Chapter 46 THIS night is magical. Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari ito at isa ito sa phase ng buhay ko, isa na akong Mrs. Langston. Nang maging successful ang seremonya at masabing kasal na nga kami ni Kalen dumiretso na kami sa hardin sa likod ng manor ng mga Langston kung saan gaganapin ang isang simple at maliit na handaan. Imbetado ang lahat ng nasa tribo lalo na ang ilang tribong malalapit sa mga Langston na ngayon ko lang nakita maliban sa unang bumisita noon. Masaya lang akong nagpapasalamat sa nag-congratulate sa ‘kin nang mapansin kong nagseryoso ang ilan kong mga kasama. Napasulyap ako sa ilan at nagkaroon ng ilang bulungan sa tabi ko. “Bakit sila narito?” “Hindi ko rin alam, ang akala ko ba ayaw nilang kumonekta sa ‘kin na sino sa mga tribo natin,” pabulong na sagot

