“Masaya ang taong nakahanap ng karunungan at nagkaroon ng pang-unawa. Mas may pakinabang pa yun kaysa sa silver, mas mahalaga pa kaysa sa gold.” – Proverbs 3:13-14
--
Chapter 14
Aynna
Nanlambot ang mga tuhod ko. Nang hapitin ni Anton ang baywang ko, tuluyan akong bumagsak. I felt like he didn’t want to stop the kiss, but my knees turned jelly and I couldn’t continue serving his lips.
“You’re trembling…” he murmured.
Nagawa kong tumango, kahit kitang kita ang pagbagsak ko.
“Masakit ang hita ko,” turo ko sa salarin. Pero ang totoo’y nalulunod ako sa kanyang presensya at mga halik.
“I’m taking you with me,”
“Huh?”
Pinaikutan ko ng tingin ang iilang taong nasa lobby ng motel. Oo. Hindi ito kagandahan at malayong malayo sa paborito niyang tambayan sa Manila Palace Hotel, pero sa katulad kong naghihikahos, malaking tulong na ang may bubong na masisilungan.
Mabagal akong umiling. Hindi niya nakita. Hinapit niya akong lalo, at hinila patungo sa entrance door ng motel.
“Teka lang, Anton!” I protested.
He kept on walking and actually, it may look like he was dragging me out of here. Walang nagagawa ang iilang staff na nakatingin lang. Hindi sa may katungkulan silang pakielaman kami, pero atleast, maalarma naman dahil baka dinudukot na ako nang hindi sila aware?
Pinansin ako ni Anton, niyuko para mabasa ko ang itsura ng kanyang mukha.
“Anton kasi…” I started to point my finger at the stairs, kung saan ako bumaba.
Umigting ang panga niya. “Hindi ako papayag na dito ka magpalipas ng gabi, Aynna. Sa akin ka matutulog.”
“Pero sandali lang kasi!” I wiggled and triumphally got my body away from him. “Hindi pwede, Anton!” umusod ako palayo.
“Do you want to fight over this, than to go with me, huh?” pinasadahan niya ang suot ko.
Bigla akong nakaramdam ng panliliit. Naningkit ang mga mata niya sa nakalabas kong binti. Nang magtagal, saka ko napagtanto ang sinuot kong damit. Isang kulay puting t shirt, galing sa kapitbahay naming nagmagandang loob na bigyan kami ng damit. Hindi ako ang namili nito. Nasunugan ako kaya hindi ko na naisip kung angkop ba o masagwa ang susuotin ko ngayon.
But what I am wearing is a huge white t shirt, na may brand name sa tapat ng dibdib ko. Umabot sa siko ang manggas at ang haba ay sumakto sa mga tuhod ko. Parang American size kung tutuusin. Hindi naman masagwang tingnan sa akin. Pero sobrang laki at aakalaing wala akong suot na shorts!
Nagtagis ang bagang niya. Halatang, hindi siya pabor sa itsura ko.
“Kunin mo ang natitira mong gamit sa kwarto, Aynna. At sasama ka sa akin, sa ayaw at sa gusto mo!”
I shifted on my feet, nervously. I almost wanted to throw tantrum at him but I let it go and tiredly looked at his angry eyes.
“H-hindi ako pwedeng sumama… may mga kasama ako sa taas…”
Tinitigan niya ako. Parang lalong sasabog sa galit ang mukha niya pagkarinig no’n.
“Si Aling Corazon? Isama mo siya! Problema ba ‘yon!”
Oh my god. Ramdam kong wala akong kawala sa gusto niyang mangyari. Nasa gitna kami ng maliit na lobby ng motel. Tahimik, pero sa komprontasyon namin ni Anton, nagiging eksena na ito sa TV. I do want to talk with him, but it should be not on the spotlight. Hindi ganitong pinag aawayan namin ang pagsundo sa akin.
Sa sobrang bigat na ng dinadala ko sa dibdib, kusang bumalong ang likido sa mga mata ko. I refused to look at him or him to see the turmoil I have inside. Biro mo, wala na akong matitirhan. Nawala ang pinundar kong negosyo. Nagmumukha kaming pulubi na kung saan lang pwedeng matulog.
And lastly, them. Sina Anton at Xavier. Paano ako sasama sa kanya kung kasama ko rin ang anak ko? He is furious. He is mad. He is evil. Kapag nilantad ko ang anak ko, pangatlong pagkawasak na iyon sa akin. I love my son more than anything. Parang pinatay ako kapag ginawa niya ang kinakatakot ko.
“Akala mo gano’n-gano’n lang sa ‘yo, ha? Hindi naman ikaw ang nawalan! Hindi ikaw ang nasunugan! Pero kung manduhan at pagtaasan mo ako ng boses, para akong timawa na kailangang sundin ka sa lahat ng oras!” I shouted.
Tinitigan niya lang ako. Hindi nakapagsalita.
“Wala ka man lang konsiderasyon sa kalagayan ko, ha? Alam mo naman siguro ang nangyari, ‘di ba? Nanggaling ka na sa bahay ng Lola Olimpia ko. Nahanap mo rin ako rito. Tapos, ano? Kapag gusto mong sumama ako sa ‘yo, bawal akong huminde o mag isip man lang? Ano ba ako, Anton? Tsimay mo na kaya mong kontrolin? Wala ba akong pakiramdam sa tingin mo? Hindi ba ako nasasaktan sa pagsasalita mo?”
Ang isang lalaking staff ng motel ay malakas na tumikhim mula sa likod ng information desk.
“Ma’am kailangan niyo ng tulong? May malapit na Police station po rito,”
Hindi ako bumaling sa lalaki. Pero si Anton ay matalim itong tiningnan.
“She’s my girlfriend,” pag-aangkin niya sa akin.
I scoffed. Kumawala ang luha kong ayaw patakasin, at agad kong pinalis sa pisngi.
Girlfriend, huh? Baka kept woman niya. He has a legal girlfriend and that’s not me.
“Syota niyo ba ‘to, Ma’am? Pagkarating niya pa lang dito kanina, mainit na agad ang ulo, e. Baka stalker niyo po.” sabi pa ng isa.
Gumalaw si Anton na siyang nagpabaling sa akin sa kanya. Umigting ang panga, at mas lalong dumilim ang mukha sa lalaking staff ng motel.
“I’m not a stalker, dammit!”
Kitang kita ang galit niya o pagkapikon sa mga staff na mukhang nagmamagandang loob lang. Hindi ko sila masisisi. Ang arogante ni Anton ngayon.
“Ayaw naman po kasing sumama ni Ma’am pero namimilit kayo, Sir. Hayaan niyo siyang magdesisyon.”
Sinutsutan ito ng isa pang kasama, at pinatahimik. Hindi inalis ni Anton ang masamang titig. Kaya mabigat akong bumuntonghininga na siyang nagpabalik ng kanyang atensyon sa akin.
“Dito kami magpapalipas ng gabi. Bukas na bukas din magpapasama ako kay Julian para maghanap ng apartment. It is not your responsibility to take care me, or us. Kung anong naisip kong desisyon patungkol sa tutuluyan namin, iyon ang masusunod. Pero kung hindi ka pabor, problemahin mo ‘yang mag isa!” tinalikuran ako siya at nagsimulang pumanhik sa hagdanan.
I heard him spit a curse. Kung para ba sa akin o sa sitwasyon, hindi ako sigurado. Paghakbang ko pa lang sa ikalawang baitang, nahuli na niya ang wrist ko. I calmed myself and confront him again.
Nag ipon muna ito ng hangin sa dibdib, bago sinabi ang gusto.
“Kinuha na kita ng bahay.” He announced.
What? Para akong nahilo sa narinig, kaya napakapit ako sa barandilya nang wala sa oras.
“Kaya pwede mong isama si Aling Corazon doon.”
“Anong ginawa mo? Bahay, Anton?” hindi ako makapaniwala. Ni hindi ko masabi nang buo ang natanto ko.
He nodded once. “It’s around Manila, too. Near our mansion. Kinuha ko na kay Dean ang susi…”
“Nasisira na ba ang ulo mo, ha? Kumuha ka pa ng bahay? Bakit…” he’s insane!
At anong kinalaman ni Dean? Is he now on real estate field?
“Pwede ka roong tumira habang pinaparenovate ang bahay ni Lola Olimpia at ang tindahan mo. It’s not… a very big house. It’s an old house of my grandfather’s brother. Walang nakatira roon kaya solo niyo ang bahay. Pero napaayos iyon ni Dean. Fully furnished. Ang tatao na lang ang kulang…”
Umawang ang labi ko, at hindi nakapagsalita. Tinitigan naman ako ni Anton. Bigla kong naalala ang pinagkakabisihan ni Dean noong nakakasama ko pa silang magpipinsan. I heard about a house he was busy about. A heritage he was so compelled to own. Wala akong narinig na nakipag agawan ang ibang de Silva, kasi pagmamay-ari ito ng kapatid ng Lolo nila. I just heard it once. Since, si Dean lang ang totoong nag aasikaso no’n.
“Baka may masabi si Dean… ‘Wag na…” I even thought twice. Saka, kasama ko si Xavier.
“Walang nakatira roon, Aynna. Pumayag siya at nagpadala ng supplies para sa ‘yo. Dadagdagan ko pa para kay Aling Corazon,”
Hawak niya parin ang pulsuhan ko. Walang ibang dumaraan kaya kahit nakahambalang kami sa hagdanan, nagkakapag uusap parin.
“K-kasama ko rin kasi si Liza. Pinalipat ko sa bahay ang kaibigan ko, kaya iniwan niya ang apartment niya-
“Isama mo rin, walang problema. That house is still huge enough for the three of you.”
I gulped. “M-may kasama rin kasing bata…”
Mariin niya akong tinitigan, at nagsalubong pa ang mga kilay.
“Sinong bata?” he inquired.
I almost bite my lip, I didn’t take my eyes off from him. “A-anak ni Liza…”
Bahagyang nagparte ang labi niya, habang nakatitig. He tilted his head a little.
“May anak na pala siya?” he innocently asked.
Mabagal akong tumango. s**t. I love you, Xavier. But your father is… is so scary, love. He might snatch you away. Hindi ko kayang tumaya sa sugal na iyon.
“Oo…”
“Nag away sila ng asawa niya kaya sa iyo tumira?”
Hinila niya ako pababa, para mas lalong makausap nang maayos. Nasa panghuling baitang ako, at umusod sa pader na tabi lang hagdanan. I towered him a little. Nakatingala nang kaunti si Anton. Magkaharapan na kami. Tutok na tutok ang paningin sa akin. Kapag umiiwas ako ng tingin, sumusunod siya. Kaya lalong lumalakas ang kaba sa dibdib ko.
Pinadausdos niya ang kamay sa palad ko, at doon ako hinawakan. Tiningnan ko iyon. Kinuha niya rin ang kamay kong bumitaw sa barandilya. Sakop na sakop ng kamay niya ang akin. Those big and fat fingers tracing the lines on my palms.
“Wala siyang asawa. Hiwalay na sila ng Ex niya…”
He sighed. Hinila niya ako.
“It’s not a problem to me. Take them with you, then…” sabi niya sa mahinang boses.
Umarte akong tinitingnan kung talaga bang pumapayag siya sa mga kasama ko. Pero hinahanap ko talaga kung may pagdududa siya o ano. Did he ever investigate about Liza’s life after the scandal? Dahil kung oo, malalaman niyang nagkaanak ito. But I found nothing. I just only saw something. Iyon ay ang kanyang desire sa akin.
He snaked his arms around my waist, nang hindi inaalis ang titig. I bumped my front body against his. Nilapag ko ang mga kamay sa kanyang balikat. I wanted to push him, kasi palingon lingon parin ang mga staff ng motel sa amin, pero matigas si Anton. He looked so territorial… and possessive. Na kahit ang kaunting pagtulak ko, dinidecline niya.
“Come with me, baby. Let’s stop fighting…”
Ngumisi ako. Pinadaan ko ang kanang kamay sa likod ng ulo niya. Sinuklay ko ang clean cut niyang buhok. May pawis iyon. But I still dive my fingertips and roamed his sweaty scalp.
“Ikaw ang nag umpisa,” Bintang ko. Tama naman, e. Kung hindi niya ako pinagtaasan ng boses, hindi ako puputok na parang bulkan.
“Alright. Take your things now. Call them. And come with me,”
Hininto ko ang paggalugad sa kanyang anit, bumaba ang mata ko sa kanya. He’s very serious. Matatag sa gusto niya. Kapag nakipagbangayan ako, parang hindi rin mababali. He’s taking control of my life.
“Pero Anton…”
He groaned. “Let’s stop arguing, Aynna. This is just for the time being. Don’t waste any money for a rent. I can take care of everything… of you…”
Matagal kaming nagtitigan. Nag isip pa ako nang ibang maidadahilan. Hindi ko akalaing sa isang iglap, kaya niyang gawing smooth ang tila bako bako kong problema. He came here to solve it. But I was left stunned because I couldn’t see the way to escape.
My heart was pounding so freaking fast. Natutulog si Xavier nang binuhat siya ni Liza, para sumama kay Anton. Sinabi ko sa kanila ang nangyari. I told him, bukas na lang kami lilipat. Matutulog daw siya sa kwarto ko kung hindi ngayon aalis. Ang sabi ko, ka-room ko sina Liza at anak nito. Sa sasakyan daw siya matutulog kung gaanon. Fully booked kasi ang motel nang subukan niyang kumuha ng isang kwarto.
“Hindi ba niya mahahalata?” tanong ni Liza.
Nakapagligpit na kami ng mga gamit, at naitext na rin si Julian. Nasa baba si Anton. Si Aling Corazon ay naghawan na rin nang kaunti sa kwarto nila, since kakaunti lang din ang dalang gamit.
“Hindi naman siguro…”
Nilalamig ang tiyan ko. Ang tumayo sa kasinungalin ay hindi madali. Even if it is called as white lies, I don’t even think it’s a good idea. For the meantime, yes. I could say, I’m buying time before he could ever discover my lies. But for as long as kaya naming pagtakpan, makakaisip pa ako ng ibang rason.
“Geez! Matinik sa imbestigasyon ‘yan, Aynna! Kapag nalaman niya ang totoo, baka doble dobleng ganti ang isagot,” kabado rin si Liza.
I held her arm that holding my son. “This is just for the meantime, Liza. Kapag… kapag sa tingin ko, makakapag-arrange ako nang magandang set up for Anton and Xavier, ako ang bahala sa ‘yo. Hindi ko hahayaang idamay ka ulit ni Anton. Basta. Akong bahala sa ‘yo at kay Julian. Pati kay Aling Corazon.”
Sumimangot siya. “Wala naman akong paki kahit ilublob niya ako sa putikan na mala-Marimar ang peg. Ang inaalala ko, ikaw. Kayong mag-ina. Kapag ginamit niya ang rights niya, paano ka na? Ngayon pang walang wala ka. Ipapaayos mo pa ang bahay ng Lola mo.”
Pinauna kong bumaba si Aling Corazon. Sumunod ako at panghuli si Liza na buhat ang natutulog na si Xavier. Binitbit ko ang eco bag na pinaglalagyan ng mga gamit namin. Pagbaba ko sa hagdanan, nakahalukipkip si Anton habang nagbabantay. Nagkatinginan kami saglit. Tiningnan niya sina Liza at ang batang buhat nito. Napalunok ako. Mas lalong kong naramdaman ang pagkadepina ng panlalamig ng tiyan ko.
Nakita na niya si Xavier… Nakita na niya ang kanyang anak.
Nakatayo at kabadong nanonood si Aling Corazon sa lobby. Kami na lang ang hinihintay. Lumapit si Anton sa akin, at kinuha ang eco bag.
“Let’s go,” he murmured seriously.
Nilingon siya ni Liza, sandali lang. Kita ko ang pagpupursige niyang huwag nitong matitigan si Xavier. Humahampas ang puso ko. Alin mang oras, pwede akong mahimatay sa matinding takot.
“I already paid everything,”
“Huh?” gulat ko. Palapit na ako sa staff para magtanong sa kailangang bayaran. Nag thumbs up lang sila sa akin.
Anton took my hand and pulled me to him. Agad na lumabas si Aling Corazon na parang walang nangyari. At si Liza, sumunod na rin.
Hinintay naming si Anton ang kumilos sa labas. Para kaming mga estudyanteng sinundo sa eskwela, at pinagsisilbihan ng driver. But he isn’t, ofcourse.
Unang pinagbuksan ni Anton ng pinto sina Liza, Xavier at Aling Corazon, sa backseat.
“May baby ka na pala, Liza? I didn’t know…” Anton asked.
Hinampas na naman ang dibdib ko. Parang tunog interisado itong si Anton.
“Ahh? Oo! Nakabuo kami ng Ex ko! Pero wala na ‘yon. Sumakabilang bahay na!”
Tumango lang si Anton. Hawak niya ang pinto habang sumasakay sila. Pagkasecure, sinarado niya. Binalingan niya ako, inabot ang siko ko. He opened the passenger seat and let me sat inside.
“Thank you…” kabadong kabado kong bulong.
He nodded. Hinila niya ang seatbelt, at siya ang nagsuot para sa akin. He looked at me darkly, bago sinarado ang pinto. Umikot siya sa harap. Pagkasakay, nilingon niya sa backseat sina Liza.
“Okay lang kayo d’yan? Comfortable?”
He is staring at Xavier. Nakatalikod ito dahil natutulog sa balikat ni Liza. Then, Liza chuckled a little. Kinagat ko ang labi. Medyo nahahalata siya kung ganyan ang kilos niya.
“Okay lang kami rito, Anton. Huwag mo kaming intindihin.” Ani Aling Corazon.
Tumango si Anton. May inayos pa siyang seatbelt para sa kanila. He made sure, kumportable at safe na. Hindi na ako nakapagsalita, at hindi ko rin nililingon sina Liza.
Pinasok ni Anton ang sasakyan sa gate ng bahay. Patay ang ilaw, halatang walang tao. Dahil gabi, parang haunted house ang itsura sa labas. Pero namamanaag ang malinis na bakuran. Trim ang mga damo at tila bagong pintura ang katawan ng bahay.
Naunang bumaba si Anton.
“Sa kanila raw ‘to, Aynna?” tanong ni Liza nang kami na lang.
“Sa kapatid ng Lolo raw nila. Pero ang pinsan niyang si Dean ang nagpaayos…”
Sinusian ni Anton ang front double door. Pumasok at binuhay ang ilaw. Nang lumabas siya ulit, saka ako bumaba ng sasakyan.
“May supplies na sa pantry at fridge. It’s only for a single person but I’ll try to buy some later. May bukas pa namang grocery dito,” tiningnan niya ang oras sa kanyang wrist watch.
“Ako na lang,”
He looked at me. “No. Ako na.”
Nakababa na sina Aling Corazon, Liza at Xavier. Lumapit sila sa harapan ng may kalakihang bahay. Mas malaki pa ito sa kay Lola Olimpia at mas mas marangya. Hindi naman nakakapagtaka, kasi de Silva pa rin ang nagmamay-ari.
Pinapasok kami sa loob ni Anton. Bitbit ko ang eco bag. Yumuko ako. Pagyapak ko sa tiles na may makukulay na design, nahiya ako dahil sa gomang tsinelas na suot. Halos itago ko ang kuko ko. Nag angat ako ng ulo. May bilog na antique na mesa sa tapat ng pinto, at sa likod pa nito, ang engrandeng hagdanan.
Sa kanan, naaninag ko ang malaking kusina. Iba ang itsura ng tiles doon. May mga appliances na mukhang mga bago pa. Ang kintab pa nga ng kulay gray nitong pinto. Bago at moderno ang lababo. Ang isang panel, tila ang sinasabi ni Anton na pantry.
Walang pintuan o anumang harang kaya natanaw ko ang bahaging iyon ng kusina.
“Maganda pa rin itong bahay kahit luma ang architecture,” bulong ni Liza sa akin.
Sumang-ayon naman ako. Sa kaliwa ko, ay may antique ding drawer. Malinis ang ibabaw nito. Mukhang kahit walang nakatira, napapalinis at alaga naman para hindi pamahayan ng mga peste.
Pumanhik kami sa hagdanan. Naroon ang kanilang tanggapan. May malaking bintana roon na sarado. Pinaghalong moderno at makaluma ang interior. Kahit kailangang pagandahin at patibayin, hindi nila inalis ang orihinal nitong istraktura. Pinireserve kahit papaano.
Tumungo sa kaliwang pasilyo si Anton. I heard him opened a door. Hindi namin siya sinundan.
Napansin ko ang isang malaking portrait na nakasabit sa dingding. It’s an old painting. A family painting. Nakasuot ng barong tagalog ang sa tingin ko’y padre de pamilya. Sa tabi nito ang naka-Filipianang asawa. Sa magkabilaan nila, nakatayo ang dalawang binata. They all looked so serious. Kahit sa painting. Ito marahil ang may-ari ng bahay.
“Aynna…”
Gulat akong napatingin kay Anton. “Y-yes?”
Tinuro niya ang pasilyo. “Nakahanda na ang mga kwarto,”
“Mmm,” agad akong bumaling sa mga kasama. Halos magtulakan pa sila palapit sa kay Anton.
“Sa first bedroom na sina Liza. Malaki rin ang kama roon,”
Kabadong tumango ang kaibigan ko. “Okay. Kasya na kami roong tatlo,”
“Tatlo?” kumunot ang noo ni Anton.
Lize nodded. Tinuro niya si Aling Corazon. “Kami ng anak ko at ni Aling Corazon,”
Ha? No. Agad akong nagprotesta. “Kami ni Liza ang magshe-share ng room!”
Nagulat si Liza pero agad siyang nakabawi at sinuportahan ang sinabi ko. Mas madali kaming makakagalaw ng anak ko kung nasa iisang room lang.
“Hindi na. Ni-ready ko ang magiging kwarto ni Aynna, sa master bedroom siya.” binalingan niya ako, bahagyang tumaas ang kanyang kilay. Parang may panghahamon.
“Ha? Ayoko ro’n! Isama mo na lang ako kina Liza,”
Tinitigan ako ni Anton. Parang gustong makipagbangayan pero hindi makabwelo.
“I want you in the master bedroom, Aynna. May sariling banyo rin ang room nina Liza. You’re single, kaya dapat solo ka.”
“Pero…”
“Okay na nga! Ito naman! Makikipagtalo pa. Saan saan ba ang room na sinasabi mo ha, Anton? Inaantok na ang baby ko,” patago akong sinulyapan ni Liza, at pinanlakihan ng mata.
“Dito kayo sa unang room. Sa dulo naman ang kay Aynna,”
Lumapit ako roon para bilangin ang pagitan ng mga pinto. Halos bumagsak ang panga ko. Isang pinto lang naman ang pagitan ng mga kwartong binigay. Bakit hindi pa pinagtabi? Sa dulo pa ang master bedroom!
Buhay ang cove light sa dulong bahagi ng pasilyo pero… bakit ang layo naman?
“Hindi ba ako pwede sa gitna, Anton?”
Binalingan niya ako. “Kay Aling Corazon sana ang room na iyon,”
“Ay pwede na ako sa kwarto ni Liza. Malaki naman yata ang kama, e.” humalaklakhak pa ito.
Tiningnan siya ni Anton. “Sigurado po kayo? If you want your own roon, available rin ang gitna,”
“Ako na sa gitna!” I said.
“Sa master bedroom ka. That’s final.”
He glared at me, and I glared back. Bumaba sa mga binti ko ang mata niya. Humalukipkip ako. Nagpaalam si Liza na papasok na sa unang kwarto. Nag excuse rin si Aling Corazon, at sumunod. Naiwan kami ni Anton na matalim na nagtititigan.
“May suot ka bang shorts?” matalim niyang tanong. Pinansin na naman niya ang suot ko.
“Wala!”
Sa inis ko, nagsinungaling ako.
He straightened up and murderly stared. “You’re not wearing anything under that shirt, Aynna?”
“Wala!”
Nakatayo siya sa bukana ng pasilyo. Naiilawan ng cove lights at naliligo ng contour sa kanyang mukha. Lalagpasan ko sana siya pero hinaltak niya ako sa siko. He pinned me on the wall. I gasped lightly. Hinawakan niya ang hem ng t shirt ko, at tinaas. He saw my black shorts. Bumuga siya ng hininga. Ngumisi na tila napipikon.
“Kanina ko pa gustong tingnan ang ilalim nitong suot mo. Gustong gusto kong dukutin ang dalawang lalaki roon sa motel dahil panay ang silip sa mga binti mo. Kung nagkataong wala ka talagang pang ibaba, ikukulong kita,”
Nagtaas ako ng noo. Pero ang puso ko, kumakalampag.
“Pinahiram mo nga kami ng hahay, pero sa dulo mo naman ako nilagay. Hindi pa ba pagkukulong ‘yon?” angal ko pa.
He menacingly tilted his head. “Hindi pa. Siniseperate pa lang kita. Kung balak kong ikulong ka, hindi kita rito dinala. Sa Penthouse ang bagsak mo. At doon, hinding hindi ka makakawala.”