Chapter 18

5000 Words
“Sinusumpa ni LORD ang tahanan ng masasama, pero bini-bless nya ang tahanan ng mabubuti. Iniinsulto ny ang mapang-insulto sa ibang tao, pero mabait sya sa mga humble.” – Proverbs 3:33-34 -- Chapter 18 Aynna Nang bumalik sina Kara at Trina, hindi na halos ulit nag usap ang dalawa. Nagsimula kaming kumain, kahit na hindi ako makakilos nang maayos at hindi ko rin manguya ang pagkain. Anton kept on asking me about my other needs and anything. Tango at iling lang ang sinasagot ko. Tinitingnan ko si Kara na tahimik kaming minamasid. Alam kong pinapakaramdaman ni Anton ang kapatid ko. I can feel it. Parang inaalala niya ang kalagayan nito, pero naglalagay pa rin ng safe boundary dahil hindi gusto ni Kara ang relasyon naming dalawa. “Your taping will start in a few days, right?” basag ni Anton sa nakakasulasok na katahimikan. Napaangat si Kara ng tingin. A bit surprised. Inabot ko ang baso ng tubig. Bigla, lumabas ang tunay na katayuan nilang dalawa, sa simpleng pagtatanong ni Anton. “Uh… y-yes… by next week, officially, start na.” she trembled. Pinagmasdan ko siya. Knowing Anton, sana huwag niyang gisahin ang kapatid ko, dahil sa istasyon nila siya nagtatrabaho. “That’s good to hear. What about the photoshoot with Artisan? Are you ready for that too, Kara?” he asked in a formal and business tone. Kinagat ko ang labi ko sa kabang lumukob sa dibdib ko. Pinanood ko ang reaksyon ng kapatid ko. Maybe, she’s an excellent actress. Hindi ko halos nakitaan ng kaba o pangamba ang mukha ni Kara. She smiled a little at him. Kumunot ang noo ni Anton. I swear, para akong gigilitan sa nerbyos ng pag uusap at tensyon sa pagitan nilang dalawa. Siniko ni Trina ang alaga, para bang nasusubrahan ito sa pagka excite. “Anong klase nga ba ang produktong ‘yon, Anton?” Kara calmly inquired. “Rhum. I thought, you already read the contract?” Anton’s amused tone. Kara chuckled a little. “I did. Pero nakalimutan ko lang,” Nilingon ako ni Anton. “Nasa dugo niyo pala ang makakalimutin…” nginisihan niya ako. Tumikhim ako. Nawala na talaga ang gana ko sa pagkain. Marami pang laman ang plato ko, at panay ang dagdag ni Anton. Nang mahuli iyon ni Kara, pinaalalahanan niya ako na mag diet. “Hindi niya kailangang mag diet, Kara. She’s already skinny,” salag ni Anton nang bawalan na ako ni Kara na magdagdag ng kanin sa plato. Medyo gulat na tiningnan ni Kara si Anton. Then, she glanced at me. Napainom ng tubig si Trina sabay baling sa akin. Para bang may tinatago akong anomalya. “Tumataba kasi kami kapag nasa harap ng camera. Sa personal, payat tingnan. Pero once na makuhaan ng camera, nadagdagan ang size namin… Payat na nga si Ate Aynna pero kailangan niyang magbawas ulit,” “Haharap ba siya sa camera?” Anton is now deadly curious. Mataman na niyang tinitigan si Kara. Ngumiti ang kapatid ko, at tumango. “Imamanage na rin ni mama ang showbiz career ni Ate Aynna. Kaya nga nagpeprepare kami ngayon. She will go to the gym, derma, and shopping clothes for her upcoming projects!” Kara excitedly said. Bumuntonghininga ako. Tila vacuum, na nahigop ko ang buong atensyon ni Anton. Kara tilted her head while watching him. Sinalubong ko ang mata ni Anton. Mariing nakasarado ang labi niya. I wanted to touch it but ofcourse, I won’t do that. Para niya na naman akong inuusig sa pagtitig, dahil sa nalaman niyang papasukin kong trabaho. “Did you forget to tell me that, too, huh?” may pait sa kanyang boses. Tumawa si Kara. Kabado kong binasa ang labi. “Kahapon pa lang kami nag usap ni mama, Anton. It’s still very new. Saka, hindi pa tayo nagkakausap…” salag ko. “What about texting or calling to inform me about that?” inis na niyang patanong. Napapikit ako, at buntonghininga. “Ayaw mong mag artista si Ate Aynna, Anton? Sayang naman ang experience niya sa theater kung hindi madadala sa mainstream…” Binaba ko ang mga kubyertos sa gilid ng plato, at inalis ang kamay sa mesa patungo sa kandungan ko. Naninitig pa rin si Anton. Si Kara ay pinapanood ang reaksyon niya sa akin. Umiling akong bahagya. Pakiramdam ko, napakadaming hadlang sa gusto kong pagbabago. O baka okay lang ito. There’s no win without pain, right? Nanatiling tahimik si Anton. Parang sibat ang mga mata niya. Nilingon ko siya, at tinitigan ang mukha niyang hindi na maipipinta ng kahit sinong magaling na pintor. He doesn’t like that. He doesn’t want me to enter Showbiz! The tension grew higher. Tumikhim si Kara. “Look, kailangan ni Ate Aynna ng work, Anton. At sa pag arte siya may experience. Maraming kakilala si mama na mga film producer na pwedeng ipasok si Ate. I will help too. Hindi naman… hindi naman siguro maaalala pa ng tao ang scandal ninyo noon…” humina ang boses ni Kara sa huling sinabi. Tila, pinagsisihan na sinambit pa. Hindi patitinag ang titig ni Anton sa akin. Kaya, ako na rin ang unang sumuko. “Trabaho iyon, Anton… Kailangan ko…” umpisa ko, bago niya ako usigin nang usugin. “You don’t have to work. I’ll provide for you,” Suminghap si Kara, at nagkatinginan sila ni Trina. s**t. Noong silipin niya akong natutulog sa kwarto, narinig ko ang sinabi niya kay mama. That he will cover me. Ito na iyon. He’s serious about that! Umiling ako. “No. I will not let you to be my sugar daddy. Magtatrabaho ako, Anton.” giit kong matindi. I started to feel the annoyance by thinking about him feeding me with his wealth. Ako, na magmumukhang patabaing baboy dahil hindi ako kumikilos para mabuhay! He grinned. Pinagpatuloy niya ang paninitig. Napainom ako ng tubig, at halos masaid ko ang laman ng baso. Naglabas ng pamaypay si Trina. Kara is on alert, but she didn’t intervene. “Okay. Not in showbiz. You’ll work in my company,” I scoffed. “Wala akong experience sa corporate world. Sa acting ang expertise ko, Anton. Isa pa, sina mama naman ang hahawak sa career ko. Wala kang dapat alalahanin do’n o ano. I’m practically safe!” “I said no. Hindi ka mag aartista. Sa akin ka magtatrabaho kung ayaw mong ako ang bumuhay sa ‘yo.” Wow. Oh. Okay. Mapakla akong tumawa. What a word to say, huh? “Bakit tinatanggalan mo ako ng karapatan na pumili ng career na gusto ko? Daig mo pa si mama. Mas mukha ka pang stage father dito,” “I’m your boyfriend, kaya may karapatan ako kung ayaw kong sumabak ka sa pag aartista,” “Boyfriend ka pa lang, pero kung makaasta ka, sobra pa sa pagiging boyfriend!” “So, what do you want? Want me to be your husband? Para mas may karapatan akong pigilan ka d’yan?” “Hindi, Anton. Hindi issue rito kung asawa o boyfriend kita. Ang pinu-point out ko, hinahadlangan mo ang pagtatrabaho ko. Kailangan ko iyon dahil kailangan kong mabuhay.” “Sinabi kong ako na ang bahala sa ‘yo. Bahay, pagkain, sasakyan, damit—kahit ano—ibibigay ko! Pero ayokong mag artista ka. Sa bahay ka lang. Doon ka lang habang hinihintay mo akong umuwi…” “Ano ka, asawa ko?” “Oo! Asawa mo!” tumaas ang boses niya. Nagulantang ako, pati sina Kara at Trina. Lahat kami, halos lumuwa ang mga mata sa gulat. Hindi na kami ulit nakakain. We stayed in that room a bit longer than I expected. Hindi ako tinantanan sa pagtitig ni Anton. Kahit pa naunang umalis sina Kara at Trina, dahil pinapauwi na ni mama. Sinundo ng driver ang dalawa sa VIP room. I have no choice but to stay with him. Pinaligpit niya ang laman ng mesa, at um-order pa ng inumin. Mag aalas siete na ng gabi. Panay ang ilaw ng cellphone ko. Liza is texting me. Hindi ko magawang basahin nang buo dahil malapitan akong tinititigan ni Anton. Like as if, he’s memorizing every part and every reaction on my face. At wala akong lakas ng loob na gumawa ng bagay na maaaring makabuko sa amin ni Xavier. “What are your upcoming projects?” he quietly asked. “Wala pa…” walang buhay kong sagot. Mabigat siyang bumuntonghininga, saka ininuman ang basong may dark yellow na likido. Nakahalukipkip ako, at nakasandal ang likod sa upuan. Doon ako tumitig sa laman ng baso niya. Inorderan niya ako ng ice cream, pero halos hindi ko ginagalaw. Natutunaw na lang iyon sa lalagyanan. “Any prospect?” “Wala akong ideya. Pero baka sa acting ako. Doon ako may experience…” and also a bit of singing and dancing. Mataman siyang tumitig sa basong hawak. Naggagalawan ang panga niya. Para bang gusto niyang durugin ang babasaging iyon, hanggang sa tuluyang maging abo sa paningin niya. I looked down at my melting ice cream. Sana hindi muna umuwi sina Kara, para hindi ako maiwan mag-isa kay Anton. Sana bumalik ang waiter, at sabihan kaming magsasara na sila. All of that became monotonous, when he speaks again. “Don’t you want to be just my girl, Aynna?” may bahid ng panghihina ang kanyang tono. Binalingan ko siya. Nanghina rin ako. May kurot na nagparamdam sa dibdib ko. “Ano ba itong ginagawa natin? Pumapayag naman ako sa gusto mo. Sumasama ako sa ‘yo…” “Pero hindi mo ako sinusunod,” “Trabaho lang iyon, Anton…” mahinahon ko nang paliwanag. Nangyari na ito dati. Napagtalunan na namin. Iba lang ang sitwasyon. “I can give you everything…” “Yes, you can. I know you are capable. Pero bigyan mo pa rin sana ako ng dignidad at pangarap. Gusto kong magtrabaho nang hindi umaasa sa ‘yo o sa kahit sinong tao…” Tinitigan niya ako, at tumiim ang pagkakalapat ng labi niya. Sinubukan kong umiwas ng tingin, pero bumabalik pa rin ako sa kanya. “I just hate it…” he whispered. I tilted my head. “Ano ‘yon?” “I hate the thought that you are going to be exposed. That your job would require you to be intimate with other actors. That they would be able to touch you… to feel you… to kiss you… f**k, Aynna! Ayaw ko ng mga iyon. Hindi ko kaya…” He looked frustrated. Sinapo niya ang ulo. Parang gusto kong tawanan iyon, pero hindi natuloy. Inubos niya ang laman ng kanyang baso. Nang kunin niya ang bote, hinawakan ko ang kamay niya. I put it down and he looked at me. Umiling ako. “Magdadrive ka pa pauwi…” mahinahon kong paalala sa kanya. Sinunod niya ako. At hindi na uminom pa. Pinaubos ko na lang sa kanya ang natunaw kong ice cream. Pagbalik namin sa sasakyan niya, namataan ko ang dala niyang security. Sumakay kami ni Anton. Hindi ko muna sinuot ang seatbelt. Nakapikit siya, at ang ulo ay nakasandal sa upuan. Buhay na ang makina. Ang sasakyan na dala niyang tauhan ay nakaantabay lang sa ‘di kalayuan. “Anton…” pinanood ko ang mukha niya. Mamula-mula dahil nakainom, pero alam kong hindi siya lasing na lasing. “Mmm?” he managed to answer me without opening his eyes. He looked tired. “Kakausapin ko si mama…” kabado kong umpisa. Minulat niya ang mga mata. Bumuntonghininga ako. “I will have some restrictions as an artist. I won’t allow kissing scenes if… you don’t like it…” I bit my inner lip. Binangon niya ang ulo, at bumaling na sa akin. Akala ko may sasabihin siya o magkokomento o magbubunyi. Pero hindi siya kumibo. Nanitig lang. Kaya nagpatuloy ako. “Isa pa, I don’t expect to land lead roles. Okay na sa akin ang maliliit na role at hindi naman iyon magrerequire ng halikan o intimacy. Depende sa story, kung magkakaroon. Pero kung alam kong meron, hindi ko na tatanggapin ang project. I’m okay with supporting roles too. I don’t need fame or something. I just want to utilize my skills and to earn. If… if you think the role will require of more skinship, I’ll think about it too…” “What if, they ask you about professionalism, then?” tanong niya, na parang nasa final job interview ako. Kinabahan ako nang todo. I gulped. May point siya. Some kissing scenes are not just because of lust or personal attack of each artist. May mga tao na sumasabak sa ganoon para sa makatotohanang pagportray sa role at sa story na rin. Hindi ko inaalis iyon. May ganoon din sa tiatro, at walang malisya iyon. It’s part of the job. But… Nagkibit balikat ako. I smiled a bit at him. “If my boyfriend isn’t comfortable with me kissing some actor, I would still say no. I won’t do it…” Hindi niya binaba ang pagtitig. Mas lalong bumulusok ang kaba ko. “If they ask you, who’s your boyfriend. What name are you going to say?” Umawang ang labi ko. Isang beses akong napakurap, pero ang mata niya, tila matanglawin na hindi pinapalagpas ang bawat kong reaksyon sa mukha at galaw ng mata. Damn. Naghuhumerantado na ang puso ko. “Your name…” halos bulong ko na. Tama na iyon. Sapat nang sagot iyon. But he playfully tilted his head and caressed my cheek. “Who’s your boyfriend now, Aynna?” his tone is lazy and raspy. But my heartbeat is getting crazy. Damn it. I looked at him. “Y-you…” His thumb went down on my upper lip, and lazily caressed it. Napalunok ako. “Your boyfriend doesn’t want you to kiss anybody, aside from him. Are you okay with that, huh?” Mabagal akong tumango. “Y-yes… it’s okay with me…” Binaba niya ang thumb sa ibabang parte ng labi ko. Since my lips are parted abit, kinuha niya ang pagkakataon. Tumambay siya roon. I saw him gulped. He grinned. “I want to hear the name of your boyfriend, Aynna?” “Anton…” halos hindi ako humihinga, masagot ko lang ang tanong. “I want the full name…” he murmured. “Francis Anton de Silva…” “Sino siya ulit?” “My boyfriend…” Tumalim lalo ang ngisi niya. “That’s right, baby. Now, I want to kiss you…” Nilagay niya ang kamay sa likod ng ulo ko. Para akong nilalasing o lasing na, habang hinahalikan niya ako. Anton’s mouth move deeper in my mouth. Tumatama ang ngipin niya. He groaned because of that. I just closed my eyes firmly, and kissed him the way he’s kissing me. Pero mas malupit ang ginagawa niya. Hindi ko makopya. Nalasan ako ng alak na tinungga niya kanina sa VIP room ng restaurant. Pati ang frustration niyang maangkin ako nang ganito, ramdam ko rin. I held my hand on the expanse of his shoulder. Mas lalo siyang lumapit, at mas lalong lumalim ang halik. Nararamdaman ko na ang kamay niyang naglalakbay sa katawan ko. His kisses are very hot. Nararamdaman ko ang paggalugad ng dila niya, at paglambing sa akin. Napadaing ako, at kasunod ang matinding init ng mukha ko. Hinila ako ni Anton, para mas lumubog ang mukha sa akin, at hindi ko na napigilan ang pagdama niya sa dibdib ko. Napadaing ako ulit. Ganoon din ang ginagawa namin, nang dalhin niya ako sa Peyton. Solo namin ang buong couch at mesa sa second floor. Umorder siya ng inumin, pero hindi gaanong nagagalaw. Dahil magkatabi kami sa upuan, at walang ginagawa kundi ang maghalikan. When I feel like my lips are sore, tinulak ko siya. Nagprotesta siya pero tinakpan ko na ang labi niya. Kanina pa niya ako hinahalikan. Madilim at walang gaanong tao sa pwesto namin, pero obvious sa karamihan kung sino ang umakyat dito. Lumipat ang labi niya sa leeg ko. Inabot ko ang isang inuming hindi gaanong nakakalasing, at sumimsim, habang dinadampian ni Anton ang leeg ko. Kanina, marami akong nakitang sumasayaw sa dance floor. May tumawag pa nga sa kanya, at tinanguan lang niya. Hinila niya ako paakyat dito. Pumupunta pa kaya rito ang mga pinsan niya at kapatid niya? He groaned and bit my earlobe. Ngumiti ako. Ramdam ko ang paggapang ng init sa katawan ko paakyat. Nakapulupot pa ang mga braso ni Anton sa baywang ko. May binubulong siya pero hindi ko marinig dahil malakas ang music. Humihiyaw pa sa baba ang marami. Napaangat ako ng mata sa taong tumayo sa bandang harap namin. A guy and a woman are smirking while staring at us. Nalusaw ang ngiti ko, at tinulak si Anton sa dibdib. Uminit sa hiya ang mukha ko. “May tao, Anton…” I said firmly. Umayos din ako ng upo. Matalim na bumaling si Anton sa bagong dating. May hawak silang inumin, at tila kakilala nila si Anton. “Kayo lang dito, Anton? Want to join us in our table?” nakatawang aya ng babae. Tumikhim ako. Lumingon ako sa katabi. Hinapit ni Anton ang baywang ko, at saka umiling sa kanila. Humaba iyong nguso ng babae. Nang mapatingin sa akin, inirapan niya ako. “No, thank you, Maya. We want to be alone.” Sandali akong tinitigan ng lalaki, at tumawa. “C’mon, Anton! Wala ang mga pinsan mo rito. You can party with us, dude!” Nginisihan niya ni Anton, bago tumungga sa bote. “We have our own party here, pare. I want to be alone with my girl…” he insisted and declined their invitation. Hindi na kumibo ang lalaki. Siguro, nakuha na niya ang final answer. Pero naiwan ang mata niya sa akin. May binulong iyong babaeng kasama sa kanya, bago nila kami iniwan. Bumuntonghininga ako. Niyakap ako ni Anton patagilid. Pinanood niya ang mga nakahain sa mesa, at nanahimik. I sighed. “Kung gusto mo roon, okay lang. Pauwi na rin naman tayo…” udyok ko, kung nagdalawang isip siya. Tiningnan niya ako. “I want time alone with you,” Ngumiti ako. Niyuko ko ang malaki niyang kamay na nakadantay sa may tyan ko. “Baka kapag nagsimula na akong magtaping, ganyan ka rin ka possessive sa akin…” inangat ko ang daliri niya, binalik niya iyon. Inulit ko sa katabing daliri, pero binabalik niya ang diin. Nang hindi ko maalis, tinigilan ko rin. Pinokus ang mata sa mga inumin. I saw one of Artisan’s product. Iyon ang ininom kahit kaunti lang. He chuckled. “Babantayan kita roon. Sisiguruduhin kong hindi ka mahahawakan,” Tinampal ko ang kamay niyang nasa hita ko. “Maraming tao ang production team, Anton…” “I don’t care. Kung nasaan ang girlfriend ko, naroon din ako. Dapat handa sila sa mga reklamo ko sa oras na labagin ang gusto ko… No touching and kissing, Aynna San Jose. Remember that.” Bulong niya sa tapat ng tainga ko. Kumunot ang noo ko. Nilingon ko siya. Sobrang lapit ng mga mukha namin. Halos maduling ako. Kung dahil ba nakainom ako o sadyang inaantok na, inabot ko ang mukha niya. Hinalikan ko siya. He smiled a bit, and I tilted my head. Nangingiti rin ako. “Oo na. Ang higpit ng boyfriend kong De Silva…” Oh no. Lasing na yata ako… He chuckled… Narinig ko ang nasambit ko at alam ko rin iyon. Napalunok ako. Niyayakap pa niya ako, nang kalasin ko ang kamay niya. Nagprotesta siya, sabay tawag sa akin. Tinuro ko sa kanya ang barandilya. Tumayo ako. Paghakbang ko, hinila niya ang kamay ko para pigilan. Pero tinutupok ng apoy ang mukha ko. Kailangan kong magpalamig kahit kaunti. Humawak akong mahigpit sa silver at makinis na railings. Napapikit ako, nang makaramdam ng hilo. Maraming tao ang sumasayaw sa baba. I looked at my left, may iilang tao kaming kasama sa second floor. Pero ang pwesto namin ni Anton ay iyong tila bawal dayuhin. Lumunok ako. Sa kanan ko, ay ang hagdanan. May nakatayo roong bouncer. Nagmamatyag. Nagbabantay sa bawat galaw ng mga tao. I sighed. Kahit madilim, nakikita ko pa rin ang ilan na napapatingin sa akin. “Baby…” pinulupot ni Anton ang kanyang braso sa baywang ko. Niyakap niya ako ulit galing sa likod. Making sure that I won’t escape him. He buried his nose on my neck. Nanatili ang paningin ko sa mga tao sa baba. Umaalindog ang mga ilaw. Nakataas ang mga kamay ng iba, umiikot ang mga ulo at ang ilan busy sa kasayaw. May humahaplos, may nagbubulungan at may naghahalikan. This is the place where you can unwind and party up to your heart’s content. But also, you meet strangers too. “Are you sleepy, mm?” malambing niyang bulong. Umiling ako. “Okay lang ako. Ikaw?” balik kong tanong. Tumaas ang kilay ko, at nilingon ko siya. Hinahaplos niya ang kamay sa ibabaw ng tyan ko. “Not yet.” “Edi dito muna tayo. Pero magdadrive ka pa pauwi… gagabihin ka…” humawak ako sa kamay niya. People looked oblivious of us. Binagsak ko ang ulo sa dibdib ni Anton. I felt him inhaled my neck and kissed it. “Tabi tayo sa kama mo…” I giggled. Gosh. Lasing na talaga ako. “Kaya nilagay mo ako sa master’s bedroom. May balak ka…” I turned to find his eyes, but he welcomed me with a smack kiss. “If you want more privacy, we can go to my Penthouse…” Umiling ako. “Wag na ro’n. Sa bahay na lang…. ng Lolo mo…” Ngumiti siya, at pinagod ang ilong at labi sa pagpapak sa leeg ko. I didn’t stop him. I just listened to the music and jive with it. Habang alam kong busy si Anton sa akin. That night ran so fast. Hindi ko namalayan ang pag-uwi niya sa akin sa bahay, at ang pakatulog ko. Pero naalala ko ang paghubad niya sa suot ko. Naka t-shirt at panty na lang ako kinaumagahan. Nabasa ko ang sticky note na iniwan ni Anton sa unan. I don’t want to wake you up, baby. I’ll call you later. -Anton. Sinuklay ko ang buhok ko. Pinasadahan ko ang buong kwarto. Ang mga suot kong damit kagabi, maayos na nakasamsam sa upuan. Dito siya natulog. Nakabakas ang katawan niya sa kumot at unan. Yakap niya ako buong magdamag. We didn’t do it. Tulog na tulog ako. Magising man, para lang mag inat. Hindi ko siya masyadong napapansin. Kaya siguro, umuwi na lang siya nang maaga. Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin. Pina-makeover ako ni mama sa kilalang salon. Pinakilala niya ako sa mga amiga niya at pati sa mga producer. May narinig akong proyekto na nangangailangan pa ng artista. Tumawag daw sa opisina nito, para makapag audition ako. Dinala ako ni mama sa bahay nila sa Cavite. Mayroon siyang opisina roon. Wala si Senator Ace at Kara. Nakita ko si James. I kissed him. Ngumiti siya, at hinanap si Xavier. Tumikhim si mama. “Doon tayo sa opisina ko, Aynna.” Sabay alis ng sala. “Sige po… Mamaya na lang, ha?” sabi ko sa pamangkin. Hindi kami masyadong nag usap dahil sa tawag ni mama. Pagpasok ko sa kanyang opisina, pinakita niya sa akin ang kanyang IPad. “Tingnan mo. May issue ka na,” turo niya sa bukas na article. Lumapit ako, at kinuha ang gadget. Nakita ko ang madilim na litrato namin ni Anton. Nakayakap sa akin. Kita sa litrato na magkatinginan kaming dalawa, tila nag uusap. Kuha ito sa Peyton. May nangahas na kunan kami galing sa baba. Nag angat ako ng tingin kay mama. Nakahalukipkip siya. Tinaasan niya ako ng isang kilay. “Basahin mo ang headline sa inyo ni Anton de Silva, Aynna. Dali,” Bumuntonghininga ako. Hindi ko iyon napansin, kaya hinanap ko. ‘Another De Silva Scandal in the making…’ Umawang ang labi ko. “Hindi po ito…” Malakas na tumawa si mama. “Hindi mo na kailangang gumawa ng ingay sa Showbiz. Sila na ang gumawa ng introduction sa ‘yo. Kaya malamang, magkukumahog na tawagan ako ng mga reporter para mainterview ka,” Binaba ko ang IPad ni mama sa mesa. “Baka po makasama sa pangalan ni Anton kung madadawit siya sa pagpasok ko sa Showbiz, mama…” Umismid siya. “So? Kung hindi ka niya kayang iwan, edi magtiis siya. Artista ang hinabol niya, e.” “Nililinis ko rin po ang pangalan niya, ‘ma… Sana po matulungan niyo rin ako…” “Inutusan ka niya?” “Hindi po. Iyon po ang plano pagbalik ko rito ng Pilipinas. Galit siya sa akin dahil sa eskandalo. Pero sa tulong ng mga kaibigan ko, gagawa kami ng paraan para makabawi sa mga De Silva. Lalo na po kay Anton…” “Alam mo, maaayos mo lang ang gusot kung magdididikit ka lang dyan kay Anton! Ibigay mo lahat ng gusto niyan. At saka, makakalimutan din ng mga tao ang issue niyo. Matatabunan din ng ibang problema ng mundo, kaya ‘wag mong problemahin masyado. Utakan mo lang. Tutal, hinahabol ka pa yata,” Sinundan ko ng tingin si mama, nang maupo ito sa couch at magbukas ng cellphone. Nilitanya niya sa akin ang isang audition at photoshoot. Matanda na raw ako para i-push niyang magkaloveteam. At ayaw ko rin naman iyon. Sinabi ko sa kanya ang hindi ko pwedeng gawin. Mabagsik niya akong tiningnan. “Pa-demure ka pa, ganoon? Ang direktor ang masusunod, Aynna.” “Alam ko po iyon…” “Alam mo pala. Bakit may mga kondisyon ka pa? Paano ka mabibigyan ng trabaho kung marami kang arte, aber?” “Pwede po iyong dayain sa camera,” “Hindi lahat ng director ganoon ang pamamaraan! Saka, balak kitang isabak sa ibang linya. Puhunan mo ang mukha at katawan mo. Paano ka magiging sexy star kung hindi ka uubra sa halikan?” Namilog ang mata ko. Kitang kita ang iritasyon sa mukha ni mama. Pinakita niya sa akin ang screen ng cellphone niya, pero hindi ko maintindihan ang nakalagay doon. “May naka-meeting na akong payag na ikaw ang isama sa pelikula niya. Sa sikat na online streaming website. Sexy movie ‘yon, at medyo maglalabas ka ng katawan. Kaya paano kita isasabak kung ayaw mong magpahalik?” “H-hindi po sa ganoon ang linya ko, ‘ma. Kahit supporting role o mother role, okay lang po sa akin. Pero hindi ko kayang magpa-sexy…” “Gaga! Inutil! Maraming artista ngayon na pwedeng pang small role lang at mas kilala ng kumpanya. Sa tingin mo, wala kang kalaban d’yan? Marami, Aynna! Pila-pila. Kahit nga itong kinuha ko sa ‘yong proyekto, marami ring gustong makasungkit, pero hindi maarteng tulad mo!” Singhal niya. Umiling pa rin ako. Kinabahan. “Hindi ko po iyon kaya, ‘ma…” Bigla siyang tumayo, at dinuro ako. Nanigas ako sa takot na baka hablutin niya ang buhok ko. Naalala ko ang hapdi ng anit ko no’n, pati ang galos na ngayon na malabo na. “Ako ang manager mo, kaya ako ang masusunod.” “Hindi po pwede iyon. Hindi ko rin gusto.” “Edi saan ka kukuha ng pera pangkain ng anak mo at pampagawa ng bahay ng Lola Olimpia mo?” Halos maiyak ako. “M-may iba pa pong trabaho…” “Meron! Landiin mo ‘yang si Anton!” nandidilat na mga mata niyang singhal. Kusang kumawala ang luha ko. Agad ko iyong pinunasan. Umiling ako. “Magpakupkop ka sa mga De Silva nang may pangkain ka anak mo at mapagawa mo ang bahay na sinunog mo,” “Ma naman… ‘Wag niyong ganyanin sina Anton…” “Wow! Ikaw pa ngayon ang nagtatanggol sa lalaking ‘yan? Samantalang, ikaw ‘tong gumawa ng trap noon para mapakulong mo. Anong pinag iba niyan ngayon? May anak pa kayo. Edi totohanin mo. Landiin mo. Ilabas mo ang anak mo sa kanya. At saka ka tumira sa pamilya nila,” “Malaki na po ang kasalanan ko kina Anton, ayokong dagdagan pa ng- “Ang dami mong arte, Aynna! Gusto mong magtrabaho pero choosy ka. Hinahabol ka ni Anton pero pakipot ka. E, ano pa lang gusto mo? Lalapitan ka ng pera?” Yumuko ako, para hindi makita nimama ang pag apaw ng likido sa mga mata ko. Nilapitan niya ang upuan, kung saan ko binaba ang cellphone ko. Kinuha ni mama. Napatingin ako sa kanya. She looked mad when she held it. “Ma…” “Buksan mo,” utos niya. Umawang ang labi ko. Nakita ko ang unti-unting pagsarado ng pinto, pero hindi iyon napansin ni mama. Is it James? Pero natakot na pumasok? Nilapitan ako ni mama, at halos ipagduldulan sa dibdib ko angcellphone. “Buksan mo! Ako na ang lalakad para sa ‘yo! Napakaduwag at arte mo, Aynna!” nandidilat ang mata niyang utos. Nanginginig ang kamay ko nang sundin ko siya. Dyan ba niya kokontakin ang mga ka-meeting niyang producer? Ipapatawag at kontak niya sa akin ang director para makapag-audition? Binigay ko iyon sa kanya. Tumaas ang kilay ni mama habang nakatingin sa screen. She typed. Nang binalik niya sa akin ang cellphone ko, nakita ko sino ang tinext niya. Nanginig ang kamay ko habang binabasa. Ako: Anton, kailangan ko ng tulong mo. Ipapagawa ko sana ang nasunog na bahay ni Lola. Pero wala akong pera ngayon. Gagawin ko lahat ng gusto mo, kapalit ng pampaayos ngbahay. Tulungan mo ako, please. Bumagsak ang panga ko. Bumalik sa couch si mama na tila wala siyang nagulantang na tao. Tiningnan ko ulit angtext. Nihindi ko mabubura ito. Paano kung mabasa na ni Anton? Tiningnan ni mama ang sarili niyang cellphone, at ngumisi. “Oh? Ako na ang nagsabi. Haharapin mo nalang ‘yan. Mahirap ba, Aynna?” Pinunasan ko ulit ang kumawalang luha. Kinuha ko ang bag ko, at walangsalitang lumabas ng kwartong iyon. Nagngitngit ang dibdib kokay mama. Atgusto kong itago ang cellphone, nang marinig ang pag ring nito. --- Facebook: Gianna de Silva Instagram: @missgianna_myraa X: @Gianna14xGracex
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD