Chapter 19

4010 Words
“Wag mong kalimutan o balewalain ang mga salita ko, maging marunong ka, matuto kang mag-isip nang tama. Wag mong talikuran ang karunungan, iingatan ka nya, mahalin mo sya at sisiguruduhin Nyang safe ka.” – Proverbs 4:5-6 -- Chapter 19 Aynna Sabi nila, hindi mo raw mapipili ang mga magulang mo. Inisip ko iyon, at huli na para magmaktol ako. Kung mayroong problema ang mga magulang, hindi dapat dinadamay o nasasangkot ang anak. Pero kapag nakagawa ng kasalanan ang mga magulang, tiyak na ang anak nila magsa-suffer. “Bakit sa tiatro ka pumasok, hija?” nakakunot ang noong tanong ng direktor. Bahagyang tumawa si mama, sabay hithit ng sigarilyo. Yumuko ako. I fidgeted my fingers. Kanina pa niya ako kinakausap dito sa opisina niya. Sila naman ni mama ang talagang nag uusap. “E kasi nga, nag aartista na no’n si Kara, direk,” sagot ni mama. “Pwede naman silang sabay ha, Olivia? Sa tingin ko, magkaiba ng market ang dalawang anak mo,” pinagmasdan ako ng direktor. Medyo nagtagal ang mata niya sa dibdib ko at baywang. Nilingon ko si mama, pero nakangisi lang siya habang ginagawa niya iyon sa akin. “Mas maganda kasi si Kara,” Umangat ang mata ng direktor sa mukha. Nag iwas ako ng tingin. Tumawa siya. “Ito ang panganay mo? Anak niyo ni Lauro Navarro?” tinuro pa niya ako. “Oo nga. Kita mo, hindi maputi? Hindi tulad ni Kara na nagmana sa akin,” may tunog pagmamalaki ni mama. “Pero iba ang beauty nitong panganay mo, Olivia. Morena at sexy. Kung bata pa lang ito sinabak mo na sa pag aartista, baka big star na ‘yan. Ang ganda ng katawan, oh…” inulit na naman niya ang paghagod. Napalunok ako. Nang magkatinginan kami, tila may kislap akong naaninag sa mata niya. Agad kong pinutol ang tinginan na iyon. Hindi ako kumportable. Pumayag akong sumama kay mama, para i-meet ang direktor ng pelikulang sinabi niya sa akin. May sariling opisina ang lalaki, at nasa kuwarenta na ang edad. Kahit nasa bahay, nakasuot ito ng itim na sombrero. Payat siya na may umbok ang tiyan. Pareho sila ni mama na nagsindi ng sigarilyo. Tumingin tingin ako sa mga poster na nakadikit sa pader ng office niya. Iyon daw ang mga sikat niyang pelikula. Mostly, R-rated. Hindi iyon pinapalabas sa sinehan, kundi sa isang streaming website na sumikat dahil sa mga kaparehong tema ng pelikula. Iyong may dark romance, graphic language at nudity. He explains to me his works, but he’s also making sure, na hindi raw nalalabag ang rights ko bilang artista. In that sense, gusto ko na agad umalis at i-turn down ang offer. But my mother isn’t pleased with that. Ang totoo, sumama lang ako para marinig ang nilalaman ng meeting na ito. Pero sa loob ng halos isang oras na pag uusap, walang ginawa ang direktor kundi ang titigan ako. And my mother is oblivious of it. Or is it his normal attitude? “’Wag kang mag aalala sa bayad, Aynna. Malaki ang kikitain mo. Ang generation kasi ngayon, puro naka-smart phone na. Halos lahat, naka-subscribe sa iba’t ibang platform. Naroon na ang mga tao. E, ang cinema, hindi na masyadong dinadayo, kaya perfect ang naisip ng mama mo na ipasok ka sa akin. Malaki ako magbigay ng talent fee basta… masunurin ka lang…” malinaw niyang paliwanag na may halong pang aakit din. Binalingan ko si mama. Tinaasan niya ako ng kilay. “Pag-iisipan ko po muna… direk,” pero ang totoo, hindi ko kaya. Napatayo si mama. Hilong nilingon ang lalaki bago humalukipkip. May pag aalala pa siyang tiningnan ng direktor. “Minsan lang itong offer sa ‘yo, Aynna. Bakit pag iisipan mo pa? Kung bata-bata lang ako, ako gagawa nito, e!” litanya niya. Pero umiling ako, at hilaw na ngumiti. Nagtaas ng kamay ang direktor, at tila disappointed na binagsak ang likod sa kanyang swivel chair. Uminit ang pisngi ko. They don’t want me to think about this. They want me to do this adult film. “First time ba, Olivia?” Inirapan ako ni mama, bago bumaling sa direktor. “Oo. Kaya baka nahihiya pa,” Tumawa ang direktor at hinagod ang kanyang balbas. Nangingislap ang matang tumitig. “Kakaiba, ha? Matagal na kitang kilala. Hindi namana sa ‘yo ang pagiging hubadera mo noon? Maraming nagpantasya sa ‘yo, ah. Kita mo nga’t nabuntis ka ni Lauro Navarro sa batang edad,” tawang tawa niyang sabi. Tiningnan ko si mama. Umirap ulit si mama. Parang nakarinig ng mapait na salita. “Gagong iyon, e. Binuntis lang ako at saka sumama sa ibang babae. Kamuntik ko nang ipalaglag ang babaeng ‘yan. Pasalamat sa akin si Lauro, may anak pa siyang nakilala. Kaya ikaw, Aynna, sunggaban mo ang mga binibigay ko sa ‘yong proyekto. Aba, hindi lahat napapansin ni direk Nyoy. Marunong kumilatis ‘to at fair magbayad,” “May mga napasikat na akong artista, hija. Malay mo, ito na ang breakthrough mo,” Pinagmasdan nila akong dalawa. Kamuntik pala akong ipalaglag ni mama? Pero kung sabihin niya, parang hindi ako ang sanggol na iyon. Nagulat ako, pero parehong hindi nila napansin. Paulit ulit nila akong kinukumbinsing gawin ang pelikula. Pinapunta nila ang actor na makakapareho ko raw. Nakangising pinakilala ako ng direktor sa artistang iyon. This is the first time I saw him. Lumabas na raw ito sa TV at ilang pelikula, pero sa kanya, suki na raw ng mga R-rated films. “Maganda siya, direk, ah! Bagay kami,” mukha siyang masiyahin. Pero ang mata kapag tumitig, medyo malagkit. Sa tingin ko, ganito siya sa trabaho. Kaya sanay nang mang-akit. Tumabi ako kay mama sa sofa. Nakatayo ang lalaki sa tabi ng mesa ng direktor. Nag uusap sila nang mahina ang boses. I took out my phone. Pinalo ni mama ang kamay ko. “Makipag usap ka ro’n! Wag kang puro cellphone d’yan!” may gigil niyang saway. Tinabi ko ulit iyon sa bag ko. Pinakinggan ko ang mga detalyeng pinu-pursue nila sa pelikula. I’ll play the role of an office girl, na magkakagusto sa kanyang boss pero may asawa na ito. In short, kabit pala ang role ko. May halikan, s*x scenes at maghuhubad ako. Dibdib lang daw ang ipapakita ko. At ang mga katawan namin, habang ginagawa ng s*x scenes ay lalagyan ng tape o mga takip sa private parts na hindi masyadong halata sa camera. Panay ang hila ko kay mama paalis sa lugar na iyon. Kung pag usapan nila, parang normal na gawain. I tried to be professional even if my mind is now full of new information. Ganito ang likod ng camera, ang hindi nakikita ng audience. Hindi lahat ng nasa surface, smooth at clear ang ilalim. Ito talaga ang reality at ang process. Ito ang totoo sa likod ng glamorous life na napapanood sa screen. “Pwede mong basahin ang draft ng kontrata, hija? Narito naman…” hindi pa ako nakakasagot, inabot na iyon sa akin. Nanginginig ang kamay ko, nang mahawakan ang bond paper. Binasa ko iyon sa harapan nila. Sinabi ng direktor ang talent fee na makukuha ko at ilang opportunity na pwede kong mahawakan. A talent agency, more projects and even TV appearances. Iyon, ay kung kukunin ko ang in—offer niya. “Akong bahala sa ‘yo. Gagawin kitang big star!” malagintong pangako ng direktor. Tumawa si mama at biniro ito. Then, they talk about the commission and the projected amount if the this movie will debut successfully. Hindi ako makatingin. Sa kanila, tila abot-kamay ko na ang pangarap dahil nariyan sila. Ang lalaking actor ay nakikitawa at sinasabi sa akin ang mga narating niya dahil kay direk Nyoy. Hindi ko iyon malunok. Dahil hindi ko kayang gawin ang nirerequire ng production. Pagkauwi ko, naabutan kong nasa bahay si Anton. Nanigas ang lalamunan ko. Siya ang kalaro at bantay ni Xavier sa sala! “A-Anton… anong ginagawa mo rito…” gulantang tanong. He looked up at me. Pati si Xavier. Tumayo ang anak ko, at nagpabuhat sa akin. Anton smirked. “Wala ka na naman, pagpunta ko…” he stood up. Binuhat ko si Xavier. Binagsak niya ang ulo sa leeg ko, inaantok na naggusot ng mata. Mangha kong tiningnan si Anton. Nakakunot ang noo niya habang pinagmamasdan kami. Napalunok ako. Hinanap ko si Liza, pero dumeretso na ako sa kwarto niya. I excused myself. “Inaantok na itong bata. Uh… ipasok ko lang sa room nila,” nagkumahog ako papasok sa room. Wala roon si Liza, pero naroon si Aling Corazon. Maputla siya. Kinuha niya sa akin si Xavier. My son cried. At muli kong binuhat. Tumahan ito agad. “Kanina ko pa nga tinatawagan si Liza, kaso hindi sinasagot. Pumunta siya sa tindahan niya,” paliwanag ni Aling Corazon. “Hindi ako makalabas dito. Kako, baka bigla kang dumating,” “Bakit ‘di niyo po ako tinawagan na nandito si Anton?” “Siya ang nagsabi na huwag na. Pero alam niyang si mama mo ang sumundo sa ‘yo rito kanina,” Tumango lang ako. Nakatulog na si Xavier sa balikat ko, kaya dahan dahan ko siyang binaba sa kama. Anton saw him again. Anton played with his son. Mabuti at hindi ako tinawag ni Xavier. Siguro, pagod na siya kakalaro sa labas dahil hindi makuha ni Aling Corazon. Binalikan ko si Anton sa sala. He’s now standing and quietly staring at the large painting of his Lolo Eduardo de Silva’s family. Nakasuksok sa bulsa ang mga kamay niya, habang nakatingala. Walang ingay akong tumabi sa kanya. Tumingala na rin ako sa painting. But just for a short while. Nilingon ko siya, at humawak sa braso niya. “Kumain ka na ba? Gusto mong ipagluto kita…” nagulat din ako sa una kong tanong sa kanya. I’m so freaking nervous when I saw them together. Pakiramdam ko, mamalugatan ako ng hininga. Did he feel something? Lukso ng dugo o ano? Nilingon niya ako. Bumaba ang mata niya sa suot kong puting sando at high waist na maong. Tumingin ako sa mata niya. He tilted his head a little. I’m showing some skin, and I bet, he’s against of it. Kaya lumunok ako. Hinawakan ko ang strap ng sando. Tumaas ang isang kilay niya. Sinubukan kong ayusin ang damit na bahagyang bumaba at nasilip ang cleavage ko. Hindi naman siya nagsalita ng masama, pero kita naman ang mga masasamang salita sa mata niya. Hindi na niya kailangang sambitin. Kita ko na. “May kinausap kami ni mama na direktor… ng pelikulang in-offer…” Damn. s**t. I chose the wrong explanation, kung ganito nag suot ko. And I still don’t like the project. It’s not for me, though. His lips protruded a little. Nakapamulsa at nakataas ang kilay niya. He’s making me uncomfortable with that. Pinapakita niyang nakakainsecure siya. “What kind of movie? I don’t want you to do romantic one, Aynna.” Napalunok ako. Patuloy kong inayos ang sando, para makaiwas ng sagot sa kanya. It’s more than that, Anton! Pero hindi ko talaga gagawin. Kahit pa… naiisip ko ang tinext ni mama sa kanya, gamit ang number ko. Tinitigan ako ni Anton. Lumapit, at hinapit ang baywang ko. Inagaw niya ang pagtaas ng strap ng sando ko. Kaya, binaba ko ang kamay, napahawak na lang sa braso niya. I looked down at his chest. Ang ilang butones ay nakabukas. Nasisilip ko ang dibdib nito at maliliit na balahibo. I looked up at his face, and I caught him staring at me. I bit my lip. Napatitig ako sa mapula niyang labi. Iyang labi lang ang nahalikan ko, at ang labing tanging umangkin sa akin. Nagkatinginan kami. Iyang mata lang ang nakakita sa kabuuan ko, at siyang may alam ng bawat kasuluk-sulukan ko. Hindi ko maisip na may iba pang gagawa no’n kahit pa sabihing dapat ay professional ako. I admit. I am possessive of my own body. Hindi ako conservative, at hindi ko rin minamata ang gumagawa ng mga adult film. Pero marahil naiiba ang pananaw ko. Iba rin ang pananaw ko roon sa tiatro na may halikan. Maybe, it’s a matter of the quality? The originality of the story? The goal and passion of the maker? I dunno. But I’m just not into that film. And I thought a lot of this man while keeping my mind away from it. I have a boyfriend. I have a son. Though I am in need of money, I don’t want to lose myself in the name of it. I want to keep track of my sanity, if it is the only thing I have to do in my life. Marahan kong pinagpag ang balikat ni Anton. Mabini niyang hinaplos ang balikat ko, at pinaloob pa sa strap ng sando para makababa sa cleavage ko. I gasped and looked up at him. Diniin niya ako sa kanya. “Answer me…” his raspy tone. “I’ll play a role of a mistress…” I lowered my voice, and stared at him. Mabigat siyang bumuntonghininga. Sandaling napaisip, bago inulit ang paghaplos sa akin. “I don’t like it,” he leaned and whispered on my ear. “Bakit? Dahil kabit ako?” “Because it’s still under the category of romance. May kapareha kang iba,” Bumaba ang mga kamay ko sa baywang niya, at pinulupot ko rin doon. Ramdam ko ang mainit na hininga ni Anton. Napapapikit ko, habang nilalambing ng labi niya ang gilid ng mukha ko. “Yes. And they will require me to do kissing scene…” He groaned louder. His snaking arms went around me in a possessive stance. I giggled. Nagmura siya, kaya napalo ko sa likod. Nilubog niya ang mukha sa leeg ko, at kinagat ako. “Aww, Anton!” saway ko. Hinalikan niya ang parteng kinagat. Feeling ko, magmamarka iyon pagkatapos. “No kissing scene, Aynna. No. f**k, no.” mariin niyang sabi. “Kaya nga ang sabi ko sa kanila, pag iisipan ko muna…” “Tanggihan mo agad. Huwag mong pag-isipan.” he said like a boss. “Ayoko rin naman gawin ‘yun…” “Bakit?” hinagod niya ang likod ko, habang humahalik sa leeg ko. “Hindi ko kaya…” at nahihiya akong sabihin sa kanya ang pelikulang iyon. That it’s an adult film. Iyon ang project na unang nag offer sa akin. “That’s fine. Mayroon pang iba. ‘Wag lang ‘yong may hahalikang iba. Ako lang ang may karapatan sa labi mo…” “Oo…” then, I bit my lip. He sighed heavily and continued assaulting my neck. Tinawag ko siya para tigilan ang ginagawa, pero tiningnan niya lang ako. Hinaplos ko ang pisngi niya, ang ilong niya at ang labi niya. Napatanong ako, okay na ba kami? Pwede ko kayang simulan ang pagpapakila kay Xavier? But everytime he’s insisting how territorial he is with me, umaatras ang dila ko. We still don’t have the strong foundation, other than starting to be clingy at each other. Hanggang kailan lang ba ito? Isang linggo? Dalawa, tatlo, isang buwan? Pwede siyang magbago at magalit ulit. At pwede rin siyang magsawang gamitin ako. Sex is s*x. Marami siyang pagkukunan niyan. Pero kapag iniwan na niya ako, at nagkainterest sa anak namin, sa huli ay mag-isa na lang ako. So, I have to be careful. I need to. Kung makikita kong ready siya at malawak ang pag iisip, pwedeng magbago ang ikot ng mundo. Pagkauwi ni Liza, saka lang ako nagpalit ng damit. Pang itaas lang. Niyaya akong lumabas ni Anton. Sumunod ako. Humingi ng pasensya si Liza dahil umalis siya. Nag sorry ako dahil hindi naman niya responsibilidad si Xavier. Umalis kami ni Anton para mag date. We went in the Paradise Hotel and Casino. Kinabahan ako agad. Napareserve siya ng isang VIP room para sa amin. Binati kami ng manager, at siyang naghatid sa amin sa room. Kilala si Anton. I think, madalas din siya rito. “Nagka-casino ka rin ba?” I just asked and looked around the place. Iba ang ambiance nito sa Manila Palace. Nagkibit balikat siya. “Sometimes…” Sinilip ko ang menu. Tiningnan ko pa sa malapitan kung tama ba ang mga nakahilerang presyo. Nag angat ako ng tingin kay Anton. Nakangiti ang waiter na kumukuha ng order niya. Binaba ko ulit ang paningin sa menu. Everything is expensive. Kahit orange juice. Napalunok ako. Pagkakain namin, lumipat kami sa ibang lugar. Sa bar na nasa The Paradise rin. Nakapulupot ang braso ni Anton sa baywang ko habang naglalakad kami papasok. Napapalingon ang iilang naroon na. Medyo dim ang ilaw pero nagkakakitaan pa rin ng mukha. I saw them smiling and nodded at him. Napapalingon ako sa kanya kapag may ganoon. “’Wag ka nang uminom nang marami, ha? Magdadrive ka…” paalala ko, pagkaupo namin. Sinerve agad kami ng inumin ng bartender. He grinned, then leaned on my ear. Bigla kasing lumakas ang music. “Yes, baby…” I almost giggle like a teenager who just saw her ultimate crush. Nilapitan siya ng isang kakilala, at bumati. He only nodded at me. I chose to nurse my drink than to talk with them. Alam ko kasi, nakikilala nila ako. Ang pagpapakanulo ko kay Anton at ang eskandalo. Kita ko iyon sa tinging pinupukol nila, na may kasamang bulong sa katabi. Nagtawanan sina Anton at ang matangkad na lalaki. He snaked his arm again, while chatting with him. Ako, iyong baso ang pinagkaabalahan. May stage roon at may banda. Lalaki ang lead vocalist. Pero napansin ko ang guitarist na cute rin. Kaya habang may kausap si Anton, nilibang ko rin ang atensyon sa stage. “She’s here, baby,” Nagulantang ako. “Huh?” sino raw? “Sige, pare. Mauna na ako. Nice to see you again here nga pala. I guess, you’re back?” natatawang sabi ng kausap. “I’m back. Thanks.” sinundan iyon ng iling ni Anton. Sinundan ko ng tingin ang lalaki, na umiling din kay Anton. Kumunot ang noo ko. Nilingon ako ni Anton, at tumayo sa gilid ko. Naharang niya ang tingin ko sa kaibigan niya. “I got you an architect. She’s here now,” abiso niyang mabilis. Umawang ang labi ko. Nakangiting lumapit at humalik sa pisngi ni Anton ang isang magandang babae. “Oh my god! Long time no see, Francis! Kumusta ka na? Buti naman nakipag catch up ka sa akin,” Anton chuckled, like some boy next door guy in the campus. Namula lalo ang pisngi ng babae, na architect daw? He got me an architect? Ibig sabihin… “I need your service that’s why,” “Ow! Ang bully mo pa rin, ha! Excited pa naman akong makita ka! Way back in college, crush na kita, ‘no! Tapos…” napatingin siya sa akin, at sa braso ni Anton na nakaikot sa baywang ko. Agad niyang tinakpan ang bibig. Anton chuckled. Nilingon niya ako. I just nervously gulped. “Carrie, this is Aynna, my girlfriend. Baby, this is Carrie, a former schoolmate of mine.” Ngumiti ako at tumango lang sa babae. Pinalo niya sa balikat si Anton. “May girlfriend ka na pala! Ang daya nito!” sinulyapan niya ako ulit, pero ang kinakausap lang ay si Anton. So, I looked down at my champagne flute. They don’t need me here. Pinaupo ni Anton ang babae sa bar. Umorder ito ng inumin. Mukhang sanay siya sa mga ganitong lugar, at may alam sa mga inuming mamahalin. Si Anton kasi, siya ang pumipili para sa akin. Pinanood ko kung paano siya uminom, tumawa at makipagbiruan kay Anton. Walang kyeme. Mukhang close sila noon. Ang daming memories na binalikan. “May ipaparenovate kami, Carrie. Lumang bahay ng Lola ni Aynna. Kamakailan kasi, nasunog. We want to rebuild it,” Nagulat ako. Napaangat ako ng tingin kay Anton. Ipapagawa niya ang bahay ni Lola Olimpia. Damn. Uminit ang pisngi ko sa hiya. Si mama ang nagtext sa kanya. Akala niya, ako iyon. Napapikit ako. Sumeryosong bigla ang usapan nila. “Kung walang blueprint, okay lang. Just give me the address, at titingnan ko nang personal. Heritage ba?” Binalingan ako ni Anton. Sumunod ang babae. Yumuko si Anton para mahanap ang paningin. “How old is your Lola’s house, Aynna?” I licked my lips. Pareho silang naghintay ang sagot. Iba lang ang titig si Carrie. Malamig ang kanya. I just gulped nervously but thankfully, I managed to fix myself. “1940’s pa yata ang bahay o mas luma pa roon…” “Oh. Kaya siguro madaling nasunog. Hindi ba name-maintain? May renovation na siya before?” tanong ng babae sa akin. Tumango ako. “Meron namang nagbago. Ang mama ko ang nagpagawa no’n…” “Oh, okay. Titingnan ko,” binalik niya ulit ang atensyon kay Anton. Nag usap sila ng tungkol sa dating mga kaklase. I became more uncomfortable with them. Kaya nag excuse ako. Mabilis akong nilingon ni Anton. I smiled a little. “Rest room lang…” mahina kong sabi, at paalam sa kanya. He stood up. Kumunot ang noo ko. “Samahan kita,” Umiling ako. Napatingin ako kay Carrie na sumimsim lang sa baso niya. “Sandali lang ako. Dito ka na lang,” Tinitigan niya ako. Tiningnan ang way papunta sa rest room bago bumuntonghininga. “Alright…” Ngumisi ako sa kanya. Ilang mga babae ang nakabangga ko papunta sa rest room. Galing na sila roon, at pakiwari ko mga lasing na. Umiwas ako sabay pasok sa loob. Habang naghuhugas ako ng kamay sa gripo, sinuri ko ang sarili sa salamin. Maganda si Carrie. Halatang malayo na ang narating sa buhay. Ang pula ng pisngi niya at ang labi medyo makapal. She looked like a celebrity. Mukha ring matalino. Ang dali niyang nakibagayan si Anton. Tumalikod ako at sinandal ang puwitan sa edge ng sink. Humalukipkip ako, at tumitig sa kawalan. Mag isa lang ako sa CR. Dinig ang ingay sa labas pero rito, mas nakakapagmuni-muni ako. I took out my phone. Walang text si Liza. Tiningnan ko ang inbox ng conversation namin ni Anton. Hindi ko sinagot ang reply niya doon sa tinext ni mama. Anton: Ako nang bahala roon, Aynna. We’re together so… I just want you stay with me. And you don’t have to pay me back. Magkano kaya aabutin ng gastos sa pagpapaayos ng bahay? May isang milyon kaya? Magkano ang bayad kay Architect? Kung bayaran ko si Anton nang pagulat? Ayos lang iyon siguro. Para wala akong masyadong utang sa kanya. “Bakit kasi pumayag siya agad? Kumuha pa ng architect. Hindi man lang nagdalawang-isip… Hindi ba siya nakaramdam na baka piniperahan ko lang siya o ginagamit? Manhid ba siya?” kausap ko sa sarili. Alam kong sobrang yaman niya. Kaya nga, panay ang tulak ni mama na landiin ko si Anton at makikupkop sa pamilya niya. Baka kapag nagtagal kami ni Anton na ganito, baka hindi lang ako pagawan niya ng bahay. Baka si mama magpagawa rin sa kanya! I don’t want to think about but I can’t help it. Tumunog ang cellhone ko, at saktong nagtext si mama. Mama Olivia: May schedule ka ng photoshoot next week. Kinuha na rin kita ng road manager mo. Magtrabaho ka na para may pampasweldo roon! Kung hindi, si Anton ang sisingilin ko sa lahat ng nagastos ko sa ‘yo! Umawang ang labi ko, at saka ako nakaramdam ng pagkirot sa dibdib. I need to take the job. Mas nadagdagan pa yata ang bayarin ko. I scoffed at my poor self. I’m so poor right now. Poverty is embracing me. Ito lang yata ang kumakapit sa akin nang matindi. I tried to type my reply, pero wala akong masabi kay mama. Binaba ko ang cellphone, at yumuko. I shook my head and suppressed the hot tears from my eyes. --- Hi! For upcoming announcement, Selfpub details and book/s to be published, to ensure that you are updated, you can follow me on my official social media account: Facebook: Gianna de Silva Instagram: @missgianna_myraa X: @Gianna14xGracex Have a blessed day. Thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD