Chapter 32
NAGHANAP ako ng maari niyang masuot ngunit wala akong nahanap, tinakpan ko na muna siya ng makapal na kumot doon saka isa-isa kong hinubad ang mga damit niya, maingat ko namang hinubad ang pang ibaba niya, hingal na hingal ako nang maihalo ko ang pantalon niya kaya ang alam ko tanging underwear na lamang ang natira sa ilalim. Kumuha ako ng maliit na palangana at malinis na towel na pamunas sa katawan niya lalo na’t may mga dikit pang natuyong dugo roon. Nang makakuha ako muli akong bumalik sa kanya, wala pa rin siyang malay kaya maingat kong pinupunasan ang braso niya.
Saka ko naman sinunod ang mukha niya, natigilan ako nang mapansing dumidilat-dilat siya at gumalaw ang kamay niya patungo sa kamay ko para hawakan. May kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang hawakan niya ako. Muling pumikit ang mga mata niya ngunit hawak pa rin niya ako.
“A-anong nangyari?” Tanong niya sa ‘kin na para bang naghihina pa rin.
“Its fine, kailangan mo lang ng pahinga, bukas na lang tayo mag-usap pag may lakas ka na uli,” sagot ko sa kanya.
“Gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng ginawa ko sa ‘yo, kung pwede pang mabawi ang propisiya gagawin ko para hindi ka magdusa ng ganito,” dagdag pa niya na siyang nagpatigil sa ‘kin, “hindi kita intensyon na saktan ka, patawad sa lahat, gusto kong bumawi, hindi naman dapat ganito yon…kasi…”
Hindi na siya nagsalita pa at dahan-dahan bumitaw ang mga kamay niya sa ‘kin muli siyang bumalik sa pagtulog kaya hinayaan ko na lamang. Kaya binalik ko na lamang ang sarili ko sa ginagawa ko, hindi na ako nakakain pa dahil pagod na rin ako, dinalaw na rin ako ng antok habang nagbabantay ako sa kanya.
***
Nagising ang diwa ko at napamulat ng mata nang maramdaman kong may mabigat sa ‘king bewang. May mainit na hangin na bumubuga sa mukha ko at para bang may malapit nang tuluyan na nga akong magising, nanlaki ang mga mata ko na sobrang lapit ko na kay Kalen, nakayakap ang braso niya sa bewang ko habang ano mang kilos ko maari ko na siyang mahalikan. Kumilos siya kaya lalo kaming nagdikit, napunta naman ang sa may dibdib niya nang lalo niya akong yakapin, nakaharap na ako sa dibdib niya habang ramdam ko ang init ng katawan niya dahil underwear lang ang suot niya.
Hindi ko alam kung paano ako aalis sa pagkakagising niya, nanlaki lalo ang mata ko nang maramdaman kong may tumutusok sa puson ko, sa gulat at kilabot na naramdaman ko agad ko siyang naitulak ngunit nasobrahan ata nang mapabitaw siya sa ‘kin dahil bumagsak siya sa sahig dala ang kumot.
Agad akong bumangon habang mabilis pa rin ang t***k nang puso ko.
Hinihimas-himas pa niya ang ulo nang maupo siya sa sahig at para bang nainis sa ginawa ko.
“Sorry, mag-ayos ka na at maghahanda ako ng agahan natin,” wika ko saka ako nagmadaling lumabas ng silid at dumiretso sa kusina.
Saka lang ako nakahinga at kumalma ang nagwawala kong puso. Jusko naman ano naman kasi iyon!
Nag-init ako ng tubig, nagprito ng itlog at spam saka ko ininit ang kanin na tira ko pa kahapon. Pagharap ko sa pinto agad akong napatalikod nang makita ko siyang papasok at underwear lang ang suot.
“Hindi mo na lang ginamit yung kumot bago ka lumabas,” wika ko habang nakatalikod siya, sinilip ko sita ngunit dire-diretso siya sa direksyon ko dahil malapit ako sa may ref hanggang sa tuluyan siyang nakapasok. Dahan-dahan akong lumapit, kahit pa ilang beses ko na siyang nakitang nakahubad dahil sa pagpapalit niya ng anyo hindi pa rin normal iyon para sa ‘kin.
Pinaningkitan niya ako.
“Anong ginagawa mo?” Tanong ko sa kanya habang nakasandal ang likod ko sa lababo.
“Iinom ako ng tubig, nakaharang ka sa ref,” sabi niya kaya nagmadali akong umalis sa pagkakaharang doon.
Nahiya ako bigla ngunit bumalik na lang ako sa ginagawa ko kahit namumula ang pisngi ko sa hiya.
Muli siyang lumabas, inayos ko na ang bilog na lamesa para sa amin kaya nong bumalik siya suot na niya yung madumi pa niyang damit at naupo sa tapat ko.
“Komportable ka ba dyan?” Tanong ko sa kanya.
“Makakapagpalit naman ako mamaya pag umuwi ako,” sagot niya saka pinagmasdan ang mga nakahandang agahan, saka niya kinuha ang tasa ng kape sa harapan niya.
“Saan ka ba umuuwi? Mamaya pa ang klase ko ngayong araw, wala ka bang trabaho ngayon?” Tanong ko sa kanya.
“Wala,” mabilis din niyang sagot.
Binalik ko ang sarili sa agahan ko.
“Maraming salamat,” napasulyap ako nang magsalita siyang muli.
May kung ano na namang naglilikot sa dibdib ko at tyan sa kaba.
“Huh?”
“Sabi ko maraming salamat, okay ka lang ba? May sakit ka ba, bakit namumula ang pisngi mo?” Iaabot na sana niya ang kamay niya para hawakan ang mukha ko ngunit agad kong nilayo ito bago pa man siya makalapit.
“Okay lang ako, huwag mo na lang pansinin at kumain ka na lamang dyan,” wika ko saka tumahimik na lamang ako at nag-agahan kasama siya.
Nang matapos kami at magligpit ng pinagkainan namin saktong tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito saka sinagot na hindi man lang sinisilip kung sino ito.
[“Hello, Sia…”]
Napakunot-noo ako nang makilala ang boses sa kabilang linya.
[“Hello, Karen?”]
Napansin kong sumisinghot-singhot siya at paos ang kanyang boses. Ilang segundo bago siya umimik muli.
[“Gusto ko lang sabihin na patay na si Penelope, wala na siya.”]
Natigilan ako sa kinatatayuan ko, para akong binuhusan ng malamig na tubig sa balitang narinig ko mula sa kanya, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong ireak doon, nanginginig ang kamay kong ibinaba ang phone ko sa may lababo, hindi makapaniwala, halo-halong emosyon nag-uumapaw sa ‘kin, para akong nanghihina kahit pa kakaalmusal lamang namin. Nag-unahang bumagsak ang luha ko, napasulyap ako kay Kalen nang bumalik siya sa kusina, una’y tinitigan niya ako hanggang sa magtaka siya at nagmadaling lumapit.
“Ang akala ko ba okay ka lang?” Tanong niya saka siya lumapit sa ‘kin at yinakap siya.
Yumakap ako pabalik nang sobrang higpit at saka humikbi habang nakatago ang mukha ko sa dibdib niya. Naramdaman ko na lang na hinahaplos-haplos niya ang buhok ko.
“Shhh,” pagtatahan niya sa ‘kin kaya nga hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Dahan-dahan akong bumitaw sa kanya at nagsusumamong tumitig sa kanya, “gusto kong maghigante, tulungan mo ko, Kalen, hindi ako titigil hangga’t hindi ako nakakapatay ng isa sa kanila.”
Nag-aalala siyang tumingin sa ‘kin saka hinawakan ang magkabila kong pisngi gamit ang dalawa niyang kamay, “sigurado ka ba? Hindi naman---”
Pinutol ko ang sasabihin niya, “itutuloy ko ang nasa propisiya basta tulungan mo kong maipaghigante ko ang kaibigan ko.”
Natigilan siya sa sinabi ko at para bang hindi makapaniwala.
“Hindi mo naman kailangan pilitin dahil lang---”
“Sige na, babalik na rin ako sa Caroline para hindi na madamay ang ilan ditong inosente,” pagpupumilit ko.
Nakatitig ang misteryoso niyang mga mata at tumango-tango.