Chapter 34
HALOS matatapos ko na ang shift ko nang ako naman ang nakatuka sa pagtapon ng mga basura sa likod ng mismong coffee shop namin, bahagya lamang ang liwanag na sumalubong sa ‘kin doon nang buksan ko ang pinto ng kusina at muling isara.
Katapat lamang nito ang mga nakabukod na mga basura sa nabubulok at di-nabubulok. Nang mailagay ko ito sa malaking bakal na tapunan bigla na lamang ako napahinto nang may kung anong bumulong kasabay nang pag-ihip ng malamig na hangin. Kosa na lamang akong napasulyap sa dulo ng eskinita nang mapansin kong may nakatayo roon at nakatapat sa direksyon ko.
Hindi ko alam kung malabo lang ang mga mata ko, dahil patay-sindi ang post light doon bigla rin nawala ang nakatayo roon kaya hindi ko na lamang pinansin, pagharap ko sana sa pinto agad na nanlaki ang mga mata ko nang may halimaw na bumulaga sa ‘kin na nakaharang doon, sobrang itim, kulubot ang balat niya sa mukha, may mahahabang tenga, itim ang kulay nito, pulang mga mata at may matatalas na pangil.
Hindi ko na nagawa pang mapasigaw nang itulak niya ako, bumagsak ako sa basang kalsada ng eskinita saka tumama ang likod roon sa bakal na basurahan,
“Argh!” Singhal ko sa pagtama ko roon, para siyang mortal kong manamit pero may nakakatakot siyang mukha at matatalas na mga kuko sa kamay.
Bumagsak ako sa semintado sahig nang dambahin niya ako.
Sisigaw na sana ako para humingi ng tulong ngunit tinakpan niya ang bibig ko ng isa niyang kamay at hinawakan paitaas ang dalawa kong kamay sa ulo ko. Nagpupumiglas ako at tinapat niya ang mukha niya sa leeg ko.
‘Jusko, tulong! Ito na ba ang nangunguha sa kanila, siya ba ang pumatay kila Penelope?’
Ginalaw ko ang tuhod saka siya tinuhod sa pribadong parte ng katawan niya, nabitawan niya ako saka ako nakatayo, lalapit na sana siya nang makakuha ako ng panlaban, tubong nakatayo sa gilid at mabilis na hinampas sa ulo niya.
Napatigil siya at nagkaroon ng sugat sa sintido niya ngunit parang hindi siya nasaktan. Sapilitan niyang hinila ang tubo saka binato sa gilid. Muli niya akong dadambahin nang yakapin ko ang sarili ko sa takot ngunit ilang segundo akong nasa ganu’ng posiyong wala namang nangyari o sakit na naramdaman.
Nakarinig na lamang ako ng mga kalampag at paglaglag ng mga gamit nang maidilat ko ang mga mata ko nakita ko na lamang si form ni Kalen bilang lobong nakikipaglaban sa halimaw na ito.
Agad na nakaganti ang halimaw sa kanya saka siya kinalmot sa mukha, kumuha ako ng makakaganti sa halimaw nang muli kong damputin ang tubong ginamit ko sa kanya kanina, mabilis kong tinusok ito sa likod niya. Nanginginig pa ang kamay ko nang tumagos ito sa tyan niya at magtalsikan ang dugo sa damit ko at kay Kalen.
Nanghihina ang kalaban ngunit gusto pa niyang umatake nang unahan na siya ni Kalen nang sakmalin niya ito sa leeg. Parehas silang natumba habang nilalapa siya ni Kalen ay tumakbo na ako palabas at wala na akong balak bumalik sa trabaho ko sa takot. Mabuti na lamang at wala pang gaanong naglalakad nang makapagpara ako ng taxi.
Nang makasakay ako tingin nang tingin ang driver sa ‘kin habang nanginginig pa rin ako dahil siguro sa itsura ko.
Hindi na ako nagsalita pa nang makapagbayad ako at ibaba ako ng taxi sa mismong tapat ng bahay ko kung saan ako nakatira. Pagbukas ko ng pinto, may ilaw na doon at naroon na si Kalen. Kakatakip pa lamang niya sa ibabang parte ng katawan niya. Nakatingin siya sa ‘kin habang pinasadahan ko ng tingin ang mukha niyang may sugat pa sa kalmot dahil sa halimaw na nakalaban niya.
Nanginginig pa rin ang buong katawan ko pero nagawa ko pa ring lumapit sa kanya.
“Halika na, gamutin natin ang sugat mo---”
Binawi niya ang kamay niyang hawak ko saka siya naman ang humawak sa ‘kin, “for once yung sarili mo naman ang alalahanin mo, kaya ko ang sarili ko.”
Natigilan ako sa sinabi niya.
Lumayo siya sa ‘kin at pumasok sa silid. Ilang minuto akong nakatayo roon nang paglabas niya nakita kong nakapagbihis na siya, wala akong ideya kung saan siya nakakuha roon ngunit kinuha na lamang niya ang kamay doon at isinama sa pagpasok sa silid saka kami dumiretso sa banyo. Lumayo siya saka binuksan ang gripo sa may bathtub.
Lumabas siya ng banyo aktong isasara niya nang pigilan ko siya, “huwag…”
Nag-aalala siyang tumingin sa ‘kin, “hindi ko i-lock,” wika niya saka niya dahan-dahan sinara ang pinto at may awang lamang ito ng ilang pulgada.
Nanginginig pa rin ang mga kamay ko habang hinuhubad isa-isa ang damit ko, saka ko binabad ang buo kong katawan sa malamig na tubig. Ilang minuto akong nakatitig at nakatulala sa tubig. Iniisip yung panaginip ko kay Karen at saka sa nangyari kanina. Hindi pa ako sanay sa ganito kahit pa ilang beses na akong kamuntik na mapahamak kung hindi dahil kay Kalen na ilang beses din akong iniligtas. Masasabi kong mas nakakatakot ang nilalang na ito kesa sa mga lobo.
Halos kalahating oras kong nilinis ang katawan ko bago ako umahon at magsuot ng roba. Paglabas ko ng banyo nakatayo lang si Kalen at naghihintay. Kumuha siya ng face towel sa lalagyan saka lumapit sa ‘kin, ipinatong niya sa ulo ko at pinaupo sa kama. Tumayo siya sa harapan ko habang dahan-dahan na pinupunasan ang basa kong buhok.
Ramdam ko pa rin ang panginginig ko.
“Pwede bang bantayan mo ko, please…Kalen,” halos pabulong kong wika, “huwag mo kong iiwan kahit ngayon lang,” nawala ata ang tapang at lakas ko.
Naupo siya at tinapat ang mukha niya sa mukha ko habang hawak niya ang magkabila kong pisngi.
“Hindi kita papabayaan, magbihis ka na muna bago ka magpahinga,” sabi niya saka siya lumayo sa ‘kin at lumabas ng silid.
Ilang sandali lang nang makapagbihis na ako at bumalik siya sa loob. Tinabihan niya ako at parang gising na gising pa rin ang diwa ko.
“Kailangan mo nang magpahinga,” wika niya na bumasag sa katahimikan naming dalawa.
Nahiga na ako sa kama at saka siya tumabi. Sa una’y nakaharap siya sa ‘kin at aktong tatalikod siya sa ‘kin nang pigilan ko siya ko siya at hilahin pabalik para humarap sa ‘kin. Bahagya siyang nagulat ngunit agad na nagbago ang reaksyon niya. Hindi na siya umimik, nakahawak pa rin sa gilid ng damit niya at ipinikit ang mga mata ko. Wala akong balak matulog at gusto ko lang ipikit ang mata ko para mawala ang takot at saka kaunting hiya ko sa kanya.
Naramdaman ko na lamang ang kamay niyang hinahaplos ang buhok ko na animoy sinusuklay, gumaan ang pakiramdam ko sa ginawa niya, lumuwag ang pagkakahawak at wala sa sariling lumapit sa kanya. Tumigas ang katawan niya nang maitago ko ang mukha ko sa may dibdib niya, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng paggaan nang loob sa kanya. Maya-maya’y yumakap siya pabalik at patuloy pa rin siya sa pagsuklay sa buhok ko, hindi ko alam ngunit nakatulog ako sa ginawa niya.