko hawak ang cellphone kaya hindi rin ako makatext.” Which is true. Tumingala ako sa wall clock. Magtatanghalian na. Breaktime niya siguro kaya tumawag. “Tapos ka na sa work mo?” I heard him sigh heavily again. Tila mabigat na tinutulak ang buga ng hininga niya. Mukhang nagtitimping bumulyaw. “Kanina pa kita tinatawagan. Wala bang sound ‘yang phone mo, Aynna?” “Meron. Pero hindi ko naririnig.” Naulit ang mabigat niyang paghinga. Binuhos ko ang dalawang sachet ng juice sa pitsel. Nakita kong nakalagay na rin sa tray ang mga nagawang sandwich ni Aling Corazon. Pwede nang ipamigay. “What are you doing?” “Nagtitimpla ng juice…” “Alright. Susunduin kita.” Kusang huminto ang kamay ko sa paghahalo sa kutsara. Namilog ang mata ko. Binalingan ko si Xavier. “H-hindi ako pwede! Busy ako!” “I said, susunduin kita.” I bit my lip. Umayaw ako. Hindi lang ito dahil kay Xavier, kundi sa sitwasyon ko ngayon. Ayaw kong iwan ang bahay na ganito ang sitwasyon. Tapos, iuuwi ako ni Anton pagkatapos pa ng ilang oras. Sigurado ako, sisimulan na niyang paglaruan ako. Maybe, he’s horny right now. “Hindi ako pwede ngayon, Anton. Meron ako.” Una kong naisip na dahilan. “What?” I sighed. Ginawa kong mabigat ang paghinga ko. “I have my period today. Hindi tayo pwedeng… mag-solo!” “It’s not what I…” “Kunwari ka pa. Iyan lang naman ang kailangan mo sa akin, ‘di ba? P’wes, hindi ako pwede. My red days just started!” Pumihit ito ng tawa. Nagsalubong ang mga kilay ko. Anong nakakatawa roon? “Alright. But… do you have your pads? Do you want me to get you some packs?” Umirap ako. Kumakalabog ang dibdib ko, kaya nang haluin ko ulit ang laman ng pitsel, wala na sa tamang rhythm ang kamay ko. “May stocks ako. Hindi na kailangan,” “Dysmenorrhea?” hula niya. “Wala ngayon. Baka mamaya…” he knows me. A flicker of memory dived in the shallowness of my mind. Dahil may nangyayari sa amin noon, nakalagay sa kalendaryo niya sa phone ang period cycle ko. Alam niya ring sumasakit ang puson ko sa first day. Pati brand ng ginagamit kong napkin pad, kabisado niya. At kung may wings ito o wala. “Do you want to get rest today, then?” “Oo… kung pwede lang…” “I’ll let you. But I’ll see you tomorrow,” I shifted my feet again. “Limang araw ang mens ko!” “I know.” “Alam mo naman pala! Bakit ka pa namimilit bukas? Hindi ka makapaghintay, Anton?” May alam ako sa tunay nilang score ni Ysabella kaya… bakit niya ako pipilitin? Kumsabagay, alipin niya ako. May alipin bang pini-please? He’s on his revenge. Bakit ako nagtatanong? “Kapag sinabi kong gusto kitang makita, gusto kitang makita. Hindi ka pwedeng umayaw sa gusto ko, Aynna. Pumayag ka sa usapan natin, ‘di ba? Baka nakakalimutan mo na,” I bit my inner lip. I felt like I was busted by his sharp words. “Alam ko… pero kasi… wala ako sa mood…” humina ang boses ko. He sighed. “Pupuntahan kita bukas. Maaga kang magsara ng tindahan. Susunduin kita ng alas siete ng gabi. Sharp. Hintayin mo ako.” Binaba niya ang tawag nang hindi ako pinagsasalita. Masama kong tinitigan ang screen. He’s so bossy! At wala na akong magagawa, dahil may usapan na kami. Though, parang hindi pa rin ako masyadong naliliwanagan. Mas nanaig ang galit at pagsuko ko sa kanya. Isa isa kong sinalinan ng juice ang nilatag kong plastic cups. Una kong nilabas ang tray na naglalaman ng mga tinapay. Chineck at nginitian ko rin si Xavier bago ako lumabas ng bahay. “Meryenda po muna kayo…” nahihiya akong aya. Halos sabay-sabay silang bumaling sa akin. Kitang kita ko ang pagliwanag ng mukha ni Aling Rowena sa dala ko. Hindi naman ito ganoon kabongga kaya nahihiya ako. Siguro, magluluto ako o magpapaluto kay Aling Corazon nang mas masarap na pagkain sa susunod saka ko dadalhin sa kani kanilang bahay. Bilang tanda ng pasasalamat ko sa kanila. “Teka, ako na ang maglabas ng juice,” kusang sabi ni Aling Corazon. “Liza! Kumain ka muna!” sigaw ko dahil naglilinis pa rin ang kaibigan ko. Nilapitan ako at pinalibutan ng mga kapitbahay at kawani ng barangay, para kumuha ng sandwich. Nagkakahiyaan pa ang iba. “Kahit dalawa na po ang kunin ninyo… marami pa po sa loob…” udyok ko. Tinitingnan nila kung mauubusan ang iba kaya hindi agad kumumuha. “Ito ang juice, oh,” Pagkakuha ng lahat, si Liza ang pinakahuling nakakain. Binaba ko ang tray. Sinuyuran ko kung lahat ay kumakain o kung mayroong nabitin. “Oh? Kaninong anak ang cute na batang ‘yon?” Tinuro ni Aling Rowena ang bukas na pinto ng bahay, naroon iyon si Xavier, umiiyak. I stepped forward—but Liza halted immediately. Lumakas ang iyak ng anak ko. Nagsalita pa ang ilan na tila pinapahanap ang nanay ng batang iyon. Hindi na nagsalita si Liza at agad na binuhat si Xavier. Nilingon ako ni Aling Corazon na nakaawang ang labi. “Anak mo?” tanong ni Aling Rowena. Hinele at tinapik tapik ni Liza ang likod ni Xavier. Bumaling siya sa ale at saka tumango. “Ah, opo. Anak ko,” Nanigas ako sa kinatatayuan ako. Sinulyapan ako ni Aling Rowena bago ulit bumaling kay Liza. “Siguro, dorm din itong bahay ng Lola Olimpia mo, ‘no? Ang laki at sayang kung kayo lang ni Corazon ang nakatira d’yan.” Bahaw na tumawa si Aling Corazon. “Kaibigan ni Aynna si Liza. Kaya walang bayad ang pagtira niya rito,” “Ahh…” sabi ng iba. “Gawin mong dorm, Aynna! May kita rin doon. Ipalit mong negosyo sa nasunog na tindahan. Kikita ka pa, ‘di ba?” I firmly closed my lips. Ang utak ko na kay Liza, at sa pag angkin niyang anak si Xavier. Xavier didn’t really mind at all. Tumahimik din siya nang buhatin. Pero nakatingin sa akin. Lumabi. Parang naghihintay na lapitan ko. But I just can’t! “Pinangungunahan mo, Wenggay, e!” sabi ng matandang babaeng nagtanggol sa akin kanina. Umingos at namaywang si Aling Rowena. Sila sila ang nagtalo patungkol sa bahay. Tiningnan ko si Liza at Aling Corazon. Liza just nodded at me. Napatingin ako sa labas ng gate dahil may pumarang sasakyan. Nagmamadaling bumaba si Julian, pero natigilan nang makita ang nangyari sa tindahan. Agad niya kaming nakita. Pumasok siya at may pag aalala sa mukhang pinasadahan ang paligid, pati ang mga taong naabutan. Tinuro siya ni Aling Rowena kay Liza. “Siya ba ang tatay niyan?” “Yuck! Hindi ‘no!” nakangiwing mukha ang sagot ni Liza. “Okay lang kayo? Aynna? Liza? Aling Corazon?” tanong ni Julian. Hindi na niya narinig ang tinanong ni Aling Rowena. Pinagtitinginan ng mga kapitbahay ko si Julian. May ibang kuryoso, may ibang napapatingin at nood sa pag uusap namin. Pinapasok ko muna siya sa bahay. Ganoon din sina Liza at Xavier. Sinarado ni Liza ang pinto. Bumaling doon si Julian at kumunot ang noo ko. Pagkalapat, agad kong kinuha ang anak sa kaibigan ko. I kissed my son’s forehead and cheek. Niyakap ko siya. Pinatong niya ang pisngi sa balikat ko’t inaantok na nagpahinga roon. Natapos ang pagliligpit at linis ng bandang hapon. Tanghalian nang magsiuwian ang mga kapitbahay ko. Kami na lang nina Liza at Julian ang nagsurvey sa sinapit ng tindahan. Kahit huli na, tsinek ni Julian ang hinihinalang pinagmulan ng sunog. Ang outlet. Tinanong din niya kung akma ang voltage nito sa appliances. Sinuri rin niya ang paligid. Nakahalukipkip ako, pinapanood namin siya. “Hindi naman siguro arson, Julian?” tanong ni Liza. Nabalutan ako ng kaba. Arson? Meaning sinadya ito? Sino naman ang gagawa no’n? “Or kung may nagalit na kalaban mo sa negosyo…” “Matagal nang nagsasari-sari store ang Lola Olimpia, Liza. Imposible namang…” Kinunan ni Julian ng litrato ang nasunog kong tindahan. Lumapit na siya sa amin at umiling. “Mahirap magbintang, Liza. Lalo na, walang ebidensya.” Natahimik si Liza. Kung totoo man iyon, wala akong maisip na kalaban sa negosyo. Saka, marami ang nagtitinda rito. Ganoon na ba katindi ang labanan sa ganito? Ang hirap lang isipin na may kayang gumawa nang ganito gayong pare-pareho lang kaming naghahanap-buhay. Sila lang ba ang may karapatang mabuhay? “’Wag ka munang mag isip nang mag isip d’yan, Aynna. Ang mahalaga, ligtas kayo.” Ani Julian. Tumango ako sa sinabi niya. “Alam ko…” “’Di bale, makakaisip ka rin ng panibagong pagkakakitaan. O kaya, ipagawa mo ito ulit. Walang masama kung magsisimula ka ulit.” “Ganoon na nga…” mahina pero tila may nagpakita ng liwanag sa isip ko. Sa bahay ko na pinaghapunan si Julian. Doon na siya pinapatulog ni Liza, pero may kailangan pa raw itong gawin. Tiningnan ko si Liza. Sa tingin ko, natatakot pa siyang mapag isa kami. Nagdidilim na naman. Iyong trauma na gumising kang may malaking apoy sa paligid ay hindi pa rin nawawala. “Bukas na natin isipin ang gagawin,” sabi ko. Pinapalakas ko rin ang loob niya. Kahit naghihingalo pa ang akin. Kaming tatlo ang nagcheck ng mga sasaksakan sa kusina at sala. Nagmistulang haunted ang itsura ngayon ng tindahan. Nilock ko agad ang pinto. Hindi ko kayang tingnan nang matagal. Nagpaalam na kami sa isa’t isa bago tuluyang nagpahinga sa kanya kanyang kwarto. Pasado alas tres nang madaling araw, naalimpungatan ako dahil sa mainit na pakiramdam. Kinapa ko si Xavier sa tabi. Dumilat ako kasi gising siya at nakaupo sa kama. “Anak? Bakit…” Cloudy ang rumehistro sa paningin ko, pero naaaninag ko siya. He’s looking up. Para bang may pinapanood na kung ano. “Anak…” Bumangon ako. Napasinghap ako at naalerto. Ilang sandali akong nakiramdam. Tahimik. Parang hindi maganda ang nasa paligid. Then, I stood up and turned on the light. “Oh my god…” I uttered masterly. Umiikot ang nakakasulasok na usok sa kwarto ko, na pumapasok sa ilalim ng pinto! I immediately took my son with me. Then, my bag that contains my personal things and lastly, the phone. Sinukbit ko ang bag sa balikat at binuksan ang pinto. Napaubo ako nang mas makitang makapal na ang usok doon. At hindi ko pa nakikita sina Aling Corazon at Liza! “Liza!!!” I screamed so loud sa katabing kwarto. Lumapit ako at pilit itong binubuksan. Pagkabukas, sinugod ko si Liza sa kama. Tulog na tulog pa siya, kaya nagulat nang niyugyog ko. “Nasusunog ang bahay! Magmadali ka! Si Aling Corazon!” “May sunog na naman?!” nagkumahog itong tumayo. Patakbo akong bumaba ng hagdanan. Punung puno ng usok ang sala. Ubo ako nang ubo at nahihilam sa usok. Nakakasulasok, masakit sa lalamunan at mata. Pero pinuntahan ko si Aling Corazon sa kanyang kwarto. Good thing, siya na ang nagbukas no’n at nakaalarma sa nangyayari. “Liza!!” Napaupo kami sa gilid. Hinihingal at umaaapuhap ng hangin. But we need to run! We need to escape! Nakikita ko na ang mga apoy na dumidila sa gusto nitong lamunin. Ang mga gamit, furniture at appliances, uunti untiin nitong kainin. Niyakap ko si Xavier. He’s started to cry on my shoulder. I hushed him but my heart thudded wildly! “Aynna, dito!” sigaw ni Liza. Nakaluhod kami ni Aling Corazon, at yuko ng ulo, makalabas lang ng pinto. Nanlaki ang mga mata ko. Malaking malaki na ang apoy sa sala! Sobrang init! Kung ganito ang pakiramdam sa impyerno, agad kang matutusta! “Galaw, Aynna!” tulak ni Aling Corazon. Nanghina ako, pero hindi ko pwedeng iwan si Xavier. Umiiyak at natatakot na siya sa balikat ko. Kailangan kong makalabas. Kailangan pa naming mabuhay. Kaya nilaban ko ang mga tuhod hanggang sa makalabas kami sa pinto. Tinulungan ako nina Liza at Aling Corazon sa pagtayo. Nagtatakbo kami sa gate at pagod na pagod na naupo sa sementadong sahig. Naririnig ko na naman ang sirena ng bumbero. Palapit nang palapit. Malamig na hangin ang bumabalot sa balat ko pero ang dibdib ko ay tila naiwan sa loob ng bahay ni Lola Olimpia. Nilapitan kami ng mga nagising na kapitbahay. Tinulungang makatayo at nilayo roon. Sana panaginip lang ito… Sana hindi ito totoo… Sana magising na ako… Una kaming pinatuloy sa barangay hall, pagkaapula sa pangalawang sunog. Pinakain kami, pero tumanggi ako. Napapagod ako, pero ang isip ko nililipad sa naiwang bahay. Tinawagan ni Liza si Julian para magpasundo. Sinamahan kami ng bantay sa barangay doon. “Pwede po kayo matulog dito,” sabi ng payat na tatay na tanod din. Hindi ako makatango o kahit makapagbigkas ng salita. Ikalawang sunog na ang naranasan ko. Dalawang beses na rin kaming nabibigyan ng pansin ng mga ka-barangay. Hindi pa ako nakakarecover sa pagkasunog ng tindahan, nasunog din ang bahay ni Lola Olimpia. Inabutan ako ng Band-Aid at alcohol ni Liza. Umupo siya sa tabi ko, tiningnan ang natamo kong sugat sa braso. “Gamutin natin ‘yan, Aynna,” she took care of her own wound. While mine is just waiting to be licked. “Okay lang ako…” “Natutulala ka na, Aynna! Hindi ka okay!” nanginginig ang boses niya, pero galit. Binuhat ni Aling Corazon si Xavier, at hinila ni Liza ang braso ko. Kumurot siya ng bulak, pinatakan ng alcohol. Pagdampi niya no’n sa sugat ko, agad akong napangiwi. “Bakit kasi tumanggi ka pang magpadala sa ospital. May medic na dumating, pero mas pinili mong umalis doon!” “Okay na akong natingnan si Xavier… ayon lang,” She glared at me. “Traumatized ka na!” Sa unang sunog, hindi ako umiyak. Nang makapagpahinga ako, saka bumabaw ang luha ko. Nasa sistema ko pa ang shock. Nalagay sa panganib ang buhay namin. Dalawang beses akong nagising na umaapoy ang paligid. I knew I checked all the outlet. Hinugot ang mga patay na appliances. May naiwan ba ako roon? Mag uumaga na nang puntahan kami ni Julian. Literal kaming walang mapupuntahan. Hindi naman pwedeng mag stay sa barangay hall dahil may gawain sila sa umaga. Maliit lang din ang tinutuluyan ni Julian. Kaya nagdesisyon akong magpahatid na muna sa mumurahing motel. Si Julian ang naghanap at kumuha ng dalawang kwarto para sa amin. “Sayang ‘yung apartment ko. Pwede sana tayo roon kaso mayroon nang kumuha,” Hinatid kami ni Julian sa kwarto. Tiningnan niya ang banyo kung malinis. Binaba ko si Xavier sa kama, hindi kalakihan pero mas okay kaysa sa upuan sa barangay hall. “Maghahanap na rin ako ng apartment para sa inyo mamaya. Pansamantala, pagtyagaan niyo muna rito sa motel. May pera nga pala akong winithdraw…” Umiling ako. “Ayos na kami, Julian. Salamat.” Tinitigan niya ako, naniniguro sa reaksyon ko. Hindi ko tinanggap ang pera. Nadala ko ang wallet ko at card sa bangko. May kaunting cash din na sa tingin ko kasya pa hanggang bukas. “Ibibili ko kayo ng makakain. Tapos, magpahinga na kayo.” Tumango ako. Sinilip niya sa kabilang kwarto sina Aling Corazon at Liza. Tiningnan ko si Xavier. Dinala ko sa banyo para malinis. Binili kami ni Julian ng sabon at shampoo. May hygiene essentials na kailangan ngayon, dahil mula ng sunog, pantulog pa rin ang mga suot namin. Ang ilang kapitbahay, pinahiram kami ng mga damit. Liza took some of it. Iyong kasya sa amin. Hindi ko alam kung anong pinili niya para sa akin pero hindi ako nagreklamo. I was literally looked a like a zombie. It was so painful to accept what happened to us in just two consecutive nights. Pagsuko na lang ang kulang sa akin. Pagkatapos naming maglinis ng katawan, hinigop ako ng pagod at antok. Magkatabi kami ni Xavier. Hindi ko alam kung anong oras nakauwi si Julian. Mukhang nagpapahinga na rin sina Liza at Aling Corazon. I woke up feeling the muscle pain and I flinched. Nananakit ang hita ko. Parang binugbog, pati ang braso ko. Natanggal ang Band-Aid na nilagay ni Liza dahil naligo ako. Hindi ko muna nilagyan ng panibago. I looked at the window. Madilim na. Kumakalam ang sikmura ko, pero wala sa isip ang maghanap ng pagkain. I just want to stay in this room and be alone. But my phone rang. Dahan dahan akong lumingon doon. Xavier is still sleeping. Pagkakuha, nakita ko kung sino ang tumatawag. Hindi ako natakot o ano. Tila naiwan ang kaluluwa ko sa sunog. “H-Hello…” my voice shook. I cleared my throat. Saka ko naalala ang sinabi ni Anton kahapon. Hindi ko alam kung anong oras na. Nagpunta na kaya siya sa bahay? Maaabutan niyang… wala kami roon. “Bumaba ka,” I bit my lip. Agad na nangilid ng likido sa mga mata ko. “W-wala ako sa b-bahay… Anton…” Mabigat pero mabagat siyang bumuntonghininga. “I know. Nasa lobby ako...” Mahina akong suminghap. Tila umurong ang luha ko nang malaman ko. “Ha? Saan?” “Puntahan mo ako rito sa baba, Aynna…” “O-Okay. Sandali lang…” Para akong binati ng buhawi. Kinatok ko sina Liza at Aling Corazon sa kwarto nila. Pinalipat ko muna si Liza sa kwarto ko para mabantayan si Xavier. Sinabi ko sa kanya kung sino ang nasa baba. Tumango siya at walang salitang sumunod sa hiniling ko. Malalaking hakbang kong tinungo ang hagdanan. Nasa third floor lang kami. Walang elevator. Nanginginig ang mga tuhod ko, kaya kapit na kapit ako sa barandilya para hindi mahulog. Pagkababa ko, nakita kong nakaantabay sa hagdanan si Anton. Ang isang kamay ay nakapamulsa at isa ay kumukuyom sa kanyang cellphone. Natigil ako sa paghakbang. Pagkakita ko sa kanya, bigla na lang nanginig ang labi ko. Ang umurong kong luha, bumalong ulit. Nilagpasan ni Anton ang nakatingin sa kanyang staff ng motel, at malalaking hakbang akong tinungo. “Anton… I-I’m sorry, may nangyari kasi…” Hinila niya ang batok ko, napasinghap ako. Sinakop niya ang labi ko’t nilunod ako sa madiin at mapaghanap na halik. Kumapit ako sa kanyang balikat, at nanghina. He closed his eyes and claimed my lips hungrily.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD