Chapter 45

1201 Words
Chapter 45 HINDI ko alam na dadaan na naman ako sa nakakakabang yugto ng buhay ko, hindi maipaliwanag na kaba, naghahalo na ang saya at kaba. Ilang oras na lang pagkatapos nito’y opisyal na akong kasal kay Kalen, marami silang pinaliwanag at kailangan kong sumunod sa mga sinusunod din nila. Higit pa roon parang yinayakap ko na rin ang tradisyon nila at ibang bagay sa mundo ng mga ito na sa kanila ko lang makikita. They braided my long curly hair sa magkabilang side saka nila ginawang ballerina bun, may mga tusok na maliliit na bulaklak na maging desiyon sa buhok ko, mga ilang dried lavenders at daisy. Wala naman masyadong ayos ang mukha ko dahil simple lang at gabi naman magaganap ito, nakayapak lang ako, square neck ang kulay puti na may pagka-cream ang suot kong gown, fitted ang blouse habang pabagsak naman ang skirt nito na abot hanggang paanan, may mga dikit na mga buhay na bulaklak sa skirt ngunit buhay na buhay sila, corset ang likod habang sleeve naman nito’y elbow bishop. May kapa pa akong suot na animoy cloak dahil nakapatong ang hood nito na nagsisilbing belo ko na pumapares sa suot kong gown. Wala akong hawak na bulaklak na hindi katulad sa mga normal na kasal. May kumatok sa silid ko dahil narito na kami’t nakabalik sa Langston manor at sa mismong likod ng kakahuyan nila magaganap ang seremonya. Napasulyap ako roon at pinapasok kung sino man ang nasa labas na bisita. Ilang sandali lang nang sumilip siya, namilog ang mga mata ko nang makita si Mare lalo na nong pumasok siya, nakasuot siya ng simpleng bistida na may mahabang sleeve, round neck at may haba na abot hanggang tuhod, nakasuot siya ng flower crown at bagsak ang kulot niyang buhok. Hindi ko alam kung anong klaseng panimula ba ang gagawin ko dahil ngayon na lang kami nagkita kung kailan ikakasal ako kay Kalen na dati niyang kasintahan, pumayag ba sila? Nagkausap na ba sila? Bigla akong nakaramdam ng selos at pangamba pag naalala kong nagkakausap pa sila ngunit hindi ko na lamang pinahalata sa kanya. “Gusto ko lang bumati,” wika niya. Kaya nakahinga ako ng maluwag, wala akong dapat ipag-aalala, “sa-salamat.” Hindi ko mabasa ang nasa isip niya lalo na ang emosyon niya dahil nakangiti siya sa ‘kin. Hindi rin naman malungkot ang mga mata niya o baka nagpapangap lang siya. Hindi ko alam, hindi ko rin masabi, bakit ko ba iniisip ang mga bagay na ‘to sa gabing ito? Dapat hindi na ako nag-aaalala. “Huwag kang mag-aalala, binibini, wala akong balak makipag-agawan sa ‘yo sa atensyon kay Kalen, iyo na siya, wala rin namang saysay dahil ikaw na ang reyna sa tabi niya, ang bagong luna sa tribong ito kasama ang alpha, magiging walang kagalang-galang ako kung gagawin ko iyon at ayaw kong pulutin ako sa kung saan,” sabay ngisi niya. ‘Nararamdaman ba niya ang pag-aalala ko? Siguro…’ Ngumiti na ako at hindi na nag-aalala pa, “salamat, maraming salamat, Mare,” iyon na lamang ang nasabi ko sa kanya. “Walang anuman, Luna, gusto kong magsilbi sa inyo lalo na sa inyo lalo na’t marami kang pinagdaanan,” lumapit pa siya sa ‘kin saka inalahad ang kamay niya, inabot ko ang kamay ko sa kanya at saka ako lumapit nang tuluyan para yakapin siya. Hindi sila iba, kailangan kong pagkatiwalaan ang mga tao ngayon sa Langston. DUMATING ang takdang oras at nag-umpisa na ang seremonya. Lahat sila’y nakasuot ng puti o di kaya’y cream lalo na sa babae na hahaluan ng mga bulaklak na palamuti, parang isang misteryong nagkaroon ng mga bulaklak sa paligid, sa mismong palibot lang kung na saan kami ngayon sa gitna ng kakahuyan kung saan ginaganap ang kasal, pagkapasok ko roon, nadoon na si Tanda na siyang magkakasal sa amin, ang mga babaylan nila at ilang gumagamit ng mahika sa Langston na siyang magbabasbas sa amin. Nagtama ang mga mata namin ni Kalen nang makita ko siya sa gitna at naghihintay din na mapapalpit ako sa puwesto niya. Bagsak ang buhok niya ngunit ganu’n pa rin ang aura niya bilang Kalen, Nakasuot siya ng ¾ long sleeve button down polo na kulay puti at naka-tuck-in sa puti niyang pantalon habang nakapaa rin katulad ko. May balahibong puti na ginawang crown para sa kanya. Ilang segundo lang nang makalapit ako’y inabot niya ang kamay sa ‘kin kaya humawak ako sa kanya. Naroon na naman ang kakaibang kaba at pagkalabog ng puso ko sa saya. ‘Totoo na ito at wala nang atrasan pa,’ bulong ko sa ‘king isipan nang humarap kami ng sabay kay Tanda. Nagliwanag ang paligid lalo na sa harap namin ang baston niya, “narito tayo sa pag-iisang dibdib ng ating alpha at ang ating bagong luna ayon sa propisiya…” Napasulyap ako sa pulso ko nang makita ko ang crescent moon sa kanang pulso ko, palataandang ako nga ang nakatakda para kay Kalen saka ako muling tinuon ang atensyon kay Tnada at pinakinggan ang sunod niyang sinabi. Sa una’y naiintindihan ko pa ngunit habang tumatagal nag-chant na siya ng ritwal sa kakaibang lenggwaheng ngayon ko lang narinig, parang pulso sumasabay ang pagtibok ng puso ko ang ilaw sa baston ni Tanda. Sumasabay na rin sa pag-chant ang mga kasama niya sa ritwal at miyembro ng tribo na ito. Maya’y maya lang ay patuloy pa rin sila ngunit hindi na sumabay pa si Tanda. “Ang singsing ninyo ang palatandaa na kayo’y nag-isang dibdib na,” wika niya gamit ang seryoso niyang tono. Inangat ko ang kamay ko at bigla na lang lumitaw sa ring finger ko ang itim na singsing, hindi siya simpleng singsing dahil may mga nakaguhit doon na elementong hindi ko alam, na nag-sealed ng kasal na ito. “Hindi ito basta matatangal basbas na singsing kung isa sa kanila ang mamamatay at mawawalang bisa ang kasal na ito, magiging suporta kayo sa kada-isa, pagtutulungan na maging isa ang tribo na ito at walang sino man ang maaring ipahamak ang kada-isa lalo na ang tribong magsisilbing bantay ninyo,” dagdag pa niya. “Opo, masusunod at nangangako,” sagot ni Kalen saka nagliwanag ang itim na singsing sa kanya. Ginaya ko na lamang ang kanyang naging sagot, “ako po’y nangangako at susunod,” saka rin nagliwanag ang singsing ko. “Tapusin ang seremonya ng isang talisay na halik,” sabi ni Tanda na siyang hindi ko inaasahan. Humarap ako sa direksyon ni Kalen at ganu’n din siya sa ‘kin. Seryoso siya ngunit may kung anong ningning at saya sa kanyang mga mata. Dahan-dahan niyang inalis ang hood na nagtatago sa buo kong mukha at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Unti-unting bunaba ang mukha niya sa ‘kin at inihanda ko na ang sarili ko nang ipikit ko ang mga mata ko. Ilang segundo lang at naramdaman ko ang labi niya sa ‘kin. Nakangiti ako parehas sa halik niya at malugod ko itong sinagot. Ito na ang simula…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD