Chapter 93 WALANG nagawa si Sia nang mapilit siya ni Elrich na samahan siya sa pamimili, tahimik lang ito at ang binata ang lahat na nagbuhat sa mga pinamili nila. Nang makarating naman si Sia sa bus stop, wala naman siyang balak sumakay doon dahil gusto sana niyang gumamit nang kapangyarihan para makabalik agad sa Templar ngunit hindi naman niya maaring iwan ang binata at baka maghinala ito sa kanyang katauhan. Wala pa naman siyang balak isiwalat ang katauhan niya sa mga ito lalo na’t baka madamay ang mga kasama niyang pinangangalagaan at higit sa lahat importante para sa kanya sa ngayon. “Pwede mo na akong iwan dito, maraming salamat sa lahat,” wika ni Sia. Ngunit hindi pa rin binibitawan ni Elrich ang mga pinamili nilang nakalagay sa bagong eco bag na siyang pinagtaka ng dalaga. “Ih

