Chapter 15

1164 Words
Chapter 15 PARA akong nawala sa realidad, lumuluha ako at nag-hallucinate ng mga pangyayari nong gabing ‘yon, “ma…ma…” Hindi ko na rin maramdaman ang sarili ko, nakikita ko silang nakahandusay sa harapan ko at sa silid na ‘yon. “Sia, gumising ka, andito ka! Sia, gising!” Iyon lamang ang naririnig ko at isang malakas na sampal ang nagpagising sa ‘kin. Napataob ako sa sahig, parang namamaga at nabibingi ako sa lakas ng sampal na ‘yon. Nakakunot-noo akong dahang-dahan sumulyap kung sino ang may gawa sa ‘kin nu’n, hindi ko alam kung magagalit ako kay Nikita o magpapasalamat sa ginawa niyang sampal na hawak ko ngayong pisngi. “Halika na!” Sigaw niya sa harapan ko, tatakas na sana kami, naalalayan niya akong makatayo ngunit natalunan siya ng lobo kaya napabitaw kami sa isa’t isa na kamuntik pa akong madala, nalilito na ako at hindi alam ang gagawin nang makita si mang Ryan na pinangwawasiwas na niya ang shotgun niya sa isa para labanan ito. Agad akong naghanap ng pwedeng pang laban hanggang sa makita ko ang vase malapit sa paanan ko na nanggaling pa sa nasirang lamesa sa gulong nangyayari sa mansyon, dinampot ko ito at agad na hinampas sa ulo nong lobo. Napaatras siya at pinakawalan si Nikita na ngayo’y may galos na ngunit parang wala lang sa kanya, winasiwas ng lobo ang ulo niya na parang nahihilo o nababaliw sa ginawa ko saka siya kaya napukaw ko ang atensyon niya. Umaangil siyang napasulyap sa ‘kin. “Tumakas ka na!” Sigaw ni Nikita nang makatayo ito at kinuha ang maliit na lamesa pilit niya itong binuhat saka dinagan sa lobong kaharap ko. Bumagsak ang lobo saka inipit ni Nikita, “dali na!” Muli niyang sigaw kaya nagdadalawang isip ako kung makikinig ako sa kanila ngunit kosa nang kumilos ang mga paa ko, patakbo akong tumungo sa hagdan para humanap ng matatakasan sa second floor ngunit hindi pa ako nakakatakas nang dambahin ako ng isa sa kanila, mabigat siya at nakakalmot na ako ng kuko niya sa paa. “Ahhhhh!” Mas lalo niyang diniin ang paa niya para mas lalo akong masaktan, para bang nababali ang buto ko ng dahan-dahan, ngunit isang malakas na hangin ang dumaan, gumaan ang pakiramdam ko at tumilapon ang lobo sa pinakaunang step sa second floor, nagmadali akong humarap sa direksyon ng pinanggalingan nong nagtapon sa itim na lobo, nabigla ako nang makitang muli ang puting lobo sa harapan ko, sa tuwing nasa panganib ako’y nariyan siya para iligtas ako. Sandali siyang tumingin sa ‘kin, nanginginig ang mga siko kong nakatungkod sa hagdan habang nakaharap sa kanya, nahihirapan, naghahalo na ang pawis at alikabok ng mansyon. Muli siyang bumalik sa pakikipaglaban at pinuntirya niya ang natitira pa. Nakahandusay na si mang Ryan at wala nang malay sa sahig habang pilit siyang ginigising ni Dario siguro’y nagising sa pangyayaring gulo, nanghihina naman si Nikita habang nakasandal sa may pader. Muli akong napasulyap sa puting lobo, ilang segundo lang akong nalingkat marami na siyang kalmot sa katawan, hindi ko akalain na kaya siyang talunin ng itim na lobo ngunit lumalaban pa rin siya. Nong sumugod siya agad ding sumugod ang kalaban para maging dahilan ng pagsalpukan nila ngunit siya ang dehado. Bumaba ako sa hagdan at hindi na ininda pa ang sakit sa sugat ng aking likod. Kinuha ko ang shotgun ni mang Ryan at dumampot ng isang bala. Hindi ko alam kung paano ko nagawang ilagay ang bala sa lalagyan nito saka kinasa samantalang ngayon pa lamang nakahawak ang nanginginig kong mga kamay sa bagay na iyon. “A-anong gagawin mo?” Takot na takot na tanong ni Dario sa ‘kin. Hindi ko na lamang siya pinansin at pakay ko talagang makapatay ng kahit isa sa kanila na siyang naging dahilan para sirain ang perpekto kong pamilya. Kinuha nila ang buhay ng mga magulang ko, sinisisi ko sila kung bakit nawalay ako sa kanila! Agad kong pinutok ang shotgun kasabay ng bugso ng damdamin kong nangangalit ngayon, para pang tatalsik ang katawan ko sa lakas at bigat ng shutgun. Mabilis na tumama ito sa itim na lobo, hindi makapaniwala ngunit namamangha na nagawa ko ‘yon, bumagsak siya at malayo rin ang tinalsik nito. Nagkalat ang dugo at utak niya dahil sa ulo ko siya natamaan. Mabilis naman na kumilos ang puting lobo saka kumaripas ng takbo palabas. Bumagsak sa paanan ko ang baril nang bitawan ko ito, hindi ko na pinansin pa ang kalat dahil sa nangyari nang tumakbo ako palabas para tignan si Kalen nang maalala ko ito, narinig ko pa ang pagtawag sa ‘kin ni Dario ngunit hindi ko siya pinansin. Humihina na ang ulan, hinayaan kong magtalsikan ang putik at damit ko nang tumakbo ako hanggang sa wala akong makitang Kalen sa labas ngunit naroon ang damit niya. Dahan-dahan akong lumapit para masigurong kanya iyon, kinuha ko ito at tama akong kanya ito na siyang pinagtaka ko nang makitang sira-sira na ito na parang pinilit punitin. Nagpalinga-linga ako nang mapansin ang bakas ng mga paa nong lobo. Sa isang iglap bigla akong kinabahan at may pumasok sa ideya sa isip ko na pilit kong winawaglit dahil imposibleng mangyari. Nakita ko na lang ang sarili kong sinusundan ang bakas ng mga paa na iyon hanggang sa makarating ako sa kakahuyan sa likod ng mansyon, hindi ko na isip pa ang panganib na mangyayari sa ‘kin. Natigilan ako at napasinghap nang makita sa ang puting lobo na may ilang metro lang ang layo sa ‘kin, huminto siya roon at dahan-dahang nagbago ang kanyang anyo, tutok na tutok ang mga mata ko sa kanya hanggang sa maging pigurang tao ang dating puting lobo, puno ng galos, mga kalmot ang likod at paa niya. Ang hindi ko makapaniwala dahil pamilyar ito sa ‘kin, “Ka---kalen?” Bulalas ko. Natigilan siya at dahan-dahan humarap ang hubad niyang katawan. Wala na rin akong pakialam na makita pati ang pribadong parte ng katawan niya, balot siya ng putik at mga sugat lalo na sa dibdib. Tinignan ko siya mula paa hanggang ulo, hanggang sa mapatitig ako sa nanghihina niyang mukha, para bang babagsak ang mga mata niya na nakatitig sa ‘kin. Binuka niya ang bibig niya ngunit walang salitang o tunog na lumabas ro’n. Inangat niya ang kanan niyang kamay saka tinuro sa direksyon ko na para bang inaabot sa ‘kin… “Kalen!” Napasigaw ako sa gulat nang bumagsak na siya at tuluyang tinakasan ng lakas. Agad akong lumapit sa kanya at kinuha ang ulo niya para alalayan ito, tinakip ko sa ibaba niyang parte ng katawan ang damit niyang sira. Hingal na hingal ako at hindi alam kung anong klaseng tulong ang gagawin ko sa kanya habang palinga-linga ako sa paligid hanggang sa matanaw ko ang direksyon ng isang maliit na kubo gitna ng kakahuyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD