Chapter 26
PATULOY kami sa pagtakbo sa kakahuyan palayo sa kanila habang lumalaban pa rin ang Langston sa mga mahika na kumuha sa mga dalaga. Halos iika-ika ako, manghang-mangha ako kila Mia dahil kabisado nila ang kakahuyan, alam nila kung saan sila iilag, kung na saan ang naglalakihang punong nakaharang at mga ugat na nakaangat sa lupa.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon nang mapatid ako sa malaking bato, sumubsob ako sa lupa nang mawalan ako ng balanse, agad na napalingon si Mia at huminto na halos malayo na sa ‘kin. Tatayo na sana ako nang may humila sa ‘kin pabalik, nanlaki ang mga mata ko nang makitang may mga pumupulupot na buhok galing sa puno na animoy maninipis na ugat.
Pilit kong gustong kumawala, tumakbo rin papalapit sila Mia sa ‘kin na hinahabol ako para lang makawala ako ngunit mas mabilis ang paghila nila na halos nagsisigaw ako. Tumalsik ako sa isang puno nang bitawan ako hanggang sa tumama ang likod ko roon at bumagsak sa lupa. Tumingala ako at pilit na tumatayo kahit na nanghihina. Nakita ko na lang sila Mia na may kinakalampag at hindi makalapit sa direksyon ko. Sa tuwing hinahampas nila ang animoy harang sa eri nagkakaroon ng liwanag at kuryente roon.
Tatayo na sana ako nang may humatak sa ‘kin patihaya, “argghhhh!”
Nagsisigaw ako sa sakit nang may patalim na tumusok sa kanang kamay ko, sobrang sakit na para bang pinagsisisihan ko kung bakit ako narito para hindi ko maramdaman iyon, naramdaman ko na lang ang bigat niya nang pumatong siya sa ‘kin, may tinali siya leeg ko hanggang sa masakal niya ako, nanlalabo ang paningin ko habang nakatitig sa kanya habang pinilit kong pakawalan niya ako, hindi ko maigalaw ang kanan kong kamay dahil parang ginamit niyang pang pako sa lupa ang patalim kaya isang kamay ang ginagamit ko para pakawalan niya ako.
Si David nanggigigil siya at gusto niya talaga akong patayin. Dinampot ko ang batong malapit sa ‘kin nang maabot ko ito at ginamit ang natitira kong lakas para mahampas ko siya sa ulo. Agad niya akong nabitawan, ubo ako nang ubo nang lumuwag ang tali at saka siya bumagsak sa tabi. Kinapa ko ang punyal na nakatusok pa rin sa kanang kamay ko, buong lakas na kinuha ito at naroon na naman ang matinding sakit nito.
Nanginginig ako, tumayo siya para lapitan uli ako ngunit desidedo na akong manakit, nakaluhod akong aatakihin siya ngunit napigilan niya ako nang mahawakan niya ang kamay ko, pinilipit niya ang kaliwa kong kamay kaya nabitawan ko ang punyal niya. Nakangisi siya sa ‘kin at handa na akong patayin.
“Tama na,” bulong ko dahil hindi ko na kaya ang hirap.
“Sandali na lang ito, binibini,” ngisi niyang wika.
Kinuha niya ang punyal na nalaglag ko sa tabi ko para gamitin muli sa ‘kin.
‘Ito na ba ang katapusan ko?’
May malakas na pwersa ang biglang umatake sa kanya, sa lakas nito’y pati ako’y bumagsak nang mahila niya ako sa pagbagsak niya sa lupa, nanghihina akong nakatingin sa kanya habang hila-hila siya papunta sa madilim na parte ng isang puting lobo, nakita kong ginamit niya sa lobo na iyon ang patalim para pakawalan siya ngunit lalong nagwala ang lobo, sinakmal at kinalmot-kalmot siya. Parang galit na galit ang lobo, nagsisigaw si David at humihingi ng tulong.
Bumibigat na ang talukap ko at pilit ko pa ring ginigising ang sarili ko. Ilang minuto akong nanonood sa kanila hanggang sa tumigil ang loob, naliligo sa sariling dugo si David nang lumapit ang puting lobo sa direksyon ko, nang tuluyan na siyang nakalapit kinuskos niya ang snout niya sa mukha ko, bigla na lang ako naging emosyunal, sa muli kong pagdilat si Kalen na ang kaharap ko, hubad siya dahil nagbalik na siya sa katawan niyang tao, puno ng galos, sugat at dugo ngunit hindi niya ito ininda. Nakatutok lang ako sa mukha niya habang nag-aalalang nakatitig sa ‘kin.
‘Kailan pa nag-alala ang katulad niya sa ‘kin?’ Hindi ko maiwasang mapatanong.
Kumilos siya at dahan-dahan akong kinarga.
“I’m sorry,” bulalas ko.
“Huwag ka na muna magsalita, magpahinga ka na,” hindi ko maintindihan kong naiinis ba siya o ano sa tono ng pananalita niya.
Ipinikit ko sandali ang mga mata ko at sa pagdilat ko nakita ko na lang ang sarili kong nakahiga sa malamig na bagay, nakatingala sa kalangitan, natatanaw ko sila Mia at Kalen na nakatingala sa ‘kin. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila ngunit halatang seryoso sila. Muli kong ipinikit ang mga mata ko at sa pagdilat ko na naman nasa loob na ako ng pamilyar na silid. Dahan-dahan kong ginalaw ang katawan ko nang may kumirot sa kamay ko. Agad kong nilabas ang kamay ko at nakitang may gasa ito at masakit pa rin.
Hindi panaginip ang lahat.
“Hindi mo naman kailangan pilitin ang sarili mo,” namilog ang mga mata ko nang makarinig ako ng boses lalaki.
Dahan-dahan akong kumilos at naupo sa kama. Nakapagpalit na ako ng damit ngunit pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko at nag-iinit sa ngayon. Nakita ko si Kalen na nakasuot ng pangtulong habang nakapatong grey niyang roba at seryosong nakaupo sa sofa katapat ng kama ko.
“Hindi mo ba alam kung anong ginawa mo sa tribo?”
Nabigla ako sa tanong niya habang naniningkit ang mga mata niyang nakatitig sa ‘kin.
“Bakit ka pumayag kila Mia sa gusto nilang mangyari? Hindi mo ba na isip na ikakapahamak mo at ng buong pack sa pagpayag mo dahil wala kang masyadong alam sa patakaran at nangyayari sa mundo namin.”
Natigilan ako at hindi nakaimik sa mga sinabi niya.
“It’s better na ‘wag ka munang mangilam sa mga plano namin, naiintindihan mo ba ako?”
Hindi pa rin ako sumagot.
“Para hindi nabubulilyaso ang plano pero dahil ginawa mo at malaki rin ang parte mo para matapos ang problema, gusto ko pa rin magpasalamat pero inuulit ko huwag mo nang ilalagay ang sarili mo sa kapahamakan,” dagdag pa niya bago siya tumayo at naglakad papalapit sa pinto.
Hindi ko alam kung bakit ako nasaktan hanggang sa lumabas siya at iwan ako mag-isa sa silid ko. Naiinis ako na hindi ko man lang naipagtanggol ang sarili ko, gusto ko siyang sumbatan pero may punto siya, kasalanan ko rin naman kung bakit ako nandito? Kung hindi ako pumayag kila Mia edi sana wala akong problema, pero naging ayos ng aba ang lahat?