Chapter 13
NAUNA akong pumasok sa loob saka naman siya sumunod, may kung anong kaba ang nararamdaman ko siguro’y dahil sa awra niya ngayon ngunit hindi ko pinahalata sa kanya, saktong kakalabas lamang ni mang Ryan nang makita niya kaming magkasama’y nabigla siya at para bang nahiya siguro’y naramdaman din niya ang awra ni Kalen o madalas talaga siyang ganu’n.
“Kayo po pala, magandang umaga po,” nahihiyang bati ni mang Ryan.
“Pwede po bang handaan mo po kami ng snacks at maiinom kahit ano na lang na meron dyan sa kusina para sa bisita natin,” utos ko kay mang Ryan.
“Ay sige po,” muli siyang bumalik sa loob ng kusina na para bang nagpapasalamat na hindi na muna niya makikita ang binata.
Saka naman kami dumiretso sa grand staircase ng manor, “gusto ko lang sabihin na matagal nang walang nakatira sa mansyon at sila Nikita lamang ang nag-aalaga nito, gusto ko rin linawin na may history ng namatay dito mismo sa bahay, okay lang ba sa ‘yo iyon?” Tanong ko sa kanya saka ko bahagyang ginilid ang ulo ko ngunit hindi ko pa rin naman kita ang reaksyon niya habang nakasunod.
“Okay lang at ayoko nang malaman pa ang buong kwento,” sagot niya nang makatapak kami sa ikalawang palapag ng mansyon.
Napatango-tango na lamang ako, ibig sabihin na ba nu’n wala siyang gaanong alam sa nangyari sa lugar? Alam kong halos lahat ng matatanda alam na namatay ang mga magulang ko, siguro’y ang ilang mas matagal ng nakatira rito, matagal na ba siyang nakatira rito? Na andito na ba siya simula nong may mangyari sa pamilya namin? Pero sabi nila Dario kilala ang pamilya ni Kalen sa buong Caroline ngunit bakit parang ngayon ko lang nalaman ang pangalan nila? Siguro’y…umiling ako at hininto ang pagtatanong sa ‘king sarili, wala rin namang saysay dahil hindi rin ako magtatagal dito.
“Kumusta na pala ang kasama mo?” Bigla niyang tanong nong huminto kami sa isang silid.
Nanatili akong nakahawak sa doorknob at napasulyap sa direksyon niya doon ko lang napagtantong ilang lapit na lang niya sa aki’y didikit na siya.
“Okay na raw siya sabi ng nurse at doctor na tumingin sa kanya pero wala pa rin siyang malay, andoon ang mama niya sa hospital binabantayan siya,” sagot ko saka ko tuluyang binuksan ang pinto.
Bumungad sa amin ang maliit na silid na may palibot ng mga libro sa bookshelves, may violin na nakapatong sa piano na naka-display sa mismong gitna ng silid. Bukas ang bintana at kurtina nito kaya tanaw ang nagtataasang pine tree sa mga bundok na matatanaw doon, may kulay maroon na carpet sa sahig at halos wooden ang ginamit na furniture roon. Lumapit siya sa mga bookshelves at saka sinipat ang ilang libro roon.
Mukhang matagal na siya rito, dahil kilala niya sila Dario, maliit lang ang Caroline kaya imposibleng hindi sila magkakakilala, pero bakit wala akong ni isang maalala sa kanila? Dahil ba pilit kong kinakalimutan ang kabataan ko at paano ako lumaki rito dahil sa trahedya?
“Mabuti na lang at walang masyadong nangyari sa inyo,” dagdag pa niya.
“Okay lang ako,” naiwang nakatitig ako sa mata niya.
“Simula nang pumasok ang pyesta sunod-sunod na ang nangyayaring kakaiba sa Caroline.”
Napakunot-noo ako at napaisip, “anong ibig mong sabihin?” Tanong ko kay Kalen.
“May nawawalang dalaga simula pa raw kagabi, siguro’y kung kayo ang nakuha hindi siya kukuha ng bagong biktima,” kwento ni Kalen.
Mas lalo tuloy akong napaisip, may nawawalang dalaga? Kinuha kaya nong nakatakas na halimaw? Ang akala ko hinabol siya nong puting lobo, kumusta na kaya siya? Hindi na siya nagsalita pa.
Sandali siyang sumulyap sa ‘kin saka naglakad patungo sa piano. Naglalaro ang mga daliri niya sa keyboard saka siya naupo sa harap nito kaya nakatalikod siya sa direksyon ko. Sinusubukan niya pindutin ang ilan sa mga ito, saka niya nilagay ang parehas niyang mga kamay at tinugtug ito. Hindi ko alam kung anong pyesa ang pinapatugtog niya pero para bang pinapakalma ako nito at nanatili pa rin akong nakatitig sa kanya, bumalik lang ako sa realidad nang tumigil siya at umalis sa harapan ng piano.
“Magsimula na muli tayo,” suwestyon niya saka siya unang lumabas.
Inisa-isa namin ang mga silid hanggang sa matira ang iniiwasan ko sa lahat, ang dahilan kung bakit ayaw kong umakyat sa taas ng mansyon dahil naalala ko ang takot nong gabi, pakiramdam ko nangyari na naman ang nakaraan, ang kulog nong gabi, ang sigawan, putok at ingay nu’n. Ang pamilyar na takot ay nariyan na naman, gustong kong may hawakan ngunit hindi ko alam kung kanino ngunit para bang may sariling buhay ang kamay ko’y napahawak sa braso ni Kalen.
“Sia?”
Napasulyap ako sa kamay ko at saka napatingin sa kanya na parang nagtataka. Huminga ako ng malalim at bumitaw din sa kanya.
“Okay lang,” bulalas ko.
“Namumutla ka, miss Benjamin, sigurado ka bang ayos ka lang?” Nag-aalala niyang tanong.
Hindi ko siya pinansin at lumapit sa dulong pinto sa east wing ng mansyon. May malapit na bintana sa pinto ng silid, hinawakan ko ang malamig na bronze na doorknob ng pinto, lalong bumibigat ang pakiramdam ko, bumibilis ang pintig puso ko at para bang nararamdaman ko naman ang pangyayari nong gabing ‘yon. Parang hindi na ako makahiga sa kaba.
“AHHH!” Napasigaw at napaupo ako sa sahig dahil sa gulat nang makarinig ako na para bang may nabasag, agad niya akong dinaluhan saka napahawak sa braso ko at ako’y nagulat ng may ilang sugat at bubog sa damit ko.
Napasulyap ako sa paanan ko ng may makita akong itim na uwak na duguan, nangingisay pa siya hanggang sa mawalan ng buhay, nang galing siya sa bintana, nabasag niya iyon at nakapasok sa loob ng mansyon.
Inalalayan niya akong tumayo na hindi pa niya ako binibitawan, “sa tingin ko tama na ‘yon ngayong araw, may medicine kit ka ba? Kanina napansin ko roon sa little library ninyo na may kit kayo roon, pwede bang bumalik tayo roon para magamot yang sugat mo?”
Hindi ako nakapagsalita at tumango na lamang dahil sa gulat. Hinayaan na lang namin ang uwak sa sahig, pero paano nakapasok iyon sa mansyon! Alalang-alala pa rin siya at hindi niya ako binibitawan hanggang sa makabalik kami sa silid-aklatan.
Hindi ako sigurado kung may medicine kit kami rito, pero nang ipaupo na ako sa upuan malapit sa piano agad siyang lumapit sa isang bookshelves at nilabas ang kit mula roon, mabilis siyang makatanda at mabilis ang mga mata niya.
Naupo siya sa paanan sa mismong harapan ko, saka niya kinuha ang braso kong may maliit na sugat, doon ko lang naramdaman na mahapdi at may kirot siya nong dampian niya ito ng alcohol para malinis ang sugat. Habang ginagawa niya ito nakakunot-noo siya para bang maingat niyang malinis ang sugat ko ngunit napansin niya atang nakatitig ako sa kanya kaya napatingala siya at tumigil sa ginagawa dahil nakipagsabayan siya sa titig ko.
Bakit hindi ako nagsasawang titigan ang mga asul niyang mata?