Chapter 14
“Hi---andito pala si sir Kalen, magandang umaga po.”
Parehas kaming napasulyap nila Kalen sa biglang pagdating ng bisita sa pintuan, sa una’y nagtaka ako kung sino ito hanggang sa makilala ko siya. Agad akong napatayo kaya nabitawan ako ni Kalen.
“Dario…diba dapat nasa ospital ka pa?” Nag-aalala kong tanong sa kanya saka ako lumapit sa kanya, napasulyap ako sa gasang nakabalot braso niyang nakalmutan hanggang pulso kaya inaalalayan niya ito, maputla pa rin siya ngunit nagagawa na niyang ngumiti na akala mo walang nangyaring masama sa kanya.
“Surprised!” Masaya niyang wika ngunit napangiwi at napahawak uli sa braso niya nang makaramdam siya ng kirot, “aray, biglaan nga eh, hinihintay man lang akong magising at sabi’y maari na akong makalabas, hindi rin ako sanay sa ospital kaya mas gusto kong lumabas na rin para hindi na magtagal pa ro’n, hindi ko gusto ang amoy sa ospital,” napasulyap siya kay Kalen at doon ko lang napansin na nakalapit na pala ito sa amin, ngumiti siya na may hiya, “hello po uli,” sabay kaway pa niya gamit ang isa niyang kamay.
Tumango lamang si Kalen sa kanya kaya muling binalik ni Dario ang atensyon niya sa ‘kin, “nasa baba sila mama, sir Kalen, gusto mo bang sumabay sa agahan namin?” Tanong niya sa binata.
Hindi ko na inaasahan na sasama siya sa amin ngunit nanlaki ang mata ko sa sinagot niya.
“Sure,” tipid na wika ni Kalen.
Hindi ako lumingon sa kanya at ayokong makita ang reaksyon ko. Mabilis ko itong binago, hindi siya tumanggi na siyang pinagtataka ko ngunit hinayaan ko na lamang siya sa kanyang desisyon.
“Ayown, halika na sa baba, pero pasensya na kakaunti lang ang naihanda namin at saka hindi naman kasi agad nagsabi si papa,” kwento ni Dario habang papalabas na kami ng silid at pababa patungong unang palapag, siya lang ang nagsasalita hanggang sa makarating kami sa kusina.
Napasulyap sila Nikita sa aming pagdating ngunit hindi na siya nagulat nang makita si Kalen, siguro’y naikwento rin sa kanya ng asawa niya na andito ang isa sa mayamang nakatira sa Caroline, ngitian niya ito para batiin at inalok na sumalo sa aming agahan.
“Salamat po,” Kalen politely said to her.
Tumabi si Kalen sa ‘kin nang makaupo na kami sa harap ng hapag, napapagitnaan nila ako ni Dario, nagagawang ngumiti nila Nikita si Kalen kahit tipid na hindi ko makita pag kaharap niya ako, siguro’y hindi rin ako palangiti sa kanya at nagpapakita ng paggalang kila Nikita.
Katulad nga ng sinabi nila Dario hindi ganu’n karami ang nakahanda, simpleng tinapay, pritong itlog, gatas, kape at keso na galing din mismo sa mga paninda nila Nikita na sila pa ang may gawa.
“Sige kain na po,” alok ni mang Ryan kay Kalen nang abutin siya ng tinapay.
Kukunin ko sana ang tinapay nang mapansin ni Nikita ang braso ko.
“Anong nangyari riyan?” May pag-aalala sa kanyang boses.
Agad kong binawi ang braso ko, “o-okay lang ako, may biglaan lang habang tino-tour ko Ka---sir Kalen kanina rito sa manor, nalinisan na rin naman kaya hindi naman na ‘to lalala.”
Tumango-tango na lang siya at hindi na gaanong nag-usisa.
Habang nag-uumpisa ang agahan napasulyap si mang Ryan sa bintana at napakomento, “naku, parang biglaan ata ang pagbabago ng panahon, kanina’y napakaganda ng araw at ngayong bigyang bagsak ng malakas na ulan.”
Napasulyap din ako sa bintana, namangha ako sa napakadilim sa labas at napakakulimlim ng kalangitan kasabay ng malakas na ulan. Nang binalik ko ang atenyon ko sa lamesa nasagi ng aking paningin ang kamao ni Kalen na nakakuyom at kaunti na lang ay masisira na niya ang baso na may lamang gatas. Visible ang ugat niya roon na para bang nanggigigil dahil sa sobrang higpit nong pagkakahawak niya.
NATAPOS ang agahan na walan naman masyadong nangyari ngunit mas lalo pa atang lumakas ang ulan kaya hindi makaalis-alis si Kalen. Naroon lang kami sa sala habang nagliligpit sila Nikita sa kusina at si Dario naman ay nasa silid na niya para magpahinga pa dahil mukhang pagod pa ito galing sa ospital.
Hindi ko alam kung anong kailangan kong ikwento ko Kalen ngunit napapansin kong hindi talaga siya nagibo at para bang palinga-linga sa paligid.
“Okay ka lang ba, may problema ba?” Nag-aalala kong tanong sa kanya, para bang may nakikita siya sa mansyon na hindi namin nakikita kaya nagpakilabot sa buong braso ko ang ideya na yon.
Tumayo siya at naglakad hanggang sa huminto sa tapat ng pinto. Napakunot-noo akong nakatitig sa kanya at napatayo na rin sa pagtataka. Hanggang sa may mapansin akong kakaiba sa paligid ko, sobrang bilis ng pangyayari, napaatras at napaupo ako sa gulat habang nakahawak sa sofa dahil sa biglang pagtalsik ng double door sa mismong harapan ni Kalen para maging sanhi para madagagan siya nito nang makasabay siya sa pagtalsik hanggang sa paanan ng hagdan.
Nanlalaki ang mga mata kong napatitig kay Kalen na ngayo’y walang malay sa ilalim ng sirang pintong nakadagan sa kanya, unti-unti akong napasulyap sa pinto nang may aninong pumasok, ngunit hindi na ako nakakilos nang isa hanggang tatlong nangangalit na lobong itim ang pumasok sa sirang punto, tumakbo ang isa patungo sa pintong nakadagan kay Kalen saka roon tumayo para lalong madaganan si Kalen.
Hindi ko magawang maikilos ang katawan ko nang unti-unti nang lumalapit ang isa sa direksyon ko, kahit man lang makasigaw para makahingi ng tulong ay para akong napipi. Muli akong napasulyap kay Kalen nang maalis ng lobo ang nakadagan na pintong kahoy sa kanya, hindi ako makapaniwala na puno ng dugo ang buo niyang ulo na wala pa ring malay, mas lalong bumilis ang t***k nang puso ko at hindi na makahing nang maayos.
Ginamit niya ang pangil niya para maingat niya ang katawan ni Kalen at mabilis na tinapon hanggang sa tumalsik si Kalen palabas ng mansyon. Pagsulyap ko lobong papalapit sa ‘kin para bang huminto ang aking paghinga nang sobrang lapit na nito sa ‘kin, huli na ang lahat nang makatakbo ako para tumakas nahila niya ako sa sapatos ko gamit ang pangil niya.
“Ahhhhhh! Tulong! Tulong!” Pilit kong hinihila pabalik ang katawan ko para makatakas at pilit na naghahanap ng makakapitan.
Napatakip ako sa tenga ko at itinago ang sarili sa braso ko nang makarinig ako nang putok ng baril, nangimginig ang buo kong katawan lalo na ang kalamnan, parang gusto kong isuka ang kinain ko kanina lang, dahan-dahan akong lumingon sa paanan ko, nakadagan sa paa ko ang ulo ng duguang lobo at saka ako unti-unting napasulyap sa direksyon ng pinanggalingan ng baril.
Umuusok pa ang dulo ng shotgun ni mang Ryan at maangas na kinasa uli ang baril niya para sa susunod na kalaban. Ngunit nanlalabo ang paningin ko dahil sa isang iglap nagbalik ang alaala nong gabing ‘yon, nakita ko na naman ang sarili ko sa madilim na parte ng kabinet kung saan ako tinago nila mama para lang maitago sa mga kalabang halimaw na pumatay sa kanila…