Chapter 15

4462 Words
“Karunungan ang ginamit ni LORD nung crineate nya ang mundo, sa kanyang talino, nilagay nya ang langit sa pwesto nito. Dahil sa kanyang karunungan, umagos ang mga ilog, at mula sa mga ulap, pumatak ang ulan sa mundo.” – Proverbs 3:19-20 -- Chapter 15 Aynna Naligo ako, pagkaalis ni Anton. Lihim akong nagpasalamat dahil hindi siya nagpaiwan sa bahay. Mayroon pang ibang kwarto kung may balak siya. Pero sa tingin niyo pipiliin niya iyon? S’yempre at malamang—hindi! He would insist to sleep in the same room he chose for me, too! Kaya master bedroom ang inutos niyang tulugan ko, kasi may king size bed, sariling banyo at pwedeng mag tumbling sa loob. Higit sa lahat, pwede siya. Okay na rin na umalis. Kasi hindi ko makakatabi ang anak ko kung narito rin siya. He also bought additional supplies. Hindi niya ako sinama kahit sinabi kong may bibilhin din ako. Tulad ng underwear at mga damit, gatas at diaper for Xavier. Pero hindi ko iyon pinunto. Sinabi ko lang na may importanteng bibilhin. Tumanggi siya. Ibigay ko na lang daw ang listahan, at siya na ang bahala. Hindi ko binigyan. Umalis siya mag isa. I didn’t insist. Pwedeng ako, o kami ni Liza ang lumakad bukas. But he bought a lot of supplies. Pwedeng magtagal ng mga two weeks. The next day, I was bombarded of calls and texts from Julian and Kara. Oo nga pala. Hindi pa alam ng kapatid ko ang nangyari. Sa sobrang pagka-shock ko sa nangyaring sunog, na magkasunod, I totally neglected to inform her. Ganoon din si Mama. “Ha? Bakit ka pumayag na sumama kay Anton? Baka patibong ‘yan!” gulat na reaksyon ni Julian. I needed to calm down first. Nasa kusina kaming lahat. Hindi pa tapos ayusin mula kagabi ang supplies na binili ni Anton. Pagbalik ko sa pantry, umaapaw na ang stocks. Malalaking packs at puro mamahalin ang inuwi ni Anton dito. Binuksan ni Liza ang double door fridge, halos ganoon din ang itsura. Dean also provided beforehand. Pero dahil apat kami makikituloy dito, nagdagdag pa si Anton. “This is just for the meantime, Julian. At saka, hindi ‘yun aalis ng motel, kapag hindi kami sumama. Magugulo lang lalo…” I said. But I am also troubled with my decision. “I know, Aynna. Pero ang sabi ko kahapon, hahanapan ko kayo ng apartment. Oh? Hindi mo ‘yun binanggit sa kanya?” I sighed. “Sinabi ko. Kaso… sa tingin ko, mas practical ngayon na tanggapin ko ang suhestyon ni Anton. Bukod sa mas maayos itong bahay ng Lolo niya, makakatipid din ako. I used a large sum of my savings for my store…” “Okay. But Aynna, you know that I am willing to lend you, right? Tinanggihan mo lang kagabi. And how about Xavier? Nakita na niya?” “Oo…” “Did he ask who is the father?” Umiling ako. Dahil naka loud speaker ang tawag, naririnig din iyon nina Aling Corazon at Aynna. “No. Ang alam niya si Liza ang Mommy ni Xavier,” “What the hell?!” Binalingan ni Liza ang cellphone, at namaywang. “Do you have any objection, Julian?” Humalakhak si Julian. Nawala na ang pag aalala nito sa tono. “Are you serious, Liza? Hindi ka kinabahan?” “For your information, I am a theater actress! I played ‘Gigi’ in Miss Saigon in our school and I can even act without trembling, ‘no! Sisiw na sisiw lang sa akin ang magpanggap na mommy ni Xavier! E, napagbintangan ka pa ngang daddy niya, nu’ng kapitbahay ni Aynna!” “What the f**k?” Namilog ang mata ko. Si Aling Corazon ay nahinto sa paghuhugas ng kasangkapan, at bumaling din sa amin. Nilingon ko si Xavier sa mesa. “Naririnig ka ng anak ko, Julian!” Nilapitan ko si Xavier para takpan ang magkabilang tainga. Kung narito lang si Julian, pinasakan ko na ng mga plastic bag ang bibig. “Sorry. Sorry na. Don’t get me wrong, okay? Okay lang na maging dad ako ni Xavier, pero Heinous crime kasi kung si Liza ang mommy…” Nakita kong bumagsak ang panga ni Liza. Nagkatinginan kami ni Aling Corazon, at patago siyang tumawa. Napailing ako at kunot ng noo. “Ang kapal mo, ha! Akala mo naman pasado kang maging daddy ni Xavier! Yuckie to the highest-level kung ikaw ang magpapanggap na dad niya, ‘no! Mukha neto,” Naestatwa ako nang marinig ang pagbukas ng gate. Sina Liza at Aling Corazon ay parehong natigilan. Akala ko, ako lang ang nakarinig. Sumilip ako sa bintana nakita ang front ng bahay. Nanlaki ang mga mata ko nang pumasok ang sasakyan ni Anton. “Si Anton…” agad kong pinatay ang loud speaker. “Maya na ulit, Julian. Dumating si Anton…” Liza moved faster. Binuhat niya si Xavier. “Akyat muna kami sa room, ano? Baka kasi titigan niya itong anak niyo?” Julian got pissed in the line. Wala naman akong nagawa kundi ang tumango kay Liza. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa mawala sa kusina. I guess, this is how will run our lives while we’re still under Anton’s roof. Just for the time being, like he said. Mabuti na lang din, pumayag si Liza sa ganitong set up. Nakakakaba pero… nakakaiwas naman kami. “I told you, Aynna. That idea is…” “Pansamantala lang ito, Julian. Hindi ako habangbuhay aasa kay Anton. Makakaalis din kami rito,” Humalukipkip ako, at pinapanood sa bintana ang pagparadahan ni Anton ng kanyang sasakyan. Hindi siya kumontak o nagpasabing babalik siya ngayong umaga. Buong akala ko, mga gabi o isang linggo ko siya ulit hindi makikita. Sobrang bilis at ang aga pa niya bumalik. “Ikaw ang bahala,” pero ang tono niya ay wala pa ring bilib sa akin. Pumasok si Anton sa bahay na may dalang mga plastic bags. Nakilala ko ang pangalan ng kilalang grocery store sa plastic. Nilagay niya iyon sa ibabaw ng mesa. Lumapit ako. Nagkatinginan kami ni Aling Corazon, kasi panibagong stocks na naman yata ang dinala niya. Napakamot ako sa panga. “Namili ka ulit?” Obviously, Aynna. What the… Tiningnan ako ni Anton. He looked good with black longsleeves polo and pants. Kumikinang ang kanyang silver necklace. Pinasadahan niya ang katawan ko. Hindi na gano’n kalaki ang t shirt na suot ko. Baggy shorts at saktuhang t shirt ang suot ko ngayon. Maluwag ang sa waistline, at walang sinturon. Kaya partible ang gamit ko para hindi bumagsak sa sahig ang shorts. Na hanggang tuhod ko ang haba. He looked impressed with my clothes. Tumaas pa ang dulo ng labi niya. “I added a few things. Especially your… pads.” Sinilip ko ang laman ng unang plastic. May dagdag ulit na karne at imported canned goods. Sa kabilang plastic, mga shampoo, shower gels at sanitary napkin ang laman. He bought my specific brand, Whisper. “Salamat. Ahh… magluluto pa lang kami ng pang tanghalian. Dito ka ba kakain?” usisa ko, dahil narito na siya. “Gusto mong dito ako kumain?” he tilted his head and stared. Tinitigan ko siya. Lumayo nang bahagya sa amin si Aling Corazon. Sinamsam ang mga plastic bags na naiwan ni Liza. I gulped. Hindi inaalis ni Anton ang titig niya. “Nagtatanong lang ako kasi nandito ka na…” kamuntik akong mataranta sa simpleng pagtatanong. He smirked. Isang pasada ulit sa suot ko ang ginawa niya. “Hindi na. Babalik ako sa office,” Kumunot ang noo ko. “Nanggaling ka na roon tapos pumunta ka pang grocery?” Nagkibit balikat siya. “I wanted to check if your supplies are complete. Kung anu-ano lang kasi ang dinampot ko kagabi sa grocery. Hindi ako alam kung anong kailangan ninyo,” “Just food, Anton. That’s enough.” I sighed. Tiningnan ko, at nilabas na ang mga bago niyang dala. He didn’t say anything after that. Nanatili siyang nakatayo sa tabi ng lamesa, nakapamulsa habang pinapanood akong tinatabi sa pantry at fridge ang panibagong stocks. Nilingon ko siya pagkatapos, at inalok ng kape. “No, thanks. Sa office na lang,” I simply nodded. The chores fastly ended. Si Aling Corazon ang nagsalang ng manok sa kalan. Ako naman ay inasikaso ang mga sangkap sa kanyang lulutuin. Anton’s presence is kind of disturbing. Para akong nasa loob ng horror story, at siya ang highlight doon. Hindi ako makakilos nang matiwasay. Nababagsak ko ang kutsilyo, nagkakamali ng hiwa at namamali sa pagdampot ng mga bagay sa kusina. Nilagay ko sa loob ng refrigerator ang nagamit kong kutsilyo! Napapikit ako, sabay bukas ulit no’n. Anton is terrorizing my house chores! “Ahh… hindi ka pa ba aalis, Anton? Sabi mo babalik kang opisina? Oh, anong oras na?” He’s leaning on the table’s edge, while watching my movement. Tila lalagyan niya ako ng grado sa gawaing ginagawa ko ngayon. Binalik ko ang atensyon sa paghuhugas ng gulay. Ang tahimik ni Aling Corazon o sadyang busy lang sa harap ng kalan, at hindi kami pinapakaelaman. “Nagmamadali ka, Aynna?” Pinatay ko ang gripo, at nilingon siya. “Sinasabi ko lang ang oras. Baka kasi ma-late ka sa trabaho mo. Okay lang kami rito,” “I own Artisan. I have my own time,” Sumimangot ako. Binalik ko sa strainer ang gulay. “Pero hindi ka rito kakain?” “Mayamaya lang, aalis na ako. Nagmamadali ka yata,” Nakikita ba niya sa kilos kong nagmamadali ako? Hindi ako alam kung bakit iyon ang nasasabi niya. I feel tense. O baka dahil doon kaya akala niya nagmamadali ako? Umalis din siya kalaunan. Nang makapagtanghalian kami ay wala na si Anton. Iyong mesa sa kusina na rin kami kumain. Sa likod ng hagdanan, nakita ni Aling Corazon na mayroong dining area at isa pang living room. Hindi ko pa naiikot ang bahay. Inuuna kasi namin ang mga pangangailangan at plano pagkatapos ng sunog. “Kayo na lang at mag ingat kayo. Magsisinop na ako rito habang naghihintay sa inyo.” Tanggi ni Aling Corazon sa amin. Naghanda kami ni Liza. Pupunta kami sa pinakamalapit na mall para makapamili ng damit. Pati na rin ng gatas ni Xavier. Ayaw sumama si Aling Corazon pero isasama ko ang anak ko. “Sige po. Iwan ko na lang rito ang cellphone ko para kung magkaproblema po habang wala kami, matawagan ninyo ang number ni Liza,” bilin ko. Wala na kasi ang cellphone ni Aling Corazon, nasama sa sunog. Namasahe kami ni Liza papunta sa pinakamalapit na pamilihan. Laking pasasalamat ni Liza dahil nahablot ang pinakamahalagang bagay, bago nakatakas sa nasusunog naming bahay. Nag withdraw muna kami ng pambili at para na rin sa gagamitin sa mga susunod na araw. Una kong pinuntahan ang damit para kay Xavier. With tight budget, iyong mumurahin lang muna. Mostly, mga pambahay niya. Liza also bought something for him. Then, milk, feeding bottle and diapers. Sinamahan ko rin ng tsinelas para sa kanya. Nasa kalagitnaan ng pamimili, napapagod na ako. Ganito pala ang masunugan, talagang back to zero ka. I needed to buy new underwear and new set of clothes. Paisa-isa lang muna. Malaking kabawasan talaga na pinatuloy kami ni Anton sa bahay ng Lolo niya. My savings are very tight now. Kung magbabayad ng rent, madedent iyon. It would be another problem. I still need to plan about my Lola Olimpia’s house. Pati ang tindahan, pero mas importante ang bahay. Hindi pwedeng nakatengga lang ‘yon pagkatapos ng sunog. Kailangan ko pa ring bumalik at maasikaso kung ano ang pinagsimulan ng apoy, at kung paano ko ito maipapaayos ulit. The house has full of my childhood memories. Masakit isiping kayang lamunin ng apoy ang ilang taon mong inipong magagandang alaala. That’s where my mother grew up. That’s where my sister and I grew up together. Ang mga alaalang iyong sana ang gusto kong iparanas sa anak ko. Ang maipasa sa kanya ang naging magagandang karanasan sa Lola Olimpias at ang pagkalaki ko. It will always be right there. But now, I have to rebuild it again. Yes, I have to. Sa abot ng makakaya ko. Kahit hindi na kasing rangya o pareho ng dati, dapat ko pa ring ibalik ang pinagsimulan ng pagkabata ko. No matter what happens in this world around me, life must goes on. We couldn’t predict the good and the bad future, we could only control our attitude. And my only way not to succumb the tragedy in my life, is to move forward and see to it that there must a reason behind any misfortune. Then, the brighter side will come up next. Hindi kami nagtagal masyado sa pamimili. Nakatulog si Xavier sa balikat ko, kaya si Liza na ang nagbuhat ng ibang pinamili ko. Pagdating namin sa bahay, nakaparada sa loob ng gate ang sasakyan ni Kara. Nagmadali ako pagpasok. Nahuli si Liza, na siyang kumuha sa tricycle ng mga plastic. “Mama…” Laking gulat ko, na sa pag akyat ko sa sala, naroon si Mama Olivia. Nagpapaypay habang nakatingala sa family painting ni Don Eduardo de Silva at buong pamilya nito. Nilapitan ako ni Kara. She kissed my cheek, coldly. Tiningnan ko siya. Binalingan ako ni Mama. Mukha silang disappointed pareho. Pero nalilito akong nakatitig kay Kara, kahit na sabik na sabik akong mayakap si Mama. “P-paano niyo nalaman ang address…” tanong kong may pagtataka pa rin. Hinaplos ni Kara ang likod ni Xavier. Nilingon niya si Mama. Alam kong naiwan sa kusina si Liza kasama si Aling Corazon. “Nalaman ko kay Julian, Ate. Inalam niya ang address nito since nakikita online ang property na ito ng mga de Silva. Maybe because of the past issue. Ate Aynna, bakit hindi mo kami tinatawagan na nasunugan kayo? Hindi na sana kayo dinala rito ni Anton kung nalaman ko lang…” malungkot ang boses ni Kara. Kaya siguro may kalamigan akong nababasa sa kanyang mukha. “Pasensya na. Hindi ako kaagad na natauhan kasi magkasunod na nasunog ang tindahan at ang bahay…” Napatingin ako kay Mama. She evolved so classy and expensive. May mga suot siyang gintong alahas sa tainga at leeg. Kumikinang din ang kanyang mga daliri. She’s the kind of woman who always welcomed a jewelry merchant in the house. Kaya kahit siya ang nagluwal sa akin, may kaba akong parati kasama sa dibdib, kahit sa simpleng tingin lang. She has this aura of aristocracy even if she’s your own blood. “Mama… I’m sorry- Lumagapak ang palad niya sa pisngi ko. “Mama!” Kara gasped. Agad siyang gumitna sa amin ni Mama. I recalled the last time she slapped me. Iyon ‘yung gabing nalaman kong hindi pala kasama si Anton sa mga gumahasa kay Kara. I made a mistake of putting a de Silva behind bars. Sinaktan ako ni Mama dahil binangga ko ang isang malaking tao. That would ruin Kara’s career for sure. At ngayon, I knew, that I made a mistake again. “Buhat pa niya si Xavier, Mama!” Tiningnan ni Mama ang kanyang apo sa akin. My chest hurt. Umaasa akong magkakaramdam siya ng lukso ng dugo o mangha man lang dahil may anak na ako, pero wala. Tiningnan niya si Xavier na parang dumaan lang ang mata niya sa kanya. “Ikaw na naman ang may kasalanan, Aynna! Kailan ka ba matututo, ha? Puro kamalasan na lang ang dinadala mo pamilya natin! Nasolo mo lang ang bahay, nasunog na! Anong kagagahan na naman ang ginawa mong impakta ka!” she screamed. Napaigtad si Xavier, namula ang ilong, at ilang sandali pa ay humihikbi na. “Sa kwarto na muna kayo, Ate…” Hinarang ni Kara si Mama para hindi makalapit sa amin ni Xavier. Tiningnan ko si Mama, habang inaalu ang anak ko. Tinulak ako ni Kara para malipat kami sa kwarto. Pumasok ako sa master bedroom, doon ay hiniga ko si Xavier. Paantok na siya ulit nang pumasok naman si Liza. Nagmamadali pero halos hindi makagawa ng ingay. “Galit na galit ang mama mo, Aynna. Huwag ka na lumabas do’n!” she insisted. Umiling ako. “Maiwan ko muna kayo ni Xavier, Liza…” “Ha? Pupuntahan mo pa?” “Oo…” kailangan kong harapin. Inawat pa ako ni Liza, pero hindi ako nagpapigil. Pagbalik ko sa sala, hinahaplos ni Kara ang likod ni mama. Tila pinapayapa ang kalooban. Pero nang makita niya ako ulit, agad siyang nanugod. Hinablot ang buhok ko. Hinawakan ko ang dulo ng buhok ko, dahil sa hapdi sa anit. Winasiwas ni Mama ang ulo ko, hanggang sa itulak niya ako pabagsak sa sofa. Nagulo iyon, pagkaupo ko. Pinipigilan siya ni Kara sa kamay na humila sa buhok ko. I just bit my lip and bowed my head. Mukha akong naseplang sa pagbagsak ko. Hinila ni Mama ang damit ko, at lumabas ang strap ng bra ko sa balikat. Hinila ko iyon, pagbawi ni Kara sa kanyang braso. I just bit my lip once again. I am suppressing to sob. I remember the fire when I woke up. I remember grabbing my son to escape from the burning of our home. I remember how I was left with almost nothing, but only to be wounded. Patuyo pa lang ang galos ko, nananakit ngayon ang anit ko. “Dapat hindi ka na bumalik dito! Tumira ka na lang sa ama mo sa Australia!” bulyaw niya. Galit na galit, at ayaw paawat sa pagsigaw. Lumagapak ulit ang palad niya sa kabilang pisngi ko. I didn’t stop her nor beg to have mercy on me. Pagod na akong mag explain. I still can remember the fire… the escape… and the tragedy. Bakit kaya hindi iyon maramamdan ng sarili kong ina? Dahil ba mas mahal niya ang tatay ni Kara kaysa kay tatay ko? Mama cried on Kara’s shoulder. Nasaktan siya at nanlumo sa nangyari sa bahay ni Lola Olimpia. “Ang bahay na lang ang huling ala-ala ni Mama. Iyong bahay na lang! Tapos pinabayaan mo pa, Aynna?! Bakit? Umaasa kang magkakapera at tutulungan ka namin ng kapatid mo, gano’n ba?” Mabilis akong nag angat ng tingin. “H-hindi po, Mama…” “Nagpapansin ka! Gan’yan ka na mula bata! Gumagawa ka ng kalokohan para mapansin ka!” “Hindi po ganoon…” Umalis siya sa tabi ni Kara, at dinuro ako. Pulang pula ang kanyang ilong sa sobrang pagkasuklam. “Nang mag artista si Kara, pumasok ka naman sa tiatro. Kilala ni Kara ang daddy niya, hinanap mo rin ang papa mo. Nabuntis si Kara, nagpabuntis ka rin! Edi sana ikaw na lang ang binaboy para kuhang kuha mo lahat ng nasa kanya!” “Ma, that’s enough!” Nanlaki ang mga mata ko. Tila may sumuntok sa dibdib ko. Agad nilapitan ni Kara si Mama, at hinila ang braso nito. Pinalo ni Mama ang kamay niya. She looked back again at me with the same intensity of fury in the eyes. “Ikaw ang tumigil sa kakatulong mo sa Ate Aynna mo, Kara! Gusto mo bang masira ang pinaghirapan mong career, ha? Gusto mong bumagsak ulit? Sige, dumikit ka sa Ate Aynna mong walang ginawa kundi ang magdala ng problema at kamalasan sa mga buhay natin! Alam mo ba kung magkano ang magagastos sa pagpapagawa pa lang ng bahay ng Lola mo? Akala mo madali lang ‘yon? Gumagawa lang ng pera ‘yang kapatid mo!!” Kara sighed with control. Umaangat ang kanyang balikat. “Walang problema sa pera, mama. Kaya kong sagutin ang pagpapagawa ulit sa bahay ni Lola,” mahinahon niyang salita. Mapaklang dumagundong ang tawa ni Mama. Tumingala siya sa kisame. Binaba ang panigin, at masama akong tiningnan. “Kita mo ang ginagawa mong pang uuto sa nakakabata mong kapatid, Aynna? Kung sino pa ang bunso, ‘yun pa ang may silbi. Pero ikaw na panganay, puro katarantaduhan lang ang alam! Ang gaga mo talaga, Aynna! Manang mana ka sa walang kwenta mong ama!” “Nalagay na nga sa panganib ang buhay nina Ate, gan’yan ka pa magsalita, mama? Sinampal mo siya habang buhat niya ang anak niya…” Kara’s disappointed and hurt feelings. Namaywang si mama. “Gagawin ko ang gusto kong gawin, Kara! At hindi ko palalagpasin ang sunog ng bahay!” “That was an accident! Bakit mo siya sinasisi?” “Hindi magkakasunog kung hindi siya nagpabaya sa bahay!” “That’s… Oh, mama. You’re unbelievable…” napapagod na sagot na lang ni Kara. Sana nga kaya kong itama ang pagkakamali ko nung gabing iyon. Sana nag double check ako sa kuryente. Baka may nag overload na hindi ko napansin. Baka kasalanan ko naman talaga, dahil sa akin nakaatang ang pangangalaga sa bahay ni Lola Olimpia. “Sorry, Mama…” pilit kong salita. Tila puro bato na ang lalamunan ko sa sakit. Hinawakan ni Mama sa braso ko, at hinila patayo. Niyugyog niya ako. Wala akong nagawa. Hindi ko kayang awatin siya sa gustong gawin. “Bakit kasi umuwi ka pa? Nakaalis ka na, pero bumalik ka pa! Gusto mo ng pera, Aynna?” “Hindi po, mama…” “Sinadya mo ‘yong sunog, ano?” “Hindi ko po iyon magagawa sa bahay ni Lola…” “Nagpapansin ka sa akin? Gusto mong patirahin din kita sa bahay ni Senator Ace, kung gano’n?” Bintang niya. Umiling ako. “Hinding hindi ko po ‘yan gagawin sa inyo, mama. Umuwi ako kasi… kasi…” Tinagilid niya ang ulo. Her teeth are still gritting. “Kasi ano? Kasi wala ka ring napala roon kay Lauro, ‘di ba? At nalaman mong mas mayaman ang mga Montemayor kaysa sa ama mo! Mautak ka rin, ano? Gaga ka!” Dinagukan niya ako. Natakpan ng buhok ko ang mukha ko. Kusang nakatakas ang luha sa gilid ng pisngi, na hindi ko nagawang punasan. Nanginginig na ang mga labi ko. Napaupo ako ulit sa sofa, at nakayuko na. Tinabihan ako ni Kara. Hinarang niya ang isang braso laban sa mama namin. “Kung gastos sa bahay ang problema, ako na po ang bahala roon,” agap ni Kara. “Hinde, Kara!” “Pero mama…” “Huwag mo ‘kong susubukan. Anak lang kita.” Padarag na inipit ni mam ang baba ko para makita ko siya. Madiin iyon. Halos mapapikit ako. Ang kabilang kamay ay ginamit niya panduro sa mukha ko. “Wala kang makukuha sa amin kahit singkong duling, Aynna! Sinong de Silva ang inuto mo na naman para mapatira ka rito, ha?” Fear driven my emotion. Kayang kaya akong sampalin at sabunutan ni mama. Kaya agad kong sinagot ang tanong niya. “K-kay A-Anton po, ‘ma…” Ngumisi siya. Tila natutuwa pero naroon pa rin ang galit. “Kay Anton na naman! P’wes, kay Anton kay kumuha ng pera na ipampapagawa mo sa bahay ng Lola mo!” Namilog ang mga mata ko. Sinubukang tanggalin ni Kara ang hawak ni mama sa mukha ko, pero masamang tingin ang binaling ni mama sa kanya. Pinagsabihan siyang huwag mangielam. Sumunod si Kara. “Nagawa mo siyang maipakulong noon dahil sa pag arte mo arte mo. Edi umarte ka ulit na nangangailangan ka ng pampagawa ng bahay! Dahil ni piso, hinding hindi kita bibigyan, Aynna. Naiintindihan mo? Sumagot ka!” sumigaw siya nang malakas malapit sa mukha ko, at napapikit ako. No. Ayoko. Hindi ko na iyon magagawa pa kay Anton. I’m tired of it. Ayaw ko na. Ngayon pang may tinatago ako sa kanya. “Ma…” “Ano? Tatanggi ka? Paano mapapaayos ang bahay, ha?!” Niyakap ako ni Kara. She started to cry and warmly embraced me. Hindi ko iyon magawang sagutin, sa takot kong tumingin kay mama. “G-gagawa po ako ng ibang p-paraan, ma. Pero hindi ko na uulitin ‘yon kay A-Anton…” I heard Kara’s sob. Tumingala pa siya kay mama. “Tama na, please, ma! Huwag mo nang ipalapit si Ate Aynna kay Anton. Sapat na ang nangyari noon… ‘wag na natin siyang pahirapan…” “Sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha mo, Aynna, puro delubyo ang binibigay mo. Tapos, nag anak ka pa? Bakit? Trip mo? Gusto mong subukan kung gumagana ang matres mo, gano’n?!” Umaling ako. My lips are a bit protruded because of my mother’s tight grip. “Hindi po, ma… si Xavier…” napapikit ako, nang dagdagan niya ang diin ng daliri sa mga pisngi ko. “Anak ni Anton si Xavier, ‘ma!” Kara blurted. Agad akong napadilat. Tinanggal ni mama ang hawak sa panga ko, at umawang ang kanyang labi. “Nabuntis ka ni Anton de Silva?” tinuro niya ang isa sa pinto ng mga kwarto. “Ibig sabihin, apo nina Reynald at Kristina de Silva ang anak mo?” she’s still amazed. “Kung ganoon… isang de Silva ang batang ‘yon?” Napahawak na lang ako sa braso ni Kara. I begged for shield, and she gave that to me. Halos bumagsak ang panga ni mama habang nag iisip. Nanginginig ang labi ko. Hindi ko alam kung bakit, kung bakit ganito ang trato ni mama sa akin. I looked at my sister. Pati siya, naiiyak na rin. Galing sa hagdanan, umakyat si Aling Corazon. Halos hindi niya matingnan si mama. Kung ako man sa kanyang posisyon, gano’n din ang gagawin ko. Nagkatinginan kami. Lumunok si Aling Corazon, “Aynna… nandyan si Anton…” I gasped. I looked both at my mother and sister. But I also felt relieved that he’s here. I don’t know why. “Kapapasok pa lang niya sa gate…” Nilapitan ni mama si Aling Corazon. “Huwag mo munang paakyatin dito, Corazon!” “H-ha? Eh, anong sasabihin ko?” kabadong tanong ni Aling Corazon. Bumaling siya ulit sa akin. Mabagsik akong binalingan ni mama. Tinuro niya ang hallway papunta sa mga kwarto. “Magtago ka sa kwarto mo, Aynna! At huwag na huwag kang lalabas na gan’yan ang itsura mo! Pumasok ka ro’n!” nagmamadali niyang utos. Nagkatinginan kami ni Kara. Pinunasan niya ang basa kong pisngi. Ang gulo gulo ng buhok ko. Pati damit ko, wala sa ayos. Pero mahigpit kong hinawakan ang kanyang mga braso, at umiling. “Huwag mong sabihin… Huwag niyong sasabihin ang tungkol kay Xavier… Kara…” “Akong bahala, Ate. Pagtatakpan kita,” “Aynna bilisan mo!” sigaw ni mama. Kumapit ako, at nagtiwala sa pangako ni Kara. Tumayo ako, at hawak ang mga pisngi, patakbo akong tumungo sa master bedroom. Nilock ko ang pinto. Liza stood up and asked. Pero hindi ako nakapagsalita. Kitang kita ang gulat sa mata niya pagkakita sa itsura ko. Umalis ako sa pinto. Tumungo ako sa banyo… I tried to fix what I could fix on myself. Bago pa ako hanapin ni Anton.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD