“Anak, maging marunong ka at magdesisyon ka ng tama, lagi mong gawin yan. Dahil dyan, magkakaroon ka ng buhay, yung mahaba at Magandang buhay. Sa lahat ng gagawin mo, magiging safe ka, hinding hindi ka madadapa.” – Proverbs 3:21-23
--
Chapter 16
Aynna
Niready ko ang sarili, kung sakaling magkita kami ni Anton. Kanina pa nakalabas si Liza, buhat si Xavier nang natutulog. Nilipat niya muna sa kwarto nila ni Aling Corazon, just in case Anton might drop here in the master’s bedroom.
I took a quick shower. Humapdi ang anit ko pagkatapos mabasa ng tubig. I winced a little but I can’t afford to stay that way even for less than a minute. Shinampoo ko ang buhok at mabilisang nagsabon ng buong katawan. I discovered a few scratches on both my arms. Mahaba kasi ang kuko ni Mama. But still, I carefully soap all of them, without blinking. Without gasping.
This is my punishment for neglecting to take care of my grandmother’s house. Our home.
Hindi ko na halos alam kung anong ginagawa ko sa mga sumunod na minuto. Hinanap ko ang suklay, pero napaupo ako sa sahig, sa tabi ng kama. Magulo at basa ang buhok, at ang suot kong damit ay halos hindi ko alam kung saan ko nakuha. Tanging underwear sa pang ibaba lang ang sigurado akong nasuot ko. Natulala ako sa pintuan.
I stayed that way until darkness conquered the sky. Hindi ko namalayan ang oras. Mukha namang walang nakakaalala sa akin. O baka nagtagumpay sina Liza na huwag mapaakyat si Anton. Mas okay iyon. Sa itsura ko ngayon, hindi ko makakayang makita niya ang natamo ko. I am ashamed and I don’t want him to see me in this way. I just don’t.
Kargo ko, ang pagpapagawa ng bahay ni Lola Olimpia. Tama naman, ‘di ba? Dahil ako ang apong huling tumira roon. I have almost nothing in my savings account. I’ve lost my business. Ofcourse, pwede akong maghanap ng ibang trabaho para makaipon ulit. But being a single mother, and now homeless and poor, how can I attain that? Kung sa personal na pangangailangan pa lang, kakapusin na, paano pa kung magpapaayos ng malaking bahay?
I still haven’t seen what’s left in the house. Pero kusang nagkakalkula ang isip ko. Magkano ba ang mga materyales at labor ng mga manggawa? No matter how I lessen the expenses, it would be impossible to shoulder it now.
A hundred thousand? Two? Three? Or maybe half million?
I closed my eyes, as if trying to be mesmerized with new grief and disappointment in my life. I gasped and bit my lip. Ganito na lang ba palagi ha, Aynna? Palaging tumatama tayo sa pader? Nacorner at tila wala nang ibibigat pa ang mga problema mo? Ganito palagi ha, Aynna San Jose!
I have long accepted, that my mother will never love me the way she loves my younger sister. But it bothered me, that she never care nor show interest to my son.
Not until, Kara told her that Xavier is a de Silva. It’s like the magic words or a pass code, to be accepted as hers.
Hindi ko sinasantabi na baka magkaroon lang siya ng interest, dahil kadugo ng mga de Silva ang anak ko. Pwede niya akong iitsapwera, pero hinding hindi ako papayag na may gawin si Mama, lalo na dahil sa kanyang nalaman.
Hindi ako bumalik ng Pilipinas para bawiin ng mga de Silva si Xavier, o ang gamitin ni Mama ang anak ko para sa personal niyang kasiyahan. My son is solely mine. Siya ang naging lakas at buhay ko, pagkatapos ng eskandalo. Pwede niya akong saktan nang paulit ulit. Pero hindi ako pwedeng mawalan ng anak.
“Hijo, Aynna is sleeping already. Pagod sa pamimili kanina, e…”
Agad na namilog ang mga mata ko, nang marinig ang boses ni Mama. Sa pagkatulala ko, hindi ko namalayang nariyan na. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa likod lang ng pintong ito.
“It’s okay, Ma’am. I just want to check on her,” sagot ni Anton. Nagpupumilit siyang pumasok dito!
Papasok si Anton, kaya kailangan kong mag ayos! I immediately stood up, and brush my almost dry but messy hair. Tumingin ako sa pinto. I speed up my movement, pero nakakataranta na. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Nanghina ako sa nakita. My cheeks are swelling. Mainit pa ang namumulang parte. Tila niluluto ang laman at balat ko. Magpakita man akong bagong ligo at umarteng ayos lang ako, hinding hindi maipagkakaila ang natamo ko sa mukha at mga braso. I would need an icepack to lessen the swelling on my cheeks.
Pinatay ko ang ilaw. Naririnig ko pa rin ang kung anu anong pamimigil ni mama kay Anton para hindi pumasok. Nakalock naman iyong pinto, kaya hindi niya agad mabubuksan.
Humiga akong patagilid, at tinabunan ng kumot ang sarili. Pati lamp, patay. Ilang sandaling kinain ako ng kadiliman ng silid, habang pinakikinggan ang mga boses sa labas ng pinto.
Sinarado ko ang mga mata. Siguro, kung totoong makakatulog ako, hindi ako mahihirapang magpanggap. Patagilid akong nahiga. Hiding my cheek and used my hair to cover the other pair, biglang pinihit pabukas ang doorknob.
Shit. Kinuha niya ang susi!
Pagpasok ng liwanag galing sa labas, mariin akong pumikit. Mas malinaw kong narinig ang sinabi ni Mama.
“Oh, kita mo na? Natutulog na si Aynna. Hayaan mo na siyang magpahinga,” natutuwang sabi ni Mama.
I bit my lip. Nilubog ko nang kaunti ang mukha sa malambot na unan.
“Yeah… She’s really sleeping…” kumpirma ni Anton. But I knew and I can feel, that he is staring at me in the bed.
Tumawa ulit si Mama. “Sabi ko naman sa ‘yo. Bukas mo na lang dalawin ulit ang batang ‘yan. Sinamahan niya kasi sina Liza sa pamimili. Bumili na rin yata siya ng mga damit niya. Aynna loves shopping so much. Kaya hindi ako magtataka kung maubos ang ipon niyan, e.”
I just firmly closed my lips. Hindi ko alam kung anong reakyon ng mukha ni Anton doon.
“Don’t worry, Ma’am. I’ll buy her anything she wants. I’ll cover her…”
“Oh, hijo! Napakabait mo naman! Pagkatapos ng lahat ng nagawa sa iyo ng dalawa kong anak…”
“Let’s not talk about it again, Ma’am. Baka maistorbo po si Aynna…” tanggi ni Anton. Halos walang ingay na lumapat ang pinto. At muling nabalot ng dilim ang buong kwarto.
I cried silently. Ang sabi ko, hindi na ako iiyak sa mga salita ni mama na laban sa akin. Pero ang kirot na naramdaman ko sa dibdib, tinulak ako para pakawalan ang mga luhang ito.
If she really despised me, to the point of creating bad views towards me, bakit pa niya ako tinatawag na anak? She could just discard me like a trash she doesn’t need anymore! Well, she can do it! At hindi ako ako magtataka roon.
I would be hurt. It would be painful. But that’s my reality here. I’m not accepted by my own mother...
Umapaw ang luha ko, kahit nakapikit ang mga mata ko. Nanatili ako sa ganoong pwesto at posisyon. Minsan iniisip kong baka hinahanap na ako ni Xavier. Kung oo man, pwede akong katukin ni Liza kapag nahihirapan na siyang patahanin. Pero walang dumarating.
Bumibigat na rin ang talukap ng mga mata ko. Dala siguro ng pagod at pananakit ng ulo. Bumanayad ang paghinga ko, pati ang pulso. At dahil tahimik, nakatulog din ako.
Pero mababaw lang ang tulog ko. Dahil nagising ako nang bumukas ang pinto. Kumunot ang noo ko. Hindi ko minulat ang mga mata. Hindi rin ako nasilaw. The door closes almost silently. Hindi ako gumalaw o silipin ang pumasok, sapat na ang amoy na umabot sa akin. Si Anton.
Hindi siya nagbukas ng ilaw, kahit ang lamp. Naupo ito sa paanan ng kama. He put his hand on the comforter that covering my feet. He looked for it and lightly massaged it.
Ginigising ba niya ako? I’m not sure.
Inalis niya ang kamay doon. Nakahinga ako nang maayos. Kumilos siya kaya mas lalong lumubog ang bahaging iyon ng kama. Then, he snaked his arm around me. Nakaramdam ako ng init sa likuran ko, at lumubog ang unang gamit ko. Pumaloob siya sa comforter. He spooned me inside it and rest his head on my neck.
I felt his forearm under my left boob. Nadaanan na niya rin ang dibdib ko, bago pumailalim sa tagiliran ko. He’s making sure I am inside his arm. At dikit na dikit ang buong harapan niya sa likod ko. Though he didn’t put his leg over me. Mabigat iyon.
I slightly gasped. Hindi ko napigilan. Kinabahan ako na baka buksan niya ang ilaw. I gulped. Niyakap niya ako nang mahigpit, at mabining hinalikan ang leeg ko. Pagkatapos ng halik, pinapadaan niya ang tungki ng ilong sa natikman niya. Like as if he’s making sure I am real.
“You missed your dinner…” bumulong siya sa tapat ng tainga ko.
He knew for sure that I am awake now. O nagising niya ako dahil sa pagtabi niya.
Ginalaw ko lang nang kaunti ang balikat. Hindi ako sumagot o kahit ang buksan ang mga mata. Nagkunwari akong inaantok pa.
“Hindi ka pa ba nagugutom, mm…” he muttered raspily.
He continued kissing and smelling my neck. Na para bang ito ang kanyang dessert pagkatapos maghapunan. Pero naaamoy ko ang alak sa kanyang hininga. Did he drink downstairs?
Inamoy kong mabuti kung tama ako. Hindi ako sigurado kung may alak sa baba. Hindi ko naman kasi inexplore ang bahay ng Lolo Eduardo niya. At wala akong karapatan na pakielaman ang hindi amin.
Unti unting luminaw sa diwa ko, ang pag-akyat ng isang kamay niya, patungo sa kaliwang dibdib ko. Tumatama kasi ang underboob ko. Kaya naramdaman niya ring wala akong suot na bra. Una ay, mga daliri niya lang ang pinangdikit. Nagpanic ang dugo ko nang nabunggo ng fingertip niya ang tuktok nito. Heat started to fill my body. Tila ang gumagawa ito ng usok na lumalabas sa butas ng balat ko.
“Anton…” I gulped.
Mas lalong nadepina ang pagkaalerto ko dahil sa naging tono ko. Napadilat ako sa hiya. Para kasing dinaing ko ang pangalan niya!
Bumangon nang kaunti si Anton. Hinanap niya ang mukha ko.
“What do you want, baby? Tell me… I’ll do it for you…” tila pagmamakaawa niyang utusan ko siya.
My eyes are half opened. Kapag hinayaan kong kumalat ang apoy na sinindihan niya, sigurado akong mauuwi ito sa pag angkin niya sa akin. Hindi ko na siya mapipigilan. Pati ang sarili ko. I am hurt and emotionally ready right now. But some part of me is telling me, it’s not rational to do it with him.
Pero hindi ba, iyon naman ang kailangan sa akin ni Anton? That he is after revenge against me? Kaya kung ibigay ko man sa kanya ang sarili ulit, at maulit pa nang maulit, pambayad ko iyon sa kasalanan ko sa kanya. s*x with him, is what he wants from me.
“Aynna…” he bit my ear. “What do you want to eat…”
Lastly, lahat ng sabihin niya ngayon, iba ang pumapasok sa isip ko. I am literally on heightened alert. Parang gusto kong magrebelde. Parang gusto kong hayaan na lang ang lahat na darating. Parang wala ako sa oras na ito para itago ang tunay na nararamdam kasi… s**t…
I want him too…
I felt like I was drunk. He molded my mound, he squeezed it and played his thumb on the cherry part. My peaks immediately hardened. Isang pasada niya lang, nabuhay niya agad. And now, my body is yearning for her master.
I hurt my lower lip, because of the sensation he is giving me. Nilalambing niya akong bumangon para kumain, pero hindi niya tinitigilan ang kamay at halik niya. He’s a criminal who is bribing me to submit myself in his cave.
Dumapo ang halik sa pisngi kong namamaga. I just closed my eyes after that kiss. Kanina, palad ni mama ang dumapo. Ngayon, labi na ni Anton. Hindi niya iyon nakita dahil patay ang ilaw. Ewan ko kung nararamdaman ng labi ang sakit ng pisngi ko. Hinanap ni Anton ang gilid ng labi ko. Nang makarating sa gustong makuha, matagumpay niyang nahalikan ako.
I twisted my neck a little, and kissed him back. Napahawak ako sa kamay niyang hawak ang dibdib ko. He bit my lip and he groaned because of arousal. Naramdaman ko iyon sa zipper ng pantalon niya. Mas lalo akong nag init. Nilipat ko ang kamay sa likod ng kanyang ulo, at sumabunot.
He’s hungrily kissing me. Nakainom siya. Pero mabango pa rin siya at masarap humalik. Anton is a good kisser. Para niyang kinakain ang performance ko sa paghalik.
Nang tumigil kami, abot abot ang paghinga ko. Mabibigat ang kanyang paghinga. Tila hindi gusto ang pagbitaw ko. He planted kisses using his wet lips around my jaw. Doon sa masakit na inipit ni mama sa kanyang kamay. Hindi iyon alam ni Anton. But I just gave him all the access so he can reach it.
My lips are partly open. I’m drinking the heat he is giving me.
Naging paspasan ang paghalik niya. Kinakabahan na ako. Hindi lang kami ang tao sa bahay na ito pero… alam kong hindi rin sila mangingielam, lalo na… si Anton ito. May layunin. May karapatan.
I licked my lips after he kissed it. Nakatihaya na ako, habang hinahalikan niya ang leeg ko pati lalamunan. Kumapit ako sa buhok niya na gumagalaw lang kada lipat ng hahalikan. When he parted my thighs, and position himself in between, binuhusan na ako ng nagbabagang apoy. Pinapalibutan na ako ng init. Parang awtomatik ang response ko sa kanya. Na pagdapo niya sa ibabaw ko, kusang bubuka ang mga hita ko.
Damn you, Anton de Silva! Damn you for what you did for me after meeting you!
He rubbed himself. Aminadong parehong may mga harang pero hindi iyon naging hadlang para walang maramdaman.
He did it thrice or more. He looked down, watching ourselves rubbing at each other. Para na siyang bakal sa tigas. I panicked but it didn’t materialize. This is nostalgic. This was us before… and it feels so natural, like as if it is already imprinted in my soul.
“Anton…” tawag ko sa kanya na medyo nag aalala.
Itinigil ni Anton ang ginagawa. Mabigat siyang bumuntonghininga. Nalalasing na ako sa init at sa kanyang bigat sa ibabaw ko, pero hindi ko siya pinaalis. Hinawakan ni Anton ang kamay ko. Bumalik siya sa gilid ko, at sinarado ang mga hita ko.
I angrily looked at him, even though I am still under the influence of sensuality. I am ready! But he put it off! Tangina niya.
“Anton,” matigas kong tawag.
Paglapit ng mukha para halikan ako, agad akong umiwas. Tinulak ko sa dibdib.
“Damn you!” heat is slowing down. Why did he stop?
He chuckled. Hinila niya ang braso ko, palapit sa kanya at yumakap.
“I want you to eat real food, not me.” natatawa niyang sabi. Malakas ko siyang sinuntok sa dibdib. Mas lalo itong tumawa.
“Sinong may sabing kakain kita?” may eskandolo kong tanong. Saka, hindi ko pa iyon nagawa sa kanya dati. At hindi rin sa kahit kanino! Damn him for the idea!
Malakas pa siyang tumawa. Gusto kong makawala sa braso niya, pero kinukulong niya akong lalo.
He kissed my hair. “Baby, if we continued grinding at each other, you could swallow my shaft inside you,”
“Ano ka ba! Ang bastos mo!”
“No, I’m not. You know me very much…”
Yes, I do. I know his size and the look of his… oh s**t. This isn’t funny anymore!
“Hindi ako nagugutom,” iniba ko ang usapan.
He step back and stared, “Do you want me to eat you, then?”
Sinuntok ko siya sa dibdib. Tumawa ulit, bago hinuli ang kamao ko.
“Damn, I missed this. I missed you…” bumaba ang boses niya. Nakikita ko siya sa dilim, pati ang mata niyang tumutusok kung tumitig.
Binuka niya ang nakakuyom kong kamao. Pinatakan ng mabining halik ang likod, at saka binaba sa tapat ng zipper ng suot na pantalon.
Malakas akong suminghap. Diniin niya ang kamay ko roon sa kanya. Matigas, at mukhang masikip na ang suot. Tila sasabog kung hindi hihinahon.
Anton watched me while feeling the swelling on his crotch. Kahit nakabuka ang palad ko, hindi iyon kayang masakop lahat.
“I still want you, Aynna. I never stop thinking about you. I never stop… I’m dying to have you again, baby…”
Sinakop niya ulit ang labi ko. Kusang umalis ang kamay ko sa kanya. I kissed him back, but its intensity isn’t the same anymore. Nalunod ako sa kanyang kasabikan. Para akong susunugin sa tagpong hindi na niya magawang magpahinga sa halikan. But when he did, nagpahinga ako sa kanyang dibdib. The heat didn’t vanish. Nakatulog ako ulit na hindi na iniisip si mama, pati ang mga kasama sa bahay.
When I woke up next morning, wala na si Anton sa tabi ko. Ang sabi ni Aling Corazon, maaga raw umalis. Gising na siya para magluto nang bumaba si Anton para umalis.
Naupo ako sa mesa, nilagyan ko ng icepack ang magkabila kong pisngi. Naglalaro lang si Xavier at patakbo takbo. Hindi ko inaalis ng tanaw. He’s playing with his new cars. Uwi raw ni Anton kagabi para sa kanya.
“Sinabi kasi ng mama mo na, marami tayong pinuntahan kahapon kaya napagod ka. Ikaw daw kasi ang pinagbitbit ko sa anak ko. Si Kara nakatingin lang sa akin. Pero nakuha naman niya agad. Akala ko mabubuko ka kay Anton!” kabado pa ring kwento ni Liza.
Sumunod si mama na huwag sabihin kay Anton ang tungkol kay Xavier. Si Liza, pasimpleng pinaalam kay Kara ang set up namin. She easily followed the story. Sa kabutihang palad, wala pa ring alam si Anton.
“Hanap nang hanap ang mama mo kay Xavier, e! Para bang kapag lumabas sila ng kwarto, sasabihin niya kaagad kay Anton ang totoo. Hindi sila umalis hangga’t narito si Anton. Panay kasi ang hanap sa ‘yo, dahil hindi ka bumaba para maghapunan.”
Tiningnan ko si Aling Corazon. “Anong oras po umuwi sina mama?”
Napaisip siya ilang sandali. Tumayo si Liza, at kumuha ng isang pitsel ng tubig sa ref.
“Mga alas otso pasado na yata. Niyaya na ni Kara,”
“Uminom pa po si Anton kagabi,” sabi ko.
Binaba ni Liza ng pitsel, at saka tumango. “Bandang alas nuebe yata ‘yon! Sinilip ko siya rito. Mag isa lang na umiinom. Minsan tumitingin sa cellphone,”
“Pumasok siya sa kwarto mo, hija!” gulantang na sambit ni Aling Corazon.
Hindi na ako nagkaila. Pinigil ni Liza ang mangiti, samantalang gulat talaga si Aling Corazon.
“Ano ba kayo, Aling Corazon. May anak na sila. Hindi na old affair ‘yan. Baka nga masundan agad si Xavier,”
“Liza!”
She just laughed and made a face. Napailing ako. Patakbong bumalik sa amin ang anak ko para ipakita ang bago niyang laruan.
Kinuwento rin nila sa akin ang mga pinagsasabi ni mama kay Anton tungkol sa akin. Kaya ba nag iinom kagabi, dahil sa dami ng negatibo? Gusto kong isiping baka nagsisisi na siya na lumapit pa sa akin. But I knew then, that he’s more than that.
Gumaling din naman ang pamamaga ng pisngi ko. Tinawagan ako ni Kara na gusto raw akong makausap ulit ni mama. Hindi ako nakasagot kaagad. Pero ang sabi niya, parang tungkol sa trabaho raw ang kailangan.
Nagtaka ako.
“Bigla, naisip ni mama na i-manage ka, ate!” excited na sabi ni Kara.
“Ha?”
I-manage? Meaning, isasabak niya rin ako sa show business, kung ganoon? Iyon ang nakasanayang trabaho ni mama.
“Akala ko ba…” baka nagsisisi na siya sa sinabi niya kagabi?
Kara chuckled. “Kinausap ko kasi si mama nang masinsinan. Huwag na nating idamay si Anton sa pagpapagawa ng bahay ni Lola. Sabi mo naman, willing kang magtrabaho. Kahit bumalik pa sa tiatro. Pero si mama, nagsabing ikukuha ka na lang niya ng booking. She will endorse you to many film producers, at malaking edge na may experience ka sa stage, Ate. You can have a management contract kapag nakapasok ka. Then, makakaipon ka na sa pagpaparenovate,”
“Sinabi talaga ni mama ‘yan, Kara?” I am still can’t believe it.
“Oo nga, Ate! Love ka ni mama. Hindi ka nu’n matitiis!” she made me believe it.
It was like a late dream. Sinipat ko ang sarili sa salamin. Kung talent ang pag uusapan, kaya ko ‘yan. Pumasa akong under study sa role ni Kim ng Miss Saigon, nang magpa-audition sila rito sa Pilipinas. It was their Anniversary.
Kami no’n ni Anton. Nang malaman niya, matindi ang disgusto niyang kunin ko iyon bilang under study. Marami kasing kissing scene si Kim. Nirerehearse rin minsan. Malaki ang pagtutol niya sa parteng iyon, pero hindi sa trabaho.
Gusto ko iyong kunin pero dahil iba ang plano ko noon sa kanya, siya ang sinunod ko. Baka makipag break siya sa akin kung hindi.
Now, I have the chance to relive my dream again. Hindi nga lang sa tiatro, kundi sa likod ng camera. Walang problema sa akin kahit maiba ang environment. Ang importante ay may work.
Pinagsando at shorts ako ni mama. Nakatayo ako sa opisina niya, at sinipat niya ang katawan ko. Tinaas niya ang mukha ko. Tinigilid sa magkabilaang side. She touched my face, she checked my teeth and looked at my skin. Doon siya umirap.
“Hindi pasado ang ganyang kulay ng balat sa showbiz, Aynna. Mas sumisikat ang mapuputi kaysa morena,”
I curiously look at my arm.
“Ma, hindi naman lahat ng sikat e, puro mapuputi lang. Colors are not the standard of acting prowess. It’s the talent and skills.”
Humalukipkip si mama, sabay baling kay Kara na nakatayo sa tabi ng single sofa.
“Sa tagal ko sa industriya, sa tingin mo hindi ko alam kung anong pinapansin sa TV? Kailangan maputi, maganda at sexy ka, Kara! Iyon ang unang bentahe mo bago ang talent. Skills skills ka d’yan. Kita mo nga ‘yang si Ysabelle? Sa sobrang ganda at puti, maraming offers. E, kailan lang ba napansin ang talent niyan, aber? No’ng napansin na ang ganda niya!”
Natigilan ako. Isang beses akong sinulyapan ni Kara, at napansin iyon ni mama. Muli niya akong sinipat.
“Ano? Selos ka?” pinanlakihan niya ako ng mga mata.
Umiling ako. “Hindi po…”
“Usap usapan na may relasyon sina Anton at Ysabelle ng mga tauhan ng network, Aynna. Kaya kung gusto mong maagaw ulit ang de Silva na ‘yan sa kanya, aba, kumilos kilos ka na! Baka maunahan ka no’n! Mabulyaso pa ang pagpapagawa mo sa bahay ng Lola mo.”
I shifted on my feet. Umiwas ako ng tingin kay mama. Kara walked and stood beside me. Hinawakan niya ang forearm ko.
“I believe in you, Ate Aynna. You are much talented than myself. Kaya alam kong makakapasok ka rin sa industriya. Bukod pa na magaling mag manage si mama,”
Mapaklang tumawa si mama. “Pero ayoko ng pasaway na alaga, ha? May mga binitawan ako dahil sa matigas ang ulo at hindi professional, Aynna. Kapag binigyan kita ng project, gawin mo agad. Ayokong mag iinarte ka pa. Isa pa…”
Napatingin kami ni Kara sa kanya.
“Itatago nating may anak ka na. Kapag nagsimula kang mainterview, sasabihin mong dalaga ka pa. Hindi naman nila malalaman kung birhen ka pa o hindi. Pero wala kang anak, naiintindihan mo?”
“O-opo, mama…”
“E, tutal, si Liza ang tinuro mong ina ni Xavier. Let’s just adopt that story. Pero mas maganda sana kung alam na ng mga de Silva…”
Namilog ang mga mata ko. Suminghap si Kara, at tinawag si mama. But our mother just laughed it out.
“Edi ‘wag!” tinalikuran niya kami. Kinuha niya ang cellphone, sandaling may hinanap doon. “Mas gaganda sana ang buhay niyong mag ina kung sa kay Anton ka na. Pero sige, gusto mong magpaka-wonderwoman. Kailangan mong maghirap.”
“Kaya ko naman po, ‘ma, nang hindi humihingi kay Anton.”
Binagsak niya ang mamahaling cellphone sa kanyang mesa.
“I-enrol mo na nga lang ito sa gym at magpasalon kayo, Kara. Baka sakaling magkaroon ng pag-asa itong kapatid mo!”
Tumango si Kara kay mama. Nanatili ang paningin ko kay mama, kahit na naupo na ito at dinidismiss na kami. Hinila ako ni Kara palabas doon. At bigla kong naramdaman, tama kaya ang pinasukan ko? O humingi na lang tulong?
Pero kanino? Kay Anton nga ba?
--
Hi! For upcoming announcement, Selfpub details and book/s to be published, to ensure that you are updated, you can follow me on my official social media account:
Facebook: Gianna de Silva
Instagram: @missgianna_myraa
X: @Gianna14xGracex
Have a blessed day. Thank you!