Chapter 12 HINDI pa rin ako makausap ng maayos ng pulis na nagtatanong sa ‘kin tungkol sa nangyari sa amin ni Dario, hindi ko rin maipaliwanag sa sarili ko kung ano ba iyon at mas lalong hindi maproseso ng utak ko kung talaga bang nangyari iyon lahat. Narinig ko na lang na nakikipagtalo si Nikita sa pulis na huwag akong pilitin hanggang sa napilitan ang pulis na aalis na sila at babalik na lang kung sakaling okay na ako sa traumang nakuha ko. Para bang naulit na naman yung nangyari kagabi, nakita ko na lang ang sarili kong nasa ospital na naman. Walang pagkukulang sa nangyari lalo na’t hindi pa rin nagigising si Dario, sabi ng nurse na nalinis na ang sugat nito at nasa ayos ng kalagayan ngunit hindi kami mapanatag lalo na ang ina nito kung hindi siya magigising. Yumuko ako at napansin k

