Chapter 29
ISANG linggo ang nakalipas nang maihatid ako ng ligtas sa Roseville City at iwan sa mismong gitna ng siyudad. Sa una nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas nakabalik na ako sa tingin ko’y ligtas ako, na-miss ko ang ingay ng lungsod, ang amoy sa kalsada at mga araw-araw kong makakasalubong sa sidewalk ngunit nagiging tahimik ang mundo ko sa tuwing uuwi ako sa bahay na iniwan sa ‘kin ni tita. Sa isang iglap para bang hindi na ako sanay sa siyudad, para bang mas gusto ko pang magkulong sa tahimik kong silid, araw-araw ko na lang naalala ang tahimik at cosy feelings ng probinsya sa Caroline.
Pero palagi kong iniisip na mas mabuti nang na andito ako, maingay din ang mundo ko sa lugar na iyon. Nang makabalik ako sa Roseville, ilang araw lang nang magbukas ang klase, ang buhay ko ngayon umiikot lang sa mga ito; bahay, unibersidad, coffee shop (kung saan ako nag-sideline na malapit lang sa unibersidad na pinapasukan ko at bahay uli.
Kahit ayoko pang pumasok dahil nagbago ang shift ko sa pang gabi, pagod ako sa buong maghapon dahil ilang oras lang ang itutulog ko para lang makapagpahinga at papasok uli.
Uminom na lang ako ng kape nang makapag-asikaso ako, nagsuot lang ako ng simpleng long sleeve sweater na kulay grey, navy blue round pleated skirt na abot hanggang tuhod, white classic sneakers dahil malamig na rin at mag-December na rin.
Ilang minuto lang ang tinagal ng biyahe nang mag-bus ako, pagbaba ko pa lang sinalubong na ako ng mga estudyanteng pumapasok doon sa Roseville University na isa sa malaking unibersidad na naitayo sa Roseville. May kakababa lamang sa mga magagarang sasakyan o kaya’y motor. Kanya-kanya sila ng puwesto pagkapasok pa lamang sa main gate, matatanaw ang ilan sa field at ilang nasa bench nagpapahinga o kaya’y nag-aaral.
May main building na tinatawag na kulay yellow and grey habang nasa gitna nakaukit ang logo ng unibersidad na armor ng isang knight at laurel sa paligid nito. May lumang gusali ang unibersidad na may limang palapag at malawak ang unibersidad kaya kung gusto mong libutin baka kulang pa ang tatlong araw para matapos ang bawat sulok nito.
“Sia!”
Napahinto na ako at hindi na nagulat na sa tuwing papasok ako may tatawag sa ‘kin bigla sa gitna ng mga taong naroon. May dalagang papatakbo sa direksyon ko habang may maliit na box of cake na hawak na walang pakialam kung matatapon niya ito.
Hingal na hingal siyang humarap sa ‘kin, suot pa niya ang uniporme niyang pang HM student at may ilang pulbos ng flour sa mukha niya.
“Good morning, para sa ‘yo ‘to,” mabilis niyang inabot sa ‘kin ito kaya bago pa man bumagsak kinuha ko na.
May plastic sa ibabaw kaya makikita ang laman sa loob, isang mini strawberry shortcake habang may mga toppings pang strawberry sa ibabaw nito saka ako muling sumulyap sa kanya.
“Hindi ko naman kailangan ito, Penelope,” wika ko sa kanya, she always like this, hindi ko alam kung paano kami nagkakilala, hindi ko naman siya gusto at hindi ko rin siya ayaw, biglaan lang ang lahat dahil nag-umpisa lang ito nong panahon na walang gustong tumikim ng pagkain niyang niluto at ako lahat umubos kahit sobrang tamis ng mga cake niya ning first day of class ko sa Roseville at mas matanda siya sa ‘kin ng dalawang taon at graduating na siya ngayon.
Nagtataka nga ako kung bakit HM ang kinuha niya samantalang sa tangkad niya at sa hilig niya sa pink na bagay, papasa na siyang fashion designer lalo na sa mga simpleng damit na pinaparesan niya ng kaartehan niya.
“Mukhang hindi ka nag-aalmusal at saka ngayon lang kita uli nakita simula nong summer, kumusta na?”
Naglakad na ako kaya sumabay naman siya. Walang may paki sa ‘kin sa unibersidad na lalo na’t wala naman talagang pakilamanan sa lugar na ito maliban sa kanya at siya lang ang tangging nakakaalam kung saan ako nagpunta o sa pagkamatay ng tita ko. Dahil mapilit siya, siya lang din ang kakilala kong sumama nu’n sa lamay at libing. Naging iwas din ako sa kanya at sa tingin ko’y naintindihan naman niya na kailangan kong makapag-isa. Anak mayaman si Penelope at mahilig siyang makipagkaibigan, ni hindi ko nga alam kung bakit isa ako sa tinuturing niyang kaibigan.
“Okay naman,” tipid kong sagot.
“Naibenta mo na ba ang bahay ninyo sa probinsya?” Tanong niya.
“Hindi pa pero---”
“Bakit kasi ayaw mong ako na lang ang bumili---”
“Hindi na!” Pinutol ko agad ang sasabihin niya, nong una ayaw ko talagang ibenta sa kanya kahit pa mayaman siya dahil sa past ko ngunit ngayong marami na akong alam mas lalong hindi pwedeng ibenta sa mga tagalabas. Gulat na gulat siya at para bang may nasabi siyang hindi ko nagustuhan.
“Chill, Sia, okay kung ayaw mo,” wika niya.
“May iba naman na kasing nag-aasikaso, bahala na sila roon,” agad ko namang bawi.
“Okay, whatever, oo nga pala, do you want to come?” Tanong niya, “sama ka naman, girls night out.”
Agad akong tumanggi, “ayoko.”
“Yep, kailan ka nga naman sumama at nag-agree sa yaya ko, sige bye, see yah when I see yah,” saka siya kumaway at naglakad sa ibang direksyon.
Wala naman masyadong nangyari sa ‘kin nitong matapos ang maghapon ko. Hindi na ako dumiretso sa bahay at nagbihis na lamang ako ng uniporme ko sa unibersidad bago ako pumasok sa maliit na coffee shop sa malapit. Simpleng polo shirt na puti, khaki straight cut slacks at khaki apron na rin.
May ilang metro lang ang lalakarin ko at sa kabilang street lang ang Coffee Cat kung saan ako nagtatrabaho. Naningkit ang mga mata ko nang may kung anong kumpulan sa dulo ng sidewalk, nagdidilim na rin, hindi ko alam kung bakit bigla ako kinabahan at nagmadali akong naglakad patungo roon. May ambulansyang dumating at nagsisiksikan na mga taong chismosa.
Nakipagsiksikan na rin ako kahit pa may ilang na inis sa ginawa ko, “Pene---” hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang maipasok na siya sa loob ng ambulansya.
“Anong nangyari sa kanya?” Bigla akong nag-alala lalo na’t wala siyang malay at may dugo siya sa buong damit na hindi ko alam kung saan niya ito nakuha.
Habang nakatingin ako sa papalayong ambulansya at nakikipagsiksikan sa mga kumpulan nakaramdam ako ng pagtaas ng balahibo ko sa batok na para bang may nagmamasid sa ‘kin. Pamilyar ang pakiramdam na ito nang nasa probinsya pa ako ng Caroline sa tuwing may panganib, bigla na lang din bumilis ang t***k ng puso ko. Isa-isa nawala ang kumpulan at kanya-kanya silang komento sa nangyari.
Pumasok akong tulala at wala sa sarili sa trabaho ko kakaisip kay Penelope kung sino ang may gawa nito sa kanya.
“Ito na po,” sabay abot ko sa order nong babae.
Kosa na lamang akong napasulyap sa labas ng salamin naming coffee shop, namilog ang mga mata ko nang maaninag ko si Kalen mula roon ngunit nang may dumaan at sa isang kisap-mata bigla rin siyang nawala.
‘Teka, ano bang nangyayari?’ Nakakapagtaka naman ang araw na ito.
ILANG oras na nga lang ang pahinga ko, hindi pa ako nakatulog dahil sa kakaisip sa weirdong araw nitong kahapon. Para na naman akong walking zombie sa malamig na klima sa unibersidad bago ako pumasok. Bago pa man ako makatungtong sa pasilyo ng gusali kung saan ako papasok agad kong nakita si Karen, ang isa sporty friend ni Penelope, minsan ko lang siya nakakausap, nagkakausap lang kami pag na andyan sa pagitan namin si Penelope.
Hawak pa niya ang bola sa soccer bago siya pumasok humarang na ako, bahagya siyang nagulat nang makita ako at agad ding nakabawi.
“Anong kailangan mo?” Tanong niya.
“Alam mo ba ang nangyari kay Penelope kagabi?” Agad kong tanong.
Bigla siyang nalungkot, “hindi ko alam ang buong pangyayari pero naghihintay din ako, ang pagkakaalam ko may ka-date raw si Penelope kagabi, wala kaming masyadong ideya at naghihintay pa kami sa balita sa magulang niya.” Paliwanag niya, “sorry, nagmamadali pa ako sa una kong klase.”
Huminga ako ng malalim, “ganu’n ba, sige salamat.”
Wala naman akong makukuhang matinong sagot kaya pumasok na rin ako sa unang klase ko, pagkarating ko sa ikalawang palapag sa may west wing at sa unang silid doon binuksan ko ang pinto.
“Good morning, Miss Benjamin, late 5 minutes for the first class,” pamilyar ang boses ng lalaki kaya agad akong napasulyap sa direksyon niya.
Ngunit nabato ako sa kinatatayuan ko at namilog ang mga mata ko ng dahan-dahan nang makita ko siya.
“Kalen?” Bulong ko.