Chapter 27

1215 Words
Chapter 27 MULI na naman akong nagising sa masamang panaginip na hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin ng mga iyon, hindi ko kilala kung sino ang mga mukha sa panaginip, mga boses at mga elementong nanakot sa dilim. Sa tuwing nararamdaman ko at aware akong panaginip iyon agad ko nang ginigising ang sarili ko ngunit ang panaginip ang humihila sa ‘kin para hindi basta makabalik sa realidad. Bagong umaga na naman kasama ang mga bagong nilalang sa mansyon ng mga Langston, ito ang realidad na hindi ko maaring takbuhan, mas malala pa sa panaginip, pagbaba ko sa kusina para sumabay sa agahan wala nang masyadong nagbabantay sa paligid at hindi ko rin agad na aaninag ang anino ni Kalen, siguro’y dahil sa nangyari at kahit na anong mangyari wala naman akong pakialam sa kanya…gusto ko lang na matapos na ito at umalis sa likod ng mga anino nila. Nasilayan ko sa kusina si Mia at para bang natatakot siyang lumapit sa ‘kin halos katatapos lang mag-almusal. “Na saan na ang iba?” Tanong ko kaya bahagya siyang nagulat nang sumulyap siya sa ‘kin. “Binibini?” Naningkit ang mga mata ko, “ba---bakit anong problema?” Mas kinagulat ko nang tumayo siya, umalis sa harapan ng pagkain at dumiretso sa direksyon ko para yakapin. Para siyang batang nagsusumbong sa ina niya dahil may umagaw sa paborito niyang pagkain o laruan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya yinakap ko na lang siya pabalik. Bigla na lang ako nakaramdam ng awa sa kanya. “May nangyari ba?” Nag-aalala kong tanong sa kanya. Lumayo siya sa ‘kin at para bang naluluha ngunit pinipigilan niya ang kanyang sariling maging emosyunal sa harapan ko. “Patawad sa nangyari, siguro kasalanan ko kung bakit ka napahamak ka, tama si young master---” Pinutol ko ang sasabihin niya, “pinagsabihan ka ni Kalen?” Nag-aalangan siya kung sasagot siya saka siya tumango, “opo, binibini…” “Pero pumayag ako sa kasunduan.” “Pero hindi mangyayari iyon kung hindi kami humingi ng tulong sa iyo.” Saka ako tumahimik sa sinabi niya saka muling nagpatuloy, “pero kayo na rin nagsabing na may koneksyon ako sa nangyayari kaya kung makakatulong ako masusulosyunan natin ang problemang bumabalot sa probinsya.” “Na siyang pinagpapasalamat namin, nakabalik na sila sa kanilang mga pamilya ngunit patuloy pa rin ang imbestigasyon ng kapulisan, wala silang ideya kung ano ang totoong nangyayari, mas magandang wala silang alam sa atin, ngunit masasabi ko lang na galing sa malakas na nilalang ang nagbigay ng kapangyarihan kay David, mga mangkukulam sila.” Napakunot-noo ako sa paliwanag ni Mia, “mangkukulam, totoo ba sila?” “Oo naman, isa sila sa mga kalabang nilalang ng mga katulad namin, mortal na magkaaway ang mga mangkukulam at mga lobo pati na rin ang mga bampira. Sa tingin namin isang malakas na Coventry ang gustong sumupil sa amin, ang mga matatagal nang kalaban ng angkan na ito, gumagamit sila ng mahihina laban sa amin, naghahanap sila ng pagkakataon bago sila lumusob ng buo sa pack pero hindi namin gagawin iyon,” pagmamatigas ni Mia. Wala akong ideya na may ganu’n pa lang nagaganap sa mundong ito, hindi lang isa ang kalaban nila Kalen kundi may ilan pa. Napatigil ako sa pag-iisip nang hawakan niya ako sa kamay. “Gusto ko pa rin humingi ng tawad sa nangyari sa inyo,” para siyang batang inosenteng humihingi ng tawad. Ngumiti ako sa kanya, “huwag mo muna isipin ang mga bagay na iyan, ayos na ako at walang nangyaring masama sa ‘kin,” sumulyap siya sa may gasa kong kamay nang magliwanag ang kamay niya habang hawak niya ito. “Ilang oras lang ay maghihilom nang tuluyan ang sugat mo, bilang pasasalamat---amo,” saka siya bumitaw sa ‘kin nang may makita siyang animoy multo at lumayo. Humarap ako sa direksyon ng tinitignan niya, isang seryosong Kalen ang kaharap namin habang nasa likod niya ang mga tagasunod at si Mare. Umiwas nang tingin si Mare dahil may alam ako sa relasyon nila ni Kalen na hindi pa ata nalalaman ng lahat. “Mukha maayos ka na at maari ka nang sumama sa tradisyon,” malamig ang tono ng pananalita ni Kalen. “Anong tradisyon at saan naman tayo pupunta?” Hindi ako makakapayag na magiging bossy siya sa harap ng mga tauhan niya sa ‘kin, “hindi ako sasama, kagagaling ko pa lang sa laban---ano ba! Bitawan mo ko, Kalen!” Hinablot niya ako sa braso sa may kamay kong may gasa pa, hindi man lang niya na isip kung masasaktan ba ako nang makalapit siya sa ‘kin, pilit kong hinahablot ang kamay ko pabalik sa ‘kin dahil ayoko nga sumama, “ano ba!” Nang lumuwag ang pagkakahawak niya sa ‘kin agad kong nahila ang kamay ko at kosang dumapo ang isa ko pang kamay sa pisngi niya para bigyan nang malutong na sampal. Hingal na hingal ako, narinig ko ang gulat sa mga nakapalibot sa amin dahil sa ginawa ko at kahit din ako’y nagulat habang nanlalaki ang mga mata kong nakatitig sa kanya. Nanlisik ang mga mata niya habang hinihimas ang parte ng pinagsampalan ko sa kanya. “Ah---teka!” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang lumapit siya sa ‘kin at buhatin niya ako sa balikat niya kaya nagsisigaw akong habang nakaharap ang ulo ko sa likod niya. Pinaghahampas ko ang likod niya, inakyat niya ako ikalawang palapag, namumula na ang pisngi ko at sumasakit ang ulo dahil halos lahat ata ng dugo ko’y mapupunta sa ro’n dahil sa pagkakabuhat niya sa ‘kin na patiwarik. May sinipa siyang pinto, naramdaman ko na lang na ibinagsak niya ako sa malambot na kama, babangon pa sana ako nang hindi ko magawa dahil pumaibabaw siya kaya namilog ang mata ko sa gulat, nilagay niya ang dalawa kong kamay sa taas ng ulo ko saka inipit ng mga binti niya ang legs ko para magdikit at hindi makagalaw. Sisigaw pa sana ako nang higupin ko pabalik ang hangin ko nang bumaba ng ilang pulgada ang mukha niya, sobrang lapit na niya na sa oras na makagawa ako ng maling kilos maari na niya akong mahalikan. Hingal na hingal siya parehas ko, hindi siya natatakot sa pwede niyang gawin sa ‘kin, nanginginig ang buong katawan ko, hindi si Kalen ang kaharap ko kundi parang halimaw na lalapa sa pagkain niya. Kung kaya niyang kalabanin ang mga halimaw kagabi paano naman ako na maliit na nilalang at walang kalaban-laban sa kanya. “Nauubusan na ako ng oras, Euphrasia…” Hingal niyang wika saka siya bumaba pa, gumilid ako at napabaling sa iba ang ulo ko habang nakapikit. Ramdam na ramdam ng leeg ko ang mainit niyang paghinga na kumikiliti sa balat ko na siyang nagpapatayo sa balahibo ko sa batok, “kung hindi ka madaan sa maayos sa na usapan, may kalalagyan ka talaga, Sia,” bulong niya sa tenga ko. Nanlaki ang mga mata ko lalo na nong dumikit ang dulo ng ilong niya sa pisngi ko, dahil sa takot hindi ko na napigilan pa ang takot ko at napaluha dahil ang hina ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD