Chapter 90 TANGHALING tapat at nakatambay si Sia sa harden rooftop ng Templar, dito sila nagtatanim ng mga gulay at prutas na kakailanganin nila sa putahe. Pinasara at hindi na muna sila tumanggap ng panauhin sa araw na yon dahil nagluluksa sila sa pagkamatay ni Gaea, binuwis nito ang buhay para lang sa kaligtasan nila, hindi pa rin makapaniwala si Sia sa nangyari lalo na ang mga kasama niya. Hindi pa rin natatapos ang nararamdaman niya sa lugar na iyon, may kakaiba pa ring bumabalot na sila lamang ang nakakaramdam, sunod-sunod ang ilang pagsapi sa ilang inosenteng mga babae at bata. Mukhang normal ang siyudad ngunit para sa kanila hindi, para hindi makulimlim na kalangitan na sila lang ang nakakapansin at nakakakita. Laking pasalamat na lamang ni Sia na ligtas sila sa loob ng Templar ng

