Chapter 33

1126 Words
Chapter 33 SABI ni Kalen siya na lang ang bahala sa lahat basta ang lagi ko lang tandaan na umiwas ako kapahamakan lalo na kung nararamdaman kong nasa malapit lang sila, ngunit paano ko naman gagawin iyon? Wala naman akong kapangyarihan para maramdaman iyon! Bumalik ako sa klase na para bang walang nangyari at ganu’n din si Kalen sa kanyang trabaho bilang pagpapangap na professor ng unibersidad sa RU. Nagkaroon ng tribute para kay Penelope sa paaralan, may isang puwesto na may malaking picture niya at doon na lamang maglalagay ng gusto nilang isabay sa libing ng dalaga, pinagbawal kasi ng pamilya na bumisita ang lahat na kakilala nito lalo na ang mga kaibigan. Puno nang bulaklak sa harapan ng malaki niyang larawan, patuloy pa rin ang pagbisita ng ilang estudyante roon at may ilan pang nagsisindi ng kandila. Totoo nga ang sinasabi nilang mas mahal ka ng lahat sa oras na nawala ka na, dahil dati iilan lang ang madalas kong kasama ni Penelope may ilan pang condolence at mahabang messages sa sss pages para sa kanya. Lalapit na sana ako nang may mapansin ako, si Karen, hindi niya mapigilang umiyak doon, sa lahat ng naroon may karapatan siya dahil siya ang mas matagal nitong nakasama, may nagpapatahan sa kanyang lalaki, nang papalapit ako mas lalo kong namumukhaan ang binata, siya yung lalaking nakita nitong nakaraang gabi sa coffee shop. Bigla siyang napabaling sa direksyon ko, imbes na normal ang igawad niya sa ‘kin dahil ngumiti siya na para bang wala lang na siyang napagkunot-noo ko. Hinila niya si Karen kaya naglakad na sila palayo roon. Lumapit ako sa larawan ni Penelope at saka nilapag ang bulaklak na kinuha ko pa sa hardin ni tita para lang sa kanya mahal din ang bumili sa labas, ako lang ang may unique na bulaklak doon sa karamihan na halos chrysanthemum ang inalay nila sa dalaga. Hindi ko alam kung bakit naisipan kong sumunod kila Karen, nakita ko na lang na naglalakad ako sa mga dinadaanan nila hanggang sa makarating kami sa hallway ng isang building sa RU, pinapatahan pa rin niya ito, huminto ako ng hindi naman gaanong malayo sa kanila nang mapansin kong tumigil din sila sa may tapat ng banyo, pinupunasan niya ang luha ni Karen bago siya nagpaalam at pumasok doon si Karen. Maya-maya lang ay naglakad na siya pabalik, nagtama ang mga mata namin nang makita niya ako at muling ngumisi. Naglakad ako at nagkunwaring wala lang sa ‘kin ito. Nang makasalubong ko siya may biglang bumanga sa kanya para bumanga rin siya sa ‘kin, nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong hatakin para hindi ako mawalan ng balanse, sobrang bilis nang t***k ng puso ko pero isa lang ang napansin ko ang lamig ng mga kamay niya na para bang galing ito sa freezer, dahil sa gulat ko agad kong tinanggal ang kamay niya sa balikat ko at lumayo sa kanya. Sumulyap siya sa ‘kin habang nakatingin ang ilang estudyante at yung lalaking nagmamadali na bumangga sa kanya. “Sorry, bro, hindi ko sinasadya,” wika nito na para bang kinakabahan hindi ko siya pinasadahan ng tingin dahil nakatingin lang ako sa maputlang lalaking kasama ni Karen. “Ayos ka lang?” Tanong niya sa ‘kin. Hindi ako nakasagot at sinulyapan lang siya saka ako naglakad palayo sa kanya. Iniisip-isip ko kung bakit ang lamig ng mga kamay niya? Halos patapos na ang klase ko sa maghapon na iyon nang makaramdam ako ng pagod at antok. Nasa girls locker room ako para magbihis ng uniporme kong pang pasok nang maupo ako sa isang tabi dahil sa biglang antok na hindi ko kayang pigilan, hanggang sa manlabo… ~*~ Nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ako ng ingay, agad kong sinundan ito kahit na hindi ko alam kung na saan ako ngayon, bigla ko na lang nakita si Penelope nang nakabulagta sa harapan ko, duguan sa may leeg nito at naliligo sa sarili niyang mga dugo. Dahan-dahan akong bumaba para pagmasdan siyang malinaw, hindi ko alam kung sino ang gumawa nito sa kanya pero yung poot na nararamdaman ko nong malaman kong patay na siya’y bumalik. Halos matumba ako at mapalayo nang magising siya’t hawakan ako sa isa kong kamay. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatitig sa ‘kin. “Mag-iingat ka sa kanya,” wika niya na para bang takot na takot at bigla na lang siyang lumuluha. “Pata---wad,” bulong ko at hindi na ako halos makahinga. “Mag-iingat ka sa kanya,” pag-uulit niya at hindi ko pa rin mabawi ang braso ko sa kanya. Sa isang iglap biglang nagbago ang anyo niya, mas lalong hindi ako makapaniwala nang makita kong si Karen na ngayon ang nakahiga roon habang hawak ko, katulad niya’y naliligo rin ito sa sariling dugo nito. Napailing ako, ‘hindi ito maari!’ “Sia, tulungan mo ko…Sia…” Nakarinig na naman ako ng sigaw sa di kalayuan at sigurado akong hindi sa kanya galing iyon. ~*~ “Sia…” Napabalikwas ako ng bangon nang maramdaman kong may kumakalabit sa ‘kin, lumayo siya sa ‘kin dahil sa biglang pagbangon ko at pasalamat na lamang ako’y lumayo siya. Parehas kaming gulat na gulat habang nakatingin ako kay Karen. “Karen?” Namumugto pa rin ang mga mata niya at namumula sa kakaiyak, bagong ligo siya habang nakapagbihis na rin, nakahinga ako ng maluwag nang makitang panaginip lang pala ito. “Okay ka lang ba, para kang binabangungot?” Nag-aalala niyang tanong. Napalunok ako at naramdamang pinagpapawisan na pala ako, “o-okay lang ako, salamat sa paggising.” “Walang anuman, mukhang papasok ka na pala,” sabay tingin niya sa yakap kong uniporme. “Ah oo,” sabi ko saka ako tumayo, lumapit naman siya sa locker niya para kunin ang gamit niya, sinusundan ko lang siya ng tingin, “sorry.” Tumigil siya at sumulyap sa ‘kin na para bang maiiyak na naman siya, “salamat.” “Sige, aalis na ako,” hindi ko na nagawa pang makapagbihis dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko at hindi ako marunong magsabi ng mga salitang makakapagpagaan ng pakiramdam niya kahit gusto kong tumagal para lang kausapin siya. “Sia.” Tawag niya saka ako humarap muli sa kanya. “Mag-iingat ka palagi,” parang nawala ang pagiging masungit niya at astigin. Bigla kong naalala ang panaginip ko tungkol sa kanya, hindi ko gustong mangyari sa kanya ang nangyari kanya Penelope. “Mag-iingat ka rin,” sabi ko pabalik tumango na lamang siya at binalik ang atensyon sa ginagawa niya. Naglakad na ako paalis at dumiretso na ako sa coffee shop.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD