Chapter 103 Nanginginig niyang dasal pagkatapos niyang banggitin ang huling salita ng dasal niya para sa araw na iyon, gulong-gulo ang silid niya, nakapalibot ang asin na ginawa niyang pentagram para sa orasyon na iyon sa Feast ngunit walang nangyari, hindi tinanggap ang dasal niya dahil hindi naglaho ang asin na gawa niya para roon. Walang nagawa kundi ang lumuha dahil wala siyang nararamdaman na paglaho, tuluyang kinuha ni L ang kapangyarihan nilang mga mangkukulam, napasalampak siya sa puwesto niya. Awang-awang tinignan ang benda sa kamay niya dahil sa galos na nangyari para lang mailigtas si Elrich, dahil sa panggigigil at galit naikuyom niya ang mga kamao maging dahilan para muling magdugo ang mga galos niya sa kamay lalo na’t humigpit ang tali ng benda sa kanyang kamay. Gusto niyan

