Chapter 30

1197 Words
Chapter 30 HINDI pa rin ako makapaniwala, wala ako sa sariling lumapit sa kanya para makita siya ng malapitan kahit pa alam kung may ilang nanonood sa amin, para siyang gulat na gulat katulad ko sa pagkikita namin, napakunot-noo ako at naningkit. Hindi ako maaring magkamali, muling binawi at naging seryoso siya. Ang pinagbago lamang sa kanya, bagong gupit siya at naka-side parted short habang laglag ang bangs niya sa isang side. Nakasuot pa rin siya ng turtle neck long sleeve niya habang naka-coat. “Anong kailangan mo, Miss Benjamin?” Doon lang ako natauhan nang marinig ko ang boses niya. “A-anong ginagawa mo rito?” Hindi ko maiwasang matanong sa kanya. “Okay ka lang, Sia?” Agad akong napasulyap sa kaklaseng kong nakaupo sa tapat ko, takang-taka ang lahat habang nakatitig sa amin, “umupo ka na bago ka pa mapagalitan ng bago nating professor sa Information Assurance and Security natin, si Mister Langston, pinalitan niya si Ms. Guerra dahil naka-leave ng isang buwan.” Nanlalaki pa rin ang mga mata ko at hindi pa rin makapaniwala. Ang dami kong tanong, paano nangyari siya ang papalit? Wala sa sariling pumesto ako sa upuan ko saka siya nag-umpisang magpakilala. Hindi ba ako nanaginip, totoo ba itong nakikita ko? Biglang sumagi sa ‘king isipan nang maalala ko yung nangyari kay Penelope kagabi, yung biglang weird na pakiramdam na para bang may nagmamasid sa paligid, hindi kaya may koneksyon ito sa bigla niyang pagdating? Ang akala ko ba okay na ang lahat, na kaya na niya akong palayain at siya na lamang ang bahalang ayusin ang lahat? Hindi kaya nakarating ang laban sa lungsod na ito, nanlaki ang mata ko sa ideya na iyon at napailing… “Miss Benjamin!” Agad akong napasulyap sa kanya habang gulat na gulat pa, pati ang mga kaklase ko’y nagtatakang nakatingin sa ‘kin na para bang may kakaiba akong ginawa, saka ko binaling ang tingin kay Kalen at saka siya pinaningkitan. Hindi pa rin ako makapaniwala na professor ko siya. “Sorry,” saka ko na lang binaling ang atensyon ko sa libro ko para sa subject. Namamangha pa ako kung paano niya napag-aralan ang nasa libro para ituro ito sa amin ngunit napakalinaw niya magpaliwanag kesa sa dati naming guro sa subject na iyon. Saktong pagtunog ng bell nang matapos ang klase niya.” “…bye, class,” agad niyang paalam at saka lumabas dala ang libro niya. Agad akong sumunod sa kanya pagkalabas para lang mahabol siya, nakukuha niya ang atensyon ng mga estudyante sa hallway lalo na ang kababaihan. Nang makaabot ako sa kanya agad kong hinablot ang dulo ng coat niya kaya napasulyap siya agad sa ‘kin. Hingal na hingal ako sa paghabol dahil doble ang hakbang niya sa isa kong hakbang sa haba ng legs niya. “Anong ginagawa mo rito, Kalen?” Bulong ko sa kanya. “Huwag dito, Miss Benjamin, sa opisina ko na lang tayo mag-usap ng kailangan mo,” wika niya saka siya tumalikod. Saka ko lang napansin ang bulungan ng mga estudyante roon. Agad akong umiwas ng tingin saka ako naglakad sa kabilang pasilyo. Sa sumunod kong klase tulala ako at wala sa sarili na nagbabantay sa oras para sa vacant time ko para dumiretso kay Kalen, marami akong gustong malaman. Nang muli na namang tumunog ang bell, ako pa ang na unang lumabas sa professor namin at dumiretso na ako sa faculty room may ilang estudyante na kakalabas lamang galing sa loob. “Bakit ba kayo pasok nang pasok dito?” Sigaw nong isa sa mga professor kaya nagmadali ang ilan na lumabas habang ako’y dumiretso hanggang sa dulo. Natigilan ako nang makita ko ang isa sa gurong babae na kagaling lang sa cubicle ni Kalen, nakangiti pa at parang kinikilig ngunit nang makita niya ako agad siyang umayos at umiwas. Huminga ako ng malalim at dumiretso sa pinto nito. Agad din niya akong napansin, walang kagamit-gamit sa lamesa, maliban sa nag-iisang maliit na kabinet sa tabi ng lamesa niya, mga ilang libro roon at papel. Nakapatong sa swivel chair ang grey niyang coat sa likod nito. “Pwede mo na bang ipaliwanag kong bakit ka na andito?” Tanong ko. Tumayo siya at hinila niya ako sa braso para paupuin sa swivel chair paharap sa kanya. “Wala akong balak guluhan ka ngunit dito kami dinala ng orasyon,” pauna niyang salita kaya nakinig lang ako habang nakasandal ang puwetan niya sa lamesa, “hindi namin alam na andito ka sa malapit…malapit sa mga kaaway, maliban sa Caroline, nagpapakalat pa ng ilang elemento at nilalang ang kaaway laban sa amin dito sa Roseville, may ilan na silang nabibiktima.” “May pakay ba sila?” Nag-aalala kong tanong, yung takot ko nitong naroon ako sa Caroline ay biglang bumalik. “Sino mismo…at ikaw iyon, hindi siya titigil hangga’t hindi ka nila nakukuha dahil alam nilang maari kang magamit laban sa ‘kin,” pahina nang pahina ang boses niya. Hindi na ako nagulat na tungkol na naman ito sa kanila at hindi ako nagkamaling may koneksyon nga ito sa mga nangyayari. Ibig sabihin lang nu’n hindi matatahimik ang buhay ko kahit sa siyudad na ito, kahit saan ako magpunta nariyan lang sila at handang umatake. “Sino ang mga elementong sinasabi mo?” Tanong ko. “Mga bampira…wala ang mga kasama ko at maghihintay sila ng hudyat sa oras na magpatawag ako, alam na nila ang gagawin pero kailangan kong masigurong ligtas ka, gusto ko sanang matapos ang problema na ito na hindi mo nalalaman pero hindi ko alam na andito ka lang pala,” paliwanag pa niya. Hindi ako nakaimik, nong huli naming pagkikita hindi na kami nagkausap at may kauting hindi pagkakaintindihan. Hindi ko alam kung bakit mabilis magbago ang ihip ng hangin at para bang nag-aalala uli siya sa ‘kin. Magsasalita pa sana ako nang pangunahan niya ako… “Gusto kong humingi ng tawad sa nangyari bago ka umalis, hindi ko na kailangan pang ipagtanggol ang sarili ko o ano pa mang paliwanag, gusto ko lang mag-sorry…” Nalulunod na naman ako sa mga titig niya. “Wala ka dapat ipag-alala, naiintindihan ko ang nararamdaman mo, nangako lang kami sa magulang mo na habang nasa propisiya ka kailangan kitang bantayan at iligtas sa kapahamakan. Hindi ko gustong masakal ka o masaktan sa mga nangyayari, pero sa tingin ko kasama na iyon sa takbo ng buhay natin. Ako na ang bahala sa lahat at narito lang ako sa tabi para bantayan ka sa kapahamakan.” “Gusto ko rin humingi ng tawad, tama ka at baka hindi tayo nagkaintindihan,” hindi naman kasi kailangan maging ma-pride kaya humingi na rin ako ng tawad, ang lakas ng kalabog nang dibdib ko, bigla ko na lang siya na-miss, may kung anong naglilikot sa tyan ko at hindi ako mapakali ngunit hindi ko pinapahalata sa kanya. “Pwede ba tayo mag-umpisa uli and be civil sa isa’t isa,” saka ko nilahad ang kamay ko sa kanya para makipagkamayan. Ngumiti siya saka nakipagkamayan sa ‘kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD