Chapter 17

4523 Words
“Makakapahinga ka nang walang takot, makakatulog ka nang mahimbing. Wag kang matakot sa panganib na biglang darating, o sa bagyong wawasak sa masasama, kasi kay LORD, makakaasa ka, dahil sa kanya, di ka mahuhulog sa trap.” – Proverbs 3:24-26 -- Chapter 17 Aynna “Ayaw mo bang magpa-gluta? We can recommend you any procedure para pumusyaw ang balat mo…” dagdag na sabi ng dermatologist ni Kara. Ngumiwi ako. “’Wag na po, doc. Mas gusto ko ang ganitong kulay ng balat ko…” magalang kong tanggi. May nirerecomend siyang session at turok. Ngumiti ang babaeng doctor sa akin. Pero nang bumaling kay Kara, bumuntonghininga ito. She looks like she’s expecting me to agree with all the recommendations she has for celebrity patients. Pero nagpa-facial lang ako. Hindi niya yata inaasahan na iyon lang ang ipagagawa ko. Nakinig din naman ako sa mga ini-offer nilang services. They don’t have all the modern machines like the famous derma clinic. Parang pinag aaralan pa lang nila sa South Korea. But soon, they will be going to introduce it here in the Philippines. At si Kara yata ang kukunin nilang endorser. “Inaalagaan lang po talaga ni Ate ang kutis morena niya, Doktora Miel. Ang gusto naman ni Mama ay ma-maintain ang kutis niya, para maganda ang rehistro sa camera,” panatag na kwento ni Kara. Sinuklay ko ang buhok ko sa harap ng bilog na salamin. Katatapos lang ng ginawa nila sa akin, kaya wala akong ka-makeup-makeup. But my lips are reddish. Kapag kinagat, mas lalong namumula. Maswerte ako sa balat ko, kasi maliit ang pores ko sa mukha. Hindi tigyawatin at mamula-mula kapag naiinitan. Hindi pa ako mestiza niyan. Binalingan ako ni doc Miel. She checked my skin’s condition. I was prepared for all his negative comments but she only insisted to make my skin lighter. Ang sabi ko kanina, okay na ako sa kulay na mayroon ako. I guess, mas gusto niya ang standard niya. But she didn’t force me. Tinawanan ni Kara, at nagbiro pa. “Alright, Kara. Maybe some other time, makumbinsi ko ang Ate Aynna mo. You know naman…” She smiled then looked down at the paper she’s holding. Hindi na ako nagsalita pa. May sinusunod na itinerary si Kara sa para araw na ito. Kaya nakiusap muna ako kina Aling Corazon at Liza na alagaan si Xavier. Pero pwede akong tawagan, sakaling magka emergency o ano sa bahay. Itong araw na ito ay pumayag na ako sa pinapagawa ni mama, sa paghahanda sa pagsabak ko sa Show business. In-enroll nila ako sa isang gym at kinuha ng professional trainer. No’ng una ay humindi ako. Kinumbinsi ako ni Kara na i-try ang Pilates. I just didn’t know how to react since, wala naman ako nito dati. Pero ang kapatid ko na sanay na sanay sa pag aalaga sa katawan ay madali akong napapayag. Pagkatapos sa gym, dumeretso kami sa mall. To buy new clothes and clothes to wear kapag nagsimula na ako sa Pilates exercise. Kasama namin ang kanyang road manager at personal niyang assistant na si Trina. Bago kami bumaba ng sasakyan, pinagsuot niya si Kara ng shades at hat. Pumasok kami sa department store ng mall. Some people looked at us, and some don’t. Pinagkibit balikat ni Kara. Pero si Trina ay nakaalerto. Sakaling may lumapit at magpicture sa kanyang alaga. “Ito Ate, bagay sa ‘yo…” dinikit ni Kara ang isang maiksing dress sa harapan ko. It’s a black off shouldered body con dress. Tumaas ang mga kilay niya. “This is too short…” mahina kong komento. Maganda ang tela kaya nga lang, naiiksian ako. She chuckled. “Naku, Ate. May mas maiksi pang manamit sa industriya, ‘no. Medyo demure pa nga ito. Pa-sexy,” Umiling ako. Tumango siya, at binalik ang damit sa display nito. “Hindi naman ako magpapasexy…” Isang beses akong pinasadahan ni Trina ng tingin. She’s shorter and petite. Pero kapag nagsasalita, matining ang boses. Nginitian niya ako. “May kurba ka naman, Ma’am Aynna. Namana mo rin kay Tita Olivia ang kaseksihan mo,” may halong papuri at kuryoso niyang tono. “I just want to be an actress. Iyon lang naman…” simple kong pangarap. “Ate Aynna, sa Showbiz, hindi pansinin masyado kung tutok ka lang sa pag arte. Ang mga producer, mukha, katawan at talent ang hinahanap. Kasi, gagastos sila nang malaki. Mag eexpect din sila ng malaking balik at full package na artist. You will never survive kung mediocre ka lang… lalo sa industry natin…” kumuha ulit ng isang dress si Kara, at pinakita sa akin. Bumuntonghininga ako. Maiksi ulit iyon. May manipis na strap at sweetheart style ang sa dibdib. Tinulak niya ako sa fitting room, para masukat ko. Hindi na ako nagreklamo tutal, susukatin lang. Pero nang masuot ko at makita sa salamin ang itsura ko, halos takpan ko ang cleavage ko. Tinitigan ko ang sarili sa life-size na salamin. After giving birth, bumilog na talaga ang dibdib ko. It’s not an asset but I might say, nakadagdag iyon ng hubog sa katawan ko. Bukod pa sa namana ko kay mama. And I had never dressed like this before. Kaya kong maglabas ng hita, pero hindi ganito ka daring. Lumabas ako para ipakita kay Kara. She clapped her hands and grinned. Pinasadahan niya ako ng tingin. “You already look like a celebrity, Ate Aynna! Look at you. You’re stunning… and graceful with that dress…” hindi siya makapaniwala sa itsura ko. Inayos ko ang manipis na strap. Nakangiti rin akong pinagmasdan ng manager na nag assist sa amin. “Hindi ako kumportable rito, Kara. Iba na lang kaya…” Maganda nga itong damit, pero hindi ako kumportable. Pakiramdam ko kasi, wala akong suot at naka-expose ang buong katawan ko. She giggled and held my shoulders. “Have some self-confident, Ate Aynna.” Ngumiwi ako. “Pero… kasi…” “If you want to be an actress, you should know how to act yourself. C’mon. In reality, sa industriyang papasukin mo, hindi pwede ang mahiyain at conservative--atleast, not all the time. Kailangang doon ang pakapalan ng mukha at balibagan ng katawan. You will only survive, if you know how to manipulate people by your grace and face. You have to insist yourself to curve your name. Gano’n ang umpisa, Ate…” Tinitigan ko siya. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Para bang sasabak kami sa isang matinding gyera kaya kailangang fully equipped ka. But then, ganoon din naman sa ibang field, ‘di ba? You have to fight. You have to win, kung gusto mong magtagumpay. Kinuha pa ako ng ibang damit ni Kara. Para na siyang stylist ko. Pinagmasdan ko siya. Panandalian kong naiwala kung nasaan ba ang kapatid ko. Since day one ng pag aartista niya, nasaksihan ko na iyon. Sa paglipas ng mga taon, I just found out the sister who’s been in the show business for so long. Oo, mas gamay na niya at kilala ang field na iyon. At namamangha ako na sa kanya ako natututo. Kay mama niya kaya ito nakuha? Binayaran niyang ang nasa apat na short dresses para sa akin. Lumipat kami sa ibang store. Mas disente na ang pinipili niyang damit sa akin. Kara wanted me to find my own style, kaya roon ay iba’t ibang damit ang pinatry niya. Nasa fitting ako, nang magring ang cellphone ko. I stopped and answered his dramatic call. “Hello…” tiningnan ko ang sarili sa salamin. Suot ko ang isang itim na off shouldered top at high waist wide pants. Sinipat ko ang sarili, pero natigilan nang marinig ang buntonghiningang bati ni Anton. “Where are you right now?” mabagal at mahinang boses na tanong niya. Tumaas ang kilay ko. “Nasa mall kami ni Kara. Bakit?” bigla akong kinabahan. Anong oras na ba? Is it late already? Pero mag aalas kuatro pa lang ng hapon. “Saang mall ‘yan?” mahinahon niyang tanong. “Sa Q.C…” I heard him sigh heavily. Napakagat ako ng labi. “Malaki ang Quezon City, Aynna. Give me your exact location or I’ll call police…” What? Napapikit ako. “SM North, okay? Mag relax ka nga lang, Anton. You’re overreacting,” “Alright. I’m on my way.” Sinundan iyon ng pagkaputol ng linya. Lumabas ako ng fitting room. Sinalubong ako ni Trina, at muling pinuri ang suot ko. “Wow! Ang sexy niyo talaga, Ma’am Aynna. Bagay din, oh!” Hinanap ko si Kara. Medyo nawalan na ako ng gana sa pamimili, pagkatapos kong marinig ang boses ni Anton. He’s coming to get me. I’m sure of that. Bumalik kami sa department store, at doon ko na lang pinapunta si Anton. Hindi na ako naghanap ng damit. Si Kara na lang. Tumingin tingin na lang ako. May nakita akong damit na bagay kay Xavier. Natuwa ako kaya kinuha ko. I checked the fabric and lastly, the price. “Ate Aynna,” Napalingon ako kay Kara. Nakatingin sila sa akin ni Trina, at nginuso ang isang parte ng mall. Binalingan ko iyon. Papasok ng departmebt store si Anton, kasama ang dalawang bodyguard niya ‘ata. My lips parted. He’s on his all-black attire. Nakalong sleeves siya na nirolyo ang manggas hanggang siko, at pantalon. I glance at his silver necklace. Hindi pa rin nagbabago iyon. Nakatitig siya sa akin, nang hindi nakangiti. Ang seryoso ng mukha niya. Nakakakilabot pero… aminado akong nagugwapuhan ako sa kanya. His jaw clenched a bit while walking his way to me. Kinalma ko ang sarili ilang sandali. Dahan dahan kong binalik sa rack ang damit na pambata. Tumikhim si Kara sa hindi kalayuan. Pero nakita ko siyang nilapitan ng isang fan at nakipagpicture sa kanya. Naiwan ang mata roon ni Trina, galing sa pagtitig kay Anton. I sighed. “You didn’t text me…” agad na akusa ni Anton pagkalapit sa akin. Medyo kabado ko siyang hinarap. Tumingala ako. Nasa malayo ang dalawang security na kasama niya. Nagmamasid sa paligid. “Nakalimutan ko…” nawala talaga sa isip ko kasi, si Kara naman ang kasama ko ngayon. Isa pa, bakit ako magpapaalam sa kanya sa kung saan ang lakad ko? Siya lang naman ang ang nag iinsist no’n na gawin ko. Lumipat ako sa katabing aisle. Lumayo ako sa kids’ section. Sinundan ako ni Anton. “Sadya mong kinalimutan ang instruction ko sa ‘yo. Mmm?” may talim niyang salita. Umiling ako para hindi makipagtalo sa kanya. Ayokong makahakot ng atensyon. “It’s not intentional, Anton. Kapatid ko lang naman ang kasama kong mamili…” I made my tone calm. Napunta kami sa mens’ apparel. Nakapili ako ng t shirt. Kinuha ko ang isang nakahanger, at tinaas. Dinikit ko iyon sa kanya. Nagkatinginan kami. Madilim ang kanyang mukha. Parang bagyong namumuo sa karagatan, at handa nang manlupig. I smiled. “Bagay sa ‘yo…” turo ko sa damit. It’s just a plain white polo shirt. “’Wag mong ibahin ang usapan, Aynna.” Mainit pa rin ang ulo niya. I pouted my lips. Binalik ko sa rack ang damit. I grab the black version. Dinikit ko ulit sa kanya. “You like black shirts, right?” winala ko ulit. “What about this one…” I pretended to choose him shirts, sa kabila ng masama niyang titig. Hindi kami malapitan ng sales lady, dahil natatakot sa itsura niya. Tinawanan ko iyon ng weirdo kong tawa. Kumuha ako ng mga damit na sa tingin ko, bagay sa kanya. Bukod pa sa mga itim niyang garments. “Ito mas bagay sa ‘yo, Anton…” ininspect ko ang kulay maroon na round neck shirt. Maganda ang tahi at tela. Mukhang presko. Saka iyong fitting sa katawan, okay din. Parang sasakalin ang bicep niya ng manggas. He looked great with that kind of shirt. Tiningnan ko siya. Hindi na mukhang binanlian ng asido ang mukha niya. Medyo pumanatag na ang itsura niya, pero hindi pa rin maimik. “Ayaw mo?” turo ko sa damit. Tiningnan niya lang. Kaya binalik ko sa rack. Naglakad ako, at nilagpasan siya. “Miss,” “S-sir, ano po ‘yon?” “Pakikuha lahat ng binalik niya. I’ll take it,” Huminto ako, at nilingon siya. Kausap niya ang sales lady na nakasunod sa amin. Medyo kabado ang babae sa mga pinagtuturo ni Anton. Maliksing kumilos ang babae, at namangha ako kasi tandang tanda niya lahat ng mga tiningnan ko kanina. Tumaas ang kilay ko. Hinapit ni Anton ang baywang ko. Bumuka ang labi ko para magtanong, pero sinelyuhan niya ng halik. Kaya napalunok na lang ako. “Anton,” nilapitan kami ni Kara. Umayos ako tayo. Bumaba ang mata niya sa kamay ni Anton sa baywang ko. Hilaw itong ngumiti. “Where’s your driver, Kara? Bakit kayo lang ni Aynna at ng road manager mo ang kasama mong mamili?” matigas na tanong niya. Umawang ang labi ko. Bakit naman gan’yan siya magtanong? Kara chuckled lightly. “It’s weekday, Anton. Hindi matao ngayon saka… there’s no need to fret. Maganda ang security dito…” Tumango ako. Tinulungan ko ang kapatid ko. Pero mukhang hindi kumbinsido si Anton. Dumiin pa ang kamay niya sa baywang ko. “Next time, magdala kayo ng bodyguard. Lalo ka na. You’re in celebrity status. Paano kung pagkaguluhan ka ng mga tao?” pasermon niyang sabi. Nagulat ang kapatid ko. Si Trina ay tila nagtago sa likod niya. Tumingala ako kay Anton. “Kasama niya ako. Kaya ko siyang harangin…” He looked down at me, with that grimly face. Tila aatras ang dila ako sa kanyang titig. “Sa tingin mo kaya mong pigilan ang mga taong may tendency ng parasocial sa inyong dalawa? Aynna, kahit hindi ka artista, parte ka pa rin ng industriya dahil sa kapatid at mama mo. Lalo na dahil sa isyu sa ating dalawa noon…” his jaw clenched once again. Umawang ang labi ko. What is that? “Your face is on social media and other websites! Pwede ka nilang lapitan at saktan kung gugustuhin nila! And you didn’t even tell me where you are!” pikon na niyang sabi. Mapaklang tumawa si Kara. “Nagsha-shopping lang kami, Anton… Hindi kami magtatagal…” May ilang mga tao na ang umiikot sa amin. Marahil, natutunugan na nila ang komosyon, at nakikilala si Kara. Hinila ko ang kamay ni Anton. Tiningnan niya ako. Tinitigan ko siya. “’Wag dito, please…” mahina kong pakiusap. Nakuha niya iyon, at tumingin sa paligid. Hinanap niya ang sales lady na kausap kanina. Nagtaas ng kamay ang babae na ngayon ay nasa cashier na. “Kunin mo muna ang lahat ng gusto, tapos uuwi na tayo.” Bulong niya sa akin. Umiling ako. Kabado. Si Kara ay patingin tingin sa amin. “Tapos na ako…” nanghihina kong sabi. “Alright… uuwi na tayo…” sagot niya. Halos yakapin na niya ang baywang ko nang pumunta kami sa cashier. Ilang libo ang inabot sa mga damit na iyon. Pero para akong binuhusan ng isang timbang yelo, nang sinama ang damit na tiningnan ko para kay Xavier. Nakita iyon ni Anton, pero wala siyang sinabi. Nagkatinginan kami ng babae sa cashier. Sineryoso ng sales lady. Lahat nga ng kinuha ko, at gustong ipatry kay Anton ay kinuha niya. Anton paid for it. Even Kara’s clothes. Hindi nakatanggi ang kapatid ko, dahil isang turo lang ni Anton sa card niya, bayad na. “May pinreserve ako, Ate Aynna, Anton… mag dinner muna tayo,” tahimik na sabi n Kara, bago kami magsisakay. Dahil hila ako ni Anton, sa kanya na ako sasakay. Pumayag siya sa dinner. Kaya susundan namin ang sasakyan niya. “Mag ingat kayo, Kara,” halos ko, bago ako hilahin ni Anton. Tipid na ngumiti si Kara. “Ikaw din, Ate…” Hinila ako ni Anton, na para akong babaeng mawawala sa paningin niya. Pinatunog niya ang kanyang dalang sasakyan. Binalingan ko ang mga dala niyang bodyguard. Binuksan ni Anton ang backseat, at doon pinasok ang mga pinamili, kasama ang akin. Sa katabing itim ding sasakyan, sumakay ang bodyguard niya. “Sundan mo ang sasakyan nila,” inutusan niya ang mga ito. At agad na tumalima. Naunang umalis ang sasakyan ng kanyang tauhan, naupo muna kami sandali. Nilingon ko siya. Nakasuot na ang seatbelt ko, at halos kami na lang ang tao sa basement. Kagat niya ang labi habang nakatingin sa harapan ng sasakyan. I arched my brow. I am confused… “Bakit ‘di pa tayo umaalis?” kuryoso kong tanong. Hindi niya ako nilingon. Pero kinabahan pa rin ako. Isang sasakyan ang dumaan sa harapan namin. Tiningnan ko iyon panandalian. I waited for him to speak but then… I caught myself asking him again. Nilingon niya ako. Isang beses akong kumurap. Nanitig siya. “What…” I nearly murmured, well, I did. Dahil kami lang ang nasa loob ng sasakyan niya. “Ayokong maulit ito, Aynna…” mababa ang kanyang boses. Tila, nag iipon ng lakas. Umawang ang labi ko. “Ayaw mong magshopping ako?” I tried to lighten our topic. Pero kung magkakapikunan kami, sige lang. Wala namang nakakakita at nakakarinig ng pagtatalo. Umigting ang panga niya sa galit. “Pwede kang magshopping, pero ako ang sasama sa ‘yo. You don’t have to bring Kara in this crowded place,” “Si Kara ang nagsama sa akin. Saka, alam ni mama ‘to,” Akala ko, pagkarinig niya sa pangalan ni mama, mahihimasmasan siya. Pero hindi. Mas lalong tumibay ang katigasan ng panga niya! “Your mother let you go in a public place?” I scoffed. Humalukipkip ako. “Bawal ba kaming magshopping sa mall, Anton? E, saan pwede? Sa mga exclusive at may pa-membership para walang outsiders? Be real naman. Hindi kami dugong-bughaw na tulad mo na kayang magpalayas ng mga customer para masolo ang isang tindahan. We’re not like you.” “Hindi ‘yan mahirap, Aynna. Kaya kong gawin ‘yan para sa ‘yo. Pero bakit hindi mo ‘ko tinatawagan kapag may lakad ka? Palagi na lang kitang dadatnan na wala sa bahay. Ni hindi ka nagtext sa akin!” tumaas nang kaonti ang boses niya. Wow. Saan siya humuhugot ng ganyan? “Edi sorry kung hindi ako nagtext. Hindi naman kasi ako aware, na kapag binigyan mo ako ng matitirhan, obligado, irereport ko ang mga ginagawa ko. Kahit ang nanay at kapatid ko pa ang kasama ko…” He groaned. “It’s not like that. Kahit sino pang kasama mo, kapag umalis ka, magsabi ka!” “Nakalimutan ko, kaya hindi ako nagtext!” His face flinched. Tila nakatikim ng mapakla. “Mula umaga hanggang hapon, nakalimutan mo?” “Buong araw akong nalibang sa pagsha-shopping? Ang tagal kong hindi ginawa ‘to. Kaya nilubos-lubos ko na. Okay na? Satisfied?” Tinitigan niya ako nang may galit sa mata. Tila umaapoy iyon. Dumagundong ang dibdib ko. Mariin siyang pumikit, at frustrated na hinilamos ang mukha ng palad. Namula ang mukha niya. Umiling siya. “No. I’m not satisfied…” I scoffed more. Tumingin ako sa labas ng sasakyan. Inisip kong bumaba na lang dahil, kumukulo na ang dugo ko. Pero kapag ginawa ko iyon, baka mag away din kami sa labas. “Simpleng text lang, nagagalit ka na…” bulong ko. Inirap-irapan ko ang mga nakaparadang sasakyan sa kabilang side ng parking. Pero ang utak ko, nasa katabi kong nag aapoy din sa galit. “Bakit hindi ako magagalit? Paano kung may nangyari sa ‘yo, nang hindi ko alam?” Mabilis ko siyang binalingan. “Ang lala ng iniisip mo, Anton! Sumama ako kay Kara dahil pinayagan kami ni mama na mamili, pumunta sa gym at sa derma! Nandyan din ang driver niya at ang road manager niya, at alam nina Liza ang lakad kong ito. Natawagan mo naman ako. Hindi bale sana kung inignore ko. Pero sinagot ko, ‘di ba? Kaya bakit nagagalit ka sa akin? Pati si Kara, sinermunan mo pa!” “Hindi ko sinasadyang sermunan si Kara. Nagagalit ako kasi bigla ka na lang umaalis nang hindi ka nagpapaalam…” “Hindi na ako bata, Anton! Kung mga magulang ko nga, pinapabayaan ako, ikaw pa kaya na hindi ko kaanu-ano!” “I’m you f*****g boyfriend!” “No, you’re not! You’re just forcing that spot to be yours again!” Natigilan siya. Mukhang nagulat, nang isampal ko ang katotohanang iyon. Naupo ako nang maayos at umiwas ng tingin. Nagbuga siya ng malakas na hininga sa bintana. Mabilis na mabilis pa rin ang pulso ko. Tila tumakbo ng ilang kilometro. Inulit ko ang sinabi niya sa isip, at ang sinagot. May kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib. Na parang bala at patalim ang mga salitang binitiwan ko. Pinunasan ko ang kumawalang luha sa pisngi. Binuhay niya ang ilaw sa harapan, tanda na papaandarin na niya ang sasakyan. Pero nanatili pa rin kaming nakapark. “I’m still your boyfriend…” he said. Hindi ako kumibo. Pero lumabo ang paningin ko, dahil sa bumalong na luha. “Walang magbabago, Aynna. Ako pa rin…” sabay andar ng sasakyan. Hindi kami nagkibuan sa maiksing byahe na iyon. Magkahawak-kamay kaming pumasok sa restaurant, hanggang sa VIP room na kinuha ni Kara. Apat kaming nakaupo. Pinaghila ako ni Anton ng upuan, at naupo sa tabi ko. Um-order na sina Kara at Trina dahil kanina pa silang nauna rito. Kami, si Anton ang pumili ang pagkain. Wala ako sa hulog na kumain, sa totoo lang. Mas gusto kong umuwi at yakapin ang anak ko. Habang naghihintay ng inorder, dinikit ni Anton ang kanyang upuan. Pinatong niya ang braso sa sandalan ko. Hindi ako gumalaw, o kahit pagbawalan siyang gawin iyon. Tinapunan kami ni Kara ng tingin, sabay titig sa braso ni Anton nakaakbay sa upuan ko. His possessive stance is so obvious and well-acted. Maging si Trina ay napapabaling kahit panay ang cellphone. “Kumusta na kayo ni Ysabella, Anton? Going strong pa rin ba?” tanong ni Kara. Namangha ako sa tapang ng pagtanong ng kapatid ko. Hindi ko tiningnan si Anton, pero kitang hindi rin naman ito nabahala nang mabanggit si Ysabella. Ang legit niyang girlfriend. Kinuha ni Anton ang baso ng tubig. Natahimik kaming apat. Pagkababa, hinawakan niya ang braso ko. Mabining hinaplos iyon. “We’re friends, Kara…” mahina pero klaro niyang sagot. Tumawa si Kara. “Hindi naman ganyan ang kinukwento niya sa akin kapag nagkikita kami. She’s always blushing if you didn’t know that…” “I didn’t know,” he supplied. Humugot ako ng hangin. Tumitig na lang ako sa malinis na plato. Bumukas ang pinto ng VIP room, at pumasok ang waiter dala ang pagkain namin. Hinintay namin iyong matapos hanggang sa masolo namin ang kwarto. “You are engaged with her, right?” Kara said. Napalunok ako. Uminit ang mukha ko. Gusto kong patigilin si Kara pero… hindi ko magawa. Tumawa si Anton. “I’m not engaged, Kara. At least, not yet,” nilingon niya ako. But I remained focused on my plate. “Baka naman, sini-secret niyo lang? Kasi alam mo na, ayaw mong malaman ng media… you want privacy this time…” “I always like privacy even before, Kara. Nakakalusot lang ang ibang makukulit na reporter,” pumailalim ang kamay ni Anton sa mesa, at kinuha ang kamay ko. Hindi iyon napansin ng kapatid ko. He’s caressing my palm and my fingers using his fat thumb. Isa isa niyang hinaplos pati ang kuko ko. Kinabahan ako. Natakot. Nahiya. Bakit ko siya hinahayaang pag usapan si Ysabella sa harapan ko? Bakit pinapahirapan ko ang sarili ko? Parang hindi ko mada-digest ang mga pagkain ngayon kung patuloy nilang pag uusapan. Kara chuckled. “Kailan nga ba naging kayo ni Ysabella, Anton?” “She’s not my girlfriend,” “Oh! You mean, secret muna?” Mariing tinitigan ni Anton si Kara. Hininto niya rin ang haplos sa daliri. “Let’s stop talking about her, Kara. My girlfriend is here…” Suminghap nang malakas si Trina, at nanlaki ang mga matang bumaling sa akin. Lumakas at nakakabingi ang t***k ng puso ko. Nakakasugat na. Bumagsak ang panga ni Kara nang tingnan ako. “Si Aynna lang ang girlfriend ko. Wala nang iba,” he announced. Tiningnan ko siya. Unti unting tumaas ang dulo ng labi ni Kara. Tumawa siya. “Oh c’mon, Anton! ‘Wag mong paglaruan ang Ate Aynna ko. Alam nating lahat kung anong motibo mo sa pagpapatira sa kanya sa bahay na pagmamay-ari ninyo,” “Yeah. To have her. I want to have her.” Mas lalong bumagsak ang panga ng kapatid ko. She needs to stop this. Baka matanggal siya sa network nila. “Kara, please…” I calmed her down. “You are two timing. Pinagsasabay mo si Ysabella at Ate Aynna ko, Anton!” “Si Aynna lang ang girlfriend ko.” ulit niya. Pumikit ako at hinilot ang noo. “Ate, kayo ba talaga ni Anton, huh? Pumapayag kang paglaruan ka niya?” Nakita ko ang pag puyos ng galit ni Anton, pero nang bumaling sa akin, unti unti iyong nalusaw. Hindi ko malaman ang gagawin. Kahit malinaw naman ang naging usapan namin. Sa kanya ako, hanggang gusto niya. Aangkinin niya ako, bilang paghihiganti niya. At oo, pumayag ako para hindi niya makilala si Xavier. With all of that, I just let things happen because I have no choice. I have to move forward with this life. “Kara… it’s just for for meantime…” simula kong paliwanag. Hindi ko maituloy dahil nariyan si Trina. “Malaking kalokohan ‘to!” Naiitindihan ko ang concern niya. Pero kung kakalabanin niya si Anton, baka mabuko pa kami! Padabog na tumayo si Kara. She managed to excuse herself to go in the ladies’ room. Agad na sumunod si Trina. Tumahimik lalo ang VIP room. Walang may gustong gumlaw ng nakahain sa mesa. Binagsak ko ang likod sa upuan, pero naramdaman ko roon ang braso ni Anton. He immediately covered me with his arm and let me rest on his shoulder. Para bang walang pagtatalong nangyari sa amin, at sa kanila ni Kara. But why it feels so right in his chest? Why it feels so good to have his warmth? Pumikit ako. I think then, it’s time to go. “Pagod na ako…” mahina kong sabi. He kissed my head and smelled my hair. But it’s alright, Aynna. Kayo lang d’yan. Panandalian lang ‘yan. “Ako, hindi pa…” malakas ang loob niyang sagot. I opened my eyes. Agad kaming nagkatinginan. Bumangon ako galing sa paghilig sa dibdib niya. Yumuko siya, at hinabol ng halik ang balikat ko. “You’re still my girlfriend, Aynna. And I’m still yours. Kahit na anong eskandalong ipalabas mo, sirain mo man ako o ipakulong, ako pa rin sa ‘yo.” Umawang ang labi ko. Magkahalong pagbabanta at pangako, ang naramdaman ko. -- Hi! For upcoming announcement, Selfpub details and book/s to be published, to ensure that you are updated, you can follow me on my official social media account: Facebook: Gianna de Silva Instagram: @missgianna_myraa X: @Gianna14xGracex Have a blessed day. Thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD