Chapter 31

1450 Words
Chapter 31 NAGKUNWARI na lang ako sa buong maghapon ko na walang nangyari at wala akong alam sa nangyayari. Hindi na mababago ang lahat, kahit anong takbo ko sa sinasabi nilang propisiya hindi ko na ito matatakasan pa, nakakabit na ata ang tadhana ko rito at lalo na kay Kalen. Pagkatapos ng klase ko agad na akong pumasok sa part-time job, may mga bagay pang hindi ko alam at hindi alam ni Kalen sa ‘kin. Sabi niya kanina bago kami maghiwalay na huwag daw ako mag-alala at siya na lang ang bahala. Ang tangi ko lang na magagawa ay umiwas kung maari sa kapahamakan. Ewan ko kung saan siya pupunta basta ang sabi niya may kailangan siyang tapusin at bantayan. Binigay na lamang niya sa ‘kin ang phone number niya para madali siyang makontak kung sakaling may kailangan kami sa isa’t isa. Mas marami talagang tao o mga nakatambay na estudyante sa Coffee Cat lalo na ang mga busy sa mga projects nila sa kada-subjects. “Good evening, sir,” bati ko sa bagong costumer na lumapit sa counter kung na saan ako nagbabantay, “what’s your order, sir?” I smiled hangga’t kaya ko kasi kailangan, naobliga kong gawin dahil sa trabaho na ito ang mga bagay na ayaw ko. Isang maputlang binata habang naka-semi kalbo ang gupit niyang itim na itim ang buhok, may katangkaran siya at may tamang laki ng pangangatawan. “Isang medium size iced Americano,” sabi niya. “150 pesos, sir, for your order, may idagdag pa po ba kayo?” Muli kong tanong sa kanya. Hindi ko maiwasang mapatitig sa itim na itim ding mga mata niya, may kung anong kakaiba sa kanya na hindi ko lang maipaliwanag. Napasulyap ako kwelyo ng damit niya na para bang may mantsa roon ng dugo o lipstick sa kulay pula nito. Nang mapansin niya ito agad niyang tinakip ang suot niyang bomber jacket na itim saka ngumiti na para bang nahihiya. “Wala, take-out pala, V na lang ang ilagay mong name,” paliwanag pa niya. “Sige po,” tumango na lamang ako at saka ginawa ang kape niyang order. Nang maibigay ko ang order niya at nagbigay pa ng tip agad na rin siyang umalis. Lumapit naman ako sa ilang lamesang iniwan ng animoy bagyo sa gulo nito. Habang iniisa-isa ko ang kalat hindi ko maiwasang marinig ang ingay sa kabila at pinag-uusapan doon. “…ang scary naman ano, hindi lang naman sa taga-RU nangyari iyon diba, sa ibang unibersidad pa na mapalapit, yung iba nawawala na lang bigla at nakikita na lang na patay kung saan-saan,” takot na kwento ng babae sa kaibigan niya kaya natigilan ako. “Tama ka, nakakatakot kaya nga magkakaroon sila ng curfew para mahanap ang kumukuha sa kanila, biruin mo iisa lang ang napapansin sa namatay na biktima,” dagdag pa ng isang dalaga roon, “ubos na ang dugo nila at may kagat sa leeg, yung babaeng RU lang ata ang nakaligtas pero kritikal daw ngayon sa ospital, sabi ng pamilya hindi pa tumatakbo ang imbestigasyon dahil gustong maging pribado.” “Hala, hindi kaya aswang yan,” komento ng isa. “Or worse baka bampira,” muling sabi nong isang mas takot pa sa kanilang apat samantalang siya lang ang nag-umpisa ng usapan na iyon. Ibig sabihin hindi nagkakamali si Kalen sa sinasabi niya, pero nadadamay ang inosente dahil sa ‘kin, hindi kaya kailangan ko nang bumalik talaga sa Caroline at doon tapusin ang lahat. Nabigla na lang ako nang may tumawag sa pangalan ko kaya napalingon ako sa counter. “Sia…” “Opo, ma’am,” saka ako nagmadaling niligpit ang kalat sa lamesa at bumalik sa puwesto ko. Kahit pa abala ako sa buong shift ko hindi pa rin mawala ang mga katanungan ko hanggang sa makauwi ako sa bahay, saktong bumuhos ang ulan, paghawak ko ng doorknob at mahawakan itong maluwag mabilis na tumibok ang puso ko. Dahan-dahan ko itong tinulak at pinakiramdaman ang malamig na bahay habang madilim pa rin sa loob. Pagsulyap ko sa sahig nagkalat ng kung anong likido roon, pagkidlat at pagliwanag nito nanlaki ang mga mata ko nang makitang nagkalat na dugo roon. “Sino na andyan?” Hindi ko na natago pa ang takot ko lalo na nang makarinig ako ng ungol sa may sala sa mismong likod ng sofa kung saan huminto ang linya ng dugo. Kinapa ko ang gilid ng pinto nang makapasok ako at pinindot ang swift na siyang pagliwanag ng buong sala. Nakuha ko ang baseball bat dahan-dahan pumasok doon, handa na sana akong gamitin ito ngunit nabigla ako sa ‘king nasaksihan kaya agad ko itong binitawan saka lumapit sa kanya… “Kalen!” Puno ng dugo ang damit niya na nagmumula sa dibdib niya at sa kanyang bibig. Namumutla siya at umuungol lang na hindi makagalaw sa kinahihigaan kahit pa gising pa siya. Una kong na isip na hindi ako makakahingi ng tulong sa ospital dahil hindi siya mortal katulad namin, wala rin sila Mia rito para tulungan kami at lalo na siya. Sinara ko ang pinto at maingat siyang binuhat kahit pa ilang beses kaming halos matumba. Dinala ko siya sa guest room sa baba kaya hindi na kailangan pang umakyat sa taas dahil mas lalong hassle iyon. Inihiga ko siya sa kama at dahil sa bigla muli siyang nasaktan sa ginawa ko. Lalo na nong madala niya ako, bumagsak ako sa ibabaw niya kaya nasagi ko ang sugat niya. Agad akong bumangon, “sorry, sorry,” agad kong binuksan switch saka ko kinuha ang medical kit sa banyo. Hindi na ako nagdalawang-isip na tanggalan siya ng pang itaas na damit, may kung anong kumalmot sa kanya, “bakit hindi pa gumagaling ang sugat mo? Diba kosang gumagaling ang sugat mo dahil lobo ka?” Kaso ungol lamang ang isinagot niya. Taas-baba ang dibdib niya at nahihirapan na siyang humingi. Para na akong mababaliw habang nililinis ko ang sugat niya ngunit patuloy pa rin ito sa pagdurugo. “Jusko! Ano bang nangyari sa ‘yo?” Nanginginig na rin ako at hindi alam kung paano siya papahintuin ang pagdurugo, kung may mahika lang ako o makakatulong sa amin baka maari pa. Para na siyang naghihingalo, ang nagawa ko na lamang ay hawakan siya ng mahigpit sa kamay niya, may tumulong tubig galing sa kamay ko, nagiging emosyunal ako dahil sa kanya. “Ano bang dapat kong gawin?” Iyak kong tanong habang malakas pa rin ang ulan sa labas. Nabigla na lang ako kasabay ng pagsigaw ko at mahigpit na paghawak sa kamay niya nang magdilim dahil sa lakas ng kidlat ay nag-brown out pa. Pero mabilis ding nagliwanag pero hindi dahil bumalik ang kuryente kundi dahil sa animoy alitaptap na lumilipad papasok sa silid. Sinundan ko sila hanggang sa dumarami sila, pinalilibutan nila kami ni Kalen, habang pinagmamasdan ko sila doon ko napansin na hindi sila alitaptap, animoy mga nilalang sila katulad namin ngunit mas maliit na bersyon, may pakpak, may iba’t ibang kulay sa buhok habang mahahaba ang tenga nila at may weird na kasuotan. Ngumiti lang ang ilan sa ‘kin saka sila lumapit sa kay Kalen lalo na sa sugat nito, sa isang iglap nawala ang takot ko, hindi ako natakot sa kanila o posibleng gawin nila Kalen dahil pakiramdam ko pamilyar sila sa ‘kin. Lumapit pa sila ng husto at nagkaroon ng liwanag nang makarinig ako sa kanila na para bang umaawit ng sabay o chant nila ito na hindi ko maintindihan. Namilog ang mga mata ko nang makitang bumabalik ang kulay ni Kalen, dahan-dahan nagsara ang sugat niya mismo na para bang may sariling buhay. May isang lumapit sa ‘kin habang patuloy pa rin ito sa ginagawa ang mga kasama niya. ‘Mahina ang alpha sa lugar kung saan hindi pamilyar ang kalakasan niya, kaya mahihirapan din siyang pagalingin ang sarili niyang sugat, bilang magiging Luna ng pack at magiging asawa niya, ‘wag mong hayaan na mapahamak ang alpha,’ hindi bumubuka ang bibig niya ngunit nagawa niyang makipag-usap gamit ang isip niya. Napatango na lamang ako at hindi umimik pa, “ma-maraming salamat.” ‘Walang anuman, binibini, bantayan mo na lamang siya dahil kailangan lamang niya ng pahinga bago sumabak sa laban,’ dagdag pa niya. Lumayo siya sa ‘kin at bigla na lamang dumilim ang buong silid. Hindi nagtagal bumalik ang liwanag at wala na sila. Doon ko napagtantong hindi ko pa rin binibitawan ang kamay ni Kalen sa sobrang pag-aalala ko sa kanya, pero kahit alam kung pagaling na siya ayaw ko pa ring bitawan ang mga kamay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD