Chapter 28
“Wala kang karapatan gawin ito sa ‘kin,” nanginginig kong sabi sa kanya habang nakatagilid pa rin ako saka umaangat ng bahagya ang ulo niya, lumuwag ang pagkakahawak niya sa ‘kin, “hindi ibig sabihin na may koneksyon tayo at propisiyang kailangan mangyari, kailangan mo nang gawin sa ‘kin lahat ng gusto mo.”
Tuluyang nang lumuwag ang pagkakahawak niya sa mga huli kong sinabi sa kanya. Tumayo siya, agad akong naupo, nanlilisik ang mga mata kong nakatitig sa kanya, hindi ko maintindihan o mabasa ang nasa isip niya dahil wala akong emosyon sa mga mata niya na para bang hindi niya pinagsisisihan ang ginawa niya sa ‘kin.
“Bakit mo ba pinagpipilitan? Diba may relasyon kayo ni Mare?” Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at wala na akong pakialam, “tinatago lang ninyo sa kanila---”
“Wala kang alam,” pagpuputol niya sa sasabihin ko.
“Ano ba ang dapat kong malaman? Bakit hindi mo ipaalam sa kanila ang totoo at pinagpipilitan mo pa ang propesiya kung may iba kang mahal at gusto? Sabihin mo sa ‘kin, Kalen, ano bang gusto mong patunayan? Alam ko wala akong karapatan sa kahit anong meron dito, dahil sino nga ba ako? Ni hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ako na andito? Kahit na anong paliwanag ninyo wala akong maintindihan kahit isa roon, naatim mong magpakasal sa isang babae na hindi mo mahal habang may umiiyak na babae dahil sa gagawin mo, anong klaseng lalaki ka?” Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.
Nakuha ko ang atensyon niya nang kumunot-noo siya, “hindi mo gusto ang nangyayari sayo ngayon?”
“Sinong matinong tao ang gugustuhin na mangyari sa kanya ang lahat nang ito? Ayokong makasal sa ‘yo, Kalen,” diretso kong wika, “ayoko lahat ng ito, kahit baguhin pa ang nangyari o ilang beses ninyo…ikaw, na iligtas ako hindi ko matatangap na isa sa inyo ang pumatay sa mga magulang ko, mas maganda pa hinayaan ako ng mga magulang ko na kung na saan dapat ako at hindi nakipagkasundo sa inyo para hindi kami nadamay at hindi ako nakulong sa propisiyang sinasabi ninyo.”
May kung anong gumuhit na sakit sa mukha niya, ‘na sobrahan ba ako? Nasaktan ko ba siya? Teka, bakit ba ako nag-aalala sa sasabihin niya?’
“Pwede ka ng umalis,” walang emosyong sabi niya.
Bahagya pa akong nagulat sa sinabi niya, “a-ano?”
“Maari ka nang bumalik, huwag kang mag-aalala makakalabas ka ng ligtas sa Caroline ipapahatid kita hanggang sa bukana ng Roseville City at kahit na kailan ay hindi na kita gagambalain pa,” dagdag pa niya saka siya lumabas ng silid.
Hindi ko alam kung bakit bigla ako nagtaka sa desisyon niya pero iyon naman ang gusto ko diba, ang lumayo sa kanila, ayoko naman talaga sa kanila eh, lalo na sa kanya, pero bakit nalilito ako sa nararamdaman ko at bigla akong nalungkot? Gusto kong marinig ang paliwanag niya ngunit bakit hindi ko siya hinayaan, takte, Sia! Para kang tanga, pumayag na siya, magpasalamat na tayo.
NAGULAT sila sa naging desisyon ni Kalen ngunit hindi na sila nagtanong dahil mukha itong seryoso sa mga sinabi niya. Hinatid nila ako sa Benjamin manor at kasama nila Nikita tinulungan nila akong mag-ayos ng mga gamit ko. Nararamdaman ko na nalulungkot sila sa bigla kong pag-alis kahit pa hindi sila magsalita.
“Pinutol na ng mga Langston ang kasunduan nila sa pagbili ng mansyon,” biglang singit ni Nikita habang nagsasara ng maleta nang maipasok lahat ng gamit ko, “kung wala ka na rito ipapagpapatuloy pa rin namin ang pagbebenta ng mansyon at ipapadala na lang namin ang kailangan,” malungkot niyang paliwanag.
“Nikita,” tawag ko sa kanya.
Hindi siya humarap sa ‘kin kaya naupo ako sa sahig kung na saan siya, hinila siya ng bahagya para humarap siya sa ‘kin at makita ang malungkot niyang mukha na pinipilit na maging masaya kaya para siyang may sakit sa tyan.
“Okay ka lang?” Nag-aalala kong tanong sa kanya.
“Okay lang ako, may mga bagay lang talaga na hindi nagtatagal,” malungkot niyang wika, “huwag kang mag-alala magiging ayos din ang lahat, oo nga pala bago ko makalimutan gumawa na sila ng paraan para hindi ka na ma-checkpoint sa paglabas mo dahil sa kabila ang daan ninyo,” paliwanag pa niya.
“Maraming salamat sa lahat na pag-aasikaso at pagbantay sa mansyon lalo na sa ‘kin, paumanhin sa lahat ng nangyari at nadamay pa kayo,” ngiti kong wika, “siguro pagbalik ko kailangan ko nang asikasuhin ang college entrance ko para sa next sem, I need to go back with my real and original life,” sabay tawa ko ng mahina.
Hinaplos niya ako sa mukha at malungkot siyang ngumiti, “mag-iingat ka roon, gagawa kami ng para na mabisita kahit minsan, pamilya ka na para sa amin,” wika ni Nikita.
“Maraming salamat,” iyon na lamang ang nasabi ko dahil ayokong maging emosyunal kaming dalawa.
Paglabas namin ng silid ko nakita ko si Dario roon na hindi maipinta ang mukha, napasulyap siya sa amin at agad siyang lumapit para yakapin ako. Napangiti ako at yumakap ako pabalik sa kanya saka lumayo.
“Tama na iyan, kailangan nang umalis ni Sia bago pa man siya abutan ng dilim,” paalala ni Nikita.
“Ako na ang sasama sa paghatid,” wika ni Dario.
“Hindi na kailangan pa,” wika ko.
“Ayos lang, hayaan muna si Dario na sumama sa paghatid,” pagpupumilit ni Nikita kaya wala na akong nagawa.
Naghihintay na rin ang maghahatid sa ‘kin sa labas na galing kila Langston, wala siya roon o ang grupo nila Mare at Mia.
“Halika na,” si Dario na ang nagsakay ng gamit ko sa trunk ng sasakyan.
“Sumakay na po kayo, binibini,” wika ng isa kaya sumakay na ako sa likod ng driver seat habang katabi ko naman si Dario., “ready na po ba ang lahat? Wala na ba tayong naiwan?” Tanong ng driver na maghahatid sa ‘kin.
“Ayos na,” sagot ko.
Ilang segundo pa at umandar na ang sasakyan, imbes na sa dating kalsada ang dinadaan ay sa kabila kami kung saan lubak, walang masyadong bahay, ang makikita lang ay mga puno at mga halaman na para bang nasa kakahuyan kami. Habang na andoon kami may mga napapansin na akong naglilikot sa mga halaman hanggang sa madaanan namin ang ilang itim na lobo na para bang naghihintay sa pagdating namin.
Ngunit katulad nga ng sinabi ni Kalen gagawin nilang ligtas ang biyahe, may ilang grey at brown na lobo ang humarang sa kanila hanggang sa makalagpas kami. Sumilip ako sa likod, bahagya pa akong nagulat ng makita si Kalen sa form niyang puting lobo, nakatanaw sa kotseng papaalis bago siya tumakbo sa mga kalaban para pigilan sila sa paghabol sa amin. Nakatanaw lang ako hanggang sa hindi ko na sila makita dahil napalayo na rin kami.