“Ang pinakamahalaga sa lahat ay maging marunong, at sa lahat ng pwede mong makuha, talino ang piliin mo.” – Proverbs 4:7 -- Chapter 20 Aynna Nakatulog ako sa sasakyan ni Anton pauwi sa bahay. Pagdilat ko, nakahinto na ang sasakyan sa tapat ng pinto. Tahimik at sarado. Lumingon ako sa kanya. Parang ayaw pa niya akong gisingin, kasi nakaupo lang siya sa driver’s seat at pinapanood ang pagtulog ko. Sinuklay ko ang buhok na nakaharang sa paningin ko, at nginitian siya. “Thank you sa paghatid. Pasok na ako…” inalis ko ng seatbelt without waiting his response. Humikab pa ako. “Can I sleep here?” Kumunot ang noo ko. Pagkalas ng seatbelt, nag angat ako ng tingin. “Wala ka bang work bukas?” He looked outside, and at the house. “Meron. Maaga na lang akong uuwi…” I sighed. “Baka ku