Chapter 94 HALOS ilang minutong nakatulala si Sia, wala siyang pakialam kung naghalo ang pawis at luha niya hanggang sa mahupa ang emosyon niya’y hinayaan niya ang kanyang sarili. Napasulyap si Sia sa pinto nang may kumatok mula sa labas, agad na niyang naramdaman kung sino ito. Tumayo siya at nilapitan ang pinto saka ito binuksan hindi siya nagkamaling makita si Geo na may dalang tray ng pagkain. Napatitig sa kanya ang binata lalo na sa mga mata niyang namumugto. Hindi niya iniwas ito lalo na’t ayaw din niyang magtago sa pagkakataon na ito. “Kumain na po kayo, ito dinalhan ko na po kayo ng makakain,” wika ng binatang si Geo. “I’m fine, hindi ka sana mag-abala,” saka kinuha ni Sia ang tray, “maraming salamat pa rin, pwede na kayong magligpit para naman makapagpahinga na kayo bago tayo

